You are on page 1of 39

PELIKULA at DULA

PELIKULA
PELIKULA

Pelikula

• Ang pelikula na kilala


• Ang pelikula narin bilang
kilala rin sine atsine
bilang pinilakang
at
tabing pinilakang
ay isang larangan
- tabingnaaynagpapakita
isang laranganng mga
na
gumagalaw na larawan
nagpapakita bilang
ng mga isang anyo
gumagalaw nang sining o
bilang bahagi
larawanng industriya
bilang isang ng
anyolibangan
ng sining o
bilang bahagi ng industriya ng libangan.
• Ang panonood ng pelikula ang pinakamura at abot
kayang uri ng libangan ng lahat na uri ng tao sa
lipunan. Iba iba ang uri ng pelikulang tinatangkilik ng
mga manonood. Naaayon ito sa kaniyang ibig
panoorin at nagugustuhan. Nariyan ang aksiyon,
animation, dokumentaryo, drama, pantasya, historikal,
katatakutan, komedya, musikal, sci-fi (science fiction),
at iba pa. Anuman ang pelikulang tinatangkilik, tiyakin
lamang na kapupulutan ng aral na magiging gabay
naman ng mga manonood sa nangyayari araw-araw
na buhay niya.
Dula
• Samantala, ang dula ay isang akdang sa
pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan
ay naglalarawan ng kawil ng mga pangyayaring
naghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng
buhay ng tao.
• Sinasabi ring isang genre mo ng panitikan na nasa
anyong tuluyan ang dula na dapat na itanghal sa
entablado, may mga tauhang gumaganap na nag-uusap
sa pamamagitan ng mga diyalogo. Masasabing may
anyong pampanitikang inihanda para sa dulang ang mga
artista ay kumakatawan sa mga tauhan, ginagawa ang
nararapat na pagkilos ayon sa hinihingi ng mga
pangyayari at sinasabi ang nakasulat na usapan.
Maynila sa Kuko ng Liwanag

( batay sa nobelang “Sa kuko ng


liwanag ni Edgardo Reyes)
( isang pagsusuri ni Rolando B.
Tolentino)
Maraming kritiko ang nagsasabi na ang pelikulang
“Maynila sa kuko ng Liwanag” ang siyang nagbukas
ng tinatawag na “ikalawang ginintuang yugto” ng
Celina sa Pilipinas. Ang yugto ay pumapatungkol sa
proliterasyon ng mga pelikulang may mataas na
kalidad ng kasiningan at politikal na makabayan.
Tandaan na ang yugto ay sumasaklaw sa katingkuran
ng diktatura mula sa kalagitnaan ng dekada '70
hanggang sa kalagitnaan ng dekada '80.
Mahalaga ang pelikula dahil pinatingkad nito ang
“kritikal na realismo”. Ito ay realismo hindi lamang
inilalarawan ang mga kabuktutang nagaganap sa
lipunan (naturalismo ang tawag dito o ang
pagpapakita ng natural na kalagayan ng mga tao sa
lipunan, isang uri rin ng realismo). Halaw narin ito sa
uri ng tradisyong pampanitikan na pinaghalawan ng
materyales ng pelikula, ang nobelang sa kuko ng
liwanag ni Edgardo Reyes.
Si Reyes ay kabahagi ng grupong
“agos sa disyerto” isang grupo ng
mangangatha (fictionists) ng dekada
'60 na naglayong baguhin ang
pangunahing daloy ng komeryalismo
at romantisismo sa kanilang panahon.
Sa pamamagitan ng kritikal na
realismo. Naipakita ng kawalang-
katarungan ng kapaligiran sa mga
historikal na naisantabi ng mga tao.
Halimbawa nito ang pagbubukas na eksena ng
pelikula. Ipinapakita ng black-and-white
documentary footage ang iba't ibang madilim at
inaakalang di magandang pang araw-araw na
buhay sa Chinatown, ang pangunahing lugar ng
pelikula. Sa unang pagkakataon nakita na
manood si Julio Madriaga, ang pangunahing
tauhan, makikita siyang nakaranggo sa isang
pader na may karatula na may islogang
“Imperyalismo, ibagsak” kritikal ang pelikula sa
mga kaganapan sa lipunan.
Ang limitasyon ng kritikal na realismo ay
ang kakulangan ng rekomendasyon
hinggil sa kolektibong pagbabago ng
kondisyon, maliban sa indibiduwal na
paraan. Tulad sa pelikula inilagay Julio
ang paghahangad ng katarungan sa sarili
nitong kamay. At dahil ginawa niya ito,
nakub- kob at namatay siya sa kamay ng
kapuwa Pilipino.
Ang limitasyon ng kritikal na realismo ay
ang kakulangan ng rekomendasyon
hinggil sa kolektibong pagbabago ng
kondisyon, maliban sa indibiduwal na
paraan. Tulad sa pelikula inilagay Julio
ang paghahangad ng katarungan sa
sarili nitong kamay. At dahil ginawa niya
ito, nakub- kob at namatay siya sa
kamay ng kapuwa Pilipino.
Isa ang sa pinakamaningning na halimbawa ng
transpormasyon ng nobela at panitikan sa pelikula. Ang
pelikula ay masining na adaptasyon ng nobela. Ang
idinagdag ng direktor, si Lino Brocka ay ang pagpasok ng
“mass movement” bilang isang opsyon ni Julio sa
paghahanap ng katanungan para kay Ligaya, ang
kaniyang napaslang na kasintahan. Wala ito sa nobela
pero bahagi na ito ng realidad sa diktadura. May binago
ang pelikula dahil may kakaiba itong medium at
lengguwahe kaysa panitikan
SURING PELIKULA AT SURING BASA
Ang pagsusuri ng isang pelikula at isang
akda ay maituturing na mataas at tampok
na kasanayang dapat linangin sa isang
indibiduwal. Mataas, sapagkat nagagawa
nito na kailangang may lubos na
kaalaman sa mga elemento ng isang
pelikula at isang akda. Kasama rin ang
kayarian at gamit ng wika sa mga
pahayag o pangungusap.
Sa suring-pelikula at suring-basa,
mababasa ang kuro-kuro, palagay,
damdamin, at sariling
kaisipan ng bumuo ng pelikula o
sumulat ng akda.
Ilan sa mga dapat tandaan sa pagsasagawa ng
pagsusuri ay: gawing malinaw kung anong pelikula o
akda ang tinutukoy: igawa ng buod gumamit ng mga
salitang makatutulong sa babasa ng pagsusuri, huwag
hayaang mahaluan ito ng pahayag ng mga nakagawa
na ng pagsusuri; banggitin ang mabubuting aspeto
ganoon din ang kahinaan nito, pag-ukulan ng pansin
ang pagkakabuo ng pelikula ang paraan ng
pagkakasulat ng akda; at higit sa lahat, iwasan ang
pagbibigay ng hatol.
Sa pagsusuri pa rin ng pelikula, bigyang-
pansin ang mga elemento nito gaya ng:
iskrip, sine-matograpiya, direksiyon,
pagganap ng artista, produksiyon, musika,
at mensahe.
Sa pagsusuri naman ng dulang nakasulat,
bigyang-pansin ang mga elemento nito
gaya ng tagpuan, uri ng mga tauhan (bilog
at lapad), mga diyalogo, tunggalian, wakas,
aral, implikasyon ng mga pangyayari sa
kasalukuyang lipunan, at estilo ng sumulat
ng dula.
Sinag sa Karimlan
( Isang Pagsusuri)
Pambansang bilangguan sa Muntinlupa
Moog ng katarungan. Sagisag ng
Demokrasya Salaming pambudhi.
Palihan ng puso at diwa "Waterioo" ng
kasamaan at likong hangarin Hamon sa
pagbabagong- buhay.
Marami na ang mga paang naglabas-
masok sa gusaling ito Walang makatitiyak
kung gaano pa karami ang mag-iiwan dito
ng mga bakas, may kasalanan o wala, ang
sinumang mapasok ito ang pambansang
piitan sa Muntinlupa. Ito Ang tagpuan ng
dulang "Sinag sa Karimlan" ni Dionisio S.
Salazar.
Ang dulang ito ay nagtatampok sa
kasabihang "ang pagpapatawad ay
kabanalan, ang nag - papatawad ay
laging nagtatagumpay sapagka't nasa
kaniya ang kapangyarihan ng langit”.
Ang kasaysayang napapaloob sa dulang
ito ay umiinog sa katauhan ni Tony, ang
pangunahing tauhan sa dula. Si Tony ay
isang binata na sa kasamaang-palad ay
nabilanggo to ay bunga ng
pagpapabaya ng kaniyang naging
halaghag na ama, si Mang Luis.
Dahil sa isang magandang babae, iniwan ni
Mang Luis ang kaniyang mag-ina. Dahil dito, si
Tony ay natutong bumarkada at magnakaw
upang matugunan ang pangangailangan nilang
mag-ina Nagsimula siyang mapit sa City Jail,
naglabas-masok sa Welfareville hanggang sa
malipat sa Muntinlupa sa gulang na labingwalo.
Dahil sa nangyaring kaguluhan sa bilangguan, si
Tony ay nagtamo ng mga sugat kaya inilipat siya
sa pagamutan ng bilangguan. Dito niya nakilala
ang iba pang tauhan sa dula na sina Mang Ernan,
isang manunulat at propesor sa isang
pamantasan sa Maynila, nabilanggo dahil sa
paninindigan sa sariling prinsipyo, si Domingo:
isang ahente ng seguro na nakamatay sa lalaking
pumugay sa kaniyang dangal at pagkalalaki, at si
Bok, ang maton at siga, na lider ng Batsi Gang.
Sa loob ng bilangguan nakita ni Tony ang
makapal na karimlang bumabalot sa kaniyang
pagkatao. Kaya nang magbalik-loob sa
kabutihan ang kaniyang ama at dinalaw siya sa
pitan ang kadiliman ay naghahari pa rin sa
kaniyang damdamin. Salamat sa mga payo at
pangaral at paliwanag ni Mang Ernan at ni Pari
Abena, ang mabait na pari sa bilangguan, ang
liwanag ay nagkapaglagos din sa kaibuturan ng
pagkatao ni Tony.
Sinag sa Karimian: Liwanag sa kadiliman,
mabisa at masining na pamagat. Ito ang
naging tagapagbukas sa kawilihan at
kapanabikan ng mambabasa at
manonood. Ito ay sinundan ni Salazar ng
isang mabisa ring panimula. Maaga
siyang nakapagpasok ng suliranin at
tunggalian.
"Talagang isa sa iilan ang batang iyan. Masunurin
siya, matulungin, at mapagkakatiwalaan." Ang
tinutukoy ay si Tony. Sa kabila ng pagiging bilanggo,
nagawa ng sumulat na makintal sa mambabasa ang
kabutihang taglay ni Tony. Ang kaniyang pakikipag-
usap sa mga kasamang bilanggo ay kasasalaminan
ng tunay na pagkatao ni Tony. Ito'y isang pahiwatig
na di lahat ng nabibilanggo ay masama. Maraming
mapapasok sa gusaling ito na walang kamalay-
malay na itinulak sila roon ng kakapusang-palad,
kahinaan o ng pakikipagsapalaran.
Tony:
Mang Ernan, ba't kayo matatakot matalo? Kung walang
pagkatalo, walang pagkakaunawaan "Kung walang
pagkakaunawaan, walang pagkakaisa”. Ang
taong di nagkakaisa at pirming nag-aawa
Mang Ernan:
Tama iyan ngunit ang pagtatalo ay dapat
lamang sa mga taong malalaki ang
puso: hindi sa mga maliliit ang
pinagkukunan.
MGA SALITANG
GINAGAMIT SA
PAGSUSURI
Isang komprehensibong gawain ang
pagsusuri. Para ito maging
komprehensibo, kailangan ang wasto
at maayos na gamit ng kritikal na mga
salita.
Sa pagsusuri, gumagamit ng
paghahatol at pagbibigay ng opinyon.
Sa pagbibigay ng opinyon, iba't ibang
apirmatibo at negatibong pahayag ang
nailalahad kaugnay ng iba't ibang
impormasyon sa sinusuring akda tulad
ng dula, pelikula, at iba pa.
Sa pagsusuri pa rin, ipinahahayag ang
matinding damdamin ng pagsang-ayon at di
pagsang-ayon. Anumang pahayag na gamit
sa pagsusuri, kailangang maging kritikal sa
paraang wasto at maayos. Kung may
negatibong ibig ipahayag, gawin itong
pamungkahiupang hindi makasama ng
kalooban.
May mga pahayag na naghahayag ng
opinyong matindi; mga pahayag na
hindi makapagpapalubha sa
damdamin; at maaaring lubusang
sumang-ayon at magdagdag pa ng
ibang argumentong susuporta o
magpapatunay sa sinang-ayunan.
Halimbawa:
Mahalaga ang pelikula dahil pinatingkad
nito ang "kritikal na realisimo" ito ay
realismo hindi lamang inilalarawan ang
mga kabuktutang nagaganap sa lipunan
(naturalismo ang tawag dito o ang
pagpapakita ng natural na kalagayan ng
mga tao sa lipunan, isang uri, rin ng
realismo).
Mapapansing ang salitang
mahalaga at dahil ay salitang
ginamit upang maipaliwanag ang
talakay tungkol sa dulog realismo
na isa sa ginawang pagsusuri.
Sumasang-ayon ang naging
pagsusuri sa nasabing pahayag
tungkol sa realismo na isang dulog
pampanitikan.
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG AT PAKIKI ISA!!

You might also like