You are on page 1of 2

Darryl Annika Raine L.

Ybañez Grade 8-Honesty

Movie Review – “Midnight in Paris” Disyembre 3, 2021

Ang pelikulang “Midnight in Paris” ay isang obra ng batikang direktor at


manunulat na si Woody Allen. Si Gil (na ginampanan ng aktor na si Owen Wilson) ay
isang manunulat ng pelikula na nagnanais na manirahan noong 1920s sa Paris.
Nakikita niya ang kanyang sarili sa nakaraan sa panahong iyon tuwing hatinggabi. Si
Inez (na ginampanan ng aktres na si Rachel McAdams) ang nobya ni Gil, na hindi
naniniwala sa kanya at hindi sang-ayon sa pagnanais na manirahan ni Gil sa Paris.
Magkaiba ang kanilang pananaw tungkol sa paninirahan sa Paris.

Isang gabi, gumala si Gil sa mga lansangan ng Paris at natagpuan ang kanyang
sarili na naliligaw, at natagpuan ang kanyang sarili sa isang grupo ng mga piling tao o
“socialites” sa larangan ng panitikan at literatura. Sa gitna ng ekslusibong pangkat na
ito, nagkaroon si Gil ng pagkakataon na makita ang kanyang sarili na nabubuhay ang
isa sa kanyang mga inaasam na pangarap at dahan-dahang napagtanto habang
natutuklasan niya kung sino talaga ang kanyang mga bagong kakilala, at ang
pinakamahalaga kung ano talaga ang kanilang mga pangarap. Kabilang sa espesyal na
grupo na ito ang bantog na si F.Scott Fitzgerald (na ginampanan ni Tom Hiddleston),
Zelda Fitzgerald (ginampanan ng aktres na si Alison Pill), ang batikang manunulat na si
Ernest Hemingway (binigyang buhay ng aktor na si Corey Stoll). Ginampanan naman
ng beteranang aktres na si Kathy Bates si Gertrude Stein, ang kaibigan ni Pablo
Picasso (na ginampanan ni Marcial Di Fonzo Bo. Ginampanan ni Marion Cotillard ang
Pranses na naging inspirasyon ni Picasso at ang aktor na si Adrien Brody ang gumanap
sa papel ni Salvador Dali.

Napakagaling ng pag-arte ng mga artista. Ang ilan na sa tingin ko ay


sinadya upang maging mga kontrabida at nagdulot sa iyo ng pagkamuhi sa kanila,
habang may ibang karakter ay nakuha mong mahalin sila. Ilang beses nitong binanggit
ang sex, pero kung talagang mature ka na, kakayanin mo iyon. May iilang eksena na
may na temang sensitibo (sex at karahasan) na medyo hindi angkop sa mga menor de
edad, at may mga eksena rin na nagpakita ng pagkalasing ng ilan sa mga bida, ngunit
hindi naman ito labis at maaari namang gabayan ng magulang ang mga kabataang
manonood nito. Ganumpaman, ipinakita ng pelikulang ito ang kagandahan ng Paris.
Ang cinematography ay nakakabighani. Ang panulat ni Woody Allen sa temang
pagtataksil, materyalismo, at pagmamahal sa lahat ng nakaraan ay naipakita ng buong-
buo, at ang importanteng mensahe mula sa pelikulang ito ay tungkol sa pagiging totoo
sa iyong sarili, at hindi pagsasakripisyo sa mga bagay na nagpapasaya sa iyo para lang
mapasaya ang ibang tao. Kung ikaw ay mahilig sa mga pelikulang rom-com, ang
pelikulang ito ay para sa iyo.

You might also like