You are on page 1of 2

“MITOLOHIYA”

“Ang Pagtataksil ng mga Tao”


Submitted by: Roby Dave Bisa & William Hottman
Submitted to: Cely Sindanum

Noong unang panahon, simula ng lahat, may Diyos na nagngangalang Arcturus, na may dalawang
anak, si Primisiel, na isang Omega Angel at si Lilith na isang Omega Demon. Si Arcturus ay gumawa ng
siyam na “Realms” ito ay ang Heaven, Hell, Overworld, Underworld, Purgatory, Limbo, Eden, Agartha at
Terra (kilala din sa pangalang na Earth o Mundo). At ang pyumapagitan sa siyam na Realms ay ang
Yggdrasil, o mas kilala sa pangalan na Tree of Everything (pinagmulan ng Branch of Life at Branch of
Knowledge) na mayroon bawat Realm. Nang inilikha ni Arcturus ang unang tao, na sina Adam at Eve,
binigyan sila ng babala na huwag kainin ang Forbidden Fruit of Knowledge o ang Ipinagbabawal na
Prutas ng Kaalaman. At kung hindi sila sumunod ay papalayasin sila sa Eden Realm at itatapon sa Terra.
Isang araw ay nalaman ni Arcturus na ang kanyang dalawang anak na sina Primisiel at Lilith ay
nag iibigan, at siya ay nagalit nang lubusan. Ngunit, dahil silang dalawa ay ang paboritong likha o anak ni
Arcturus ay pinalagpas nya ito.
Isang araw, habang pinagmamasdan ni Lilith sina Adam at Eve ay naawa sa dalawa dahil sa
kanilang kamangmangan. Inalok nya na kainin ang pinagbabawal na prutas ng kaalaman At kinai naman
ito ng dalawa, nagalit si Arcturus dahil sa ginawa nito at hindi lang si Adam at Eve ang pinarusahan,
ngunit pati si Lilith at si Primisiel Dinala ang dalawa sa Tenebris, kung saan napupunta ang mga
namamatay na Angel at hindi na nagreresurrect. Sa Tenebris ay nakalikha ang dalawa ng dalawang anak,
at yun ay sina Baltazar (The Omnipotent One) na isang Demonic Nephilim, at si Dantiel (The
Omnipresent One) na isa namang Angelic Nephilim. Ang mga Nephilim ay breed ng isang Angel at
Demon, pag ikaw ay nasabing Angelic Nephilim ay nananaig sa iyong dugo ang Angelic side at ganun
din kapag ikaw ay natawag na Demonic. Dahil sa kabagutan, o pagka “bored” ni Premisiel ay
panapanahon siyang namamasyal sa ibat ibang sulok ng Tenebris, upang umanap ng daan palabas dito.
Sa kanyang paghahanap ay nakakita sya ng isang Entity na nagngangalang Quinctos, nang
makita niya si Quinctos ay ito’y nakakadena, at ang mas Malala pa doon ay ang mga kadena ay hindi
naka hawak o naka palibot sa kaniyang mga kamay at paa, ito’y naka tusok sa kanyang iba’t ibang parte
ng katawan. At sa pagpapaikli ng kuwento ay natulungan sy ni Quinctos na gumawa ng panibagong
Entity na mas malakas pa kay Arcturus. At ang pangalan ng entity na ‘yon ay si Harviel. Inabsorb ni
Harviel ang powers ni Quinctos nang walang pang aalinlangan, at dahil dito ay nakaalis sila sa Tenebris
at nakahap ng daan papuntang Terra. Doon ay nakita sila ng mga tao at sila’y nagpakitang gilas para sa
kanilang respeto at pagpupuri. Ang tatlong magkakapatid na sina Baltazar, Dantiel at Harviel ay naging
kilala sa kanilang mga kakayahan.
Si Harviel ay binansagan na “The Omniscient One” dahil sa kaniyang taglay na kaalaman. Si
Dantie naman ay tinawag na “The Omnipresent One” dahil sa kanyang pagka matulungin sa iba’t ibang
bagay. At si Baltazar ay tinawag na “The Omnipotnet One” dahil sa kanyang kalakasan. Ang tatlong
magkakapatid ay patuloy na naglingkod sa mga tao. At sa mga kaganapang iyon ay nakahanap si Dantiel
ng kaniyang asawa na si Lisa na anak ni King Xerxex. Nagbunga ang pagmamahalan ni Lisa at ni Dantiel
at si Lisa ay nabuntis, naisipan nilang magpakasal dahil dito.
Nang malaman ni King Xerxex na ang mapapangasawa ng kaniyang pinakamamahal na anak ay
isang “Immortal” o may abilidad na bihira sa mortal ang mayroon, ay nagkaroon siya ng maitim na
balak..Naisipan niyang tanungin si Harviel kung ano ang kahinaan ng mga Entity na gaya nila, at ang sabi
ni Harviel ay ang kahinaan nila ay Pink Diamonds, at dahil sa kasakiman ni King Xerxex ay pinatawag
nya ang kaniyang mga pinakamagaling na sorcerer, at nagpagawa ng armas na gawa sa Pink Diamond.
Nang dumating ang araw na pinagplanuhan ni King Xerxex upang patayin si Dantiel ay inutusan
niya ito na pumunta sa kaniyang palasyo. At dahil sa pagiging mabait na manugang ni Dantiel ay
pumunta siya sa palasyo at do’n siya pinatay ni King Xerxex gamit ang kaniyang Pink Diamond na
Armas.
Dahil sa pagkamatay ng kaniyang kapatid, nagalit si Baltazar at pinatay niya si King Xerxex, at
sinisi nya si Harviel sa mga pangyayari. Sa kabilang dako ay kinupkop ni Harviel si Lisa, na
kasalukuyang nagdadalang tao. Kinupkop ni Harviel si Lisa dahil sa kaniyang konsesnsya sa pagkamatay
ni Dantiel at naawa siya sa kinahantungan nya. Lumipas ang panahon at nakapag panganak na si Lisa at
pinangalanan niya ang kaniyang anak na Rowan.

You might also like