You are on page 1of 17

Aralin 3 - Puno ng Salita

Mga Tauhan:
FLORANTE

- ang binatang
nakatali sa
isang malaking
puno ng higera.
Mahahalagang Salita:

BASILICO
- isang halimaw na ayon sa alamat ay
may mukhang kahawig ng sa butiki.

PLUTON
- isa sa mga Diyos ng mga Hentil na
kinikilalang hari ng Impyerno.
NARCISO
- isang binatang sakdal ganda at
kisig, anak ni Cefisino at ni
Lirope.

ADONIS
- isang binatang sakdal din ang
ganda/inibig ni Venus
FEBO
- sa planeta o buntalang araw
CIPRES
- isang uri ng punongkahoy sa bundok; tuwid,
malaki, at malalim ang tubo; ang mga sanga'y
paitaas na lahat ang ayos, kaya't hugis-puso
ang buong anyo.
HIGERA
- punong baog o hindi namumunga.
AVERNO
- ang tinatawag na Hades o
Impyerno.
COCITO
- isang ilog sa Epiro, purok ng
Albanya; isa raw ito sa apat na ilog sa
Impyerno, kaya makamandag ang
tubig
BUOD:
Sa gitna ng mapanglaw na
gubat ay may isang malaking
puno ng higera. Nakatali sa
punong ito ang isang binatang
wari'y pinag-uusig ng
masamang kapalaran.
Ang lugar na kinaroroonan niya ay
.

sa labas ng Reynong Albanya.


Madawag ang kagubatan, madilim
na halos hindi makapasok ang sinag
ng araw dahil sa makakapal na
dahon ng mga punongkahoy.
Bukod dito, ang kagubatan ay
pinamumugaran ng mga mababangis
na hayop na handang manila ng tao.
Sierpe, hiena at tigre ay ilan lamang sa
mga hayop na naggala. Matinding
kalungkutan naman ang sumasapuso
ng taong nakagapos.
ANO BA ANG PUNO NG SALITA?

Ito ang tinatawag na


PRELUDE SA INGLES.
KAISIPAN:

Kadakilaan ng Diyos:
Hindi na alam ang gagawin ni Florante
upang makawala sa gapos. Ipinagwalang
bahala na lang nito sa Diyos ang kanyang
kaligtasan sa kagubutan na iyon na
maraming mababangis na hayop na pwede
siyang atakin.
PANGKATANG GAWAIN
Pag-usapan kung sino sa bansa ang
AHAS,TIGRE,HIYENA AT BASILISKO ang tinutukoy.
Bibigyan ng 3 minuto ang bawat pangkat ng
pagkakataon na maisatao ang tinutukoy na mga
hayop sa bansa sa loob ng 3 minute. Kailangang
tiyakin ng bawat pangkat ang kanilang partisipasyon
kung PAANO MABABAWASAN KUNDI MAN
MASUSUGPO ANG MGA TAONG TULAD NG MGA
HAYOP NA NABANGGIT.
B. Isulat sa patlang kung sino o ano ang
inilalarawan sa pangungusap.

________________ 1. Ang tikas niya ay itinulad kina


Adonis at Narciso.
________________ 2. Siya ang tinatawag na hades o
impiyerno sa Mitolohiyang Romano.
________________ 3. Siya ay hari ng reyno ng
impiyerno.
_______________ 4. Tinaguriang puno ng baog dahil
hindi ito namumunga.
________________ 5. Isang uri ng hayop na
matatagpuan sa Aprika at Asya na ang mukha ay
kahawig ng sa lobo at kumakain ng tao at hayop.
________________ 6. Isang binatang labis na minahal ni
Venus at Proserpina.
________________ 7. Isang halimaw na ayon sa alamat
ay may mukhang butiki na ang hininga at kislap ng mga
mata ay nakamamatay.
________________ 8. Ito ang ilog sa impiyerno na may
tubig na nakakalason.
________________ 9. Ang anak ni Cefisino at Lirope
na sakdal kisig at ganda.
________________ 10. Taguri sa haring araw ayon sa
mga makatang Latino o Griyego.

You might also like