You are on page 1of 2

TEMA

Ang tema ng Harry Potter and the Sorcerer's Stone ay pakikipagkaibigan, mahika, at ang pagtatagumpay
ng mabuti laban sa masama sa pamamagitan ng mga tamang desisyon.

Ang serye ng mga aklat na Harry Potter, na isinapelikula, ay isa sa mga pinakamamahal na libro na
sinubaybayan mula pagkabata hanggang sa pagdadalaga at pagbibinata ng mga mambabasa. Ito ay
kapupiulutan ng mga aral at nakakapukaw ng imahinasyon.

DAMDAMIN

Si Harry, sa kabila ng hindi magandang pagtrato sa kanya ng kaniyang tiyuhin ay naging masunurin at
magalang. Dito niya nahasa ang kanyang pagiging pasensyoso sa mga tao, kahit pa naiiba ang kanilang
personalidad.

Nang matuklasan ni Harry na siya ay tanyag sa kaniyang "totoong mundo", hindi rin ito naging
dahilan upang maging mayabang. Sa katunayan, ito ang dahilan ng kanyang pagpapakumbaba.

Dahil rin marahil sa nakagisnan niyang pamilya, kaya naging matalino si Harry sa pagpili ng mga tao para
maging kaibigan. Hindi siya nadala sa inaalok ni Draco na "pakikipagkaibigan" kahit na siya ay sikat at
mayaman, dahil na rin sa kanyang hindi kaaya-ayang ugali.

Isa rin ang Loyalty sa naging mga bisa sa isip at damdamin ng Harry Potter. Nang matuklasan ni Harry
ang Sorcerer's stone, at ang kakayahan nito, ay hindi siya nagpaakit. Kahit na ang posibilidad na makita
niya muli ang kaniyang mga magulang, ay hindi naging tukso sa kanya. Dahil sa kaniyang katapatan sa
kaniyang paaralan at sa mga taong kasama niya doon, ay halos ibuwis niya ang kanyang buhay nang
malaman niyang nasa panganib ang Hogwarts.

Sa kabuuan, malayo ang mararating ng pagiging tapat sa sarili at sa kapwa. Nagiging patas tayo sa lahat,
at ito rin ang nagiging dahilan para tayo ay mahalin o galangin ng ating kapwa.

Mga tauhan sa kwento:


Harry Potter

Dursleys

Hagrid

Hermione Granger

Ron Weasley

Draco Malfoy

Voldemort

Albus

Suliranin sa kwento

Ang paninirahan sa mga mapang abusong tiyuhin at tiyanhin ni harry potter lalo na ang pinsang nitong
masama

Ang pamumuhay ni Harry Potter sa Hogwartz

Ang kalaban na si Voldemort

Ang kanyang magiging karibal na si Draco Malfoy

You might also like