You are on page 1of 4

MULING PAGKAKATAWANG-TAO SA MUNDO NG

PANTASYA

Si Rudy ay hindi popular at hindi sosyaladong tao, siya’y biktima ng isang bully
dahil sa itsura habang ito ay nag-aaral, at kahit na sa edad na tatlong put apat
ito’y nalulong sa paglalaro ng online games at walang trabaho.
Nang si Rudy ay lumabas para bumili ng makakain sa convenience store
nakita nito ang isang studyanteng babae na masasagasaan ng isang
humahararurot na bus agad niya itong itinulak at siya ang nahagip nito. Nang
siya’y naghihingalo na ang mga huling salita nito ay “gusto ko lang naman
mabuhay ng normal, siguro huli na ang lahat.” Sa pagpikit at pagmulat ng mata ni
Rudy ay nagulat siya dahil may hindi kilalang mukha ang bumungad sakanya at
dito na nagsimula ang panibagong buhay ni Rudy sa mundo ng pantasya kung
saan ang iba’t ibang uri ng nilalang, mahika at kasanayan ay umiiral.

Sa edad na tatlo nadiskubre ni Rudy na ang mahika ay umiiral sa mundo na


kanyang panibagong kinatatayuan at hinasa nito ang kanyang sarili upang
lumawak ang kanyang kapasidad sa pag-gamit ng mahika. Lumipas ang taon si
Rudy ay inihambilin ng kanyang magulang sa isang kilala at bihasa sa pag gamit ng
mahika na si Roxy tinuruaan siya nitong gumamit ng iba’t ibang mahika at ito ay
namangha sa ipinapakita na kakayanan ni Rudy dahil ito ay may kakaibang
kakayanan. Sa edad na apat nakapagtapos si Rudy sa pagtuturo ni Roxy sapagkat
lahat ng itinuro nito ay nahigitan ni Rudy at itinuring itong isang henyo. Sa edad
na anim si Rudy ay nagtungo sa unibersidad ng mahika upang mas lumawak pa
ang kakayanan at kaalaman sa mahika nakapagtapos ito sa edad na labing-
dalawa. At dito na nagsimulang maglakbay si Rudy. Sa mundong ito ay may iba’t
ibang uri ng nilalang tulad nalamang ng demonyo ang demonyo ay
pinamumunuan ng isang marahas at napakabagsik na panginoon ng demonyo
“Demon Lord” sa ingles, na may planong sakupin ang mundo.

Si Rudy sa isa ng bihasa sa pag-gamit ng mahika at kilala na ng mundo dahil


sa kakayanan nito sa mahika, at sa bihasang pag-gamit nito sa espada. Si Rudy ay
nangingibabaw sa kakayanan nito at may apat itong naging parte ng kanyang
panig. At ito’y sina Ruijerd, Ellis, Sylphie at kasama narin dito si Roxy ang kanyang
dating guro, si Rudy ang lider ng panig na ito at ito’y tinatawag na patay na dulo o
dead end sa ingles. Ang layunin ng panig nila ay tapusin ang kasamaan ng
panginoon ng demonyo. Nang sila ay naglalakbay patungo sa hilaga ay
nakasalubong nila ang dalawa sa tatlo na pinakamalakas na tao sa kanilang
mundo at ito’y sina Orsted at Nanahoshi. Ang tatlo na pinakamalakas na tao sa
kanilang mundo ay pinamumunuan nang panginoon ng demonyo. Dahil si Rudy ay
apostol ng diyos na taong tatapos sa paghahari ng panginoon ng demonyo. Orsted
“Ano ang iyong pangalan binata?” at agad na sumagot si Rudy “Ang aking
pangalan ay Rudy, saan kayo nanggaling at kayo’y nanggaling sa kuntenente na
sinasakupan ng panginoon ng demonyo? masaya ako at kayo’y ligtas.” Orsted
“Rudy? Naririnig mo ba ang boses ng diyos?” patanong na sinabi ni Orsted kay
Rudy. At agad itong sumagot “Oo, naririnig ko ang boses nito kapag may
mangyayari.” At biglang nilusob ni Orsted si Rudy at sinabing “Ikaw pala ang
apostol ng diyos.” Agad na dinipensahan ni Rudy ang kanyang sarili at sinabing
“Ano ang aking ginawa ba’t mo ako inatake?” at sinabi ni Orsted “Kailangan mo ng
mawala sa mundong ito dahil ikaw ang sisira sa plano ng aming mahal na
panginoon ng demonyo.” Nagpatuloy ang laban sa parte ni Rudy at ni Orsted.
Dahil si Rudy ay may iba’t ibang kakayanan na ibinigay ng diyos sa kanya kaya
nitong makita ang hinaharap na atake ng isang nilalang at agad na niwasan ang
mga atake ni Orsted. Nang sa hindi inaasahang pangyayari sinaksak ni Nanahoshi
si Orsted at trinaydor siya nito. Si Nanahoshi ay ipinatawag sa mundong ito at
nanggaling sa earth na pinanggalingan ni Rudy bago siya magkatawang tao sa
mundo na kanyang tinatayuan ngayon, gampanin ni Nanahoshi na pagmasdan ang
ginagawang kilos ng panginoon ng demonyo at tulungan sa hinaharap si Rudy
upang wakasan ang kasamaan ng panginoon ng demonyo. Si Orsted ay namatay
at naging parte na ng panig ni Rudy si Nanahoshi at nagpatuloy sa paglalakbay
nito patungo sa kuntente na sinasakupan ng panginoon ng demonyo. Lumipas ang
tatlong buwan at nakarating na sila dito, pinagplanuhan nilang mabuti ang
gagawing paglusob sa kaharian ng panginoon ng demonyo. Ang pagpaplano ay
tumagal ng dalawang linggo at nagsimula na ang kanilang paglusob.
Hinarap nila ang hukbo ng demonyo at nagtagal ang laban ng isang araw
bago nila ito maubos. At nakarating na sila sa kaharian ng panginoon ng demonyo
at sumulpot rito si Laplace ang nangunguna sa pinakamalakas na tao sa mundo na
nakapanig sa panginoon ng demonyo. Hinarap ng panig ni Rudy si Laplace at
nagtungo si Rudy kung nasaan ang panginoon ng demonyo. At nagharap na si
Rudy at ang panginoon ng demonyo. Panginoon ng demonyo “Hanga ako sa iyong
katapangan at nakarating ka dito.” Sinabi nito kay Rudy. “Nandito ako para
wakasan ang iyong kasamaan.” sagot ni Rudy. Panginoon ng demonyo “Bibigyan
kita ng isang pagkakataon sumanib ka sa akin at tatapusin natin ang iyong diyos at
ibibigay ko sa’yo ang lahat ng iyong naisin.” Sinabi nito kay Rudy. At agad na
sumagot si Rudy “Umiral ako sa mundong ito para wakasan ang iyong kasamaan,
hinding hindi ko tatraydurin ang diyos dahil nagpapasalamat ako rito dahil
binigyan ako nito ng isa pang pagkakataon na mabuhay.” “Kung ganon ay mawala
ka sa mundong ito.” Agad na sinabi ng Panginoon ng demonyo. Nagsimula na ang
paglalaban ng kabutihan laban sa kasamaan at sa di inaasahang pangyayari
biglang naputol ang braso ni Rudy dahil sa itinatagong kakayanan ng Panginoon
ng demonyo. Umatras muna saglit si Rudy upang gamitin ang kakayanan nitong
pagalingin ang kanyang natamong mga sugat at isa na rito ang kaniyang putol na
braso. Panginoon ng demonyo “Nasaan kana? Ngayon mo tawagin ang diyos
diyosan mo, binigyan na kita ng pagkakataon at hindi mo ito tinanggap ngayon
mawala kana sa mundong ito BWAHAHA!.” Si Rudy ay nanghihina na dahil sa
natamo nitong mga sugat nang dumating ang kaniyang panig na sina Roxy,
Ruijerd, Ellis at Sylphie at tinulungan siya nito.
Natapos na ang pagpapagaling ni Rudy at nagplano kung pano tatapusin at
tatalunin ang panginoon ng demonyo. Tumayo at hinarap ni Rudy ang panginoon
ng demonyo. Panginoon ng demonyo “BWAHAHA! Akala ko’y tumakbo ka at
umuwi sa iyong pinanggalingan, ngayon matatapos na ang iyong buhay.” Agad na
nilusob ng Panginoon ng demonyo si Rudy, biglang ngumiti si Rudy at nagsulputan
ang kaniyang panig na may surpresang atake sa panginoon ng demonyo.
Nagalusan nila ito at galit nag alit ang panginoon ng demonyo dahil sa
panglalamang ni Rudy, nagwala ang panginoon ng demonyo at lumusob ng hindi
nag-iisip patungo kay Rudy. At biglang na kulong ang panginoon ng demonyo sa
mahika na kakayanan ng buong panig ni Rudy, ang mahikang ito ay naghahangad
ng napakataas na mana para magawa at dito na nakasalalay sa atakeng ito ang
kapalaran ng mga tao upang matalo ang panginoon ng demonyo kung hindi ito
tatama at magiging matagumpay ay maaari silang matalo dahil ubos na ang
kanilang mana at isinalalay na nila ang lahat ng kanilang mana sa huling atakeng
ito. Nang makulong ang panginoon ng demonyo ay nagsimula ng iitsa ni Rudy ang
kanyang pangtapos na mahika at matagumpay nitong natapos ang buhay ng
panginoon ng demonyo.

Nawakasan ng panig ni Rudy ang paghahari ng masamang panginoon ng demonyo


at nailigtas ang kuntenenteng nasasakupan nito at naibalik sa mga tao. Naging
asawa ni Rudy si Ellis at Slyphie at nabuhay ng masaya. Lumipas ang anim na
dekada sa edad na 77 namatay si Rudy at nakasulat na sa kasaysayan kung pano
tinalo ni Rudy at ng kanyang panig ang paghahari ng panginoon ng demonyo at
dito na nagtatapos ang kwento.

Written by: Charlie Mac B. Villegas

You might also like