You are on page 1of 24

Mga Kasanayan sa

Mapanuring Pagbasa
Aralin 1
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
Crizel Sicat-De Laza
May-akda
Daloy ng Talakayan

• Bago, habang at pagkatapos magbasa


• Katotohanan o Opinyon
1. Bago magbasa
• Sinisimulan ang pagbasa sa pagsisiyasat ng
tekstong babasahin. Ang pagsusuri ng panlabas na
katangian ng teksto ay mahalaga upang malaman
ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa uri ng
genre ng teksto o kung kinakailangan ba ito ayon sa
itinakdang layunin ng pagbasa.
1. Bago magbasa
• Kinapapalooban ito ng previewing o
surveying ng isang teksto sa
pamamagitan ng mabilisang pagtingin
sa mga larawan, pamagat at
pangalawang pamagat sa loob ng aklat
2. Habang nagbabasa
 Pagtantiya sa bilis ng pagbasa
 Biswalisasyon ng binabasa
 Pagbuo ng Koneksiyon
2. Habang nagbabasa
 Paghihinuha
 Pagsubaybay sa komprehensiyon
 Muling pagbasa
 Pagkuha ng kahulugan mula sa
konteksto
3. Pagkatapos magbasa
 Pagtatasa ng komprehensiyon
 Pagbubuod
 Pagbuo ng sintesis
 Ebalwasyon
Pagkilala ng Opinyon at
Katotohanan
• Ang pagtukoy kung opinyon o katotohanan
ang isang pahayag ay mahalagang
kasanayan ng isang mambabasa, lalo na’t
napakarami nang iba’t ibang impormasyon
ang maaaring makuha sa Internet.
•Ano ang katotohanan?

•Ano naman ang opinyon?


Katotohanan
• mga pahayag na maaaring mapatunayan
o mapasubalian sa pamamagitan ng
empirikal na karanasan, pananaliksik o
pangkalahatang kaalaman o
impormasyon.
Opinyon
• mga pahayag na nagpapakita ng presensiya o
ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip
ng isang tao. Maaaring kakitaan ito ng mga
panandang diskurso tulad ng “sa opinyon ko”,
“para sa akin”, “gusto ko” o sa “tingin ko”.
Paano natin matutukoy
kung ano ang katotohanan
at ano naman ang opinyon?
Bilang isang mag-aaral at bilang isang
mambabasa ano-ano ang mga paraan ang
dapat mong gawin upang masuri kung
totoo ba o hindi ang iyong binabasa?
Pagtukoy kung Opinyon o Katotohanan

• 1. Si Pangulong Rodrigo Roa


Duterte ang kasalukuyang
pangulo ng Republika ng
Pilipinas.
Pagtukoy kung Opinyon o Katotohanan
• 2. Para sa akin, si Pangulong
Benigno Aquino III lamang ang
kaisa-isang pangulong sumugpo sa
korapsyon sa gobyerno ng Pilipinas.
Pagtukoy kung Opinyon o Katotohanan

•3. Sa tingin ko tunay na may


kinalaman sa isyu ng
ipinagbabawal na gamot si
Senador Leila de Lima.
Pagtukoy kung Opinyon o Katotohanan
•4. Napakahusay ng pagganap
ni Daniel Padilla sa pelikulang
Barcelona: A Love Untold.
Pagtukoy kung Opinyon o Katotohanan

•5. Ang Supreme Court ang


pinakamataas ng hukuman sa
Judiciary System ng Pilipinas.
Pagtukoy kung Opinyon o Katotohanan

• 6. Tunay ngang ang


pinakamagandang artistang
babae sa showbiz ngayon si
Liza Soberano.
Pagtukoy kung Opinyon o Katotohanan

•7. Nandaya sa eleksyon noong


2004 si dating Pangulong
Gloria Macapagal Arroyo kaya
natalo si Fernando Poe Jr.
Pagtukoy kung Opinyon o Katotohanan

•8. Ayon sa pag-aaral ng mga


doktor, ang ating katawan
ang binubuo ng 66% na tubig.
Pagtukoy kung Opinyon o Katotohanan

•9. Napatunayan na maraming


Pilipino ang tamad at walang
pangarap sa kanilang mga
buhay.
Pagtukoy kung Opinyon o Katotohanan

• 10. Ayon sa Saligang Batas, ang


pangulo ng Pilipinas ang
awtomatikong magsisilbi bilang
Commander-in-chief ng PNP at AFP.
Activity
•Humanap ng isang pekeng balita sa social media
o artikulo at isang balita o artikulo sa social
media na masasabi nating may makatotohanan
•(Indibidwal na gawain: I-printscreen at i-print
sa short bond paper:)

You might also like