You are on page 1of 4

Ang ama: summary (singapore)

-Characters:

Ama

Ina

Muimui

Anim lahat ang mga bata:

Ang pinakamatanda ay isang lalaki 12 anyos

Isang babae 11 anyos, kahit na payat ito ay matatapang parin at kapag wala ang ina ay sila nalang ang
maghahati sa lahat ng bagay para meron din ang mga maliliit.

Dalawang lalaki ang kambal, 9 anyos

Isang maliit na babae, 8 anyos

Isang 2 anyos na maliit pa lamang

- Ang ama ay nagdadala lng ng pancit guisado para sknyang sarili

-Ang natira ay paghahatian ng magkakapatid

-lasinggero ang ama kaya nasasaktan ang ina

-umuwi sya ng galit dahil natanggal sa trabaho

-may galis si muimui at makati ito kaya iyak sya ng iyak

-nainis ang kanilang ama sa pagiyak nito kaya sinuntok ito at tumalsik sa pader

-namatay si muimui matapos ng 2 days

-naawa ang mga tao sa ama ksi di nila alam na ang ama ang dahilan ng pagkamatay nito

-binalik sya ng amo sa trabaho dahil sa awa at nagbigay ng abuloy

-nakonsensya ang ama kaya nagbumili ng pagkain (ubas, tsokolate,biskwit at kendi) gamit ang abuloy at
iniwan sa puntod ni muimui

Nang minsan'y maligaw si adrian

Character:
Adrian (bunso sa tatlo at isang propesyonal na doctor)

Tatay (may sakit)

Nanay (pagkagraduate ni adrian, pagkalipas ng 2 taon, ito'y pumanaw)

Nurse (taga alaga ng tatay nya pag wla si adrian)

2 kapatid (parehong abogado)

-Galing si adrian sa mapagmahal na pamilya

-nakapagtapos silang lahat

-nagibang bansa ang dalawang kapatid

-di maiwanan ni adrian ang tatay dahil may sakit at nagiisa nalang

-nainggit sya sa mga kasamahan nya na doctor na may mga kasintahan/ makaksama sa buhay

- naisipan nya ang plano nya

-dinala nya ang tatay nya sa gubat

- habang nasa gubat at naglalakad, humihinto sila para magpahinga

-sa bawat pahinga, nagpuputol ng sanga ang tatay ni adrian3

-tinanong ni adrian kung bakit sya ng puputol

-alam ng tatay na ililigaw sya ni adrian kaya nagpuputol sya para may daan ito pabalik

-napaiyak si adrian at humingi ng tawad, umuwi sila at napagtanto nya na mali ang ginawa nya kaya di na
sya uli maliligaw

Alamat ni prinsesa manorah (thailand)

Characters:

Kinnaree Manorah (pinkabata sa 7 na magkakapatid, kalahating babae, kalahating sisne)

Haring prathum (ama ni manorah)

Reyna janta kinnaree (ina ni manorah)

Setting: bundok grairat

Himmapan (namamahay ang nkakatakot na nilalang)

Ermetanyo(nagsasagawa ng meditasyon)
Prahnbun (nanghuli kay prinsesa manorah)

Prinsipe suton ( anak ni Haring Artityawong at Reyna Jantaivee ng Udon Panjah.)

Terms:

Sisne-ay isang uri ng ibon na kahawig ng mga bibe

Panarasi - kalakihan ng buwan

Story :

May 7 magkakapatid na babaeng sisne. Si prinsesa manorah ang pinakamaganda. Isang araw napadalaw
si Prahnbun sa may lawa sa himmapan. Nakita nya ang prinsesa at nabighani. Naisip nya na pwede nyang
dalhin ito kay Prinsipe suton at makakuha ng malaking halaga. Tinanong nya ang ermitanyo kung pano
ito hulihin. Sabi ng ermitanyo mahirap ito hulihin dahil matatakutin kaya sinuggest nya na pumunta si
prahnbun sa dragon para magpatulong. Pumunta sya dun, sinabi sa dragon. Nung una, ayaw ng dragon
ang ideya nya ngunit napapayag nya. Binigyan sya ng mahiwagang lubid pang huli. Pumunta sya sa
kinaroroonan ng prinsesa at binato ang lubid. Nahuli nya, dinala nya sa udon panja. Nabighani ang
prinsipe at binayaran si prahnbun. Dinala ng prinsipe si manorah sa palasyo at nagkaibigan din sila.
Nakilala ito ng mga magulang ng prinsipe at pinakasal silang dalawa at tuluyang namuhay nang masaya’t
matiwasay habambuhay.

Kay estella zeehandelaar (indonesia)

Characters:

estella zeehandelaar - (sinulatan ng liham, isang babaeng dutch or olandes)

Raden Adjeng Kartini( isang prinsesang taga java, sumulat ng liham, may anim na kapatid, panganay sa 3
babaeng anak ng regent ng jarapa)

Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak (lolo ni kartini, kilalang lider ng kilusan)

Japara, Mayo 25, 1899 - kelan sinulat ang liham

Story:

Tungkol ito sa kawalan ng kalayaan ng mga kababaihan sa indonesia dahil sa kanilang lumang tradisyon.
Kaya gusto ng nagsulat ng liham na makakilala ng isang modernong babae na malaya at namumuhay sa
makabagong panahon. Ang mga babae saknila, kapag 12 taon na, hindi pwedeng lumabas ng bahay at
hindi pwedeng magaral. Makakalabas lamang sila pag makikilala na nila ang mapapangasawahan nila sa
edad na 16 anyos. Sila rin ay nkakapagaral lamang ng libreng grammar school. Reyna Wilhemina ng
Netherland), “opisyal” na inihandog sa kakabihan sa indonesia ng mga magulang nila ang kanilang
kalayaan. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito
ang pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang pamilya
Tiyo simon (pilipinas)

Characters:

Tiyo simon

Batang babae

Boy

Ina

Story: Naggayak na ang mag-ina upang magsiba ngunit hindi gusto ni Boy na sumama sa inay at
nagpapaiwan upang makipag kwentuhan kay Tiyo Simon.

Si Tiyo Simon (ayon sa kanyang ina) ay isang Ateista dahil hindi raw siya nagsisimba.

Nang nagkaroon ng pagkakataon na nagkwentuhan si Boy at Tiyo Simon. Si Tiyo Simon ay may
kapansanan sa kanyang paa na dahilan ng pagtalikod niya sa Simbahan at sa Diyos, naging bugnutin at
magagalitin siya. Ngunit nagbago ang kanyang paniniwala nang nakita niya ang batang babaeng
nasagasaan ng trak habang kinukuha niya ang manika na hanggang sa kamatayan nakakapit ng mahigpit
at siya paring nakangiti. Kinuha ni Tiyo Simon ang manika na sa kanya nagpapaalala na kahit ano man
sakunang dumapo ay kailangan manalig sa Diyos o sa kahit anong man paniniwala.

Inudyok ni Tiyo Simon si Boy na magsimba sapagkat hindi naman raw masamang magsimba. Kaya
sumama rin si Boy sa huli

Kultura: Ang pamana ng nakaraan, regalo ng kasalukuyan, at buhay ng kinabukasan (Pilipinas)

Summary ng tula:

nagpapahayag ng pinagmulan ng kultura, ang mga labang pinagwagian ng mga sinaunang katutubo at
ang kultura bilang bunga ng matagal na panahong pakikibaka. Bilang regalo naman ng kasalukuyan, ang
nagwaging kultura ay patuloy na pinagyayabong, ginagamit at pinapahalagahan ng mga tao. Samantalang
ang kultura bilang buhay ng kinabukasan ay magsisilbing paalala ng makulay na pakikipagsapalaran ng
katutubo habang patuloy itong pinagyayaman at maging inspirasyon upang lalo pang palawakin ang
kulturang naging pamana, regalo at buhay ng iba't ibang panahon ng kasaysayan.

You might also like