You are on page 1of 4

SINA THOR AT LOKI SA MUNDO NG MGA HIGANTE

TAUHAN
- Thor
- Loki
- Hugi
- Logi
- Thjalfi
- Utgaro-Loki
- Skrymir
- Eli

TAGPUAN
- Utgaro (lupain ng mga Higante)
- Bahay ng Magsasaka

BANGHAY
Simula :
- Naglakbay sina Thor at Loki, patungo na sila ng mundo ng higante ngunit inabot pa sila
ng gabi kaya't nanatili muna sila sa bahay ng magsasaka at dito nila nakasama si Thjalfi

Saglit na Kasiglahan :
- Nagbigay ng payo ang nakasalubong nilang higante na si Skymir, nagiwan Ito ng payo
kina Thor na huwag maging mapamataas

Kasukdulan :
- Dumating sila sa Mundo ng mga Higante nang hamunin nila ang mga 'to, sila ay
nagmayabang pa sa kanilang kayang gawin ngunit sila ay natalo sa lahat ng paligsahan.
Si Thor ay hindi agad sumuko sa mga Pagsubok na iniharap sakaniya.

Kakalasan :
- Natanggap na ng grupo nila Thor ang pagkatalo ngunit inamin ni Utgaro-Loki ang
paggamit nila ng itim na mahika sa mga patimpalak kaya't nanalo sila sa mga ito.

Resolusyon / Wakas :
- Dahil sa napagdaanan ni Thor natutunan niyang dapat ay hindi siya maging
mapagmataas sa kaniyang kapwa

TEMA
- Ang paksa o tema ng mitolohiyang sina thor at loki sa lupain ng mga higante. Ang tema
ng mitolohiya ito ay tungkol sa mga kapangyarihan at paghahari, may mga pinuno na
gagawin ang lahat para lang hindi masabing sila ay mahina at mapahiya sa kanilang
nasasakupan.

RIHAWANI

TAUHAN
- Rihawani - Siya ay pinaniniwalaang isang diyosa o diwata ng puting usa. Isang
napakagandang dalaga na may kapangyarihan na makapagpalit ng anyo. Ito rin ang
pangunahing tauhan sa akda.
- Mga nakakatandang nakatira sa lugar na malapit sa kagubatan ni Rihawani - Sila ang
nagsalaysay sa kasaysayan ng pananahan ni Rihawani. Sila ang nagbibigay payo sa
mga dayuhan na mag-ingat at huwag kailan man ibiging puntahan ang lugar na iyon at
huwag kaulan man galawin ang mga hayop at mga nilalang dito.
- Dayuhan - Ang pakay nila ay ang mangaso at mamaril ng mga hayop sa kagubatan
kung saan nakatira si Rihawani. Sila rin ang mga sumuway sa tagubilin ng mga
nakakatanda sa lugar.

TAGPUAN
- Sa kagubatan - Ang alamat ng Rihawani ay naganap sa isang Kagubatan sa lugar na
tinatawag na marulu, at kung saan nakatira ang diwatang si Rihawani.
- Bahay - ito ang tahanan ng taong nakakita kay Rihawani sa kagubatan na kausap ang
mga puting usa.
- Isang parte ng kagubatan - ang parte ng kagubatan na maari lamang puntahan ng mga
dayuhang mangangaso.
BANGHAY
- Simula : Ang simula ng kwento ay naglalarawan ng isang liblib na pook sa Marugbu na
pinaniniwalaang tahanan ng diyosa o diwata na tinatawag na Rihawani. Ipinakita ang
takot ng mga naninirahan sa lugar na makakita o magawi sa kagubatan na ito, kahit
alam nilang may mga mahahalagang bagay na maaari nilang makuha rito.

- Saglit na Kasiglahan : Ang kwento ay umakyat sa antas ng aksiyon nang may dayuhan
na dumating sa lugar na may layuning mangaso at mamatay ng hayop-gubat. Itinuro ng
mga naninirahan ang gubat at ipinaalam ang kasaysayan nito na may kaugnayan kay
Rihawani.

- Kasukdulan : Ang klimaks ng kwento ay nangyari nang isang dayuhan ay sumuway sa


babala at nagtagumpay na tamaan ang puting usa. Ngunit sa pagtutulungan ng mga
mapuputing usa at ng diwata, napatunayan ang kapangyarihan ni Rihawani. Ang
dayuhan na una'y naging biktima ng sumpa ay naglaho at naiwan ang puting usa at si
Rihawani.

- Kakalasan : Sa bahagi ng pababa na antas ng aksiyon, ang mga kasamahan ng


dayuhan ay naghanap sa kanya, ngunit siya'y nawala na.

- Resolusyon / Wakas : Ang resolusyon ng kwento ay naglalaman ng aral na dapat sundin


ang babala at pagpapahalaga sa likas-yaman. Naging bukas ang mata ng mga
nangangaso sa kahalagahan ng kagubatan at ng diyosang Rihawani.

TEMA
- Sa epikong binasa natin, dapat tayo ay makinig at umunawa sa mga pamahiin na
dumadaloy sa lugar na dadayuhan natin dahil may kasabihan na “ang kamangmangan
ay kaligayahan” ngunit ang kamangmangan mo ay mismong tatapos sa iyo. Kaya pumili
at mag-isip tayo nang maigi bago natin ituloy ang kilos na gagawin natin dahil may mga
panahon na tayo ay magsisisi nang malaki.
PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA NG MITOLOHIYANG RIHAWANI AT
MITOLOHIYA NI THOR AT LOKI SA MUNDO NG MGA HIGANTE :

PAGKAKATULAD

- Ang pagkakatulad nila ay hindi pakikinig sa mga kasabihan o pamahiin na


mayroon sa pook na iyon. Katulad ng kay Thor na hindi nakinig kay Skrymir kaya
siya’y nalamangan gamit ang mga kahinaan niya. Katulad din sa mga Dayuhan
na hindi nakinig sa inatubili ng mga tao sa pook na iyon kaya sa huli, naging
huling dayo na nila iyon.

PAGKAKAIBA
- Si Rihawani ay nagtatago sa mga tao sa kagubatan samantala si Thor ay hindi takot
magpakita sa karamihan.

- May kakayahang magpalit ng anyo si Rihawani bilang isa puting usa samantala si
Thor ay walang kakayahang pano mag palit ng anyo

- Si Thor ay diyos ng kulog at kidlat samantalang si Rihawani naman dyosa na kayang


magpalit ng anyo.

You might also like