You are on page 1of 11

1.

EQUIDISTANCE

Written by: JOHANNAH DANE M. SALVADOR


2.

FADE IN:

1. INT. UNIVERSITY, WASH AREA – DAY

Bubuksan ni RUGIE LOPEZ, tibong college student na


nakasuot ng pambabaeng uniform, ang gripo gamit ang
kanyang mga kamay na may mga mantsa ng pulang pintura.
Huhugasan nya ito bagama’t nahihirapan dahil natuyo na
ang pintura. Matutulala. Hindi mamamalayang
nasosobrahan na nya ang pagpisil ng kamay.

RANDOM STUDENT:
Huy! Matuklap ‘yang balat ng kamay mo. Ayos ka
lang ba?

Titigil sa ginagawa si Rugie.

RUGIE (V.O.):
In the beginning, I was in the middle.

2. MONTAGE – PANGUNGUNA NI RUGIE SA SECRET ART

ORGANIZATION NA NAGLALAYONG MABIGYAN NG PANTAY NA

KARAPATAN ANG BAWAT KASARIAN

- Pagguhit ni Rugie ng isang obrang pag-atake sa anti-


crossdressing policy
- Attack posts sa social media higgil sa issue ng
uniform policy ng kanilang unibersidad. Mapakikita
rin ang ilang art contents ng secret organization
tungkol sa gender inequality.
- Ilegal na pagpapaskil ng mga kaanib sa secret
organization ng artworks sa koridors ng unibersidad
- Pagvavandal nila sa ilang dingding ng university
3.

RUGIE (V.O.):
Palaging nasa gitna, patuloy na tinatahak ang
daan patungo sa bagay na walang kalayaan. I was
still breathing, so rather than be a prisoner of
one cage, I chose to go on.

3. INT. COLLEGE DEAN’S OFFICE – DAY

Maglalakad si Rugie patungo sa Dean’s Office.


Mapapansin ang ilang estudyanteng nakamasid sa kanya.
Bubuksan nYa ang pinto at papasok. Madadatnan nya roon
and kanilang College Dean na si Dean Baltazar, ang
kanyang mga kasama sa secret organization, at ang
kanilang college governor na si RAUNA Custorio.
Mababakas ang gulat sa mukha ni Rugie. Magtatama ang
mga mata nila.
RUGIE (V.O.):
To be deaf is both a nature and decision; to
listen is a suffering. However, my desire to be
deaf would always be replaced by my ability to
hear.
DEAN BALTAZAR:
Take a seat, Miss Lopez.

Mauupo si Rugie.

DEAN BALTAZAR:
You probably have an idea about why you are all
here. Siguro naman may mga access kayong lahat sa
student manual ng university. You know that
unapproved mass actions are major offenses in
this university. Even vandalism. Halos lahat na
nilabag nyo. This is already your 3rd offense and
you know where this can lead you? Dismissal from
the university.
RANDOM MEMBER:
Ma’am, bakit pati kami? Eh, nasali lang naman po
kami rito. Si Rugie lang naman po talaga ang may
gusto nito.
4.

Sesegunda ang ibang mga myembro.

RUGIE:
(disappointed) Wow. Really.
DEAN BALTAZAR:
Lahat kayong involved, may prior punishment. Even
you, Miss Custorio, for not disclosing the
members of this secret organization immediately.
Lalo na’t halos lahat ng members ay galing sa
college natin. But since you’re one of the top-
performing students and with your approaching
international endeavors, the Board of Regents
decided to just let this serve as your warning.
And for the other members, it’s either suspension
or dismissal from the university. As for you,
Miss Lopez, the Board of Regents demands your
dismissal effective immediately.

Mababakas ang gulat sa mga mukha nina Rugie at Rauna.

RAUNA:
Ma’am, isn’t it unfair for Rugie’s part?
DEAN BALTAZAR:
This kind of incident require a due compensation,
Miss Custorio.
RAUNA:
Due compensation without due process?
DEAN BALTAZAR:
Do you think they deserve due process when what
they did is the exact opposite of it?

Silence

DEAN BALTAZAR:
You know that I’m also a woman. I understand
where you are coming from. But let’s face it.
It’s hard to be heard when the powerful is deaf.
5.

RUGIE(V.O.):
Kaya kung bibigyan ako ng pagkakataong maging
bingi, hindi ako magdadalawang-isip na kuhanin
ang pagkakataong iyon. Baka sakaling maintindihan
ko sila…

4. INT. BOARDING HOUSE, ROOM – DAY

Agresibong maglalakad palapit sa pinto ng silid si


Rugie. Bubuksan nya ang pinto at papasok. Pabalagbag
na huhubarin ang heels na suot, maihahagis ang isa sa
mga ito palayo. Hihilain ang necktie na suot. Nag-
aapoy sa galit ang mga matang huhubarin ang suot na
uniporme. Itatapon nya ang hinubad na palda sa
basurahan. Padabog na papasok sa CR.

Papasok si Rauna sa silid. Problemado ang mukha. Uupo


sa isang double deck.

Lalabas si Rugie na nakapagpalit na ng maluwag na


shirt at pants.

RAUNA:
Ruj…

Mapatitigil si Rugie, mapatitingin kay Rauna na


nakaupo sa katabing double deck. Unang iiwas ng tingin
si Rugie at kukunin ang luggage bag, magsisimulang
mag-empake.

Tatayo si Rauna at lalapitan si Rugie. Susubukan nyang


hawakan ang braso nito ngunit pipiglas si Rauna.

RAUNA:
Ruj, talk to me. Please.

Haharap si Rugie kay Rauna.


6.

RUGIE:
Paano nalaman ni Dean ang mga pangalan namin?
RAUNA:
Ruj, please…
RUGIE:
Nireport mo ba?
RAUNA:
Ruj, listen to me first please…
RUGIE:
Answer me first!

Matatahimik si Rauna.

RUGIE:
Ano?!
RAUNA:
I had to do it!
RUGIE:
What happened to always having each other’s back,
huh? Ni hindi mo man lang ako sinabihan. Tangina
girlfriend ba talaga kita?
RAUNA:
Ruj, please understand… naipit lang ako. Future
ko ang apektado rito.
RUGIE:
Future mo? How about me, Rau? Where do I stand in
your future?
RAUNA:
Ruj, alam mo naman, ‘di ba? Walang ibang aasahan
ang pamilya ko.
RUGIE:
Oh, bakit? Sa’kin ba, meron?
7.

RAUNA:
A-Atleast, you still have art. May fallback ka.
Eh, ako? Finishing my studies is my only hope.
Kasi rito lang ako magaling.
RUGIE:
Ah, kaya okay lang na nilaglag mo ako. You know
what, Rau? I completely understand why we need to
keep our relationship a secret. I’ve just
recently been outed, at ikaw, hindi pa. I
understand that I am not your priority. Kaya
kahit gusto kitang makasabay sa pagkain sa
school, kinailangan kong kumain mag-isa habang
kumakain ka kasama ng council. And you not
supporting my cause? I understand. But I only
asked you of one thing, Rau. Isa lang. Kasi ro’n
ka magaling, ‘di ba? Sa pagtatago.
RAUNA:
Wow. So I’m at fault for doing my job as your
college governor? Hindi naman ako nagkulang sa
pagpapaalala sa’yo, ‘di ba? I told you this won’t
gonna end up good.
RUGIE:
Hindi talaga kasi sinabotahe mo! Rauna… malapit
na kami sa dulo, eh. Ilang hakbang na lang. Pero
sa ginawa mo, mananatili na lang kaming nasa
gitna.
RAUNA:
Rugie, naiintindihan kita. Pero sana maintindihan
mo ring hindi ko kayang mawalan ng scholarship.
RUGIE:
Bullshit, Rau! Alam mong hindi ka madadamay rito
dahil kailangan ka ng school. At hindi naman kita
pababayaan!
RAUNA:
Eh, pa’no nga kung madamay ako sa consequences ng
actions nyo? Pa’no ‘pag malaman ng pamilya kong
nakikipagbahay-bahayan ako sa isang babae? Kaya
mo na ba akong paaralin ‘pag tinakwil nila ako?
Kaya mo na ba akong buhayin? Eh, ultimo renta nga
rito sa boarding, hirap ka pang bayaran.
8.

RUGIE:
‘Yan! Lumabas din ang totoo. Kaya pala wala ako
sa plano mo. Because you see me as a failure.
RAUNA:
(iiling) You know that’s not true. Ruj, babae
tayo pareho. The path with you requires
sacrifice. At sa ngayon, hindi ko pa kayang
magsakrispiyo.
RUGIE:
Kaya ako na lang ang isasakripisyo mo, gano’n?

Matatahimik si Rauna. Mapatatango si Rugie, pagkatapos


ay tatalikod at lalabas sa silid. Ibabalibag ang
pinto.

5. INT. ABANDONED ROOM – DAY

Papasok sa silid si Rugie. Pagmamasdan nya ang mga


nakakalat na artworks nya. Kukuha ng art materials at
magsisimulang gumuhit.

RUGIE (V.O.):
I was not directionless, but always in the
middle. It felt like I always belonged there.

Mapatitigil sya sa ginagawa pagkakita sa cutter na


nakakalat. Tutulo ang kanyang luha. Pagkatapos ay
tatawa. Kukunin nya ang cutter at lalaslasin ang
sariling braso. Patutuluin nya ang sariling dugo sa
canvass na ginagamit.
9.

RUGIE (V.O.):
There was no use to get used to something if I
had plans to leave. A strong will was a must, but
their power makes it lose direction. I was a
wanderer, and wanderers were not meant to stay…

Gagawa sya ng obra gamit ang sariling dugo. Ang obra


ay naglalaman ng nararamdaman nya ukol sa kawalan ng
gender inclusivity dahil sa uniform policy.

RUGIE (V.O.):
So I bid goodbye to the place that caged me, to
the breathing demons, to my blood…

Habang ginagawa ang obra ay salitan syang tatawa at


iiyak.

RUGIE (V.O.):
I knew the freedom that I chose may cost my
eternal salvation, but salvation be damned if I
had to be with people who were killing my hope.

Pagkatapos ng kanyang paggawa ng obra ay mahihiga sya


sa sahig ng silid hawak ang paint brush at cutter.
Ngingiti at ipipikit ang mga mata.

6. INT. CAMPUS CORRIDOR – DAY

Maglalakad si Rauna. Seryoso ang mukha. Nakasuot ng


panglalaking school uniform.
Papasok sya sa conference room. Mapalilingon ang Board
of Regents sa kanya. Katahimikan ang mamumutawi.
RAUNA (V.O.):
In the end, I was in the beginning. And while
everyone is on their spot, I will begin to move.
Even if it seems too late.

Maglalakad syang sa harapan lang nakatingin. Lalapit


sa podium.
10.

RAUNA:
(muted) Good afternoon po. I am Rauna Custorio,
the CHSS governor…
(not muted) and I’m here to talk on behalf of
Rugie Lopez.
RAUNA (V.O.):
What we wear speaks for our soul. It speaks for
our right… and fighting for our right does not
have to be a secret. I still have a long way to
go, but if I don’t begin, I will always be in the
middle.

THE END
11.

You might also like