You are on page 1of 14

Aralin 2

Pagpoproseso ng
Impormasyon
para sa
Komunikasyon
Kyle Aris Dayvid D. Roño, MAFil
Layunin
• Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan,
makabuluhan, at kapaki-pakinabang na
sanggunian sa pananaliksik.
• Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling
paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa
iba’t ibang antas at larangan.
• Makagawa ng malikhain at mapanghikayat
na presentasyon ng impormasyon at analisis
na akma sa iba’t ibang konteksto.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Batis ng Impormasyon
• Ito ay ang pinanggagalingan ng mga
katunayan, mga datos at iba pa na kailangan
para makagawa ng mga pahayag ng
kaalaman hinggil sa isang isyu, penomenon o
panlipunang realidad.
• Ang mga batis na ito ay maaaring ikategorya
sa dalawang pangunahing uri: Primarya at
Sekundarya

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Primaryang Batis
• Ito ay mga orihinal na pahayag, obserbasyon o
teksto na direktang nagmula sa isang
indibidwal, grupo o institusyon na nakaranas,
nakaobserba, o nakapagsiyasat ng isang paksa
o penomenon.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


1. Mga indibidwal o awtoridad
2. Mga grupo o organisasyon tulad ng pamilya,
asosasyon, unyon, fraternity, katutubo o mga
minorya bisnes, samahan, simbahan at
gobyerno.
3. Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon
at pag-aasawa, sistemang legal, ekonomik at
iba pa
4. Mga pampublikong kasulatan o dokumento
tulad ng konstitusyon, batas-kautusan, treaty o
kontrata at ang lahat ng orihinal na tala,
katiyikan sa korte, sulat, journal,
awtobayograpiya at talaarawan o dayari.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Sekundaryang Batis
• Ito naman ay pahayag ng interpretasyon,
opinyon at kritisismo mula sa mga indibidwal,
grupo o institusyon na hindi direktang
nakaranas, nakaobserba o nakasaliksik sa isang
paksa o penomenon.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


1. Mga aklat tulad ng diksyunaryo,
ensayklopidya, taunang-aklat o yearbook,
almanac at atlas.
2. Mga nalathalang artikulo sa journal, magasin,
pahayagan at newsletter
3. Mga tesis, disertasyon at ang pag-aaral ng
pisibiliti, nailathala man ang mga ito o hindi
4. Mga monograp, manwal polyeto, manuskrito,
at iba pa.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Elektronikong Batis
• Ito ay mas kilala sa tawag na internet.
• Maituturing ang internet ngayon bilang isa sa
pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan
ng mga impormasyon o datos.
• Narito ang ilang mga katanungang dapat
isaalang-alang sa pagkuha ng impormasyon sa
internet:

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


1. Uri ng site
2. May-akda
3. Layunin
4. Paraan ng paglalahad ng impormasyon
5. Pagiging makatotohanan
6. Napapanahon

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


• Bilang isang mag-aaral sa iyong napiling kurso,
paano mo napahahalagahan ang pagkuha at
pangangalapn mo ng impormasyon na
kailangan mong malaman o matutuhan?

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Pagbabasa at
Pananaliksik ng
Impormasyon

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


• Ayon kina Abesamis, et. al. (2001), mahalaga
ang pagtatala at pag-oorganisa ng mga
nakalap na datos sapagkat kung hindi, tiyak
ang pabalikbalik sa aklatan para lamang tiyakin
kung tama ang pagkakasipi.
• Ilan sa mabisang tip sa pagtatala ng
impormasyon ay ang mga sumusunod:

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


1. Isulat ang lahat ng impormasyong iyong
kinakailangan at sipiin ang mga ito sa oras na
makita agad. Huwag maging ugali ang
kapag nakakita ng isang impormasyon ay
lalagpasan na ito at sasabihin sa sariling
“babalikan na lamang.”
2. Sumulat ng maayos upang mabasa.
3. Magdaglat kung kinakailangan upang
makatipid sa oras ngunit tiyaking
mauunawaan ang mga ito sa muling
pagbasa.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


4. Tiyaking buo ang mga impormasyon upang
hindi magkaproblema sa pagsulat ng
bibliyograpiya.
5. Gawing eksakto ang mga impormasyon upang
madaling makakuha ng mga sipi o lagom na
magagamit sa konklusyon.
6. Sinupin ang iyong mga impormasyon.
Magpokus lamang sa mga pangunahing ideya
sa halip na mga walang makabuluhang
detalye.
7. Organisahin ang mga tala upang hindi malayo
sa balangkas.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning

You might also like