You are on page 1of 3

Limang Dimension sa Pagbasa

Ang pagbabasa ng mga aklat, magasin, pahayagan at iba’t ibang akdang pampanitikan
ay may layuning hindi lamang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa
kundi magkaroon sila ng mga kaalamang kaugnay ng pagmamahal ng Diyos, bayan,
kapwa tao at kalikasan, mga kagandahang asal,mga aral at mga karanasang
maiuugnay sa katotohanan ng buhay. May limang panukatan o dimension sa pagbasa
na makatutulong sa paglinang ng mga nabanggit na layunin.

1. Pag-unawang Literal
• Literal at tuwirang sagot

Pagkuha ng pangunahin, literal at tuwirang kahulugan ng salita, o pagkuha nito


ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.

• Pagkilala sa Kwento
Pagkilala o recognizing ng mga detalye sa kwento tulad ng pangalan ng mga
tauhan, panahon, at pook.
• Sequencing
Pagpuna ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Halimbawa:

• Sino-sino ang pangunahing tauhan?

• Saan naganap ang kasalan?

2. Interpretasyon
• Pagbasa sa pagitan ng pangungusap/reading between the lines.
• Ang sagot ay nasa akda ngunit kailangan mong pag-ugnayin ang iba’t ibang
bahagi ng akda para makita ang sagot.
• Pagkuha ng malalalim na kahulugan, bukod sa mga nakuhang literal na
kahulugan.
• Pag-unawa sa mga tayutay at matatalinhagang salita
• Paghula sa kalalabasan ng kwento

Halimbawa:

• Ano ang sinisimbolo ng kandila?

• Sino at ano kaya ang kaniya napangasawa?

3. Mapanuring Pagpapahalaga
• Reading with character
• Pagbibigay ng sariling pasya
Pagbibigay ng sariling pasya tungkol sa Katangian, Kabuluhan, at Katumpakan.
• Sariling Reaksyon
Pagbibigay ng sariling reaksiyon tungkol sa mga kaisipang natutuhan sa akdang
nabasa
• Pagtukoy kung opinyon o makatutuhanan
Pagpasya kung ito ba ay opinyon lamang o makatutuhanan.
• Pagdama sa pananaw ng may-akda

Halimbawa:

• Ano ang nangingibabaw na damdamin habang binabasa mo ang akda?

• Tama ba ang pamagat ng tula?

4. Paglalapat o Aplikasyon
• Reading beyond the lines
• Wala sa akda ang sagot.
• Masasagutan mo ang tanong kahit hindi mo nabasa ang buong kwento,
kailangan mo lang gamitin ang iyong karanasan.
• Pag-uugnay ng nilalaman sa personal na karanasan

Halimbawa:

• Naranasan mo na rin ba ang katulad ng nangyari sa tauhan? Sa aling bahagi ng


kwento? Ipaliwanag.
• Kung ikaw ang matanda, patatawarin mo rin ba ang babae?

5. Malikhain o Creative

• Paglikha ng sariling kaisipan ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang


teksto.

• Pagbabago ng ilang bahagi ng kwento

• Pagbabago ng pamagat

• Pagbabago ng wakas

Halimbawa:

• May nais ka bang baguhin sa bahagi ng kwento? Alin doon ang gusto mong
baguhin?

• Nagustuhan mo ba ang wakas? Kung bibigyan ka ng pagkakataong ibahin ang


wakas, ano ang magiging katapusan ng akda?

You might also like