You are on page 1of 2

AWTPUT #2

GAWAIN BLG. 1:

Balikan ang talakayan tungkol sa pananaliksik. Suriin at intindihin nang mabuti upang
masagot ang tanong na inihanda.

Ano ang mahalagang dulot ng pananaliksik sa buhay mo bilang mag-aaral? Isulat sa patalatang
pamamaraan sa iyong sagutang papel.

Bilang isang mag-aaral sa kolehiyo na siya nakararanas ng paggawa ng pananaliksik,


nadadagdagan ang aking kaalaman at lumalawak ang aking isipan dahil sa tuloy-tuloy na
pagbabasa ng mga impormasyon nakalap na siyang makatutulong sa paksang sinasaliksik.
Lumalawak din ang karanasan ko sa mundo ng pananaliksik dahil ito’y aking isinasagawa. Mas
tumataas din ang aking respeto at tiwala sa sarili lalo kung matagumpay na naisakatuparan ang
pananaliksik at dahil na rin siguro sa nakikita kong ako’y naging responsable sa paggawa nito. 

Matapos mabasa ang mga artikulo sa pananaliksik, sagutin ang sumusunod na mga
tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano-ano ang katangian na dapat taglayin ng isang mananaliksik?


 Maging masipag
 Maging matiyaga
 Maging sistematiko
 Maging maingat
 Maging mapanuri o kritikal

2. Ano-anong mga hanguan ang iyong kakailanganin upang magkaroon ng katibayan ang
iyong pananaliksik?
 Ayon sa nakaraang aralin, ang mga hanguang kailangan para sa pananaliksik ay
ang mga sumusunod:
 Hanguang Primarya o Pangunahin (Primary Source)
o Talaarawan
o Liham
o Saloobin mula sa survey
o Mga isinulat na panitikan
o Testimonya sa lumang manuskrito
o Pahayagan
o Orihinal na pananaliksik
o Orihinal na gawang sining
o Orihinal na larawan
 Hanguang Sekundarya (Secondary Source)
o Archive na material mula sa:
 Aklat
 Palabas
 Manuskrito
 Pahayag ng isang tao
 Buod ng anumang akda

3. Mayroon ka na bang malinaw na daang tatahakin tungo sa pagbuo ng pananaliksik na


isasagawa?
 Opo, dahil naituro na kung ano ang aking dapat taglayin, saan kukuha ng
katibayan, at mga dapat iwasan sa paggawa ng pananaliksik. Kailangang
maging Kailangang maging masipag at matiyaga dahil ito ay mahabang proseso.
Dahil ito ay sistematiko, mayroong prosesong susundin ang bawat mananaliksik
upang hindi ito maligaw. Kailangan ding maging maingat at mapanuri para sa
mas ikatitibay ng saliksik. Akin na ring natutunan kung saan ba nararapat na
humango ng mga katibayan para sa aking pananaliksik. Dapat ko namang
iwasan ang paggawa ng plagyarismo.  

GAWAIN BILANG 2:

Tingnan at alamin kung ano-anong “Etika ng Mananaliksik” ang maaaring nilabag sa


sumusunod na sitwasyon at bakit.

Nagsagawa si Bb. XYZ ng pananaliksik hinggil sa paksang “Isang Pag-aaral sa mga Sanhi at
Bunga ng Pangmamaltrato sa mga Kasambahay”. Matapos makakuha ng mga datos at detalye
mula sa pakikipanayam, pagmamasid, at pagbabasa, may mga natuklasan siyang taliwas sa
kanyang layunin sa isinagawang pag-aaral. Ilang estadistika ang binago niya upang ang resulta
ay maging pabor sa nais niyang maging kalabasan ng pananaliksik. Gayundin, inilahad din niya
ang mga tunay na pagkakakilanlan sa kanyang mga tagatugon.

Ang nalabag ni Bb. XYZ sa apat na etika ng mananaliksik ay ang pagiging matapat sa
bawat pahayag dahil iniba niya ang datos at detalye mula sa pakikipanayam,
pagmamasid, at pagbabasa na kung saan malinaw na sinasabi sa etikang ito na dapat
ay maging tapat at huwag dayain ang datos para lamang pumabor ang resulta sa gusto
ng mananaliksik. Ang etikang ito ay kinakailangan upang masabing ang pananaliksik ay
kapani-paniwala, totoo at tunay. Kung ito ay malabag, ang buong pananaliksik ay hindi
mapagkakatiwalaan dahil hindi totoo ang lumabas na resulta ayon sa nasabing pagkalap
ng datos. 

You might also like