You are on page 1of 29

Rebyu sa mga Batayang

Kaalaman sa
Pananaliksik
Pananaliksik

Ang pananaliksik ay isang


sistematiko, kontrolado,
empiriko, at kritikal na pag-
iimbestiga sa haypotetikal na
pahayag tungkol sa inaakalang
relasyon o ugnayan ng mga
natural na penomenon
(Vizcarra, 2003).
Ayon naman kay Atienza (1996),
ang pananaliksik ay matiyaga,
maingat, sistematiko, mapanuri at
kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral
tungkol sa isang bagay, konsepto,
kagawian, problema, isyu o aspekto
ng kultura at lipunan.
Pagpili ng Batis ng
Impormasyon

Batis
Ito ay tumutukoy sa anumang
pinagmulan ng anumang
impormasyong umiiral sa iba
pang pamayanan ng karunungan.

Ito ay batayan sa kalidad at


kredibilidad ng pag-aaral.
Mga Batis batay sa Iskolarsyip

Iskolarling batis
Tumutukoy sa anumang
dokumentong nakabatay sa mga
saliksik at pag-aaral ng mga
iskolar, guro, at iba pang
dalubhasa at espesyalista sa
isang tiyak na larangan.
Di Iskolarling Batis

Tumutukoy sa mga batis na


nagbibigay impormasyon at aliw
sa publiko.

Sumasaklaw sa mga balita at


napapanahong pangyayari sa
isang larangan.
Pagkakaiba ng Iskolarling Batis at Di
Iskolarling Batis
Iskolarling Batis Di Iskolarling Batis
• AWTOR • AWTOR
Iskolar o Propesyunal sa Propesyunal na hindi eksperto
larangan sa larangan
• PAGSISIPI • PAGSISIPI
Matapat na nagsisipi, Di gaanong naglalahad ng
naglalagay ng bibliograpiya detalye sa mga sanggunian
• NILALAMAN • NILALAMAN
Nakabatay sa resulta ng Nakabatay sa mga pangyayari
pananaliksik o opinyon
Iskolarling Batis Di Iskolarling Batis
• DISENYO • DISENYO
Payak at ayon sa disiplina Maraming larawan
• PAGLILIMBAG • PAGLILIMBAG
Pamamahagi ng mga Binubuo upang kumita
natuklasan sa saliksik. • PANAHON NG
• PANAHON NG PAG- PAGPAPALIMBAG
PAPALIMBAG Kada-buwan, linggo, araw-
Estratedyik, kada-buwan,kada- araw
taon, kada- anim na buwan. • LUGAR
• LUGAR Pampublikong aklatan
Akademikong aklatan
Mga Kategorya ng
Sanggunian
Primaryang Datos

Ito ay mga datos na hinalaw o


nagmula sa mga dokumentong
isinulat sa panahon na isinasagawa
ang aktuwal na pananaliksik.

Nanggaling ang mga ito sa mga


orihinal na dokumento kung saan
ang pananaliksik ay nakabatay.
Sekondaryang datos

Ito ay mga datos na nanggaling sa


mga dokumentong isinulat matapos
ang isang kaganapan .

Tinutukoy rin sa sekondaryang datos ang


mga impormasyong nakalap batay sa
interpretasyon ng may-akda o manunulat
sa mga kaganapang nangyari na maaring
kinasasangkutan ng obserbasyon.
Tersyaryang datos

Tumutukoy sa mga datos na hinalaw


sa mga dokumentong naglalarawan
sa mga primarya at sekondaryang
sanggunian.
Pagbasa at Pananaliksik
ng Impormasyon
Tatlong Panuntunan sa
Pagbabasa

Pagbabasa para sa asignatura

Pagbabasa para sa iba’t ibang layunin

Pagbabasa para sa pag-unawa


Pagbabasa para sa asignatura

Naglipana ang mga sanggunian sa mga silid-


aklatan at maging sa internet, mabuti kung ang
makakalap na impormasyon ay nanggaling sa
lehitimo at may kredibilidad na sanggunian,
subalit maaaring makakuha ng maling
impormasyon. Kaya naman ay
iminumungkahi ang mga sumusunod:
1.Maging mahusay sa pagpili sa mga
sanggunian na gagamitin sa pananaliksik.

2.Bawat tao ay may kanya-kanyang


pamamaraan sa pag-unawa sa mga
binabasang teksto.

3. Maaaring gumamit ng index na pahina na


matatagpuan sa likod ng aklat.
4. Ang pagbabasa gamit ang internet ay hindi rin
mainam na gawain sapagkat ang matagal na
pagbabad ng mata sa screen ng kompyuter ay
maaaring makapagdulot ng hindi maganda sa
mata.

5. Ang pagkakaroon ng target na babasahin sa


partikular na oras at panahon ay makatutulong ng
malaki upang makapagbigay ng tiyak na pokus
ang isang mag-aaral at mananaliksik.
Pagbabasa para sa Iba’t ibang layunin

Ang mga sumusunod na istilo sa pagbabasa ay


magagamit sa mga akademikong sulatin batay
sa layunin ng pagbabasa:

a.) pagbabasa ng palaktaw-laktaw


b.)pagsisiyasat
c.) pagtutuon ng pansin
d.)paghahanap ng mga kaganapan
e.) sanligan
A. Palaktaw-laktaw na pagbabasa

Kaswal na pagtingin sa mga


pahina ng teksto upang matantya
ang kahalagahan ng patuloy na
pagbabasa nito sa kabuuan at
pahapyaw na malaman kung ano-
ano ang mga nilalaman nito na
maaring makatulong sa
isinasagawang pag-aaral.
B. Pagsisiyasat

Tumutukoy sa pagsusuri sa
nilalaman ng teksto o index upang
malaman kung ang aklat ay
naglalaman ng mga espesipikong
impormasyon na nais mong
malaman o mga impormasyong
malaki ang maitutulong sa iyo.
C. Pagtutuon ng pansin

Tumutukoy ito sa masinsinang


pagbabasa sa isang
mahalagang punto na may
malaking kaugnayan sa
pananaliksik.
D. Paghahanap ng mga
kaganapan

Isang estilo ng pagbabasa na


kung saan ang layunin ay
maghanap ng mga tiyak na
kaganapan o detalye na
bumubuo sa isang pangyayari.
E. Sanligan

Isang uri ng ekstensibong


pagbasa ng teksto. Ang mag-
aaral o mananaliksik ay
nangangailangan ng
karagdagang teksto upang
makita ang kabuuan ng isang
larawan.
Pagbabasa para sa Pag-unawa

Ang mananaliksik o mag-aaral ay


naglalayong maunawaan nang buong
buo ang teksto at mga impormasyong
nakapaloob dito.
Mga maaaring isaalang-alang upang
magkaroon ng mataas na komprehensyon
sa binabasang teksto

1.Pagkakaroon ng kaliwanagan sa layunin ng


pagbabasa.

2.Pakikipagpalitan ng kuro hinggil sa


binasang teksto.
3. Iminumungkahi rin ang pagbibigay ng
pagkakataon sa mata upang
makapagpahinga.

4. Magtala habang nagbabasa.

5. Alamin ang kakayahan at kapasidad sa


pagbabasa.
Mga Estratehiya sa Pananaliksik

Paggamit ng impormasyon

Pagpili ng makabuluhang Impormasyon

Isaalang-alang ang mga sumusunod:


1. Pagkakaroon ng layunin.
2. Pagsasaalang-alang sa mga datos na
mayroon sa kasalukuyan.
3. Pagmumuni-muni sa mga mahuhusay
na sanggunian.

4. Pagsiyasat sa mga mahuhusay na


impormasyon.

5. Tingnan ang dami ng babasahing


impormasyon sa limitasyon na hinihingi
ng papel pananaliksik.
Paggamit ng Dyornal

Pag-aayos ng mga dokumento


para sa impormasyon

You might also like