You are on page 1of 30

Ipaliwanag…..

“Ang pagtutunggali ay
kailanma’y walang
naidudulot na
maganda.”
Tingnan ang mga larawan na nagpapakita
ng mga magagandang bagay at lugar sa
Persia.
Ang pagkasira ng Persepolis
Mga barya ng Persia
Ahura Mazda, punong diyos ng Sinaunang Persia
Sinaunang Persia

Ay isang lupain na kasama ang


ngayon ay Iran at Afghanistan.
Sa ilalim ni Cyrus the Great,
Darius I, Xerxes at iba pang mga
pinuno, naging tahanan ito ng
isang mahusay na sibilisasyon
(great civilization) at ang sentro
ng isang malawak na imperyo.
Cyrus the Great Darius I Xerxes
Matthew Arnold
• Kumatha ng akdang Sohrab at
Rustum
• Panganay na anak ni Doktor
Thomas Arnold na kilalang
mananalaysay at pinuno sa
Paaralang Rugby.
• Isinilang noong Disyembre 24, 1822
sa Laleham.
• 1837 – nag-aral sa Paaralang Rugby
at nagkamit ng gantimpala sa
pagsulat ng tulang “Alario”.
SOHRAB AT RUSTUM
Salin ni Aurea J. Santiago
RUSTAM/RUSTUM

- Pangunahing tauhan sa epiko. Siya ay


isang magiting

at makatarungan na
mandirigma.
- Maalalahanin sa mga taong may
halaga sa kanya at higit sa lahat handa
niyang isugal ang kanyang buhay para
sa kanyang lupang sinilangan, bansang
Persiya o Iran.
SOHRAB
Anak nina Rustum at Prinsesa
Tahmina. Nang siya’y lumaki
naging magiting na
mandirigma rin siya tulad ni
Rustam. Ngunit lumaki siya
na hindi niya alam kung sino
ang kanyang ama. Siya ay
mapagmahal at magalang sa
kanyang ina at sa kapwa.
PRINSESA TAHMINA

Nagbunga ng isang
batang lalaki na si
Sohrab.
Ang istoryang ito na mula sa Shahaname
na isang epiko ay nagsasalaysay ng
paglalaban ng bayaning si Rustum ng
Iran at ang batang mandirigma na si
Sohrab na nagmula sa Turan. 
Anak ni Rustum si Sohrab na
bunga ng minsang
pagsasama niya at ni
Tahmina na isang prinsesa
mula sa Turan. Ngunit hindi
alam ni rustum na anak nya
ang kanyang panguhing
makakalaban sa isang
tunggalian.
Sinabi ni Tahmina kay Sohrab na ang dakilang bayani
ng Iran na si Rustum ang tunay niyang ama. Suot ni
Sohrab ang  pulseras, sagisag na ibinigay ni Rustum kay
Tahmina bilang tanda ng pagiging ama niya sa anak
nila ng prinsesa. Ito ay suot lamang ni sohrab hanggang
siya ay lumaki upang mapadali ang pagkakilala sakanya
ng kanyang ama kapag sila’y nagkita na.
Matapos ng ilang taon nagkita ang
dalawa sa isang digmaan, sa mata ng
isa’t isa, sila ay magkalaban. Sa Turan
kung saan nakatira si Sohrab, siya ay
isang magaling na mandirigma habang
sa Persiya naman, si Rustum ang
nananaig. Sa pagkikitang iyon hindi
alam ni rustum na ang kanyang kaharap
ay ang nag iisa niyang anak na lalaki,
Sapagkat sa kanyang pag kakaalam ay
babae ang kanyang anak kay Tahmina
Sila ay nagtunggali. Sa sobrang tagal ng laban nila, umabot
ito ng isang araw. Sa kadulu-duluhan, nararamdaman na ni
Rustum ang pagod niya kaya kumuha siya ng patalim at
sinaksak niya si Sohrab. Ngunit ng ginawa ito ni Rustum,Si
Sohrab ay may sinambit. “ako’y naparito upang hanapin ang
aking ama na ayon sa aking ina ay makikilala ko dahil sa
palatandaan at ngayon ako’y mamamatay na hindi nakikita
ang kanyang mukha.”
At sinabi pa ni Sohrab. “Ang ama ko
ay si Rustum ng Pehliva , At mababatid
nya na si Sohrab na kanyang anak ay
namatay sa paghahanap sa kanya
ngunit nabigo dahil sa iyo.” si Rustum
ay nagulat sa sinabi ni Sohrab. Siya ay
napatanong “mayroon ka bang
patunay.” sapagkat siya si Rustum na
nagtago ng tunay niyang pagkatao kay
Sohrab.
Nalaman ni Rustum na anak niya pala si Sohrab dahil
sa pulseras na pinagkasunduan nila ni Tahmina na
suot-suot ni sohrab sa labanan, Pero huli na ang lahat.
Nadatnan nalang ni Tahmina na patay na ang kanyang
anak sa mga kamay ng kanyang sariling ama na
nagluluksa.
Pinag utos ni Rustum sa kanyang
mga kawal na balutin ng damit
na napapalamutian ng ginto ang
katawan ni Sohrab. At nagpatayo
si Rustum ng libingan na korteng
paang-kuko ng kabayo na may
silid sa loob. At doon ang buong
angkan ni Rustum ay nagluksa
Sa huli, Ang ina ni Sohrab ay bangkay na ring
nakita at ang kaluluwa nito’y umakyat upang
pumisan/sumama kay Sohrab na pinakamamahal
niyang anak.
Buksan ang aklat sa pahina 220
DUNONG-SULONG A

Sagutan ang mga katanungan sa ibaba


upang masubukan natin kung
naintindihan ninyo ag binasang kuwento.
PAGSASANAY
Humanap ng kapareha. Pumili ng bahagi ng akda
na maaaring maiugnay ang nagingibabaaw na
suliraning nakapaloob dito sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan. Hingin ang opinyon ng
kapareha sa isyung maaaring maiugnay sa binasang
bahagi. Pagkatapos, magpalitan ng opinyon
maging ng saloobin o damdamin tungkol sa
kahalagahan ng akda sa sarili, panlipunan, at
pandaigdig.
WIKA:
Pagtukoy sa Tono ng
Isang Akda
Pahina 221
Sa pagbabasa ng isang
akdang pampanitikan,
mahalagang maunawaan
ang TONO ng isang akda.

Tumutukoy sa mga
damdaming
ipinapahiwatig o inilalabas
ng isang akda patungo sa
kaniyang mga mambabasa
PAANO MATUTUKOY ANG
TONO NG ISANG AKDA?
- Pagsusuri sa mga salita,
imahe o tayutay na ginamit
ng may akda sa pagsulat ng
akda
TANDAAN: Ang tono ng isang akda ay maaaring
lantad sapagkat gumagamit ang may akda ng mga
direktang pahayag hinggil sa damdamin ng mga
tauhan samantalang ang ilang akda ay
nangangailangan ng pagsusuri sa mga tago o
pailalim na damdamin na matatagpuan sa mga
simbolismong ginamit ng may akda.
HALIMBAWA
ANO ANG TONO Kahubdan at gutom, isipang salanta,
NG AKDA?
Bigong pananalig at pag-asang giba;
- Galit Ito ba ang manang aking napapala
- Paninisi Na labi ng inyong taniman at sumpa?
- Kawalan ng
pag-asa O sangkatauhan ng dantaong ito
- Paghamon Na dapat sisihin ng mga inapo;
Ano sa darating ang isasagot mo
Sa sumbat ng lahing susunod sa iyo?
Sanggunian – Mula sa “Tinig ng Darating”
Ni Teo Baylen
HALIMBAWA
Bata, ang hangin ay maaliwalas subalit
ang ilalim ng lupa ay malamig. Hindi
ko nais na kitlin ang iyong buhay
subalit kung lalaban ka sa akin, ikaw
ang masasawi sapagkat wala pang
nakapagpapasuko sa akin. Mabuting
iwan mo na ang Turan at sumapi ka sa
amin sa Iran sapagkat kailangan
namin ang matapang na tulad mo.
Salin ni Aurea N. Santiago
HALIMBAWA
Di na kailangan sa iyo ng awa ng mga
Tagalog, O Inang dakila, paraiso namin
ang kami’y mapuksa, langit mo naman
ang kami’y madusta.
Paalam na Ina, itong Pilipinas,
Paalam na Ina, itog nasa hirap,
Paalam, paalam, Inang walang habag,
Paalam na ngayon, katapusang tawag
Bahagi Mula sa “Katapusang Hibik ng Pilipinas”
Ni Andres Bonifacio
GAWAING
ASYNCHRONOUS

PANUTO. Sagutan ang


KUSANG PALO B sa aklat
pahina 224. Basahin ang mga
pahayag at tukuyin ang mga
tono nito. (GENYO QUIZ)

You might also like