You are on page 1of 4

Sophia Bianca Camenforte Pagbasa at Pagsusuri

Erica Manuel Joscelle Tan

Analiza Baldoza

11 - ABM 3

I. Trudis ang Munting Anghel

II. Ofelia E. Concepcion

Si Ofelia Concepcion ang isa pa sa hanay ng kababaihan pumalaot din sa pag susulat ng

komiks noong 1980s. Ayon sa kaniya, Grade 4 pa lang siya nang magkaroon siya ng malalim

na interes sa komiks. Nag aaral siya sa kolehiyo at nasa unang taon ng kursong Bachelor of

Science in Agriculture. Nang makakita siya komik istrip na ibinigay ng kaniyang guro at

gayahin ito, Dito niya napagtanto na mayroon siyang talento sa pag susulat kaya ito ang

unang naging baitang niya para pumalaot sa mundo ng komiks. Noong 1979 siya sumubok

magpasa ng sinulat niyang skrip sa GASI. Ang kuwento niyang “ALANG ALANG SA IYONG

KINABUKASAN” ang unang kuwentong kaniyang sinulat. Noong 1985 nagwagi sa Catholic

Mass Media Award ang kuwentong “ANG HIGIT NA MAPALAD” na kaniyang isinulat. Marami

na rin siyang isinulat na komiks at isa na rin dito ang Trudis, ang Munting Anghel.

III. Trudis - Isa siyang anghel na nakatira sa langit. Mabait si Trudis tulad ng ibang anghel.

Omeng - Si Omeng ang tumulong kay Trudis sa aso at siya rin ang nagpatuloy sa

kanilang bahay dahil walang matirhan si Trudis.

San Pedro - Si San Pedro ang nagpababa kay Trudis sa lupa dahil siya ay sumaway sa

utos at makakabalik lamang si Trudis pag siya’y nakagawa nang mabuti.

Nanay ni Omeng - Siya ay may sakit at ang nagpasalamat kay Trudis dahil siya ay

gumaling sa kaniyang sakit.


IV.

A. Simula - Napapatanong lagi si Trudis bakit hindi sila maaaring bumaba sa lupa. Ang sagot

naman ng isang anghel ay ang mga tao ay nakatira sa lupa at ang tahanan naman ng

mga anghel ay sa langit. May isang lugar na ipinagbabawal sa mga anghel at napaisip si

Trudis na baka iyon ang daan papunta sa lupa. At isang araw siya ay pumunta roon sa

ipinagbabawal na lugar, Napigil siya sa paghinga nang may makita siyang umiikot na

ulap. Takot na takot siya dahil siya ay hinigop ng umiikot na ulap. Akala niya katapusan

niya na ngunit siya ay bumagsak sa harap ni San Pedro at mas lalo siyang natakot nang

makita ito. Ang sabi ni San Pedro “Bakit ka sumaway sa utos?” at binuksan nito ang pinto

ng langit. Dinala siya ni San Pedro sa lupa at makababalik lamang si Trudis kung

makakagawa siya ng kabutihan.

B. Saglit na Kasiglahan - Nang makarating si Trudis sa lupa may nakilala siyang bata na nag

ngangalang si Omeng, Si Omeng ang nag ligtas at nag patira kay Trudis dahil wala

siyang matirhan.

C. Suliranin - Mahirap si Omeng na ulila sa ama. May sakit din ang kaniyang ina at

ipinagbibili niya ito ng gamot pag siya ay may ekstrang kinikita sa pagbabasura. Nakita ni

Trudis na mabait na anak si Omeng kaya ibig niya itong tulungan.

D. Tunggalian- Isang araw ay nadatnan nila ang nanay ni Omeng na hirap sa paghinga.

Hindi nila ito madala sa sa doktor dahhil wala silang pera. Kaya nag dasal nang mabuti si

Trudis “Diyos ko, pagaligin mo po ang nanay ni Omen. Kahit po idagdagan pa ni San

Pedro ang parusa ko”.


E. Kasukdulan - Pinakinggan ang dasal ni Trudis at gumaling ang nanay ni Omeng. “Isa

kang anghel. Maraming salamat” sabi ng nanay ni Omeng. Hindi niya alam na totoong

anghel si Trudis.

F. Kalakasan - Simula nang gumaling ang nanay ni Omeng, Naging maayos ang buhay

nilang dalawa at nag enrol muli si Omeng sa darating na pasukan

G. Wakas - .Nagpaalam na si Trudis sa kaniyang kaibigan na si Omeng. “Saan ka pupunta?”

tanong ni Omeng ngunit ngumiti lamang si Trudis at sinabing “Basta magpapakabait ka

para lalo kayong pagpalain ng Diyos.” Umalis na si Trudis at tanging Diyos lamang ang

nakakaalam kung saan siya dadalhin ng kaniyang kapalaran.

V. Si Trudis ay isang anghel na ipinagtataka kung bakit hindi sila pwedeng bumaba sa lupa at

dahil siya ay isang anghel siya ay nakatira sa langit. Pumunta siya sa ipinagbabawal na lugar

sa mga anghel dahil akala niya ito ang daan papuntang lupa. Sinaway ni Trudis ang ang utos

kaya’t nang hinigop siya ng umiikot na ulap siya ay takot na takot akala niya ay katapusan

niya na ngunit nakita niya si San Pedro at lalo siyang natakot dito. Si San Pedro ang nag

bukas ng pinto ng langit at ang nagpababa kay Trudis papuntang lupa at makababalik lamang

siya kapag siya ay nakagawa nang mabuti. Nang makarating siya sa lupa may nakilala siyang

bata na panagalan ay Omeng. Si Omeng ang kumupkop kay Trudis dahil wala siyang tirahan.

Si Omeng lamang ang nagbubuhay sa kanilang buhay mag ina dahil ang kaniyang ina ay may

sakit. Nakita ni Trudis na mabait ang bata kaya nais niya itong tulungan. Kinabukasan ay

nadatnan nila ang nanay ni Omeng na hirap sa paghinga, Hindi nila ito madala sa doktor dahil

walang pera kaya nag dasal na lamang nang mabuti si Trudis at hinihiling na gumaling ang

nanay ni Omeng kahit dagdagan pa ni San Pedro ang kaniyang parusa mapagaling lang ang

nanay ni Omeng. Ang kaniyang dasal ay pinakinggan ng Diyos at gumaling ang nanay ni
Omeng, Nagpasalamat ito at tinawag na anghel si Trudis kahit siya ay totoong anghel.

Umayos na ang buhay ni Omeng at ang kaniyang nanay, Nakapag enrol na rin si Omeng at

nakapag tinda na ang kaniya nanay. Kaya rito na nagpaalam si Trudis sa kaniyang kaibigan

at sinabing magpakabait lalo si Omeng para lalo silang pagpalain ng Diyos. Umalis na si

Trudis at naniniwalang Diyos lamang ang nakakaalam kung saan siya dadalhin ng kapalaran.

VI. Maraming bata ang sumusuway sa utos katuladd ni Trudis. At ang bawat pag susuway sa

utos ay may kinahihinatnan na parusa. Upang hindi matulad kay Trudis, Huwag sumuway sa

utos. Magpakabait din tulad ni Omeng para lalo tayong pagpalain ng Diyos.

VII. Ang aking natutunan sa istorya na aking binasa ay huwag sumuway sa mga utos dahil

may kinahihinatnan ito ng parusa. Kahit pa ikaw ay nagtataka o nakukuryuso sa isang bagay

mali pa rin ito pag iyong sinaway.

You might also like