You are on page 1of 10

Lektura #7

KAHULUGAN

 Isang uri ng aliwan na nagpapatibay ng isang kuwento sa pamamagitan ng tunog at isang


pagkakasunud-sunod ng mga larawan na nagbibigay ng ilusyon ng tuluy-tuloy na paggalaw.
 Kilala din bilang sine at pinilakang tabing, isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan
bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
 Isang anyo ng sining at tanyag na anyo ng libangan at negosyo, nililikha sa pamamagitan ng pagrekord
ng totoong tao at bagay (kabilang ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera, at/o sa
pamamagitan ng kartun (cartoon).
 Ang Pelikulang Pilipino ay ang pinakabatang uri ng sining sa Pilipinas at isang popular na uri ng
libangan.

KATANGIAN

 Ito ay audio-visual (hearing and seeing) - paningin at pandinig ang ginagamit.


 Ang mga damdamin o kaloob-looban o di- konkretong kaisipan o diwa ay dapat na maipakita nang
malinaw sa screen.
 May tiyak na haba ang pelikula.
 Sa pagbuo ng pelikula, mahalaga ang pagkakaroon ng pera.
 Mayroon ding mga di-inaasahang pangyayarimg maaring makaapekto sa pagbuo ng pelikula.
 Gawa ng maraming tao ang pelikula.
 Nabubuhay ang pelikula nang dahil sa script na iniinterpret ng direktor.

SANGKAP

 Kuwento
 Ito ang istorya o mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula.
 Makatotohanang paglalarawan ng tao mula sa pananaw ng kalagayan ng tao mula sa pananaw
ng Pilipino. o Tumatalakay sa karanasang Pilipino na makahulugan sa higit na nakararaming
manonood.
 Tema
 Ito ang paksa ng kuwento.
 Ito ang diwa, kaisipan, at pinakapuso ng pelikula.
 Pamagat
 Ang pamagat ng pelikula ay naghahatid ng pinakamensahe nito.
 Ito ay nagsisilbi ring panghatak ng pelikula.
 Tauhan
 Ito ang karakter na gumaganap at nagbibigay-buhay sa kuwento ng pelikula.
 Pagsusuri sa katangian ng tauhan, ito man ay protagonist (bida) o antagonist (kontrabida).
 Diyalogo
 Ito ang mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento.
 Sa pagsusuri ng pelikula ay dapat isaalang-alang ang uri ng lengguwaheng ginamit ng mga
tauhan sa kuwento.
 Cinematography
 Ito ay matapat na paglalarawan sa buhay ng pelikula.
 Matagumpay nitong naisalarawan ang nilalaman sa pamamagitan ng:
Pag-iilaw
Komposisyon
Galaw
ibang kaugnay na teknik ng kamera
 Iba pang aspetong teknikal
 Kabilang dito ang paglalapat ng tunog sa pelikula, pagpapalit-palit ng eksena, special effects, at
editing.
 Tunog
Naisalin nang buhay na buhay - ang diyalogo at musika - epektibong tunog at
katahimikan
Naisaayos ang lahat na ito sa malikhaing paraan
 Musika
Pinalilitaw ang kahulugan ng tagpo o damdamin
Pinatitingkad ang atmospera at damdamin
Inaayunan ang ritmo at daloy ng pelikula
 Direksyon
Matagumpay ang direktor sa pagbibigay – buhay sa dulang pampelikula
Nagawa niyang ipabatid ang kanyang pagkaunawa sa materyal sa pamamagitan ng
malikhaing pagsasanib ng iba’t ibang elemento ng pelikula
 Editing
Malikhain nitong pinakikitid o pinapalawak ang: - Oras - Kalawakan - Galaw
 Disenyong Pamproduksyon
Naisakatuparan sa malikhaing paraan ang:
 Pook
 Tagpuan
 Make- up
 Kasuotan
 Kagamitan

PAKSA NG PELIKULA

 Mga pelikulang nakapokus sa mga bakbakang pisikal. Maaring hango sa tunay na buhay o pangyayari o
kaya naman kathang-isip lamang.
 Pelikulang gumagamit ng mga larawan o pagguhit/ drowing upang magmukhang buhay ang mga bagay
na walang buhay.
 Mga pelikulang nagpapalabas ng mga hubad na katawan at gawaing sekswal.
 Mga pelikulang nakapokus sa mga personal na suliranin o tunggalian, nagtutulak ito sa damdamin at
ginawa upang paiyakin ang manonood.
 Pelikula na nagbibigay- diin sa dramang pantao sa mas malawak na anggulo na karaniwang
tumatalakay sa mga kaganapang maalamat, mahiwaga at makasaysayan.
 Mga pelikulang base sa mga tunay na kaganapan sa kasaysayan.
 Pelikula na humihikayat ng negatibong reaksyong emosyonal mula sa mga manonood sa pamamagitan
ng pag-antig sa takot nito.
 Pelikula kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o totoong pagpapatawa sa bawat
salitang namumutawi sa kanyang bibig.
 Mga komedyang may temang pangromansa. Puno ito ng musika at kantahan.
 Nagdadala sa manonood sa isang mundong gawa ng imahinasyon, tulad ng mundo ng mga
prinsepe/prinsesa, kwentong bayan o mga istoryang hango sa mga natutuklasan ng siyensya.
 Umiikot ang kwento sa pag-iibigan ng mga tauhan sa pelikula.
 Pelikula kung saan komprehensibong tumatalakay sa tunay na buhay ng isang tao na may diin sa
pinakamakasaysayang kabanata ng kanilang buhay.

GENRE

 Ang Genre ay tumutukoy sa uri o tipo ng naratibo na kaiba sa iba pang uri. Nagkakaiba-iba ang mga ito
dahil sa sentral na kwento at emosyong ipinapadama.

URI KATANGIAN
Komedya  Ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o lihitimong
pagpapatawa sa bawat salitang mamumutawi sa kanyang bibig.
 Ang komedya ay maaari ding walang salita na nauso noong
panahon ng Silent Movies na makikita di sa pagsalita ng bibig
kundi sa pagkilos ng katawan.
Musikal  Ang mga bidang lalaki at babae ay nagsisipag-awitan.
 Ang isang musikal na pelikula ay matatawag din kung ang mga
bida ay nagsisipagsayawan sa maka-klasikong kaugalian man o
makabagong panahon sa tunog at indak ng musika.
Pakikipagsapalaran  Ang kwento ay nagaganap sa iba’t ibang lugar at tumatalakay sa
mga tao o lunan ukol sa angkop na pagkakarehistro ng nangyari
sa kwento ng pelikula.
Aksyon  Ang isa o mas marami pang bida ay inilagak sa sunud-sunod na
mga pagsubok o hamon na nangangailangan ng pisikal na
pakikipatunggali at mga masasalimuot na paglalabanan.
Pantalambuhay  Komprehensibong tumatalakay sa tunay na buhay ng isang tao
na may diin sa pinakamakasaysayang kabanata ng kanilang
buhay.
Krimen  Nakapokus sa buhay ng mga kriminal na umiinog mula sa tunay
na buhay ng mga kriminal hanggang sa mga nilikhang karakter
na may napakasamang katauhan.

Drama  Nakadepende sa mas malalim na pagbuo ng mga realistikong


karakter na tumatalakay sa mga temang emosyonal gaya ng
pagkalango sa alak, pagtataksil, diskriminasyon, sekswalidad,
kahirapan, karahasan o korapsyon.
Epiko  Nagbibigay-diin sa dramang pantao sa mas malawak na anggulo
na karaniwang tumatalakay sa mga kaganapang maalamat,
mahiwaga at makasaysayan.
Pantasya  May temang pantastiko na kinapapalooban ng mahika, mga
kakaibang pangyayari o mga kakaibang nilalang.
Katatakutan  Humihikayat ng negatibong reaksyong emosyonal mula sa mga
manonood sa pamamagitan ng pag-antig sa takot nito.
 Karaniwang ginugulat at pinanginginig ng pelikulang ito ang mga
manonood.
Science Fiction  Nakabatay sa mga pangyayari na hindi tanggap ng agham gaya
ng daigdig ng mga aliens, mga kakaibang nagagawa ng tao at
paglipad sa ibang panahon.
Pag-ibig  Umiikot ang kuwento sa pag-iibigan ng mga tauhan sa pelikula
Romantikong  May magaan na puso, nakakakilig na iskript
Komedya  Nakasentro sa romantikong ideya tulad ng kayang abutin ang
lahat

KASAYSAYAN NG PELIKULA

 Huling Bahagi ng Panahong Kastila


 1897 – Apat na pelikula ang ipinalabas sa Salon de Pertierra isang sinehan sa 16 Calle Escolta ng isang
nagngangalang Antonio Ramos, sundalo mula sa Espanya
Un Hommo Au Chapeau (Kalalakihang may Sumbrero)
Une Scene de danse Japonaise (Isang Eksena sa Sayawang Hapones)
La Place l' Opera (Sa Lugar ng Tanghalan)
Les Boxers (Ang mga Boxingero)
 1898 – Nang mga sumunod na mga taon, para makaakit ng mga manonood, gumamit ng isang Lumiere
para gawing tagakuha ng mga magagandang mga eksena mula sa mga local na tanawin sa Pilipinas .
Panorama de Manila (Tanawin sa Manila)
Fiesta de Quiapo (Pista ng Quiapo)
Puente de Espania (Ang Tulay ng Espanya)
La Ecsenas de la Callejeras (Ang Sayawan sa Kalye)
 1899 – bukod kay Ramos, marami ding dayuhan na tagagawa ng pelikula ang pumunta sa Pilipinas tulad
nina Burton Holmes, Kimwood Peters, Raymond Ackeman
Battle of Baliwag,
Banaue Rice Terraces
 1900 – ipinakita ang pagkahilig ng mga Pilipino sa sabong
Cock Fight
 Panahon ng Amerikano
 1900
Walgrah - Cine Walgrah (unang sinehan) - ang nag palabas ng ilang mga Pelikula sa Pilipinas
nagbukas siya ng sinehan sa No.60.calle Santa Rosa sa Intramuros.
Samuel Rebarber - Gran Cinematografo Parisen - ikalawang sinehan tinayo ng isang Kastilang
negosyante na nasa No. 80 calle Crespo sa Quiapo
 1903
Jose Jimenez - isang Pilipinong nagtayo ng isang sinehan, ang Gran Cinematograpo Riza sa Calle
Azcaraga (ngayon ay Abenida CM. Recto)
Gumawa ng pelikula na tungkol sa kolonisasyon na sinasaluhan ng tunog ng pyano at mga
mangaawit sa Manila Gran Opera House.
 1905
Herbert Wynham – kumuha ng ilang mga eksena sa The Manila Fire Department
Albert Yearslyay – kumuha ng eksena buhat sa selebrasyon ng Rizal Day sa luneta noong 1909
 1910
ang unang pelikula na may tunog ay nakarating sa Manila sa kagamitan na Chronophone ang
mga Briton na kumukuha ng pelikula
 1911
Mga kuha ni Bud Mars
 The Eruption of Mayon Volcano
 Pagsanjan Falls (oriental)
 The fires of Tondo, Pandacan and Paco
 The Typoon in Cebu
 The Departure of Igorots to Barcelona
 1914
Us Colonial Goverment ay gumagamit na ng pelikula sa pag hahatid sa Edukasyon at Propaganda
nag aangkat din sila ng Pelikula mula sa Europa, ngunit ng sumapit ang Unang Digmaang
Panaigdig, ay pansamantalang itinigil ito.
 Unang Mga Pelikulang Pilipino
 1919 (Opisyal na Simula ng Pelikulang Pilipino)
Dalagang Bukid o kauna unahang pelikula na gawa ng Pilipinas o ipinalabas sa diresiyon ni Jose
Nepomuceno o sa produksiyon ng Malayan Movies o isa sa mga pinakapopular na sarsuela na
sinulat ni Hermogenes E. Ilagan (Ama ng Zarzuelang Tagalog)
 1929
Syncopation - isang kaunaunahang pelikulang may tunog ay ipinalabas sa Radio Theater sa
Maynila sa Plaza Sta.Cruz ay gumawa ng Talkie o pelikulang may lapat na tunog sa mga lokal na
produser ng pelikula.
 1930
ang ilang mga artista at mga produser ay tumululog sa pagpapaunlad pa ng industriya ng
pelikula
Ang mga tao ay namangha sa mga magagaling na pagganap at sa pagpili ng tema ng pelikula,
karamihan dito ay tungkol sa mga pinagdaanan ng mga pilipino sa mga mananakop, tulad ng
 Patria Amore;
 Mutya ng Katipunan ni Julian Manansala na mayroong elemento ng propagandang laban
sa Espanya
Si Carmen Concha, ang unang babaeng derektor sa Pilipinas na gumawa din ng mga ilang
Pelikula tulad ng
 Magkaisang Landa
 Yaman ng Mahirap noong 1939,sa ilalim ng Parlatone Hispano-Filipino
 Pangarap noong 1940 sa ilalim ng LVN Pictures.
Taong pagtuklas na ang pelikula ay maaaring bagong anyo ng sining.
Collegian Love (nilapatan ng tunog sa pamamagitan ng pag dadubing o Talkie)
 1932
Ang Aswang (Ang unang pelikulang nilapatan ng tunog)
Na isa ng Pelikula na may tema ng katatakutan base sa mga Alamat, ngunt sa mga ilang
nakakatanda sa pelikulang ito ay hind talaga ito purong may tunog
 1939
El Secreto dela Confesion (Ang unang pelikulang Pilipino na ang salita at awit ay sa wikang
Kastila).
 Ito ang ilang Sikat na mga Artista bago ang Digmaan:
 Fernando Poe Sr.
 Ben Rubio
 Monang Carvajal
 Alfonso Carvajal
 Brian Soria
 Etang Discher
 Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ng Pananakop ng Hapones
 1940
Ang paggawa ng Pelikula ay pansamantalang tumigil.
Ang mga Hapon ay nagdala ng kanilang mga pelikula sa Pilipinas, ngunit hidi ito naging popular
sa mga Pilipinong manonood.
Ang mga Propaganda laban sa mga Hapon ang ginagawa ng mga iilang mga drektor kasama si
Geraldo de Leon na tungkol sa relasyon ng Hapon sa Pilipinas .
Isa sa mga propagandang ito ay ang Dawn of Freedom na sa direksiyon ni Abe Yukata at Geraldo
de Leon.
Ang Komedya nila Pugo at Togo, ay naging popular sa mga panahong iyon na ang tema ay
tungkol sa pananakop ng Bansang Hapon sa Pilipinas na binago bilang Tuguing at Puguing dahil
si Togo ay katunog ng Tojo na isang Punong Ministro sa Bansang Hapon noong dekada 40.
Noong kasagsagan ng digmaaan, ang karamihan sa mga Artista ay nakadipende sa entablado lalo
sa Maynila
Ang mga sinehan noon ay bibihira dahil sa mga kaguluhan.
Nasira ang maraming kagamitan sa panahon ng digmaan;
bumuhos ang Hollywood films na free of tax
Lumitaw ang war films o Digmaan ang nagdala sa pelikulang pilipino ng kamalayan sa realidad
na kung saan hindi nailahad sa mga naunang pelikula.
Nagbenepisyo ang industriya ng teatro.
 Dugo ng Bayan,
 Guerilyera,
 Walang Kamatayan (1946)
 1950
Taong nag- mature at mas naging malikhain ang mga pelikula
Ginawang monopolyo ang industriya ng pelikula na pumigil sa pagbuo ng mga indie film.
 Sampaguita
 LVN Pictures,
 Premiere Productions
 Lebran International.
Anak Dalita (1956)
 1960's
Tanyag ang mga pelikulang aksyon.
Nakilala ang bagong genre na bomba .
Nagsara ang Lebran, Premiere Productions at LVN.
Umusbong ang Regal Films.
 Sarhento Salcedo (1960),
 Trudis Liit (1963),
 Mansanas sa Paraiso (1965).
 1970's – early 1980's
Ginamit ang mga pelikula bilang propaganda laban sa Martial Law.
Ipinagbawal ang mga pelikulang bomba at tungkol sa pulitika.
“Wet look”. Nausong konsepto tapos maipagbawal ang bomba .
 Nympha (1971)
 Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa (1974)
 Burlesk Queen
 Late 1980's to 1990's
Naisaalang-alang ang kalidad ng mga pelikula.
Teen-oriented at komedya ang mga nausong genre.
Star Cinema at GMA Films.
 Jose Rizal at Sa Pusod ng Dagat (1998)
 Muro Ami
 Esperanza: The Movie (1999)
 2000
Digital at experimental cinema
Rebirth of Philippine cinema.
Muling nakapukaw ng pansin ang indie films.
Romantic comedy
 2006
Nagsimulang gumamit ng digital media
 Anak (2000),
 Magnifico (2003),
 One More Chance (2007),
 Caregiver (2008),
 RPG Metanoia (2010)

MGA KINILALANG TAO SA PELIKULA

 José Nepomuceno (May 15, 1893 – December 1, 1959)


 Si Jose ay tinaguriang Ama ng Pelikulang Pilipino sapagkat siya ang kauna-unahang prodyuser ng mga
pelikulang Tagalog.
 Mga Pelikula
Dalagang Bukid (1919)
La Venganza de Don Silvestre (1920)
La Mariposa Negra, Hoy! O Nunca Besame (1921)
Miracles of Love(1925)
Ang Tatlong Hambog (1926
La Mujer Filipina (1927)
 Lino Brocka (April 7, 1939 - May 21, 1991)
 Catalino Ortiz Brocka, isa rin sa mga pinakamahusay na direktor.
 Kilala sa kanyang mga pelikulang may paksa na pilit iniiwasan sa lipunan.
Tubog Sa Ginto (1970)
Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974)
Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag (1975)
Insiang (1976)
 Ishmael Bernal Ledesma (September 30,1938 - June 2 ,1996)
 Isa sa mga pinakamahusay na direktor ng pelikula, pati maging sa telebisyon.
 Naging aktor, at scripwriter.
 Kilala sa kanyang mga melodramas partikular na sa mga isyu patungkol sa kababaihan at moralidad.
 Iba pang pelikula
Pagdating sa Dulo (1971)
Tisoy (1976)
Pabling (1981)
Working Girls I & II (1984 & 1987)
Himala (1982) -- one of the greatest Filipino films of all time.
 Kidlat Tahimik
 Eric Oteyza de Guia sa tunay na buhay, ay isang sikat na direktor, aktor at manunulat para sa pelikula.
 Ang kanyang mga pelikula ay kadalasang nagpapakita ng pagtutol sa neokolonyalismo, imperyalismo, at
teknolohiya.
 Kinikilalang "Ama ng Malayang Pilipinong Pelikula"
Mababangong Bangungot (1977)
Turumba (1981- 1983)
 Mike De Leon
 Miguel Pamintuan de Leon, isa rin sa mga pinakamahusay na direktor, scripwriter cinematographer, at
film producer.
 Kilala sa mga pelikulang sumasalamin sa kaisipan ng mga Pilipino patungkol sa mga isyung panlipunan at
pulitika.
Itim (1976)
Sister Stella L. (1984
Kakabakaba Ka Ba? (1980)
Batch ’81 (1982).
 Peque Gallaga
 Maurice Ruiz de Luzuriaga Gallaga, isang multi- awarded filmmaker.
Oro, Plata, Mata (1982),
Scorpio Nights (1985)
Unfaithful Wife (1986)
Hiwaga sa Balete Drive (1988)
Tiyanak (1988)
Impaktita (1989)
 Eddie Romero (July 7, 1924 – May 28, 2013)
 Parangal: FAMAS Award para sa mga pelikulang
Buhay Alamang (1952)
Aguila (1980)
Passionate Strangers (1966)
Durugin si Totoy Bato (1979)
Ang Padrino (1984) .
 Ang mga parangal na ito ang nag-angat sa kanya sa Hall of Fame.
 Noong 1951, nagwagi siya ng Maria Clara Award bilang pinakamahusay na director para sa pelikulang
Ang Prinsesa at ang Pulubi (1950).
 Napili rin siyang FAMAS bilang pinakamahusay na director para naman sa Aguila at Passionate Strangers.
 Marilou Diaz - Abaya (March 30,1955 - October 8,2012)
 Kilala ang kanyang mga pelikulang may temang pagsusuri ng mahirap panlipunan mga problema sa
bansa.
Tanikala (1980) ay sumikat at nakilala na siya sa buong Pilipinas
Brutal (1980)
Karnal (1983)
Baby Tsina (1984)
Ipaglaban Mo (1995)
Sa Pusod Ng Dagat (1997)
Jose Rizal(1998)
Muro Ami (1999).
 Carlo J. Caparas
 sang Pilipinong comic strip artist na nagpauso sa iba’ti bang Pinoy superheroes.
 Direktor at Prodyuser din siya ng Kuratong Baleleng at The Cory Quirino Kidnap: NBI Files.
 “Komiks King”
 Parangal: - 2008 Sagisag Balagtas Award
 MGA GAWA
Panday
Baleleng
Totoy Bato
 Laurice Guillen
 2000's, digital at experimental cinema.
 Kilala ang kanyang mga pelikulang pumapaksa sa buhay pamilya.
Tanging Yaman (2001)
American Adobo (2002)
Santa Santita (2004)
Sa’yo Lamang (2010)
 Wenn Deramas
 Isang batikang direktor sa telebisyon at pelikula.
 Kilala ang kanyang mga pelikulang may temang “love story”, komedya at pampamilya.
Dahil Mahal na Mahal Kita (1998)
Ang Tanging Ina (2003)
Ang Tanging Ina Nyong Lahat (2008)
Ang Tanging Ina mo (Last na 'to!) (2010)
 Maryo J. delos Reyes
 Isang batikang Pilipinong Direktor sa telebisyon at pelikula.
 Siya ay nag- umpisahang magdirihe ng mga pelikula noong dekada 1970’s hanggang sa kasalukuyan.
Pepe and Pilar (1984)
Red Diaries (2001)
Magnifico (2003)
I’ll be There (2010)
 Brillante “Dante” Mendoza
 Isang tanyag na Pilipinong direktor ng indie film sa Pilipinas.
 Ang kaniyang mga pelikula ay tumanggap na ng mga karangalan sa ibang bansa kabilang dito ang
kaniyang full-length na pelikulang Kinatay (The Execution of P) kung saan si Mendoza ay nanalo ng Best
Director plum sa 62nd Cannes International Film Festival.
 Siya ang kauna-unahang Pilipino na nagkamit ng ganitong parangal

Sanggunian:

https://danrogayan.wordpress.com/2012/10/07/mga-genre-ng-pelikula-filipino-iii/

https://mimirbook.com/tl/6fa4c3c61e4

https://www.slideshare.net/delcriz/pelikula

https://www.slideshare.net/romeoIImallabo/genre-ng-pelikula

https://vdocuments.site/mga-sangkap-ng-pelikula.html

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pelikulang_Pilipino

You might also like