You are on page 1of 15

Batayang Kaalaman sa

Mapanuring Pagbasa
Aralin 1
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Crizel Sicat-De Laza
May-akda
Layunin ng Talakayan

• Matukoy ang kahalagahan at kahulugan ng pagbasa


• Makilala ang pagkakaiba ng intensibo at ekstensibong Pagbasa
• Malaman ang kahulugan at gamit ng scanning at skimming sa
pagbasa
• Matukoy ang antas ng pagbasa
Daloy ng Talakayan

• Kahalagahan at Kahulugan ng Pagbasa


• Intensibo at Ekstensibong Pagbasa
• Scanning at Skimming sa Pagbasa
• Antas ng Pagbasa
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

“Huwag kang magbasa,


gaya ng mga bata, upang
libangin ang sarili, o gaya
ng mga matatayog ang
pangarap, upang matuto.
Magbasa ka upang
mabuhay.”
Gustave Flaubert
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat na Becoming


a Nation of Readers, ang pagbasa ay isang proseso ng
pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay
isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng
koordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na
pinagmumulan ng impormasyon
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

Ayon kina Wixson et al. (1987) sa artikulong “New


Directions in Statewide Reading Assessment” ang pagbasa ay
isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng
interaksiyon ng:
1) imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa;
2) impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; at
3) konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa.
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
• Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa
kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan.
Intensibo at Ekstensibong Pagbasa
Intensibo Ekstensibo
• Kinapapalooban ng malalimang • Ayon kina Long at Richards (1987),
pagsusuri sa pagkakaugnay-ugnay, nagaganap ang ekstensibong pagbabasa
estruktura, at uri ng diskurso sa loob kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa
ng teksto, pagtukoy sa mahahalagang ng maramihang babasahin na ayon sa
bokabularyong ginamit ng manunulat, kaniyang interes, mga babasahing
at paulit-ulit at maingat na kadalasang hindi kahingian sa loob ng
paghahanap ng kahulugan. klase o itinatakda sa anomang asignatura.

• Sa ganitong uri ng pagbasa, • Kadalasan, ang layunin ng mambabasa sa


ganitong uri ng pagbasa ay upang makuha
nakatutulong ang pagbabalangkas o
lamang ang “gist” o pinaka-esensya at
paggawa ng larawang konseptuwal
kahulugan ng binasa na hindi
upang lubos na maunawaan ng mag- pinagtutuunan ng pansin ang mga salitang
aaral ang isang teksto. malabo o hindi alam ang kahulugan.
Scanning at Skimming sa Pagbasa
Scanning Skimming
• Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang • Mabilisang pagbasa na ang layunin ay
pokus ay hanapin ang ispesipikong alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto,
impormasyon na itinatakda bago bumasa.
Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata
kung paano inorganisa ang mga ideya o
sa paghahanap hanggang sa makita ng kabuuang diskurso ng teksto at kung ano
mambabasa ang tiyak na kinakailangang ang pananaw at layunin ng manunulat.
impormasyon.
• Mas kompleks ang skimming kaysa
• Kung ang kahingian ay alalahanin ang scanning dahil nangangailangan ito ng
pangalan, petsa, simbolo, larawan, o tiyak na
sipi na makatutulong sa iyo, scanning ang
mabilisang paraan ng organisasyon at pag-
angkop na paraan ng pagbasa na dapat alaala sa panig ng mambabasa upang
gamitin. Ibig sabihin, may paunang pag-alam maunawaan ang kabuuang teksto at hindi
o pagkaunawa na sa hinahanap na lamang upang matagpuan ang isang tiyak
impormasyon at ang layunin ay matiyak ang na impormasyon sa loob nito.
katumpakan nito na makikita sa mga libro o
iba pang sanggunian.
Antas ng Pagbasa
Primarya • Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa
at pantulong upang makamit ang literasi sa
pagbasa. Kinapapalooban lamang ng
Mapagsiyasat pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong
impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar,
o mga tauhan sa isang teksto.
Analitikal • Itinuturing na magkakahiwalay ang mga
impormasyong ito, na mahirap para sa
Sintopikal bagong mambabasa upang makabuo ng
kabuuang hinuha at pag-unawa sa teksto.
• Nauunawaan lamang ang hiwa-hiwalay na
impormasyon sa literal na antas at hindi
nakabubuo ng interpretasyon mula sa
pagkakaugnay-ugnay ng mga nito
Antas ng Pagbasa
Primarya • Sa antas na ito, nauunawaan na ng
mambabasa ang kabuuang teksto at
nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon
Mapagsiyasat tungkol dito.
• Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ng
mabilisan ngunit makabuluhang paunang
Analitikal rebyu sa isang teksto ang mambabasa upang
matukoy kung kakailanganin niya ito at kung
maaari itong basahin nang mas malaliman.
Sintopikal • Paimbabaw ang katangian ng pagbasang ito
sapagkat halos panlabas na bahagi lamang ng
teksto ang tinitingnan. Hindi ito pinagiisipan
nang malalim para magbigay ng
interpretasyon o pinag-uukulan ng pansin ang
ilang bahaging hindi maunawaan sa teksto.
Antas ng Pagbasa
Primarya • Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit
ang mapanuri o kritikal na pag-iisip
Mapagsiyasat upang malalimang maunawan ang
kahulugan ng teksto at ang layunin o
pananaw ng manunulat.
Analitikal • Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa
katumpakan, kaangkupan, at kung
Sintopikal katotohanan o opinyon ang nilalaman ng
teksto.
• Malalim at mapanuri na ang antas na ito,
ngunit hindi rito nagtatapos ang layunin
ng pagbasa.
Antas ng Pagbasa
• Sa sintopikal na pagbasa, nakabubuo ng sariling
Primarya perspektiba o pananaw sa isang tiyak na larangan
mula sa paghahambing ng mga akdang inunawa.
• Ito ay hindi lamang pag-unawa sa mga nariyan nang
Mapagsiyasat mga eksperto sa isang larangan o disiplina, kundi
ang pagbuo ng sariling sistema ng kaalaman at pag-
unawa mula sa pagbasa sa mga ekspertong ito. Ang
Analitikal mga aklat na binasa mo ay mga kasangkapan
lamang upang maunawaan mo ang mga kaalaman
na naipundar na ng mga naunang iskolar.
• Sa pamamagitan ng sistematikong paraan,
Sintopikal pinaghahalo ang mga impormasyon mula sa aklat at
ang mga sariling karanasan at kaalaman upang
makabuo ng ugnayan at bagong mga pananaw at
kaalaman. Ibig sabihin, sa antas na ito ng pagbasa,
itinuturing mo na rin ang sarili bilang isa sa mga
eksperto ng iyong binasa.
• Kunware Lang
• Tula ni Aaron Joshua Altomia
• Sa isang mundong punong-puno ng ilusyon,
Sa isang magubat na realidad na may kakarampot na solusyon;
Solusyon sa paano na nga kung wala na siya?
At kunware nalang na nandyan ka pa.
• Mga binitawang salita,at mga panukso mong katha
Hindi alam kung paano tatanggapin
Na kung bakit ang bawat pako ikaw ang nasasalamin?
Kunware? Oo, kunwaring wala ng ako na matagal nang naghihintay sayo.
• Para ba akong nakakulong sa kwarto
Walang kausap,walang makain at walang ikaw na nasa tabi ko.
Nang bigla akong nagising sa isang malaking bangungot,
Na ako at ikaw ay dati’y may malayong patutunguhan na ngayo’y biglaang kumikipot.
• Kunware nalang na wala ng ako at ikaw,sa salitang tayo
At para saan pa ba lahat ng ‘to?
Na kung sa bawat ako at ikaw na binubura ng isipan mo
Ako naman ‘tong ako,na wala ng ikaw sa mundo ko.

You might also like