You are on page 1of 11

1

FLORANTE AT LAURA

MGA PANGUNAHING TAUHAN : MGA IBA PANG TAUHAN :

Florante Duke Briseo


Makisig na binatang anak ni Duke Briseo at ang mabait na ama ni Florante. Taga-payo ni
Prinsesa Floresca. Siya ang pangunahing tauhan Haring Linceo ng Albanya.
ng awit. Halal na Heneral ng hukbo ng
Prinsesa Floresca
Albanya. Magiting na bayani, mandirigma at
heneral ng hukbong magtatanggol sa pagsalakay Ang mahal na ina ni Florante.
ng mga Persiyano at Turko.
Haring Linceo
Laura
hari ng Albanya at ama ni Prinsesa Laura.
Anak ni Haring Linceo at ang natatanging pag-ibig
ni Florante. Tapat ang puso sa pag-ibig ngunit Antenor
aagawin ng buhong na si Adolfo. ang mabait na guro sa Atenas. Guro nina Florante,
Adolfo Menandro at Adolfo. Amain ni Menandro.

Anak ng magiting na si Konde Sileno ng Konde Sileno


Albanya. Kabaligtaran ng kanyang ama, si Adolfo Ang ama ni Adolfo na taga-Albanya.
ay isang taksil at lihim na may inggit kay Florante
mula nang magkasama sila sa Atenas. Siya ang Heneral Miramolin
mahigpit na karibal ni Florante sa pag-aaral at
Heneral ng mga Turko na lumusob sa Albanya.
popularidad sa Atenas. Ang malaking balakid sa
pag-iibigan nina Florante at Laura, at aagaw sa Heneral Osmalik
trono ni Haring Linceo ng Albanya.
Ang heneral ng Persya na lumusob sa
Aladin Krotona. Siya ay napatay ni Florante.
Isang gererong Moro at prinsipe ng Persiya. Anak Sultan Ali-abab
ni Sultan Ali-adab. Mahigpit na kaaway ng bayan
at relihiyon ni Florante, ngunit magiging Ang ama ni Aladin na umagaw sa kanyang
tagapagligtas ni Florante. magandang kasintahang si Flerida.

Flerida Menalipo

isang matapang na babaeng Moro na tatakas sa Ang pinsan ni Florante. Siya ang pumana sa
Persiya para hanapin sa kagubatan ang buwitre na sana'y daragit sa sanggol na si Florante.
kasintahang si Aladin. Siya ay magiging Hari ng Krotona
tagapagligtas ni Laura mula kay Adolfo.
Ama ni Prinsesa Floresca at lolo ni Florante.
Menandro
Ang matapat na kaibigan ni Florante. Mabait at
laging kasa-kasama ni Florante sa digmaan.
2

BUOD NG BAWAT KABANATA AT sa kaharian ng Albanya sa mga kamay ni Konde


TALASALITAAN Adolfo.
Hindi pantay ang pagturing sa mga tao sa Albanya.
Ang mga masasama ay siyang itinataas at ang
Kabanata 1: Gubat na Mapanglaw (Saknong 1-7) mga makatuwiran naman ay ibinababa. Ngunit
nananatiling bingi ang langit sa mga panawagan ni
May isang gubat na napaka dilim. Nagtataasan at Florante.
masukal ang mga halaman kung kaya’t hindi
makapasok ang pebong liwanag. Talasalitaan:

Ang mga ibon ay hirap din sa paglipad dahil sa  Higera – isang punong mayabong,
mga namimilipit na mga sanga. May mga gumagala malalapad ang dahon ngunit hindi
na mga mababangis na hayop katulad ng leon, namumunga; fig tree
tigre, hayena, serpiyente, piton, basilisko, at iba pa
 Sipres – isang uri ng puno na mataas at
na kahit kailan ang pwedeng umatake sa mga
tuwid lahat ang sanga
taong magsisipunta doon.
 Nakagapos – nakatali
Talasalitaan:
 Bakas – marka, palatandaan
 Mapanglaw – malungkot, malamlam,
malumbay  Adonis – magandang lalaki na naibigan ni
Venus, diyosa ng kagandahan
 Masukal – madamong kapaligiran
 Sinasariwa – inaalala
 Pebong – araw na sumisikat
 Paglapastangan – kawalan ng paggalang
 Namimilipit – buhol-buhol
Kabanata 3: Alaala ni Laura (Saknong 25 – 32)
 Hayena – uri ng hayop na kahawig ng isang
lobo Sa oras na ginugunita ni Florante si Laura ay
napapawi nang pansamantala ang kanyang dusa’t
 Serpiyente – ahas
paghihinagpis.
 Piton – sawa
Si Laura na lamang ang natitirang pag-asa para
 Basilisko – isang malaki at mukhang kay Florante ngunit muli niyang maaalala na si
butiking hayop na nakamamatay ang Laura na kanyang mahal ay nasa piling na ng
hininga. Maari ka ring mamatay kung kanyang kaaway na si Konde Adolfo.
titingnan mo ito sa mata
Mas nanaisin pa niyang mamatay nalang kaysa sa
Kabanata 2: Ang Nakagapos na Binata palaging maalala na ang kaniyang sinisinta ay may
(Saknong 8 – 24) kasama ng iba.

Sa gitna ng gubat ay may puno ng higera kung Talasalitaan:


saan nakagapos ang isang lalaki na
 Ginugunita – inaalala
nagngangalang Florante. Sa kabila ng kanyang
pagkagapos at kaawa-awang itsura ay bakas pa rin  Napapawi – nawawala, nabubura
sa kanya ang mala-Adonis na kakisigan.
 Pansamantala – panandalian
Mayroong makinis na balat, mahahabang pilik-
mata, buhok na kulay ginto, at magandang  Dusa – paghihirap
pangangatawan.  Paghihinagpis – pagdadalamhati
Si Florante ay naiiyak habang sinasariwa ang
kanyang mga pinagdaanan at ang paglapastangan
3

Kabanata 4: Pusong Nagdurusa (Saknong 33 –  Lunas – gamot


54)
 Lilingapin – alalayan, tulungan
Lubos ang tinahak na kasawian ni Florante. Kahit
 Maaapula – mawawala, mapapatay
ang taong masama ay maaawa sa kalagayan nito.
 Dalita – mahirap, maralita
Maririnig sa buong gubat ang mga ungol nito ngunit
tanging ang alingawngaw lang niya ang sumasagot  Panaghoy – pagdaing, pagluluksa
sa kanya.
Kabanata 6: Ang Pagdating ni Aladin na Taga-
Hindi makapaniwala si Florante sa kanyang Persiya (Saknong 69 – 82)
kinahantungan dahil sa labis na pagmamahal niya
para kay Laura ay nagawa pa rin siyang Isang gererong may putong na turbante ang
pagtaksilan nito. dumating, si Aladin na taga-Persiya.

Naging buo ang tiwala niya kay Laura subalit sa Bigla itong tumigil upang tumanaw ng
likod ng kagandahang tinatangi nito ay may mapagpapahingahan na di kalauna’y hinagis ang
nagtatagong isang taksil. hawak na sandata.

Lahat ng mga pag-aalaga dati sa kanya ni Laura ay Tumingala sa langit na panay ang buntong-hininga
wala lang pala, katulad ng pagpapakintab nito sa sabay upo sa tabi ng puno at doon ay nagsimulang
panangga at paglilinis ng kanyang baluti dahil ayaw tumulo ang luha.
niyang madudumihan ang kasuotan kung ito ay Muli na naman niyang naisip si Flerida, ang
mapapalapat sa kanya. kaniyang pinakamamahal na inagaw naman ng
Hinimatay si Florante dahil sa labis na kanyang ama.
paghihinagpis. Talasalitaan:
Talasalitaan:  Gerero – mandirigma
 Tinahak – tinungo o dinaanan ang isang  Putong – korona
pangyayari o daan
 Turbante – telang binabalot sa ulo ng mga
 Alingawngaw – tumutukoy sa pag-uulit ng bumbay
tunog (echo)
 Tumanaw – maghanap
 Kinahantungan – sinapit
 Buntong-hininga – malalim na pag-hinga
 Baluti – panangga sa katawan; kasuotang
panlaban (armour) Kabanata 7: Pag-alaala sa Ama (Saknong 83 –
97)
Kabanata 5: Halina, Laura Ko (Saknong 55 – 68)
Habang tumatangis si Aladin ay bigla siyang may
Para kay Florante si Laura lang ang tanging lunas narinig na buntong-hininga. Ibinaling sa kagubatan
sa kanyang kahirapan. Umaasang siya ay muling ang tingin upang hanapin ang pinanggalingan ng
lilingapin ni Laura. malalim na paghinga.
Makita lang niyang may konting patak ng luha mula Malaon ay may narinig siyang paghikbi at agad
sa mga mata ni Laura ay maapula ang dalitang niyang pinuntahan ito. Nakita niya si Florante na
nararamdaman nito. umiiyak habang sinasariwa ang alaala ng kanyang
Nag-aasam na sana’y muling damitan dahil puno yumaong ama.
na ng kalawang ang kasuotan nito. Lahat ng hirap Talasalitaan:
ay danas na niya. Dinig sa buong gubat ang mga
panaghoy ni Florante.  Tumatangis – lumuluha, umiiyak

Talasalitaan:  Buntong-hininga – malalim na pag-hinga


4

 Ibinaling – itinuon  Maaninag – makita


 Malaon – pagkalipas, matagalan Kabanata 10: Ang Paglaban ni Aladin sa
Dalawang Leon (Saknong 126 – 135)
 Paghikbi – pag-iyak
Nakita ni Aladin ang dalawang leon na mukhang
Kabanata 8: Ang Paghahambing sa Dalawang
gutom na. Ito ay may mga nagngangalit na ngipin
Ama (Saknong 98 – 107)
at matatalas na kuko na kahit na anong oras ay
Sandaling tumigil sa pag-iyak si Florante ng marinig maaaring makapatay.
niya ang pagtangis ng isang Moro na sa mga
Paglaon ay biglang nang-akma ang mga leon
kwento nito tungkol sa kaniyang ama.
ngunit dali-daling umatake na din si Aladin na
Kung ang walang patid na pag-iyak ni Florante ay parang may lumitaw na marte mula sa lupa.
dahil sa pag-ibig nito para sa ama, si Aladin naman
Bumabaon ang bawat pagkilos ng tabak na hawak
ay humihikbi dahil sa matinding poot sa kanyang
ni Aladin at napatumba niya ang dalawang leon.
ama.
Talasalitaan:
Kung gaanong pagmamahal ang inilalaan ni
Florante para sa ama ay matindi naman ang galit ni  Nagngangalit – galit
Aladin sa kanyang ama dahil inagaw nito ang
 Paglaon – paglipas
kaisa-isang niyang minamahal na si Flerida.
 Akma – tama, angkop
Talasalitaan:
 Marte – Si Mars, diyos ng pakikipaglaban
 Tumagistis – umagos
 Tabak – espada
 Patid – tigil
Kabanata 11: Ang Mabuting Kaibigan (Saknong
 Humihikbi – umiiyak
136 – 145)
 Poot – galit
Nang mapagtagumpayan ni Aladin ang
 Inilalaan – ibinibigay nagbabadyang panganib na dala ng dalawang leon
ay agad niyang pinakawalan ang nakagapos na si
Kabanata 9: Dalawang Leon (Saknong 108 –
Florante.
125)
Ito ay walang malay at ang katawan ay malata na
Habang nag-uusap si Florante at Aladin ay may
parang bangkay. Gulong-gulo ang kanyang loob
dalawang leon hangos nang paglakad.
ngunit muling napayapa ng idilat ni Florante ang
Ngunit kahit ang mga leon ay nahabag sa kalunos- kanyang mga mata.
lunos na sinapit, kahit ang bangis ay hindi na
Sa kanyang pagdilat ay agad niyang sinambit ang
maaninag sa mga mukha nito.
pangalan ni Laura.
May takot na naramdaman si Florante dahil nasa
Talasalitaan:
harap na niya ang mabangis na kamatayan na
kukumpleto sa kasamaang nararanasan niya.  Nagbabadya – nagbabanta
Talasalitaan:  Nakagapos – nakatali
 Hangos – hingal; pagmamadali maging sa  Malata – nanlalambot
pagsalita, sa pagkilos, o sa paggawa
 Pagdilat – pagbukas ng mata
 Nahabag – naawa
 Sinambit – sinabi, binanggit
 Kalunos-lunos – kaawa-awa
 Sinapit – dinanas
5

Kabanata 12: Batas ng Relihiyon (Saknong 146  Sinapupunan – bahay-bata;


– 155) kinakanlungang mga hita; ibaba ng hita na
pinagkakalungan; dibdib o suso ng babaeng
Nang magising si Florante ay nagitlahanan kung
tao o hayop
bakit siya nasa kamay ng isang moro. Agad
namang nagpaliwanag si Aladin na siya ang  Kinalinga – inalagaan
tumulong at nagligtas sa kaniya kung kaya’t hindi
 Hapo – hingal
siya dapat mabahala.
Kabanata 14: Kabataan ni Florante (Saknong
Si Florante ay taga-Albanya at si Aladin naman ay
173 – 196)
taga-Persya. Ang dalawang bayan na ito ay
magkaaway ngunit sa ginawang pagtulong at Naupo ang dalawa sa ilalim ng puno at isinalaysay
pagkalinga ay naging magkatoto sila. ni Florante kay Aladin ang kanyang buhay simula
sa una hanggang sa naging masama ang kanyang
Talasalitaan:
kapalaran.
 Nagitlahanan – nagtaka
Si Florante ay ipinanganak sa Albanya. Sina Duke
 Moro – muslim Briseo at Prinsesa Floresca naman ang kaniyang
mga magulang.
 Mabahala – mag-alala
Kung sa Krotona siya ipinanganak, siyudad ng
 Pagkalinga – pag-aalaga
kanyang ina, imbes sa Albanya na siyudad ng
 Magkatoto – magkaibigan kanyang ama ay mas naging masaya sana siya.

Kabanata 13: Ang Pag-aalaga ni Aladin Kay Ang kaniyang ama ay naging tagapayo kay Haring
Florante (Saknong 156 – 172) Linceo.

Binuhat ni Aladin si Florante ng makita nitong Nakuwento rin niya na kamuntikan na siyang
lumulubog na ang araw. Inilapag ito sa isang madagit ng isang buwitre habang ito’y natutulog sa
malapad at malinis na bato. kinta nung siya’y bata pa.

Kumuha ng makakain at inaamo si Florante na Napasigaw ang kanyang ina, agad itong narinig ni
kumain kahit konti lamang upang magkaroon ng Menalipo at pinatay ang buwitre sa pamamagitan
laman ang tiyan nito. Umidlip si Florante habang ito ng pagpana dito.
ay nakahiga sa sinapupunan ni Aladin.
Nung si Florante ay siyam na taong gulang, mahilig
Kinalinga ni Aladin si Florante buong magdamag siyang maglaro sa burol kasama ang kaniyang mga
dahil sa pag-aakalang may panganib na gumagala kaibigan at doo’y namamana ng mga ibon.
sa gubat.
Madaling araw palang ay umaalis na ito sa kanila at
Nang magmadaling araw ay nagising na si Florante inaabot ng tanghaling tapat.
at lumakas muli ang katawang hapo. Lubos ang
Ngunit hindi nagtagal ang mga masasayang alaala
pasasalamat ni Florante kay Aladin. Tuwang-tuwa
ni Florante doon dahil inutos ng kanyang ama na
si Aladin at niyakap niya si Florante.
siya’y umalis sa Albanya.
Kung nung una ay awa ang dahilan sa pag-iyak ni Talasalitaan:
Aladin, ngayon naman ay napaluha siya dahil sa
tuwa.  Isinalaysay – ikinuwento
Talasalitaan:  Tagapayo – pribadong tagapayo
 Inamo – sinuyo  Madagit – makuha
 Umidlip – natulog  Buwitre – uri ng ibon na kumakain ng mga
bangkay
6

 Kinta – maliit na daungan (cottage)  Nakatungo – nakayuko


Kabanata 15: Ang Pangaral sa Magulang  Pinopoon – hinahangaan
(Saknong 197 – 204)
 Pagkarimarim – pagkasuklam
Sinariwa ni Florante ang turo ng magulang na kung
 Batid – alam
mamimihasa ang isang bata sa saya at madaling
pamumuhay ay walang kahihinatnan na ginhawa Kabanata 17: Ang Kataksilan ni Adolfo
ito. (Saknong 215 – 231)
Ang mundo ay puno ng kahirapan kung kaya’t Paglaon ay mas nahasa ang katalinuhan ni
dapat ay patibayin ang kalooban dahil kapag ang Florante. Naging magaling siya sa larangan ng
tao ay di marunong magtiis, hindi niya pilosopiya, astrolohiya, at matematika.
mapaglalabanan ang mga pagsubok na hatid ng
mundo. Naging matagumpay sa buhay si Florante at si
Adolfo naman ay naiwan sa gitna. Siya ay naging
Kung kaya’t ipinadala si Florante sa Atenas nung tagapamalita sa Atenas.
siya’y bata pa upang doon ay mag-aral. Doon ay
mamumulat ang kaniyang kaisipan sa totoong Naging bukambibig sa taong bayan ang pangalan
buhay. ni Florante. Dito na nagsimulang mahubadan si
Adolfo ng hiram na kabaitan at ang kahinhinang
Talasalitaan: asal sa pagkatao ay hindi bukal kay Adolfo.
 Sinariwa – inalala Talasalitaan:
 Mamimihasa – sasanayin  Paglaon – paglipas
 Kahihinatnan – resulta  Pilosopiya – mga kuro-kuro ng isip
 Patibayin – palakasin  Astrolohiya – palagay sa mga
ipinahihiwatig ng mga bituin sa langit
 Mamumulat – mabubuksan
 Matematika – agham ng mga bilang
Kabanata 16: Si Adolfo sa Atenas (Saknong 205
– 214)  Bukambibig – tao o bagay na siyang laman
ng pinag-uusapan
Si Adolfo ay kababayan ni Florante na siyang anak
naman ni Konde Sileno. Siya ay mas matanda ng  Kahinhinan – marahan
dalawang taon kumpara kay Florante na labing
isang taong gulang.  Bukal – natural

Si Adolfo ay isang mahinhin na bata at laging Kabanata 18: Ang Kamatayan ng Ina ni Florante
nakatungo kung maglakad. Siya’y pinopoon ng (Saknong 232 – 239)
kanyang kamag-aral dahil sa angking katalinuhan Isang taon pa ang ginugol si Florante sa Atenas
at kabaitan. nang makatanggap siya ng isang liham na na
Ngunit sa hindi mapaliwanag na dahilan ay nagsasabi na patay na ang kanyang ina.
nakakaramdam si Florante ng pagkarimarim kay Parang batis ang kanyang mga mata dahil sa
Adolfo kung kaya’t umiiwas ito sa kanya. pagluha. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng
At kahit itago pa ni Adolfo ay batid din ni Florante isang matibay na sandigan at nakikibaka ng mag-
na ganun din ang nararamdaman nito para sa isa sa buhay.
kanya. Talasalitaan:
Talasalitaan:  Ginugol – pinaglaanan, ginastos
 Mahinhin – marahan  Liham – sulat
7

 Batis – antong tubig na mas maliit kaysa Kabanata 21: Ang Heneral ng Hukbo (Saknong
ilog, walang tigil sa pag-agos 264 – 274)
 Sandigan – sandalan Agad nagtungo sina Duke Briseo at Florante kay
Haring Linceo ng malaman ang balita na
 Nakikibaka – nakikipaglaban
pagbabanta sa Krotona.
Kabanata 19: Mga Habilin ni Antenor kay
Hindi pa man nakakaakyat sa palasyo ay
Florante (Saknong 240 – 253)
sinalubong na ang mga ito ni Haring Linceo.
BIlin ni Antenor, guro ni Florante na mag-iingat at Niyakap niya si Duke Briseo at kinamayan naman
huwag malilingat sa maaaring gawing paghihiganti si Florante.
ni Adolfo.
Nagkwento si Haring Linceo na may nakita siyang
Wag padadala sa masayang mukha na ipakita nito gerero sa kaniyang panaginip, na kamukha ni
sa kanya. Maging mapagmatyag daw ito sa sa Florante, na siyang magtatanggol sa kaharian.
kalaban na palihim siyang titirahin.
Tinanong ni Haring Linceo kay Duke Briseo kung
Talasalitaan: sino ito at kung taga saan ito. Sumagot naman ito
na ang kamukhang binata na iyon ay si Forante,
 Habilin – payo ang anak niya.
 Malilingat – mawala sa pokus Sa pagkamangha ni Haring Linceo ay niyakap niya
 Mapagmatyag – alerto, mapagbantay ito at ginawang Heneral ng hukbo na tutulong sa
Krotona.
 Palihim – patago
Talasalitaan:
 Titirahin – kakalabanin
 Nagtungo – nagpunta
Kabanata 20: Pagdating sa Albanya (Saknong
254 – 263)  Pagbabanta – babala na may halong
pananakot
Pag-ahon ay agad tumuloy sa Kinta. Kung saan ay
humalik sa kamay ng kanyang ama. Iniabot ng  Gerero – mandirigma
ambasador ng bayan ng Krotona ang isang liham  Pagkamangha – pagkagulat
kay Duke Briseo.
 Hukbo – grupo ng mga mandirigma
Nakasaad sa liham na humihingi ng tulong ang lolo
ni Florante na hari ng Krotona dahil ito ay Kabanata 22: Si Laura (Saknong 275 – 287)
napapaligiran ng mga hukbo ni Heral Osmalik.
Biglang may natanaw ni Florante na magandang
Si Heneral Osmalik ay taga Persya na babae. Ang taong di mabibighani sa babaeng ito ay
pumapangalawa sa kasikatan ni Aladin na isang maituturing na isang bangkay.
gerero.
Ang babaeng ito ang ikinasisira ng pag-iisip ni
Talasalitaan: Florante sa tuwing magugunita, ito ay si Laura anak
ni Haring Linceo. Dahil sa pagkabigla ay hindi
 Kinta – maliit na daungan (cottage) makapagbitaw ng salita si Florante.
 Ambasador – sugong kinatawan Mapapansin din sa kaniyang mga mata ang patak
 Liham – sulat ng luha.

 Nakasaad – nakalagay, nakasulat Talasalitaan:

 Hukbo – grupo ng mga mandirigma  Natanaw – nakita

 Gerero – Mandirigma  Mabibighani – mahuhulog, magkakagusto


8

 Magugunita – maiisip, maaalala Umabot sa limang oras ang kanilang labanan


ngunit sa huli ay nasawi rin si Heneral Osmalik.
 Pagkabigla – pagkagulat
Pinagdiwang ng mga tao sa Krotona ang tagumpay
 Makapagbitaw – makapagsabi,
na laban ni Florante.
makapagsalita
Talasalitaan:
Kabanata 23: Pusong Sumisinta (Saknong 288 –
295)  Hukbo – grupo ng mga mandirigma
Dahil sa biglaang pagkakita kay Laura, nawala na  Dumanak – umaagos
sa diwa si Florante. Hindi na ito makapag-isip ng
 Heneral – namumuno sa kaniyang grupo
maayos dahil sa hindi inaasahang pagkakita muli
sa kanyang mahal na si Laura.  Moro – muslim
Tatlong araw siyang piniging ng hari sa palasyo  Nagniningas – nagagalit
ngunit hindi man lang tinignan ni Florante si Laura.
Mas matindi pa ang sakit na dinulot ng pag-ibig Kabanata 25: Pagsagip Kay Laura (Saknong 314
kaysa sa sakit ng mawalan ito ng ina. – 323)

Mabuti at nabigyan siya ng kaunting pagkakataon Nanatili si Florante sa Krotona ng limang buwan.
na makasama si Laura bago pumunta ang hukbo ni Gusto na niyang makauwi sa Albanya dahil gusto
Florante sa Krotona. na ulit niyang masilayan si Laura.

Umamin si Florante na mahal pa rin niya si Laura Habang nag mamartsa ang hukbo pauwing
ngunit wala itong sagot. Tumulo ang isang patak ng Albanya ay nakita nila ang mga moog ng siyudad.
luha mula sa mga mata ni Laura. Nakita rin niya ang bandila ng Persiya imbes na
bandera ng Kristiyano.
Malapit ng bumigay si Laura sa mga sinasabi ni
Florante ngunit nanaig pa rin ang kanyang isip. May nakita silang grupo ng mga moro sa paanan
ng bundok na may kasamang isang babae na
Talasalitaan: nakatali ang mga kamay at nakatakip ang mukha.
 Diwa – pag-iisip Mukhang papunta sa lugar na kung saan ay
 Piniging – pagtitipon na may maraming pupugutan ng ulo ang babae. Dali-daling nilusob ni
Florante ang morong nagbabantay sa babae at ito
handa (fiesta)
ay napatakbo.
 Dinulot – resulta
Sinaklolohan ni Florante ang babae, tinanggal nito
 Hukbo – grupo ng mga mandirigma ang mga tali sa kamay at takip sa mukha. Ang
babae pala ay si Laura.
 Nanaig – nangibabaw
Napatingin ng malalim si Laura kay Florante. Ang
Kabanata 24: Pakikipaglaban Kay Heneral
mga tingin na ito ay siyang nagtanggal ng
Osmalik (Saknong 296 – 313)
paghihirap sa puso ni Florante. Narinig niya ang
Inatake ng hukbo ni Florante ang pwersa ng sinabi ni Laura na “Florante, Mahal ko”.
nakapaligid sa buong siyudad at halos bumigay na Talasalitaan:
ang mga pader nito.
 Pagsagip – pagligtas, pagtulong
Nagkaroon ng matinding labanan at may dumanak
na mga dugo. Pinapanood ni Heneral Osmalik si  Masilayan – makita
Florante habang kinakalaban at pinapatay ang
 Hukbo – grupo ng mga mandirigma
pitong hanay ng mga moro.
 Moro – muslim
Lumapit ang Heneral kay Florante na nagniningas
ang mga mata at hinamon ito na labanan siya.  Nilusob – sinugod
9

 Moog – napapaligiran ng pader  Bukal – natural


Kabanata 26: Pagtataksil ni Adolfo (Saknong  Pagsalakay – pagsugod, paglusob
324 – 343)
 Hukbo – grupo ng mga mandirigma
Sinabi ni Laura kay Florante na binihag ng mga
 Heneral – namumuno sa kaniyang grupo
moro sina Haring Linceo at Duke Briseo.
 Etolia – magubat na rehiyon sa Greece
Nag-utos si Florante na lusubin ng hukbo ang
Albanya at bawiin ito sa mga kamay ng mga taga-  Liham – sulat
Persiya.
 Gapos – tali
Nang makapasok sa kaharian ng Albanya ay agad
dumiretso sa kulungan at pinalaya si Haring Linceo Kabanata 27: Nagsalaysay si Aladin (Saknong
at Duke Briseo. 344 – 360)

Pinalaya na rin niya pati si Adolfo mula sa Labing walong araw na si Florante sa bilangguan.
pagkakakulong dahil sa bukal na kagandahan ng Gabi ng kinuha siya sa kulungan pagkatapos ay
loob. Muling nagdiwang ang lahat ng tao dahil dinala ito sa gubat at iginapos sa puno.
lubos sa pagpapasalamat nila kay Florante, Dalawang araw naman ang lumipas bago ito
maliban kay Adolfo. muling magising. Pagdilat niya ay ayun siya sa
Nais pakasalan ni Adolfo si Laura dahil sa kandungan ni Aladin.
intensyon nitong makuha ang posisyon ng pagiging Nagpakilala si Aladin bilang taga-Persiya na anak
hari sa Albanya. ni Sultan Ali Adab. Sinubukan niyang ikwento ang
Naramdaman din niyang mahal ni Laura si Florante tungkol kay Flerida at kanyang ama ngunit
kaya mas lalo itong nainggit. Nagdaan ang naunahan ito ng kanyang mga luha.
panahon at nakaranas pa din ng pagsalakay ang Minsan na ring nakaranas si Aladin ng madaming
Albanya katulad ng hukbo mula sa Turkiya at giyera ngunit mas nahirapan siya kay Flerida.
marami pang digmaan.
Masuwerte siya sa matagumpay na panliligaw kay
Ngunit dahil si Florante ang inaatasang maging Flerida ngunit pumasok naman sa eksena ang
heneral ay napapagtagumpayan nito ang lahat ng kanyang ama.
laban. Pagkatapos ng isa pang laban sa Etolia,
nakatanggap siya ng liham mula kay Haring Linceo Kaya kahit nagtagumpay siya sa giyera sa Albania,
na nagsasabing bumalik na siya sa Albanya. umuwi parin siya sa Persiya na parang bilanggo.

Ipinasa ni Florante kay Menandro ang pamamahala Nabawi ni Florante ang kaharian ng Albania kaya
sa hukbo sa Etolia. Laking gulat ni Florante ng kinakailangan na pugutan si Aladin.
makita niyang pinaliligiran siya ng 30,000 mga
May dumating na Heneral sa kulangan nito bago pa
sundalo sa kanyang pag-uwi at agad itong nilagyan
man ito pugutan. Ang Heneral ay may dala-dalang
ng gapos at ikinulong.
balita na hindi na raw pupugutan ito ng ulo ngunit
Labis ang pagkagulat at pagkalungkot ng malaman kailangan niyang umalis sa Persiya.
niyang pinatay nito sila Haring Linceo at Duke
Ang balitang ito ang lalong nagpahirap kay Aladin
Briseo. Nasilaw si Adolfo sa kasikatan at kinain ng
dahil mas nanaisin nalang niyang pugutan ng ulo
galit at inggit kay Florante, kaya puro paghihiganti
kaysa sa mabuhay nang alam naman niyang may
ang nasa isip nito at pagpatay kay Florante.
kasamang iba ang mahal niyang si Flerida.
Talasalitaan:
Talasalitaan:
 Binihag – ikinulong, ibinilanggo
 Nagsalaysay – nagkuwento
 Lusubin – sugurin
 Bilangguan – kulungan
10

 Iginapos – itinali Nagkwento si Laura na nung umalis daw si


Florante sa Albanya ay kumalat ang sabi-sabi na
 Heneral – namumuno sa kaniyang grupo
may nagaganap na kaguluhan sa kaharian. Ngunit
 Nanaisin – gugustuhin ‘di matukoy kung ano ang pinagmulan nito.

Kabanata 28: Si Flerida (Saknong 361 – 369) Ang paniniwala ng mga tao ay si Haring Linceo ay
nagmomonopolya sa mga pagkain at trigo ngunit si
Nang malaman ni Flerida na pupugutan ng ulo si Adolfo pala ang nag-uutos ng pagkubkob sa
Aladin ay nagmakaawa at lumuhod ito sa paanan pagkain.
ng masamang hari na si Sultan Ali Adab.
Agad na pinatalsik ng taumbayan si Haring Linceo
Sinabi ng sultan na kung hindi tatanggapin ni sa trono at pinugutan ito. Umakyat sa trono si
Flerida ang pagmamahal nito ay hindi nito Adolfo at binalaan niya si Laura na papatayin ito
papatawarin si Aladin at tutuluyan na mapugutan. kung hindi susundin ang gusto.
Dahil sa takot na mamatay si Aladin ay pumayag Nagkunwaring gusto na ni Laura si Adolfo para
na ito sa kagustuhan ng sultan. Natuwa ang sultan makahanap ng paraan para masulatan si Florante
sa naging desisyon ni Flerida kaya napahinunod at ikwento ang nangyari sa Albanya habang wala
niya ito at pinakawalan. ito.
Ngunit katulad ng napag-usapan ay pinalayas niya Ngunit huwad na sulat na may selya ng hari ang
ito sa Persiya. Sobra ang pagdurusa ni Flerida sa natanggap ni Florante. Nakasaad doon na umuwi
pagkawala ni Aladin. siya ng mag-isa sa Albanya at iwan ang hukbo kay
Pinaghandaan ng buong Persiya ang kasal nina Menandro.
Flerida at ng sultan. Bago pa man maikasal ay Samantalang ang sulat ni Laura ay nakarating
naisipan na ni Flerida na mag damit ng pang naman kay Menandro kaya agad itong sumugod
sundalo at tumakas sa palasyo. kasama ang kanilang hukbo pabalik ng Albanya.
Pagala-gala si Flerida sa gubat ng halos ilang taon, Tumakas si Adolfo at dinala si Laura sa gubat. Dito
hanggang sa isang araw ay naabutan niyang na naabutan ni Flerida ang pagsasamantala ni
pinupwersa ni Konde Adolfo si Laura. Adolfo kay Laura.
Talasalitaan: Pagkatapos ay si Flerida naman ang nagkwento,
 Napahinunod – napapayag nung dumating daw siya sa gubat ay may narinig
siyang boses ng babae na sinasaktan.
 Pinalayas – pinaalis
Pinuntahan niya kung saan nagmula ang ungol at
 Pagdurusa – paghihirap nakita niyang si Laura pala iyon na pinipilit ni
Adolfo. Pinaliparan ni Flerida ng palaso si Adolfo.
 Tumakas – umalis o lumayo ng walang
paalam Talasalitaan:
 Naabutan – nadatnan  Monopolyo – uri ng kalakaran na kung
saan ay isang kumpanya lang ang
Kabanata 29: Mga Salaysay ni Laura at Flerida
nagbibigay ng isang partikular na produkto
(Saknong 370 – 392)
o serbisyo
Sa kalagitnaan ng pagkukwentuhan ni Flerida at
 Trigo – uri ng bigas na ginagawang harina
Laura ay biglang dumating sina Prinsipe Aladin at
Duke Florante. Galak na galak ang mga ito dahil  Pagkubkob – pagsalakay
kilala nila ang mga boses ng mga nagsasalita.
 Tunod – shaft
Tuwang-tuwa si Florante ng makita niya si Laura.
Masayang-masaya ang apat dahil nakasama nila  Palaso – arrow
ang kanilang mga minamahal.
11

Kabanata 30: Wakas


Sa pagkukuwento ni Flerida ay biglang dumating si
Menandro. Labis ang tuwa ng makita niya si
Florante.
Nagdiwang din ang mga ehersito mula sa Etolia.
Pagkalaon ay dinala ang apat sa kaharian ng
Albanya.
Nagpabinyag sina Aladin at Flerida bilang isang
Kristiyano at nagpakasal.
Nasawi si Sultan Ali Adab kaya bumalik na si
Aladin sa Persiya.
Bumalik ang kaayusan sa kaharian dahil sa bagong
pamumuno ng bagong hari at reyna na sina Duke
Florante at Reyna Laura.
Talasalitaan:
 Nagdiwang – nagsaya
 Ehersito – hukbo, military
 Etolia – magubat na rehiyon sa Greece
 Nasawi – namatay
 Pamumuno – pagpapatakbo

You might also like