You are on page 1of 7

BUOD

Sa gitna ng mapanglaw na gubat ay may


isang malaking puno ng Higera. Nakatali
sa punong ito ang isang binatang wari’y
pinag-uusig ng masamang kapalaran. Ang
lugar na kinaroonan niya ay sa labas ng
Reynong Albanya. Madawag ang
kagubatan, madilim na halos hindi
makapasok ang sinag ng araw dahil sa
makakapal na dahon ng mga
punongkahoy. Bukod dito, ang kagubatan
ay pinamumugaran ng mga mababangis
na hayop na handang manila ng tao.
Sierpe, hiena, at tigre ay ilan lamang sa
mga hayop na naggala. Matinding
kalungkutan naman ang sumasapuso ng
taong nakagapos.
Sa loob at sa labas ng Albanya ay pawang
kasamaan ang naghahari. Sila’y

pinamumunuan ng mga taong may balakyot


ang pag-iisip at masamang ugali. Iniluklok sa

trono ang mga taong may ganitong kaasalan


samantalang ang mga mabubuting gawa at
kaasalan ay pinipigilan. Ang isang halimbawa

nito ay si Konde Adolfo na dahil sa labis na


paghahangad sa korona ng hari at sa
kayamanan ni Duke Briseo ay nilalason ang

kaisipan ng mga nasasakupan ng Hari. Dahil


dito pati si Florante ay pinag-uusig. Ang
pangyayaring ito sa Albanya ay nagbibigay

ng ibayong sama ng loob kay Florante, lalo


na kung naiisip niya ang ginagawa ni Adolfo
na paghadlang sa pagsasalita ng mga taong
magagaling at paglilibing sa kanila kahit
walang kabaong. Sa lahat ng pangyayaring

ito na kanyang nararanasan, sinisisi tuloy


niya pati ang langit.
Ang puso ni Florante ay halos madurog
sa tindi ng panibugho habang

nagugunita niyang si Laura ay nakahilig


sa kandungan ni Adolfo. Kapag
nakakikita ang gayong larawan ay halos

takasan siya ng katinuan ng isip. Maaari


lamang sa puso ni Laura ang
manakanaka’y pag-aalala sa kanya.
Ngunit kapag sumasagi sa isip niya na
si Laura ay nasa pilining ni Adolfo,

hinihiling niya kay kamatayan na


bawian na siya ng buhay upang hindi
niya maramdaman ang sakit na

nagpapahirap sa kanyang puso’t


kaluluwa.
Patuloy na ginigiyagis ng matinding
panibugho ang katauhan ni Florante.
Nagsusumiksik sa kanyang isipan si
Laura at hindi niya matanggap na
ito’y magtataksil sa kanya.
Matatanggap niya ang lahat ng
pahirap ni Adolfo huwag lamang
nitong agawin sa kanya ang dalaga.
Kung ito’y magagawa ni Adolfo, kanya
itong pasasalamatan nang labis.
Nagmimistulang bangkay na si
Florante dahil sa sunod-sunod na
kahirapan sa kalungkutang kanyang
nadarama. Tuluyan na siyang nawalan
ng malay at napayukayok sa punong
kanyang kinatatalian.
Puno ng salita - Ito ang tawag sa Prelude
sa Ingles. Gubat - Gubat na nasa labas
ng lungsod Epiro na nasa tabi ng Ilog
Cocito.

Febo - Sa planeta o buntalang araw ito


ay itinataguri ng mga makatang Latino
at griyego.

Cipres (o sipres) - Isang uri ng punong


kahoy sa bundok; tuwid malaki, at
malalim ang tubo; ang mga sanga’y
paitaas na lahat ang ayos, kaya’t hugis
puso ang buong anyo.

Higuera o (Higera o Igos) - Ito’y isa ring


mayabong na mayabong na punong
kahoy na malalapad ang mga dahon.
Nangangahulugang baog o hindi
namumunga.
Sierpe - Ito ay isang ahas o serpiyente.

Basilico o (basiliko) - Isang halimaw na


ayon sa alamat ay may mukhang kahawig
ng isang butiki; umano, ang hininga at
kislap ng mga mata nito ay nakamamatay.

Hiena (H’yena o hayena) - Isang hayop sa


Aprika at sa Asya; ang mukha nito’y
kahawig ng isang lobo; kumakain umano
ito ng laman ng hayop.

Tigre - Isang mabangis na hayop na ang


mukha’y kahawig ng sa pusa at ang
balahibo’y manilaw-nilaw na kulay-kape at
guhitan ng itim; Ito’y kumakain din ng
laman ng hayop.

Averno - Ito ay tinanatawag na Hades o


Impiyerno.
Pluton - Isa sa mga Diyos ng mga
Gentil (Hentil); ayon sa mga makata
ng unang panahon ay siyang
kinikillalang hari ng reyno o kahariaan
ng impyerno.

Cocito - Isang ilog sa Epiro, purok ng


Albanya; isa raw ito sa apat na ilog sa
Impyerno, kaya makamandag ang
tubig.

Narciso - Isang binatang sakdal ganda


at kisig, anak ni Cefisino at ni Lirope.

Adonis -Isang binatang sakdal din ang


ganda; anak sa ligaw ng haring si Cinirro
o ng chipre sa anak din nitong si
Mirraha.

You might also like