You are on page 1of 78

2

tao at inilarawan ang ilang simpleng pananaw, iniisip at kagustuhan

ng mga tao.

Dagdag pa ni Keithly (2013), ang Fairy Tales ay nagmula sa

oral na tradisyon at dahil dito ang ilang mga awtor ng literatura ay

inalagaang ito mabuti upang maipreserba ang tradisyong oral ng

mga kwento.

Ang Fairy Tales ay kadalasang kwento ng buhay ng

isang indibidwal. Isinasalaysay kung gaano inaalipusta o minamaliit

ang bida. Kung saan ang kabutihan ay ginagantipalaan at ang

kasamaan ay pinaparusahan. Ang mga akdang ito ay may iisa o

pare-parehong daloy ng kwento. Mga kwentong patok sa mga

kabataan.

Ang “Walt Disney” ay isang kompanya na nagpapalabas

ng mga Fairy Tales. Pinasikat ng Disney ang ilang mga Fairy

Talesna ating kinagiliwan noong tayo’y musmus pa lamang. Mga

akda na may kinalaman sa isang babae na inaapi o minamalupitan


3

na nagmahal at minahal ng isang prinsepe at namuhay sila ng

masaya at payapa.

Ayon kay de Graff (2013), maraming tao ang namulat sa

Disney at nag-iwan ng marka bilang isang prominenteng kompanya

na tampok sa larangan ng kulturang popular. Hindi na nakakagulat

na ang anumang Fairy Tales, sa pangkalahatan, ay kadalasang

inihahambing sa Disney at vice versa.

Pagpatay, panggagahasa, pakikiapid ay ilan lamang sa mga

hindi nating inaasahang mga pangyayari sa mga istoryang rinebisa

at pinasikat ng Walt Disney upang maging angkop lamang sa mga

kabataan.

Mula sa blog ni Ogden (2015) na pinamagatang “The True

Stories Behind Classic Fairy Tales”, “These darker stories might

be too terrifying for today’s little lambkins, as well as some adults!

Their horrific origins, which often involve rape, incest, torture,

cannibalism and other hideous occurrences, are brimming with

sophisticated and brutal morality. Their images cannot be dispelled


4

easily and their lessons are more powerful than the present-day,

innocuous fables they resemble.”

Dagdag pa ni Ogden (2015), noong 1800’s ang magkakapatid

na Grimm na sina Jacob at Wilhelm Grimm ay lumibot at kumulekta

sa gitnang Europa ng mga istorya na kinapapalooban ngkahindik-

hindik na pangyayari. Ang layunin ng magkakapatid na ito ay

mapanatili at mapreserba ang mga panitikan sa kanilang rehiyon.

Sa unang bersiyon ng kanilang koleksyon ay ayon sa mga aktwal at

kahindik-hindik na pangyayari. Ngunit, bago nila ito mailimbag ay

kinakailangan nilang bawasan ang ilang mgakarumaldumal na

pangyayari sa mga istoryang nakulekta.

Ang magkakapatid na Jacob Ludwig at Wilhelm Carl Grimm ay

nagmula sa isang malaking pamilya. Ang kanilang ama ay isang

abogado kaya hindi na nakakagulat na sinundan nina Jaco Ludwig

(noong 1802) at Wilhelm Grimm (noong 1803) ang yapak ng

kanilang ama. Kapwa sila pumasok saUnibersidad ng Marburg para

kumuha ng abogasya. Habang sila’y nasa Unibersidad pa lamang ay

sinimulan na nilang mangolekta ng mga Fairy Tales. Kinulekta nila

ang mga kwentong ito na pinapasa sa bawat henerasyon gamit


5

lamang ang oral na pagkukwento na nanganganib na mawala. Dahil

dito, ang Grimms ay mas lalong naging interesado dito at dahil

narin sa ito ay may kinalaman sa kanilang bansa, ang Alemanya at

ang kanilang kultura. Mahigit kumulang walongpu’t anim (86) na

istorya ang nakalagay sa kanilang libro na may pamagat na

“Children’s and Houehold Tales” noong 1812. Matapos maging

mataumpay ang nailimbag na libro ay gumawa pa sila ng

panibagong volume ng Grimm’s Fairy Tales at dinagdagan pa nila

ng hindi kukulang sa pitongpu (70) pang kwento. Nadagdagan

panang maraming edisyon ang kanilang libro at umabot ng humigit

kumulang dalawang daang (200) istorya ang kanilang nakolekta at

nailimbag. Ang The Grimm’s Fairy Tales ay kinilalang pinakasikat o

kilalang panitikan ng Alemanya. (GrimmFairyTales.com)

Ang koleksiyon ng magkakapatid na Grimm ay nakaranas ng

paulit-ulit na pagrebisa hanggang sa ito ay naisipang gamitin ni

Walt Elias Disney. Pinapalitan ni Mr. Disney ang ilang parte ng mga

Fairy tales upang maging angkop sa mga kabataan. Hanggang sa

lumipas ang panahon ay napalitan at natakpan ang tunay na

pangyayari sa mga kinawiwilihang Fairy Tales. (wikipedia.com)


6

Sa likod ng bawat ”happily ever after” ng Disney ay may

kalagim-lagim na bersiyon na kailanman ay hindi angkop sa mga

mambabasang kabataan.

Sa pananaliksik na ito, susuriin ng mga mananaliksik ang

mga piling Walt DisneyFairy Tales at ang bersiyon ng magkakapatid

na Grimm sa pamamagitan ng moralistikong pananaw. Mahalagang

masuri ang mga akdang ito nang sa gayon malaman ang mga

maaaring kaganapan o pangyayaring imoral na pinalitan upang

maging angkop sa mga kabataan.

Ayon kay Padilla (1993) mula sa papel nina Bartolome at

Castro (2007), ang imoral ay yaong mga bagay na lumabag sa

batas ng diyos at nasa maling katwiran tulad ng pagnanakaw,

pagpatay, pakikiapid, panggagahasa, pagsisinungaling at Live-in.

Ang ilan sa mga halimbawa na nabanggit sa pagkakahulugan

ni Padilla (1993) ukol sa imoral ay makikita o mababasa sa bersiyon

ng Grimm’s Brother. Mga tema o pangyayari na hindi angkop sa


7

target na madla ng Disney. Kaya, hindi na nakakabigla kung ang

mga Fairy Tales ng The Grimm’s Brothers ay inerebisa.

Ang mga obserbasyong ito ang nag-udyok sa mga

mananaliksik na magsagawa ng isang pagsusuri sa mga piling Fairy

Tales ng Walt Disney.

1.2 Pagpapahayag ng Layunin

Ang pag-aral na ito ay naglalayong magsuri ng mga piling

Walt DisneyFairy Tales ng Grimm Brothers na nakapokus sa mga

suusunod na layunin:

1. Mangalap ng mga piling Fairy Tales ng Grimm Bothers at Walt

Disney

2. Masalin sa Filipino ang mga piling Fairy Tales ng Grimm Bothers

at Walt Disney
8

3. Masuri ang mga piling Fairy Tales ng Grimm Brother at Walt

Disney Fairy Tales sa pamamagitan ng Moralistikong pananaw.

4. Matukoy ang mga immoral na gawi sa mga piling fairy tales

1.3 Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga s amga sumusunod na

kinauukulan:

Guro

Makakatulong ang pag-aaral na ito malinang ang kaalaaman

ng mga guro na nagnanais gamitinang mga akdang ito sa kanilang

pagtuturo upang mas magkaroon ng kamalayan sa totoong mga

pangyayari sa mga piling Fairy Tales.


9

Mag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong din sa mga mag-aaral

sapagkat madadagdagan ang kaalaaman patungkol sa Fairy Tale na

kanilang binabasa at ito ang magbubukas sa kanilang isipan sa

kung ano ang totoong bersiyon ng kanilang binabasa na Fairy Tales.

Mananaliksik sa Hinaharap

Ang kilalabasan ng pag-aaral na ito ay magsisilbing batayang

sanggunian ng mag mananaliksik sa hinaharap sa anumang

pananaliksik na isasagawa kaugnay sa pagsusuri ng Disney Fairy

Tales. Ito’y magiging gabay nila sa kanilang pananaliksik sa mga

akdang ito, gamit ang iba pang teoryang pampanitikan.


10

1.4 Saklaw at Delimitasiyon

Saklaw ng pag-aaral na ito ang mangalap, masuri, matukoy

at mailahad ang limang (5) piling Fairy Tales ng Walt Disney at ng

Grimm Brothers. Ang pagpili ng mga piling Fairy Tales ng Walt

Disney at ng Grimm Brothers ay nararapat na may katangian ng

mga sumusunod na krayterya:1.) May bersiyon ang Walt Disney at

ng Grimm Brothers 2.) Pasok sa Top Ten ng “Ang Pinakamalagim

Fairy Tale Ending” 3.) Kilala ng nakararami ang Fairy Tale 4.)

Nakapasok sa tatlong pinakamataas na ranggo sa nasabing

programa. Ayon sa mga krayteryang nabanggit ang tatlong Fairy

Tales na napili ay ang mga sumusunod: 1.) Cinderella 2.) Snow

White 3.) Hansel and Gretel.


11

KABANATA II

BALANGKAS TEORETIKAL AT MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Inilalahad sa kabanatang ito ang konseptwal na

literature, ang mga kaugnay na pag-aaral, teoretikal na balangkas

at mga salitang ginagamit sa pag-aaral

2.1 Konseptwal na Literatura

2.1.1 Panitikan

Ayon kay Villafuerte (2000), ang panitikan ay matibay

at panghabambuhay na pagpapahayag ng mahahalagang

karanasan ng mga tao sa mga salita na mahusay na pinili at

isinaayos. Ito rin ay isang anyo ng pagpapahayag ng tao na

binubuo ng maayos at masining na pagtitipon-tipon ng mga

salita sa tula o tuluyan man na ginagamit ng imahinasyon.


12

Pinasubalian din ni Webster na ang panitikan ay

katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa

pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong

anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw.

Sa pinakapayk na paglalarawan, ang panitikan ay ang

pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa

isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga

walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga

panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw,

at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana.

Samakatuwid, may hugis may punto de bista at

nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang

sulating pampanitikan. Nagsasalaysay ng buhay pamumuhay,

lipunan, pamahalaan, pananampalatay at mga karanasang

kaugnay ng iba’t-ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig,

kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti,

pagkasuklam, sindak, at pangamba. (Wikipedia.org)


13

2.1.2 Panunuring Pampanitikan

Mula sa aklat ni Villafuerte (2000), ang panunuring

pampanitikan ay hindi lamang nagsusuri o nagbibigay

kahulugan sa mga nagaganap sa daigdig, kundi ito’y isang

paraan ng pagsusuri sa kabuuan ng tao-ang kanyang anyo,

ugali, kilos, paraan ng pagsasalita, at maging ng kanyang

pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa at sa lipunang

kinabibilangan niya. Sinasabi rin na maituturing na isang

pagpapahayag ang panunuri na sa palagay ng nakararaming

kritiko ay hindi maaaring pasukin ng sinu-sino lamang nang

walang sapat na paghahanda, at higit sa lahat, walang

kakayahan.

Binanggit rin sa aklat na ito, na binigyang-kahulugan,

nina Ramos at Mendiola sa kanilang aklat (1994), ang

panunuri, na higit na kinilala ang tawag na kritisismo, bilang

isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang

nilikhang sining. Isang kaisipang hindi tapos.


14

Dagdag pa niya, na maituturing na isang pagpapahayag

ang panunuri na sa palagay ng nakararaming kritiko ang hindi

maaaring pasukin ng sino-sino lamang nang walang sapat na

paghahanda, at higit sa lahat, walag kakayahan.

2.1.3 Fairy Tales

Mula sa Papel ni Keithly (2013), ang Fairy Tales ay

isang panitikan na napapasa sa pamamagitan ng bibig. Sa

mga kwentong ito ay kasisinagan ng mga pangkaraniwang

nararanasan ng mga tao at ang mga katotohanan na

pinapasa sa kada henerasyong nagdaan. Nakapokus ang mga

tema tungkol sa pamilya, kabutihan laban sa kasamaan, pag-

ibig at iba pa. Nakasakop o nakalibot ang Fairy Talessa ilang

ispesipik na parte ng mga karanasan ng bawat tao at

inilalarawan ang ilang simpleng pananaw, iniisip at

kagustuhan ng mga tao.


15

2.1.4 Moralistikong Pananaw

Ayon kay Sagun (1999) mula sa papel nina Bartolome

at Castro (2007), binibigyang diin sa panunuring ito ang kilos

o asal ng pangunahing tauhan at ng iba pang tauhan sa akda,

kung ito ay kalugod-lugod o hindi kalugd-lugod sa mata ng

Diyos. Sa medaling salita sninusuri nito kung may moral o

immoral na pangyayari.

2.1.5. Walt Disney

Ang Walt Disney ang isa sa pinakamalaking kompanya

sa larangan ng midya at libangan sa buong mundo. Itinaag

noong Oktubre 23, 1923 ng magkapatid na Walt Diney, Walt

Diney World Resort at Roy Disney, ito ay naging isa sa mga

pinakamalaking silid-produksiyon sa Hollywood kung kaya’t

nagging tanyag ito hindi lamang sa mga kabataan kundi pati

na rinse mga matatandang nakasubaybay rito.

(wikepedia.org/wiki/The-Walt_Disney_Company)
16

2.1.4. The Grimm Brother’s Fairy Tales

Children’s and Household Taes o mas kilala sa Grimm’s

Fairy Tales ay koeksiyon ng iba’t-ibang Fairy Tales ng mga

Aleman na naunang nailathala noong 1812 ng Grimm

Brothers na sina Jacob at Wilhelm Grimm.

(Wikipedia.org/wiki/Grimms’_Fairy_Tales)

2.2 Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ang mga lokal at banyagang pag-aaral na maikita sa

bahaging ito ay may kaugnay sa isinasagawang pag-aaral. Ang mga

ito ay magbibigay ng malinaw na suporta at batayan sa mga resulta

sa pagtukoy ng mga pangyayaring imoral.


17

2.2.1. Lokal na Pag-aaral

Sina Bartolome at Castro (2007) ay nagsagawa ng

isang pag-aaral na pinamagatang “Isang Moralistikong

Pagsusuri ng mga Piling Akda”. Ang pag-aaral na ito ay may

layuning mangalap at magsuri ng mga piling akda sa pamamagitan

ng moralistikong pananaw. Nakapokus ito sa pagsuri ng mga gawi

ng pangunahing tauhan ayon sa moralistikong pananaw at

pagtukoy sa mga immoral na pangyayari na masisinag sa mga

piling akda. Gamit ang moralistikong pananaw, natuklasan sa

kanilang pag-aaral ng mga piling akda na kasisinagan ito ng mga

immoral na gawain tulad ng pagpatay, panggagahasa,

pagsisinungaling, ,paikiapid, at paglilive-in. Natuklasan din sa pag-

aaral na ito ang mga gawi ng mga pangunahing tauhan ay

kakikitaan ng mga immoral na gawain.

Ang pag-aaral nina Bartolome at Castro (2007) ay may

kaugnayan sa kasalukuyang pagsusuri sa paggamit ng

moralistikong pananaw. Gayun din, kapwang pagsusuri ay may


18

layuning suriin ang mga immoral na gawi ng mga tauhan at

pangyayari sa akda batay sa moralistikong pananaw.

Isang pag-aaral ang isinagawa nina Manuel at Perocha (2016)

na pinamagatang “Moralistikong Pagsusuri sa mga Piling

Pelikulang Pilipino sa Taong 2015”. Ang pag-aaral na ito ay

naglalayung mangalap at masuri ang ilang mga piling pelikula ng

taong 2015 ayon sa pananaw moralistiko. Masuri ang mga gawi ng

mga tauhan ay sa pelikula at matukor ang mga imoral pangyayari

sa mga piling pelikula.Layunin rin ng pagsusuring ito ay

makapagbigay ng buod ng mga panitikang Pilipino.

Ang pag-aaral ay may kaugnayan sa kasalukuyang

paanaliksik sapagkat ginagamitan ito ng moralistikong pananaw.

Sinisiyasat ang ga pangyayari at tauhan ng akda. Tiningnan ang

mga maaring immoral na gaei o pangyayari sa nasabing akda. Ang

pinagkaiba lamang ay ang instrumenting ginamit sa pagsusuri,

kung sa pag-aaral na ito ay sinuri ang mga piling pelikulang

Pilipino, sa kasalukuyang pananaliksik naman ay susuriin ang mga

piling Fairy Tales ng Walt Disney.


19

Ang “Reaslimong Pagsusuri sa mga Piling Pelikula ng

Walt Disney Pictures” ay ang pamagat ng pag-aaral na isinagawa

nina Cristobal at Garingalao (2016). Ang pag-aaral na ito ay

naglalayong suriin ang dalawang piling pelikula ng Walt Disney

Pictures gamit ang Realismong Pananaw. Gayun rin ay maisalin sa

Filipino ang buod ng piling pelikula. Mailarawan ang mga gawi o

katangian ng tauhan sa dalawang piling pelikula ng Walt Disney

Picturessa totoong aspekto ng buhay ng tao at masuri ang mga

pangyayaring makatotohanan sa dalawang piling pelikula sa

pamamagitan ng Realismong Pananaw.

Ang pag-aaral na ito ay may kaugnayan sa kasalukuyang

pananaliksik sapagkat kapwa itong ginagamitan ng gawa ng Walt

Disney. Ang kaibahan lamang ay ang pagsusuring ginamit, sa pag-

aaral na ito ay ginamitan ng realismong pananaw habang ang

kasalukuyang pagsusuri ay gagamitan ng moralistikong pananaw.

2.2.2. Banyagang Pag-aaral


20

Isang pag-aaral na isinagawa ni Keithly (2013) na

pinamagatang “Once Upon A Time: Fairy Tales Past and

Present” na naglalayong mailahad ang kahalagahan ng Fairy Tales

bilang parte ng kultura, maipakita ang paraan na ginagampanan

nito sa lipunan at kung papaano ang mga kwentong ito nalikha at

nailipat-lipat. Lumabas sa pag-aaral ni Keithly na ang mga tao sa

kasalukuyan ay hindi na interesado sa paggawa ng mga bagong

Fairy Tales, kung hindi ang merkado ng kasalukuyang Fairy Tales

ay dominado ng ng isterilisadong bersiyon ng Disney Movies. Ang

lumang bersiyon ng Fairy Tales ay may kaugnayan sa mga

madidilim na aspeto ng mga tao sa lipunan, pagpatay, pang-aabuso

at kasamaan, ngunit ang bersiyon ng Disney ng mga Fairy Tales na

ito ay nagbabahagi ng kabutihan at moralidad, at ang mga lumang

kwento ay ikinategorya bilang nakakatakot na pelikula.

Ang pag-aaral na ito ay may kaugnay sa kasalukuyang

pananalikaik sapagkat ito ay tumatalakay sa lumang bersiyon ng

Fairy Tales na may mga madidilim na pangyayari at naiibang

bersiyon ng Disney Movies na nagpapahalaga sa moral ng mga

tagapanood. Ang kaibahan lamang sa pag-aaral naito sa

kasalukuyang pananaliksik ay nakapokus ito sa kultura at

kahalagahan ng Fairy Tales sa lipunan.


21

“Disneyfication of Classic Fairy Tales”, isang pag-aaral na

ginawa ni de Graff (2013) na nakapokus sa paglalahad ng malaking

impluwensiya ng Disney Corporation sa mga totoong bersiyon ng

Fairy Tales. Isinasaad nito na nahikayat ang mga manonood at

mambabasa ng kanilang mga pelikula at aklat sapagkat ito ay

nagpapakita ng kabutihang asal at magandang takbo ng mga

pangyayari. Ang Disneyfication ay isang termino na ginagamit sa

mga Disney Fairy Tale Films, dahil sa adaptasyon nito sa malimit na

isang dimensiyon at kinakailangan lamang nang kaunting kritikal na

pag-iisip ng mga tagapanood at mambabasa, itong bersiyon din ng

Disney ay patungkol sa pag-iibigan at kabutihang asal na

nagtatapos sa tinatawag na “ Happy Ending”.

Ang pag-aaral ay may kaugnayan sa kasalukuyang

pananaliksik sapagkat kapwa itong tumatalakay sa Disney Fairy

Tales. Ang kaibahan ng pag-aaral na ito ay ang hindi gaanong

binigyang diin nito ang bersiyon ng magkakapatid na Grimm at mas

nakatuon sa pagiging malaking impluwensiya ng Disney Fairy Tales.


22

Isang pag-aaral na ginawa Diaz (2010) na pinamagatang

“Violence in the Brother Grimm’s Fairy Tales: A Corpus-

Based Approach”, na naglalayong suriin ang koleksiyon ng Grimm

Brothers’ Fairy Tales sa pamamagitan ng Corpus-based approach at

bigyang patunay na nagpapakita ng karanasan ang mga napiling

Fairy Tales. Lumabas sa pag-aaral na nakitaan ang koleksiyon ng

Grimm Brothers’ Fairy Tales ng iba’t- ibang anyo ng karahasan,

“thus, I have found out the frequency of use and percentages of

some worlds related to cruelty and violence: cut +parts of the body,

dead and blood found in he tales.” Winakasan niya ang kanyang

pag-aaral sa pagsabi na ang natatanging punto niya sa pananaliksik

ay upang mapag-aralan ang mga posibilidad na ang koleksiyon ng

Fairy Tales ng Grimm Brothers ay hindi naaayon sa antas na

maikintal sa mga kabataan sa panahong ngayon.

Ang pag-aaral ay may kaugnayan sa kasalukuyang

pananaliksik sapagkat kapwa itong tumatalakay sa mga kahindik-

hindik na pangyayari sa lumang bersiyon ng Fairy Tales na ginawa

ng Grimm Brothers. Ang pagkakaiba lamang ay isa itong


23

kwantitatibong pananaliksik at ginamitan ng corpus-based

approach.

2.3 Teoretikal na Balangkas

Ang pag-aaral na ito, nasasalig sa teoryang moralistiko.

Tinalakay sa blog sa Tatak Pinoy Ako sa teoryang ito ay layunin ng

panitikan ng ayilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa

moralidad ng isang tao- ang pamantayan ng tama at mali.

Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa

pagtatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang

itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay

napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.

Ang moralidad ay tumutukoy sa mga halaga o pag-aasal na

itinuturing na pansarili o kultural ng tao. Hindi ito naglalarawan ng

abhektibong tama o mali ngunit sa mga itinuturing lamang na tama

o mali. (Wikipedia.or)

Ayon kay Polido (2014), ang moral ay ang batas na

nagtatakda ng kilos at galaw ng tao kung tama o mali. Ito rin ay


24

gumagabay sa atin araw-araw nating pamumuhay. Sinasabi rin

naman isa itong tungkulin na nalilinang ng tao dahil sa hinihingi ito

ng Diyos na hindi naman isinasabuhay ng marami sa atin.

Dagdag pa niya nakalagay sa Batas Moral, Klaster V-X na

huwag kang papatay, huwag kang mangangaliwa, huwag kang

magnanakaw, huwag kang sasaksi nang walang katotohanan,

huwag mong pagnanasaan at pag-iimbutan ang asawa ng iyong

kapwa at huwag mong pagnanasaan ang ari-arian ng iyong kapwa.

Tinalakay din niya ang mga birtud at pagpapahalaga na

nakapaloob sa klaster V-X. Nakapaloob dito ang paggalang sa

buhay at dignidad ng tao, paggalang sa dignidad ng pagtatalik, at

paggalang sa pag-aari ng kapwa. Sinasaad rin ditto ang komitment

sa katotohanan, ang pagtitimpi at disiplina sa sarili. At ang

panghuling binaggit ay ang kalinisan sa loob katapatan.


25

2.4 Pagbibigay Katuturan

Pagsusuri- ang pagsusuri ay ang proseso ng paghihimaymay

ng isang paksa o sustansiya upang mas maliliit na mga

bahagi at upang makatanggap ng isang mas mainam na

pagkakaunawa nito. Ang tekniko ay ginagamit sa pag-aaral

ng matematika at lohika bago pa man ang panahon ni

Arstotle, bagaman ang analisis y isang pormal na konsepto o

diwa na datos kamakailan lamang umunlad.

(Wikipedia.org/wiki/pagsusuri) Sa pag-aaral na ito, ito ay

masusing pagsisiyasat ng mga piling fairy tales gamit ang

moralistikong pananaw.

Fairy Tale- isang kwentong may kinalaman sa mga hindi

kapani-paniwalang pangyayari at mga tauhan, pero hindi

kinakailangan na mga diwata. Marami ay nagmula sa mga

panniwala o mga likhang isip ng tao at mga alamat.

(Webster’s International Dictionary) Sa pag-aaral, ang


26

pangunahing intrumentong ginamit ay ang mga piling fairy

tales ng Walt Disney at Grimm Brothers.

Imoral- labag sa kabutihang-asal; gawaing hindi sinasang-

ayunan ng lipunan. (Disyunaryo ng Wikang Filipino) Ang pag-

aaral na ito ay susuriin ang mga imoral na gawi na nasisinag

sa bawat bersiyon ng fairy tales.

Tauhan- Ang naglilingkod sa sinuman sa anumang

kaparaanan. (Diksyunaryo ng Wikang Filipino) Sa pag-aaral,

ang mga imoral na gawi ng tauhan ang bibigyan ng tuon.

Bersiyon-1.Salin 2.Ulat, pahayag 3. Salaysay (Diksyunaryo

ng Wikang Filipino) Ang pag-aaral na ito, gagamitan ng

dalwang bersiyon ng fairy tales, ang bersiyon ng Walt Disney

at Grimm Brothers.

Bibliya- ay isang kalipunan ng mga kasulatang relihiyoso na

ginagamit sa Hudaismo at Kristiyanismo. Ito ay nahahati sa


27

iba't ibang mga pangkat. (Wikipedia.org) Sa pag-aaral,

gagamitan ng mga bersikula mula sa bibliya upang

mapatunayan na imoral ang mga gawing nasisinag sa mga

piling fairy tales.

KABANATA III

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng disenyo ng pag-

aaral, instrumento ng pag-aaral at proseso ng pag-susuri ng mga

piling akda.

3.1 Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibong pananaliksik.

Gagamitin ang disenyong palarawan upang malinaw na mailarawan

ang mga pangyayaring naganap sa mga piling fairy tales. Isang

pananaliksik na naglalayong suriin ang mga piling fairy tales ng

Walt Disney at Grimm Brothers. Ang mga nakalap na mga piling

fairy tales ay gagamitan ng moralistikong pananaw na nakapokus


28

sa mga imoral na gawi o pangyayari, at kaisipan ng mga tauhan sa

mga piling fairy tales.

3.2 Daloy ng Pag-aaral

Ang hakbang na sinunod ng pag-aaral ay 1.) Pagbuo ng

Layunin 2.) Paghahanda ng Instrumento 3.) Pangangalap ng mga

Piling Fairy Tales 4.) Pagsasalin ng mga Nakalap sa Wikang Filipino

5.) Balidasyon ng mga Nasalin na Piling Fairy Tales 6.)

Interpretasiyon ng Datos 7.) Paghahanda para sa ulat Pananaliksik.

Matutunghayan sa kasunod na pahina ang Anyo 0.1, ang

iba’t-ibang hakbang ng pag-aaral.


29

Anyo 0.1

Iba’t Ibang Hakbang ng Pag-aral

Pagbuo ng
Layunin
30

3.3 Instrumento ng Pag-aaral


Pagsasaayos ng
mga Instrumento

Tatlong (3) Fairy Tale na pinasikat ng Walt Disney na


Pagkalap ng
Datos Brothers ang susuriin. Ang
nagmula sa lumang bersiyon ng Grimm

pag-aaral ay susuriin gamit ang moralistikong pananaw na

nakatuon sa mga imoral na gawi Pagsalin Pagbabalideyt


o pangyayari, at kaisipan ng mga

tauhan sa mga piling fairy tales.

Pagsuri ng Datos

3.5 Pagkalap ng Datos

Pagbibigay
Sa pagkalap ng mga Interpretasyon
datos, ang mga mananaliksik ay

gumawa ng kraytirya upang malaman kung ano ba ang wastong

gagamitin na fairy tale sa pagsusuri, ang kraytirya sa pagkalap ng

Paghahanda
datos ay ang mga sumusunod: Una,paradapat pasok sa “Ang
sa ulat
Pinakamalagim na Fairy Tale Pananaliksik
Ending” ang mapipiling fairy tale.

Pangalawa, pasok sa tatlong pinakamataas na puwesto sa nasabing

programa. Pangatlo, ang mapipiling fairy tale ay dapat may

parehong bersiyon ng Walt Disney at Grimm Brothers. Panghuli,

ang fairy tale na mapipili ay kilala ng mga nakararami.


31

3.6 Pagsasalin at Balidasyon

Ang mga nakalap na mga piling fairy tales ay isinalin ng mga

mananaliksik sa wikang Filipino, upang malaman na maayos ang

pagkakasalin ng mga piling fairy tales ay ipinabalideyt ang mga

nasalin sa isang guro na nagtuturo ng Filipino at bihasa sa wikang

Filipino. Pagkatapos ng pagsalin at pagbalideyt ay inihanda na ito

ng mga mananaliksik pasa sa pagsusuri.

3.7 Paraan ng Pagsusuri

Pagkatapos mangalap ng mga piling Fairy Tales ng Grimm

Brothers, at renebisyon at pinasikat ng Walt Disney. Susuriin ng

mga mananaliksik ang mga piling Fairy Tales gamit ang

moralistikong pananaw na nakatuon sa mga imoral na gawi o

pangyayari, at kaisipan ng mga tauhan sa mga piling fairy tales.

Gagamitan ng mga bersikulo mula sa bibliya upang mapatunayan

ang pagiging imoral ng mga pangyayari at kaisipan na nasisinag sa

mga piling fairy tales.


32

KABANATA IV

PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito tinatalakay ang pagsusuri at interpretasyon

ng mga datos mula sa mga piling fairy tales. Ang pagsusuri ay

naaayon sa moralistikong pananaw.

4.1 Paglalahad ng Interpretasyon

Ang pag-aaral ay naglalayong masuri ang mga piling Walt

Disney fairy tales, gamit ang moralistikong pananaw na nakatuon

sa mga imoral na gawi o pangyayari, at kaisipan ng mga tauhan sa

mga piling fairy tales.

Ang unang layunin ng pag-aaral ay mangalap ng mga piling

Walt Disney fairy tales na pasok sa mga kraytiryang inilahad ng

mga mananaliksik. Una, dapat pasok sa “Ang Pinakamalagim na

Fairy Tale Ending.” Pangalawa, pasok sa tatlong pinakamataas na

puwesto sa nasabing programa. Pangatlo, ang mapipiling fairy tale


33

ay dapat may parehong bersiyon ng Walt Disney at Grimm

Brothers. Panghuli, ang fairy tale na mapipili ay kilala ng mga

nakararami.

Matutunghayan sa Talahanayan 1.0 ang Top 10 Ang

Pinakamalagim na Fairy Tale Ending.

Talahanayan 1.0

Ang Pinakamalagim na Fairy Tale Ending

Pamagat ng Fairy Tale


1. Little Mermaid

2. Cinderella

3. Snow White

4. Hansel And Gretel

5. The Girl W/Out Hands

6. Sleeping Beauty

7. Little Red Riddinghood

8. Beauty And The Beast

9. The Pied Piper Of Hamelin

10. Little Match Girl


34

Ang mga fairy tales na pinamagatang Cinderella, Snow

White at Hansel ang Gretel, ay ang mga nakapasok sa mga

krayteriyang naibigay.

Matapos makalap ang mga fairy tales na gagamitin sa pag-

aaral, sunod na isinagawa ang pagsasalin ng mga piling fairy tales

ng Walt Disney at Grimm Fairy Tales sa wikang Filipino na nakasaad

sa pangalawang layunin. Iniisa-isang isinalin ang bawat bersiyon ng

mga mananaliksik at pagkatapos ay pinabalideyt kay Gng. Ednalyn

D. Cadapan, isang guro mula sa Western Mindanao State University

na nagtuturo ng asignaturang Filipino at bihasa sa wikang Filipino,

upang masigurado na tama ang pagsasalin na isinagawa sa pag-

aaral.

Ang ikatlong layunin ng pag-aaral ay masuri ang mga piling

fairy tales ng Grimm Brothers at Walt Disney sa pamamagitan ng

moralistikong pananaw na nakatuon sa mga imoral na gawi at

kaisipan ng mga tauhan sa mga fairy tales na pinamagatan ng

“Cinderella”, “Snow White” at “Hansel and Gretel”.


35

Ayon kay Sagun (1999) mula kina Bartolome at Castro

(2007), binigyang diin sa teoryang moralistiko ang kilos o asal ng

pangunahing tauhan at iba pang tauhan sa akda, kung ito’y

kalugud-lugud o di kalugud-lugud sa mata ng Diyos at tao.

Sa fairy tale na Cinderella ng Walt Disney, ang pangunahing

tauhan ay si Cinderella. Kinakitaan ng pagpapahirap sa kanya ng

mga kinakapatid at madrasta na mapapatunayan sa pahayag sa

ibaba.

Noong unang panahon, may isang magandang babae na

nagngangalang Cinderrella. Siya ay may dalawang pangit na

kinakapatid na babae, na sobrang sama ng ugali at pinapagawa sa

kanya ang lahat ng mga mabibigat na gawain sa bahay. Siya ang

taga-walis at taga-punas ng sahig, taga-hugas ng mga pinggan,

habang and dalawa ay nagpapakasaya sa pagbili ng mga iba’t ibang

magagandang damit at dumadalo sa mga salosalu’t kasiyahan.

Sinaad sa Bibliya (Kawikaan 11:17), ang maawaing tao ay

gumagawa ng mabuti sa kaniyang sariling kaluluwa: nguni't ang

taksil ay bumabagabag sa kaniyang sariling laman.


36

Mula pa rin sa Bibliya (Taga-Efeso 4:32), at magmagandang-

loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo

sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos kay

Cristo.

Sa fairy tale na Cinderella ng The Grimm Brothers, ang

pangunahing tauhan ay si Cinderella. Si Cinderella ay inaapi simula

musmus pa lamang ng kanyang madrasta at mga kinakapatid sa

tahanang kinalakhan. Napapatunayan ito sa mga pahayag sa ibaba.

“Ano ang ginagawa ng walang pakinabang na nilalang sa

pinakamagandang kwartong ito?” tanong ng madrasta.

“Doon siya sa kusina! At kung gusto niyang makakain ay

kinakailangan niyang magtrabaho. Pwede na siya maging

kasambahay”

Ang tatlong ito ay ginawa siyang tagasilbi. Siya ay

pinapatulog sa lapag sa may dupong at dahil dito ay binagyan

siyang palayaw na Cinderella.


37

Ang pahayag sa na ito sa fairy tale ay malinaw na lumabag sa

pahayag mula sa mga Taga-Efeso (4:32), at magmagandang-loob

kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa

isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos kay Cristo.

Mula sa mga Kawikaan (11:17), ang maawaing tao ay

gumagawa ng mabuti sa kaniyang sariling kaluluwa: nguni't ang

taksil ay bumabagabag sa kaniyang sariling laman.

Ang dalawang pahayag sa itaas ay nagpapakita ng

pagmaltrato kay Cinderella. Siya ay pinagtrabaho at pinatutulog sa

may chimneya. Ang mga ganitong gawi ay hindi nararapat na

madanas ng sinuman. Ito ay malinaw na nagpahayag ng

pangyayari na may kamalian sa ugali ng madrasta at mga

kinakapatid ni Cinderella. Pinatunayan ito ni Kadiipan, mula sa

papel nina Manuel at Perocho, inilalahad ng teoryang moralistiko

ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o

kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng

Diyos at ng lipunan.
38

“Hindi ka dadalo. Mapapahiya lamang kami kung kasama ka

naming. Ipaghiwalay mo ang Lentrils na bulok at hindi. Paghindi mo

naggawa ito ng maayos alam mo na ang magiging parusa mo” utos

sa kanya ng mga kinakapatid sa unang gabi. Si Cinderella ay

nalungkot dahil hindi siya makakadalo at dahil sa ang dami ng

pinapagawa sa kanya.”

Ipinahayag sa itaas ang pagbabawal ng madrasta kay

Cinderella na dumalo sa kasiyahan. Kakikitaan din ng pag-aalipusta

sa dalaga.

Binanggit ni Padilla (1993) mula sa papel nina Bartolome at

Castro, ang imoral ay yaong mga bagay na lumabag sa batas ng

Diyos at maling katwiran tulad ng pagnanakaw, pagpatay,

pakikiapid, panggagahasa, pagsisinungaling at live-in.

Ayon kay Kadipan, mula sa papel nina Manuel at Perocho,

inilalahad ng teoryang moralistiko ang mga pilosopiya o

proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o

ugali ayon sa pamantayang itinakda ng Diyos at ng lipunan.


39

“Magiging tamad lamang ‘yan. Ito, isang sakong puno ng

buto. Paghiwalayin mo ang bulok sa hindi at ayusin mo ‘yan. Kung

bukas ay may makita pa akong bulok na butil na napasama sa mga

hindi, ibubuhos ko ang buong laman nito sa mga abo at hindi ka

makakakain hangga’t himdi mo nakukuha lahat ng mga buto na

ibinuhos”.

“Ipaghiwalay mo ang munggong bulok at hindi. Siguraduhin

mong matatapos mo ito at huwag mong maiwan-iwan ang trabaho

mo.” pasigaw na utos ng panganay bago sila umalis patungo sa

kasiyahan.”

Sa pahayag sa itaas kakikitaan ng pagpapahirap kay

Cinderella ng mga kinakapatid. Mababasa rin natin ang

pagbabantang pagpapahirap at hindi pagbibigay ng pagkain kay

Cinderella.

Ayon kay Padilla (1993) mula sa papel nina Bartolome at

Castro, ang imoral ay yaong mga bagay na lumabag sa batas ng


40

Diyos at maling katwiran tulad ng pagnanakaw, pagpatay,

pakikiapid, panggagahasa, pagsisinungaling at live-in.

Nakasaad sa Bibliya (Exodo 19:16-25;20:22) na sinabi ni

Jesus sa mga tao ang sampung utos ng Diyos na huwag kang

magsisinungaling.

Sinabi ni Villalobos (2015) ang pagnanakaw, pagpatay dahil

sa masamang dahilan, pagsisinungaling, panlalamang sa kapwa,

paninira ng kapwa, at iba pang malig gawain ay maituturing na

mga imoral.

“Sa pangatlong gabi, habang naghahanda ang mga

kinakapatid para sa sayawan. Tinanong niya ang naging gabi nila,

mapapansin ang kanilang pagka-inis at selos sa mesteryosong

dayong prinsesa sa kanilang pananalita. Sila’y nagtaka at

nagtanong kung bakit alam ni Cinderella ang ayos ng dayong

prinsesa, nang sinagot na siya ay nakadungaw lamang sa bintana

at dahil sa inis pa rin ang panganay sa mga kina-kapatid ni

Cinderella, ay may pinagawa nanamang trabaho sa kanya.”


41

Ang pahayag sa itaas ay nagpapakita ng pagsisinungaling ni

Cinderella sa kanyang mga kinakapatid tungkol sa misteryosong

banyagang prinsesa. Siya ay nagsinungaling sapagkat sinabi

lamang niya na siya ay nakadungaw lamang sa bintana nang siya

ay tinanong ng mga kinakapatid kung papaano niya nalaman ang

tungkol sa banyagang prinsesa. Ito ay mapapatunayan mula sa

pagsusuri nina Bartolome at Castro, mula rito ang pagsisinungaling

ay imoral mula nang ito ay parating masangkot sa adhikain laban

sa pag-alis ng mabuting-asal o kaugalian (Garcia, 2000).

Ang isang ina ay hindi maatim na masaktan ang kanyang

anak. Iniiwasan at pinoprotektahan ang mga anak mula sa

kapahamakan. Ngunit, sa akdang ito kakikitaan ng paglalagay sa

kapahamakan sa kanyang mga anak sa pag-aasam na

mapangasawa lamang ng isa sa kanyang anak ang prinsepe.

Mula sa Exodo (19:16-25; 20:22) na sinabi ni Jesus sa mga

tao ang sampung utos ng Diyos, sinaad na huwag kang

magnanasa.
42

Ayon sa Bibliya Marcos (8:36), sapagka't ano ang

mapapakinabang ng tao, na makamtan ang buong sanglibutan, at

mapapahamak ang kaniyang buhay?

“Makinig kayo” pasikretong sabi ng kanilang ina. “kunin niyo

ang kutsilyong ito. Kung masyadong masikip ang sapatos ay putulin

niyo ang isang bahagi ng iyong paa. Kunting sakit lamang ito sa

simula, ngunit ano naming ikakapahamak ito? Ang sakit ay

mawawala rin naman kung kayo ang magiging reyna”. Ang

panganay ay tumungo sa kanyang kwarto’t sinukat ang sapatos.

Nagkasya ang harapan ng kanyang paa ngunit ang kanyang sakong

ay masyadong malaki kaya’t hindi ito maipasok. Kinuha niya ang

kutsilyo at pinutol niya ang maliit na parte ng kanyang sakong, para

maipasok ang kanyang paa sa sapatos.

Sinabi ng ina sa pangalawang anak “Kunin mo ang sapatos

at kapag masyadong maliit putulin mo ang iyong hinlalaki”. Kaya

kinuha ng nito ang sapatos at dinala sa kanyang silid. Dahil sa

masyadong mahaba ang paa para dito, kaya’t kinagat nito ang

kanyang mga ngipin at pinutol ang malaking parte ng kanyang

hinlalaki at medaling naisuot ang sapatos.


43

Nakasaad sa itaas ang paghahangad ng ina na mapangasawa

ng isa sa kanyang mga anak ang prinsepe kaya iniutos niya na

putulin o bawasan ang bahagi ng paa ng kanyang mga anak upang

maisuot lamang ang sapatos. Binigyang patunay ito ni Padilla

(1993) mula sa papel nina Bartolome at Castro, ang imoral ay

yaong mga bagay na lumabag sa batas ng Diyos at maling katwiran

tulad ng pagnanakaw, pagpatay, pakikiapid, panggagahasa,

pagsisinungaling at live-in.

Sa fairy tale na Snow White sa bersiyon ng Walt Disney at

Grimm Brothers, ang pangunahing tauhan ay si Snow White. Si

Snow White ay may madrasta, na kapwa sa akdang ito kasisinagan

ng kasakiman at selos ng reyna sa kagustuhang makuha niya ang

titulong pinakamagandang babae sa kanilang kaharian.

Ayon kay Kadipan, mula sa papel nina Manuel at Perocho,

inilalahad ng teoryang moralistiko ang mga pilosopiya o

proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o

ugali ayon sa pamantayang itinakda ng Diyos at ng lipunan.


44

Sa bersiyon ng Walt Disney nakasaad ang reyna ay laging

tinatanong ang isang mahiwagang salamin kung sino ang

pinakamagandang babae sa lahat. Ninanais niya na siya lamang

ang maturingang pinakamaganda sa lahat ng babae sa kanilang

kaharian. Nang malaman niya na si Snow White ang tinaguriang

pinakamaganda ay pinapatay niya ito dahil sa kanyang selos at

kasakiman. Ang mga ito ay mapapatunayan sa pahayag sa ibaba.

Ang malupit na madrasta ni Snow White ay gustong maging

pinakamagandang babae sa buong kaharian, at palagi niyang

tinatanong ang kanyang mahiwagang salamin ng "Salamin!

Salamin, ipakita sino ang pinakamagandang babae sa buong

kaharian?" At ang mahiwagang salamin ay sasagot ng, "Ikaw,

Kamahalan!" Ngunit isang araw, ang salamin ay sumagot na, "Si

Snow ang pinakamaganda sa lahat." Ang malupit na reyna ay galit

na galit at nagseselos kay Snow White. Inutusan niya ang kanyang

mangangaso na dalhin si Snow White sa kagubatan at patayin, at

gusto niyang ipadala ang puso nito pagbalik sa kanya.


45

Sinaad sa Mula sa Exodo (19:16-25; 20:22) na sinabi ni Jesus

sa mga tao ang sampung utos ng Diyos. Sa panghuling utos ng

Diyos, sinaad na Huwag kang magnanasa.

Narito pa ang ilang pangyayari na nagpapakita ng pagnanasa

ng reyna na maging pinkamagandang babae at pagplaplanong

pagkitil sa buhay makamit lamang ito. Tunghayan ito sa

pangyayaring ito.

Ang reyna ay isang mangkukulam na may alam kung papano

gumawa ng mahika. Gumawa siya ng nakakamatay na mahika at

binabad ang napakapulang mansanas rito. Pagkatapos ay

nagpanggap siya bilang isang matandang babae at pumunta sa

kagubatan dala-dala ang mansanas.

Binigay ng matanda ang mansanas at kumagat si Snow White

rito at nakatulog. Bumalik ang malupit na madrasta sa palasyo at

tinanong muli ang salamin, "Salamin! Salamin! Sino ang

pinakamaganda sa lahat?" At ang salamin ay sumagot, "Ikaw,

Kamahalan!" Ang reyna ay masayang masaya.


46

Sinabi ni Villalobos (2015) ang pagnanakaw, pagpatay dahil

sa masamang dahilan, pagsisinungaling, panlalamang sa kapwa,

paninira ng kapwa, at iba pang maling gawain ay maituturing na

mga imoral.

Binanggit sa sampung utos ng Diyos, Exodo (19:16-25;

20:22) na huwag kang papatay.

Pinahayag ni Padilla (1993) mula sa pananaliksik nina

Bartolome at Castro (2007), ang pagpatay o pagkitil sa buhay ay

isang imoral o masama.

Ang mga pahayag ukol sa mga ginawa ng reyna makikita

natin ang kanyang pagkaganid dahil sa laging pagsisigurong siya

ang pinakamaganda sa lahat ng kababaihan sa kanilang kaharian.

Napatunayan ito dahil sa pahayag na "Salamin! Salamin! Sino ang

pinakamaganda sa lahat?" Dahil sa kanyang pag-aasam na makuha

ang kasiguraduhang siya ang pinakamaganda sa lahat ay tinangka

niyang ipapatay at patayin si Snow White. Ang mga gawi na ito ng


47

reyna ay kasisinagan ng paglabag sa dalawa sa sampung utos ng

Diyos na binibilang bilang isang imoral na gawain.

Sa bersiyon ng Grimm Brothers ay kakikitaan rin ng ganitong

pangyayari na kung saan ang pag-kaganib ng reyna ay

humahantong sa pagtangkang pagpatay. Ito ay makikita sa

pahayag sa ibaba.

Isang araw, muling tinanong ng reyna ang kanyang salamin.

Nagulat siya sa sinabi ng salmanin, "Ikaw, aking reyan ay

maganda; ito ang totoo. Ngunit, si Snow White ay ilang libong mas

maganda kaysa sa sayo." Inggit na inggit siya kay Snow White at

sa tuwing nakikita niya ito ay bumabalot ang pagkagalit nito sa

kanya. Tunawag siya ng mangangaso at sinabing, "Dalhin si Snow

White sa kagubatan,ayaw ko na siyang makita pang muli. Patayin

siya, at para maging katibayan ng pagkakamatay niya ay dalhin sa

akin ang kanyang baga at atay."

Sinabi ni Villalobos (2015) ang pagnanakaw, pagpatay dahil

sa masamang dahilan, pagsisinungaling, panlalamang sa kapwa,


48

paninira ng kapwa, at iba pang maling gawain ay maituturing na

mga imoral.

Ayon kay Padilla (1993) mula sa pananaliksik nina Bartolome

at Castro (2007), ang pagpatay o pagkitil sa buhay ay isang imoral

o masama.

Binanggit sa pang-anim na utos sa Exodo (19:16-25; 20:22)

na huwag kang papatay.

Mula sa Exodo (19:16-25; 20:22) na sinabi ni Jesus sa mga

tao ang sampung utos ng Diyos. Sa panghuling utos ng Diyos,

sinaad na Huwag kang magnanasa.

Ayon kay Kadipan, mula sa papel nina Manuel at Perocho,

inilalahad na ang teoryang moralistiko ang mga pilosopiya o

proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o

ugali ayon sa pamantayang itinakda ng Diyos at ng lipunan.


49

Inilahad sa Bibliya (Exodo 19:16-25; 20:22), sinabi ni Jesus

sa mga tao ang sampung utos ng Diyos huwag kang magnanasa at

huwag kang papatay.

Narito pa ang ilang pangyayari na nagpapakita ng pagnanasa

ng reyna na maging pinkamagandang babae at pagplaplanong

pagkitil sa buhay makamit lamang ito. Tunghayan ito sa mga

pangyayaring ito.

Isang araw, muling tinanong ng reyna ang kanyang salamin.

Nagulat siya sa sinabi ng salmanin, "Ikaw, aking reyan ay

maganda; ito ang totoo. Ngunit, si Snow White ay ilang libong mas

maganda kaysa sa sayo." Inggit na inggit siya kay Snow White at

sa tuwing nakikita niya ito ay bumabalot ang pagkagalit nito sa

kanya. Tunawag siya ng mangangaso at sinabing, "Dalhin si Snow

White sa kagubatan,ayaw ko na siyang makita pang muli. Patayin

siya, at para maging katibayan ng pagkakamatay niya ay dalhin sa

akin ang kanyang baga at atay."


50

Sinabi ni Padilla (1993) mula kina Bartolome at Castro, ang mga

imoral na pangyayari ay yaong mga gawaing lumabag sa batas ng

Diyos at wala sa tamang katwiran lalo na sa kautusan ng Diyos.

Inilahad sa Exodo (19:16-25; 20:22) na sinabi ni Jesus sa

mga tao ang sampung utos ng Diyos sinaad na huwag kang

magnanasa at huwag kang papatay.

Narito pa ang ilang pangyayari na kakikitaan ng pagkaganib o

pag-aasam ng reyna na matanghal na pinakamagandang babae. Ito

ay matutunghayan sa pahayag sa ibaba…

Umuwi siya at tinanong ang salamin, sumagot naman ito na siya

ang pinakamaganda sa balat ng lupa.

Sinaad sa Exodo (20:22) na sinabi ni Jesus sa mga tao ang

sampung utos ng Diyos sinaad na huwag kang magnanasa.

Nabanggit rin dito ang utos na huwag kumitil ng buhay.


51

Ayon kay Padilla (1993) mula kina Bartolome at Castro, ang

pagpatay o pagkitil sa buhay ng tao ay masama o imoral.

Tinalakay ni Sagun (1999) mula sa papel nina Bartolome at

Castro, na sa moralistikong pananaw binibigyang diin ng

panunuring ito ang kilos o asal ng pangunahing tauhan at ng iba

pang tauhan sa akda, kung ito ay kalugud-lugud o di kalugud-lugud

sa mata ng Diyos. Sa bersiyong ito, Grimm Brothers, sa Snow

White kinakitaan ng hindi magandang asal si Snow White. Ang

pagpasok sa tahanan ng mga duwende ng walang pahintulot.

Matutunghayan ito sa susunod na pahayag…

Ang kawawang Snow White ay nanatili sa kagubatan, sa

sobrang takot ay tumakbo siya ng tumakbo, pagkagabi ay may

nakita siyang maliit na bahay, pumasok siya rito at nagpahinga.

Narito pa ang ilang pangyayari na kung saan kinakitaan ang

pangunahing tauhan na si Snow White ng di kalugud-lugud na asal,

ang pagsuway sa payo ng mga duwende na naghatid sa kanya ng

ilang beses sa kapahamakan sa kamay ng reyna.


52

Nagpanggap siya bilang isang matandang nagbebenta ng mga

palamuti sa katawan. Kumatok siya sa pintuan ng bahay ng

duwende at ang inosenteng Snow White ay pinagbuksan siya at

binili ang isang bodice lace. Tinali ito ng matanda kay Snow White

hanggang sa ito'y hindi na makahinga.

Ayon kay Villalobos (2015), ang moralidad ay isang prinsipyo na

may kinalaman sa pagiging tama o mali ng isang gawain batay sa

itinakda ng batas o simbahan. Ang pagnanakaw, pagpatay dahil sa

masamang dahilan, pagsisinungaling, panlalamang sa kapwa,

paninira sa kapwa, at iba pang maling gawain ay maituturing na

mga imoral.

Mula sa Proverbs (1:8-9), anak ko, dinggin mo ang turo ng

iyong ama, at huwag mong pabayaan ang kautusan ng iyong ina:

Sapagkat sila’y magiging tali ng biyaya sa iyong ulo, at mga

kuwintas sa ligid ng iyong leeg.


53

Sa mga pahayag sa ibaba ay ilan pa sa mga hindi pagkinig sa

mga babala o payo ng mga duwende kay Snow White na naglagay

sa kanya sa kapahamakan sa kamay ng reyna.

Kumatok siya sa pinto, ngunit hindi siya pinapasok ni Snow

White. Ngunit dahil sa nagandahan si Snow White sa linabas na

magandang suklay ng matanda ay pinapasok niya ito at binili ang

suklay, sinuklayan siya ng mayanda hanggang sa ang

nakamamatay na lason nito ag umepekto sa kanya at siya'y

napahiga sa sahig ng walang malay.

Muli siyang nagbalik kay Snow White. Ngunit ayaw na ni Snow

White tumanggap ng kahit ano pa sa kanya. Tinanong ng matanda

si Snow White kung takot ba ito sa lason, at upang mapatunayan

na walang lason ang kanyang mansanas ay sinabi niyang hahatiin

niya ang mansanas sa dalawa at kakainin niya ang kalahati nito.

Naniwala si Snow White at kinuha niya ang bigay ng reyna at

kumagat rito, hanggang siya ay napahiga at nawalan ng malay.

Tuwang tuwa ang matanda at sinabing hindi na muli itong magiging

ng mga duwende.
54

Ayon kay Kadipan, mula kina Manuel at Perocho (2016), inilahad

ng teoryang moralistiko ang mga pilosopiya o proposisyong

nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa

pamantayang itinakda ng Diyos at ng lipunan.

Narito pa ang isang imoral na ginawa ni Snow White at ng

naging asawa nito. Ang paghihiganti nito sa reyna sa lahat na

ginawa ng reyna kay Snow White. Nakalahad ito sa ibaba.

Binigyan siya ng magkapares na nagliliyab na sapatos at

puwinersa siyang suutin ito at sumayaw hanggang siya'y napahiga

sa sahig at namatay.

Ayon kay Sagun (1999) mula sa papel nina Bartolome at Castro

(2007), binigyang diin sa teoryang moralistiko ay ang kilos o asal

ng pangunahing tauhan at ng iba pang tauhan sa akda, kung ito’y

kalugud-lugud o di kalugud-lugud sa mata ng Diyos at tao.


55

Sinabi din ni Padilla (1993) mula sa papel nina Bartolome at

Castro (2007), ang pagpatay o pagkitil sa buhay ng tao ay masama

o imoral. Kahit na sinasabi ng mamamatay tao na mayroon siyang

mabuting dahilan kung bakit niya nagawa ang bagay na ito.

Mula sa mga Taga-Roma (12:18-19), kung maaari, ayon sa

inyong makakaya, ay magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng

mga tao. Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi

bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, Akin

ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.

Ayon sa Mateo (5:38-39), narinig ninyong sinabi, Mata sa mata,

at ngipin sa ngipin: Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong

makilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyo'y sumampal

sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila.

Ang fairy tale na may pamagat na Hansel and Gretel ay

tungkol sa dalawang magkapatid na naligaw sa kagubatan.

Nakahanap ng isang bahay na gawa sa kendi’t matatamis na

pagkain na ang naninirahan ay isang matandang mangkukulam.


56

Ang ganitong pangyayari ay kapwa taglay ng dalawang besiyon,

ang The Grimm Brothers at ang Walt Disney. Kinakitaan ang

dalawang bersiyong ito ng ilang mga imoral na gawi ng mga

tauhan.

Ayon kay Sagun (1999) mula sa papel nina Bartolome at Castro

(2007), binigyang diin sa teoryang moralistiko ang kilos o asal ng

pangunahing tauhan at iba pang tauhan sa akda, kung ito’y

kalugud-lugud o di kalugud-lugud sa mata ng Diyos at tao. Sa fairy

tale na pinamagatang Hansel and Gretel ng Walt Disney, ang

magkapatid na Hansel at Gretel ay kinakitaan ng gawaing hindi

kalugud-lugud na mga gawi sa mata ng Diyos at ng tao. Ito ay

nakasaad sa ibaba.

“Habang tumatagal ay nawalan na ng pasensya ang

mangkukulam kaya ipinahanda na nit okay Gretel ang hurnahan

dahil sa iluluto na daw nito si Hansel. Si Gretel naman ay pinatingin

sa mangkukulam kung tama na ang init sa hurnahan. Kaya nang

tingnan ito ng mangkukulam, walang alinlangang tinulak ni Gretel

ng buong lakas ang mangkukulam sa loob ng hurnahan. Pinalaya


57

niya si Hansel at sabay nilang pinagmasdang unti-unting mamatay

ang mangkukulam.”

Ayon kay Padilla (1993) mula sa papel nina Bartolome at Castro

(2007) ang pagpatay o pagkitil sa buhay ng tao ay masama o

imoral. Kahit na sinasabi ng mamamatay tao na mayroon siyang

mabuting dahilan kung bakit niya nagawa ang bagay na ito.

Binanggit sa sampung utos ng Diyos, Exodo (19:16-25; 20:22)

na huwag kang papatay.

Kinakitaan din sa bersiyon ng The Grimm Brothers ng

kaparehang pangyayari na matutunghayan sa susunod na pahayag.

“Ihanda ang hurnahan,” sabi niya kay Gretel “Maghahanda tayo

ngayon nang malasang inihaw na batang lalaki”

“Magmadali ka’t tingnan mo kung sapat na ang init ng

hurnuhan”. Pagalit na sigaw ng bruha sa batang babae “Walang


58

pakinabang na bata! Ako na ang titingin!”. Ngunit, nang tumuwad

na ang bruha upang sisilipin ang loob ng hurnuhan upang tingnan

kung mainit na, si Gretel ay buong lakas na itinulak ang bruha sa

hurnuhan at isinarado ito. Ang bruha ay nalasap ang kamatayan na

nararapat sa kanya.

Binanggit sa sampung utos ng Diyos, Exodo (19:16-25; 20:22)

na huwag kang papatay.

Ayon kay Padilla (1993) mula sa papel nina Bartolome at

Castro (2007) ang pagpatay o pagkitil sa buhay ng tao ay masama

o imoral. Kahit na sinasabi ng mamamatay tao na mayroon siyang

mabuting dahilan kung bakit niya nagawa ang bagay na ito.

Ang pagpatay ay isang mortal na kasalanan. Hindi lamang sa

mata ng Diyos, maging sa mata ng lipunan. Binigay patunay ito sa

pag-aaral nina Bartolome at Castro (2007), na ang pagpatay o

pagkitil sa buhay ng tao ay masama o imoral (Padilla [1999]).


59

Binanggit ni Villalobos (2015), ang moralidad ay isang prinsipyo

na may kinalaman sa pagiging tama o mali ng isang gawain batay

sa itinakda ng batas o simbahan. Ang pagnanakaw, pagpatay dahil

sa masamang dahilan, pagsisinungaling, panlalamang sa kapwa,

paninira sa kapwa, at iba pang maling gawain ay maituturing na

mga imoral. Sa Walt Disney Hansel and Gretel, ang mangkukulam

ay nais kainin ang magkapatid. Kinikilala naring ang pagplaplanong

ito ay isang imoral na kaisipan at isa na rin itong kasalanan sa

simbahan. Masasaksihsn ito sa susunod na pahayag.

“Ginawang alila si Gretel habang si Hansel ay ikinulong at

pinapataba bago siya lulutuin”

Mula sa Mateo (5:21), narinig ninyo na sinabi sa mga tao sa

una, huwag kang papatay; at ang sinumang pumatay ay mapapasa

panganib sa kahatulan.

Nakita rin ang mga pangyayaring ito sa bersiyon ng

magkapatid na Grimm. Matutunghayan ito sa susunod na pahayag.


60

“Buto’t balat kayo!” sabi ng bruha, kinulong niya si Hansel sa

kulungan. “Papatabain muna kita bago kita kakainin”.

“Pwede kang gumawa ng gawaing bahay” sabi niya kay Gretel

“Pagkatapos kakainin din kita!”

Mula sa Bibliya (Mateo 5:21), narinig ninyo na sinabi sa mga

tao sa una, huwag kang papatay; at ang sinumang pumatay ay

mapapasapanganib sa kahatulan.

Ang pagiging makasarili ay isang kaugaliang masama at mali sa

pananaw ng simbahan. Pinatunay ito sa pagsusuri nina Bartolome

at Castro na binigyang diin sa teoryang moralistiko ay ang kilos o

asal ng pangunahing tauhan at ng iba pang tauhan sa akda, kung

ito’y kalugud-lugud o di kalugud-lugud sa mata ng Diyos at tao.

Pinagtibay pa ito sa pagsusuri nina Manuel at Perocho na ang

pagbibigay at hindi pagiging makasarili ay isang gawi na

nagpapahalaga sa moral. Isang malinaw na nagpapahayag na ang


61

gawing ito ng tauhan ay salungat sa ipinahayag ng pagsusuri nina

Manuel at Perocho.

Ang fairy tale na bersiyon ng Hansel and Gretel ng Grimm

Brothers ay kinakitaan ng mga pangyayari na wala sa bersiyon ng

Walt Disney. Ang mga pangyayaring ito ay nasisinagan ng mga

imoral na gawi ng mga tauhan.

Sa bersiyong ito, ang madrasta nina Hansel at Gretel ay isang

taong makasarili at sakim. Tanging sariling kapakanan lamang ang

iniisip. Handang ipahamak ang kanyang anak-anakan para lamang

hindi maubusan ng makakain. Ito ay isang gawaing imoral at

itinuturing kasalanan sa Diyos. Ito ay makikita sa susunod na

pahayag.

“Wala ng sapat na pagkain sa bahay para sa ating lahat.

Masyadong maraming bungangang pinapakain! Kailangan na nating

idispatsa ang mga bata” deklara niya. At patuloy niya hinihikayat

ang asawa na abandunahin ang mga anak nito sa kagubatan.


62

“Dalhin mo sila na milya ang layo sa ating tirahan, sobrang

layo na hindi na nila makikita ang daang pauwi! Baka mai ibang

makakakita sa kanila at kukupkupin” ang kawawang mangtrotroso

ay hindi alam ang gagawin.

Mula sa Bibliya (1 mga Taga-Corinto 10:24), Huwag hanapin

ninoman ang sa kaniyang sarili, kundi ang ikabubuti ng kapwa.

Mula sa Bibliya (Taga-Filipos 2:3), na huwag ninyong gawin

ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa

pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababaan ng pagiisip, na

ipalagay ng bawa't isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang

sarili;

Makikitaan rin ng pagkawalang pakialam ng madrasta sa mga

bata. Ito ay sinasaad sa ibaba.

“Ang masamang madrasta ay ikinulong ang mga bata buong

araw sa kwarto, na ang tanging hapunan ng mga ito ay isang higop

ng tubig at iilang matigas na tinapay.”


63

Ayon kay Sagun (1999) mula sa papel nina Bartolome at Castro

(2007), ang binigyang diin sa teoryang ito ang kilos o asal ng

pangunahing tauhan at ng iba pang tauhan sa akda, kung ito’y

kalugud-lugud o di kalugud-lugud sa mata ng Diyos at tao.

Ayon sa Bibliya (1 Timoteo 5:8), datapuwa't kung ang sinoman

ay hindi nagkakandili sa mga sariling kaniya, lalong lalo na sa

kaniyang sariling sangbahayan, ay tumanggi siya sa

pananampalataya at lalong masama kay sa hindi sumasampalataya.

Kinakitaan rin ang mantrotroso na ama nina Hansel at Gretel ng

imoral na gawain. Siya man ay tutol sa balak ng pangalawang

asawa ay ginawa parin nito ang nais ng asawa. Ito ay

matutunghayan sa ibaba.

“Buong gabi, kinukulit parin ang mantrotroso ng asawa nito.

Nang papasikat na ang araw, sinama niya sina Hnsel at Gretel

patungo sa kagubatan. Ngunit, nang palalim nang palalim na sila sa

kagubatan, si Hansel ay naghuhulog ng mga maliliit na puting bato

sa malumot at berdeng lupa. Sa puntong napaghinuha ng mga bata


64

na silang dalawa na lamang ang naroroon matapos makakuha ng

sapat na lakas ng loob na abandunahin sila, ang ama na

nagpabulong-bulong ng kanyang rason at tuluyang umalis.”

Ayon sa Bibliya (Taga-Efeso 6:4), at kayong mga ama, huwag

ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong

turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon.

Malinaw na napahayag sa itaas ang paglabag ng kaugalian ng

madrasta sa paniniwala ng simbahan. Ang pagiging makasarili ay

lumalabag sa pagpapahalagang moral ng tao. Binigyang patunay ito

sa pag-aaral nina Manuel at Perocho, tinalakay nila na mas

mabuting magbigay sa kapwa kaysa isipin ang kanilang sarili.

Malinaw na kabaligtaran ang ginawa ng madrasta. Hindi man sa

paraang pagbibigay ngunit sa aspetong pag-intindi sa kanyang sarili

at kapakinabangan.

Ayon kay Kadiapn, mula sa papel nina Manuel at Perocho,

inilalahad na ang teoryag moralistiko ang mga pilosopiya o


65

proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o

ugali ayon sa pamantayang itinakda ng Diyos at ng lipunan.

Narito ang isa pangpagtatangkang pagligaw ng ama sa kanyang

anak sa kagubatan. Makikita ito sa pahayag sa ibaba.

“Sa sumunod na araw, nalaman ng madrasta na sila ay

nakauwi, siya ay sobrang nagalit ng kanila ngunit hindi nito

pinakita, kinulong niya ang sarili sa kanyag kwarto at muling

nilapitan ang asawa dahil sa hindi nito nagawa ang nais nito.

Nahahati ang nararamdaman ng mangtrotroso, kung siya ba ay

mahihiya o matatakot sa pagkamali niya sa pinagagawa ng asawa.

Ang masamang madrasta ay ikinulong ang mga bata buong araw sa

kwarto, na ang tanging hapunan ng mga ito ay isang higop ng tubig

at iilang matigas na tinapay. Nag-away ag mag-asawa buong gabi

at nang pasikat na muli ang araw, ang mangtrotroso ay muling

dinala sa kagubatan ang mga bata.”

Ayon sa Bibliya (1 Timoteo 5:8), datapuwa't kung ang sinoman

ay hindi nagkakandili sa mga sariling kaniya, lalong lalo na sa


66

kaniyang sariling sangbahayan, ay tumanggi siya sa

pananampalataya at lalong masama kay sa hindi sumasampalataya.

Ayon sa Bibliya (Taga-Efeso 6:4), at kayong mga ama, huwag

ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong

turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon.

Bilang isang magulang layunin mong pangalagaan ang iyong

mga anak tunay man o hindi. Kinakailangang unahin ang

pangangailangan ng iyong anak kaysa sa iyong sarili. Ito ay di natin

kinakitaan sa mangtrotroso at asawa nito. Ang pagkaganig at

pagkamakasarili ng ina, inuuna ang sariling kapakanan at walang

bahid ng pagmamahal sa mga bata ang mga pinakita ng asawa ng

mangtrotroso at ang pagsunod ng mangtrotroso sa nais ng asawa

kahit na kapahamakan ng sariling anak. Isang gawaing kinukunutan

ng simbahan at lipunan. Pinapatunayan ito sa pag-aaral nina

Manuel at Castro, inilahad sa kanilang pagsusuri na ang teoryang

moralistiko ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa

pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang

itinakda ng Diyos at ng lipunan.


67

Ang mangtrotroso ay kinakitaan ng gawing pagsisinungaling sa

kanyang mga anak upang maiwan lamang ang magkapatid sa

kagubatan. Ito ay mababasa sa pahayag sa ibaba.

“Sa puntong ito ay nahinuha na ng mga bata na sila na lamang

dalawa ang naroroon matapos makakuha ng sapat na lakas ng loob

na abandunahin sila, ang ama na nagpabulong-bulong ng kanyang

rason at tuluyang umalis.”

Ayon kay Sagun (1999) mula sa papel nina Bartolome at Castro

(2007), binigyang diin sa teoryang moralistiko ay ang kilos o asal

ng pangunahing tauhan at iba pang tauhan sa akda, kung ito’y

kalugud-lugud o di kalugud-lugud sa mata ng Diyos at tao.

Binanggit ni Padilla (1993) mula sa papel nina Bartolome at

Castro, ang imoral ay yaong mga bagay na lumabag sa batas ng

Diyos at maling katewiran tulad ng pagnanakaw, pagpatay,

pakikiapid, panggagahasa, pagsisinungaling at live-in.


68

Nakasaad sa Bibliya (Exodo 19:16-25;20:22) na sinabi ni Jesus

sa mga tao ang sampung utos ng Diyos na huwag kang

magsisinungaling.

Isang kagawiang kinukunutang noo ng lahat. Ang

pagsisinungaling ay isang gawaing pinagbabawal hindi lamang sa

simbahan, lipunan maging sa sangkatauhan. Isang malinaw na

pahayag na ang gawi na ito ay nahahanay sa imoral na kaugalian.

Ito ay mapapatunayan sa pagsusuri nina Bartolome at Castro, mula

rito ang pagsisinungaling ay imoral mula nang ito ay parating

masangkot sa adhikain laban sa pag-alis ng mabuting-asal o

kaugalian (Garcia, 2000).

Sa akdang ito, ang mga pangunahing tauhan ay sina Hansel at

Gretel. Ang dalawang tauhan na ito ay kinakitaan ng imoral na

gawain. Ang pagkuha o pagnanakaw nina Hansel at Gretel. Ito ay

matutunghayan sa ibaba.

“Sila ay nanatili ng ilang araw upang kainin ang ilang parte ng

bahay, hanggang sa madiskubre nila na sa mga gamit ng bruha ay


69

isang malaking itlog na tsokolate. Sa loob nito ay isang kaha ng

mga gintong barya.”

Isinaad ni Padilla (1993) mula sa papel nina Bartolome at

Castro, ang imoral ay yaong mga bagay na lumabag sa batas ng

Diyos at maling katewiran tulad ng pagnanakaw, pagpatay,

pakikiapid, panggagahasa, pagsisinungaling at live-in.

Nakasaad sa Bibliya (Exodo 19:16-25;20:22) na sinabi ni Jesus

sa mga tao sa sampung utos ng Diyos na huwag kang

magnanakaw.

Ang pagnanakaw ay itinuturing isang imoral o masamang

gawaing kahit na may magandang dahilan ka. Ito ay isang gawaing

hindi katanggap-tanggap o hindi kalugud-lugud hindi lamang sa

mata ng Diyos maging sa pananaw ng lipunan. Pinagtibay ito sa

pagsusuri nina Bartolome at Castro, nakasaad sa kanilang

pagsusuri na ang imoral ay yaong mga bagay na lumabag sa batas

ng Diyos at maling katewiran tulad ng pagnanakaw, pagpatay,


70

pakikiapid, panggagahasa, pagsisinungaling at live-in (Padilla,

1993).

Ang pang-apat na layunin ay matukoy ang mga imoral na gawi

na masisinag sa mg apiling fairy tales.

Matutunghayan sa kasunod na pahina ang Talahanayan 2.0,

ang mga imoral na pangyayari na masisinag sa mga piling fairy

fales.
71

Talahanayan 2.0

Imoral na Pangyayari na Masisinag sa Mga Piling Fairy Tales

Bersiyon ng Walt Bersiyon ng Grimm Brothers

Pamagat Disney

Cinderella  Kinakitaan ng  Inaapi simula musmus pa

pagpapahirap lamang ng kanyang

sa kanya ng madrasta at mga

mga kinakapatid sa tahanang

kinakapatid at kinalakhan.

madrasta.  Nagpapakita ng pagmaltrato

kay Cinderella, siya ay

pinagtrabaho at pinatutulog

sa may chimneya.

 Pagbabawal ng madrasta

kay Cinderella na dumalo sa

kasiyahan. Kakikitaan din

ng pag-aalipusta sa dalaga.

 Pagbabantang pagpapahirap

at hindi pagbibigay ng

pagkain kay Cinderella.

 Pagsisinungaling ni

Cinderella sa kanyang mga


72

kinakapatid tungkol sa

misteryosong banyagang

prinsesa.

 Paglalagay sa kapahamakan

ng isang ina sa mga anak sa

pag-aasam na

mapangasawa lamang ng

isa sa kanyang anak ang

prinsepe.

 Paghahangad ng ina na

mapangasawa ng isa sa

kanyang mga anak ang

prinsepe kaya iniutos niya

na putulin o bawasan ang

bahagi ng paa ng kanyang

mga anak upang maisuot

lamang ang sapatos.

Snow  Kinakikitaan  Pag-kaganib ng reyna ay

White ng kasakiman humahantong sa

at selos ng pagtangkang pagpatay.

reyna sa  Nagpapakita ng pagnanasa

kagustuhang ng reyna na maging


73

makuha niya pinkamagandang babae at

ang titulong pagplaplanong pagkitil sa

pinakamagand buhay makamit lamang ito.

ang babae sa  Kinakitaan ang pangunahing

kanilang tauhan na si Snow White ng

kaharian. di kalugud-lugud na asal,

 Pinapatay niya ang pagsuway sa payo ng

si Snow White mga duwende na naghatid

dahil sa sa kanya ng ilang beses sa

kanyang selos kapahamakan sa kamay ng

at kasakiman. reyna.

 Hindi pakikinig sa mga

babala o payo ng mga

duwende kay Snow White

na naglagay sa kanya sa

kapahamakan sa kamay ng

reyna.

 Ang paghihiganti nito sa

reyna sa lahat na ginawa ng

reyna kay Snow White.

Hansel  Kinakitaan ng  Ang madrasta nina Hansel


74

and gawaing hindi at Gretel ay isang taong

Grethel kalugud-lugud makasarili at sakim.

na mga gawi Tanging sariling kapakanan

sa mata ng lamang ang iniisip. Handang

Diyos at ng ipahamak ang kanyang

tao. anak-anakan para lamang

hindi maubusan ng

makakain.

 Makikitaan rin ng

pagkawalang pakialam ng

madrasta sa mga bata.

 Kinakitaan rin ang

mantrotroso na ama nina

Hansel at Gretel ng imoral

na gawain. Siya man ay

tutol sa balak ng

pangalawang asawa ay

ginawa parin nito ang nais

ng asawa.

 Paglabag ng kaugalian ng

madrasta sa paniniwala ng

simbahan. Ang pagiging


75

makasarili ay lumalabag sa

pagpapahalagang moral ng

tao.

 Pagtatangkang pagligaw ng

ama sa kanyang anak sa

kagubatan.

 Kinakitaan ng gawing

pagsisinungaling ng ama sa

kanyang mga anak upang

maiwan lamang ang

magkapatid sa kagubatan.

 Ang pagkuha o pagnanakaw

nina Hansel at Gretel.

Mula sa pagsusuring isinagawa, ang mga piling fairy tales ng

Walt Disney at Grimm Brothers ay kakikitaan ng hindi magandang

pangyayari na hindi katanggap-tanggap sa paningin ng tao sa

lipunan.
76

Lumabas sa pag-aaral ang pagkakahalintulad nito sa lumabas

na resulta sa pag-aaral ni Diaz (2010) na sinasabi niyang, “thus, I

have found out the frequency of use and percentages of some

worlds related to cruelty and violence: cut +parts of the body, dead

and blood found in he tales.”

Ayon pa rin kay Diaz (2010), ang mga karahasang makikita

sa mga piling fairy tales na ito ay hindi naayon sa antas na dapat

ikintal sa mga isip ng mga kabataan ngayon. Ang mga imoral na

pangyayaring ito ay kahindik-hindik at hindi nababagay sa mata at

pag-iisip ng mga batang nasa murang edad pa lamang.

Batay sa pagsusuri, parehong kakikitaan ng karahasan ang

bawat bersiyon. Napatunayan lamang na litaw na litaw ang

pagkakaroon nito ng mga imoral na pangyaayri.


77

KABANATA V

PAGLALAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Inilalahad sa kabanatang ito paglalagom, kongklusyon at

rekomendasyon sa ginawang pananaliksik.

5.1 Paglalagom

Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibong pananaliksik na

naglalayong mangalap, maisalin at masuri ang mga piling fairy tales

ng Walt Disney at Grimm Brothers ayon sa moralistikong pananaw

na nakapokus sa mga imoral na gawi at kaisipan ng mga tauhan sa

mga piling fairy tales.

Ang mga piling fairy tales na ginamit sa pagsusuri ay

alinsunod sa kraytiryang ginawa ng mga mananliksik. Ang pumasok

sa kraytiryang ginawa ay ang Cinderella, Snow White at Hansel and

Gretel.
78

Natuklasan ng mga mananaliksik na mas kakikitaan ng

maraming karahasan, pagmamalupit at pagiging imoral sa bersiyon

ng Grimm Brothers kaysa sa bersiyon ng Watl Disney. Ang mga

imoral na gawaing nakita sa pagsusuri ng mga fairy tales ay ang

mga pagpatay, pagkasakim, pandaramot, pagnanakaw at

pagwawalang halaga ng ibang tao sa lipunan.

Batay sa resulta ng pagsusuri ang mga piling fairy tales ng

Walt Disney at Grimm Brothers ay makikitaan ng iba’t-ibang anyo

ng karahasan o pagiging imoral na hindi katanggap-tanggap sa

lipunan.

5.2 Kongklusyon

Sa isinagawang pagsusuri ng mga mananaliksik, napatunayan

na lumilitaw ang pagkakaroon ng imoral na pangyayaring naganap

sa mga piling fairy tales ng Walt Disney at Grimm Brothers.


79

Batay sa mga resulta ng pagsusuring isinagawa ng mga

mananaliksik, masasabing ang mga piling fairy tales ng Walt Disney

at Grimm Brothers ay nasisinagan ng mga gawaing hindi

katanggap-tanggap o hindi kalugud-lugud hindi lamang sa mata ng

Diyos maging sa pananaw din ng lipunan.

5.3 Rekomendasyon

Batay sa mga kinalabasan ng ginawang pagsusuri sa mga

piling fairy tales ng Walt Disney at Grimm Brothers,

inererekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga mananaliksik sa

hinaharap na magsagawa ng ganitong pagsusuri sa mga

piling fairytales ng Walt Disney na nakapokus sa pagiging

marapat nitong ituro nito sa mga kabataan.

You might also like