You are on page 1of 27

GROUP 3

Kontekswalisadong
Komunikasyon sa Filipino
REPORTERS

Jeaniel Mar Lanao Shaira Lapie Cristine Buarao Jane De Guzman


Layunin:
1. Malaman ang kahalagahan ng batis at ang
pagbibigay rekugnisyon sa may orihinal na
may akda.
2. Malaman ang mga dahilan sa pagreresulta
ng plagiarismo
3. Malaman ang mga dahilan sa pagbabasa.
4. Malaman ang mga istilo sa pagbabasa
batay sa layunin ng mambabasa.
4 PICS ONE WORD
Bakit Kailangan ng Siping Panloob
at Paglalagay ng Sanggunian?
Plagiarismo (Plagiarism)
Mayroong paglalahad ng mga ideya na mistulang ikaw
ang orihinal na may- akda, bagama’t ang katotohanan,
ito ay hinalaw o kinuha lamang sa iba.

DIREKTA DI- DIREKTA


• Pagkopya at pagdikit (copy paste) ng mga teksto at imahe na hindi
binibigyan ng rekognisyon kung saan ang mga ito ay nanggaling.

• Hindi pagpapakita ng sipi.

• Pagbubuod ng impormasyon na hindi man lamang ipinapakita


kung ano ang orihinal na pinanggalingan nito;

• Pagpapalit ng ilang mga salita sa isang seksyon ng teksto na hindi


man lamang binibigyan ng pagkilala ang orihinal na may-akda.
Pangangalap ng Impormasyon sa
Pamamagitan ng Pagbabasa
PAGBABASA
Ang pagbabasa ay ang pangunahing gawain ng isang
mananaliksik o mag-aaral upang maisagawa ang tungkuling
makapangalap ng mahahalagang impormasyon para sa
isinasagawang pag-aaral.

• Para sa asignatura
• Para sa iba’t ibang layunin
• Para sa pag-unawa.
Pagbabasa para sa asignatura.
Katulad na ng nabanggit sa mga nakaraang pagtalakay,
ang mga impormasyon na kinailangan upang mapatatag
ang paninindigan ng isang pag-aaral o pananaliksik ay
madaling kalapin dahil na rin sa mga naglipanang
sanggunian sa silid-aklat at maging sa internet.
Pagbabasa para sa Iba't Ibang Layunin.
Ang layunin ang siyang nagbibigay ng
direksyon sa lahat ng bagay na ginagawa ng
tao. Bago isagawa ang pagbabasa,
mahalaga na mailatag muna ng mga mag-
aaral o mananaliksik kung ano ba ang
kanilang nais na mangyari matapos ang
isasagawang pag-aaral o pananaliksik.
Ang mga sumusunod na istilo sa pagbabasa ay magagamit
sa mga akademikong sulatin batay sa layunin ng
pagbabasa:

(1) Pagbabasa ng palaktaw-laktaw (Browsing)

(2) Pagsisiyasat o checking

(3) Pagtutuon ng pansin o focusing in

(4) Paghahanap ng mga kaganapan o fact finding

(5) Referencing o sanligan


1. PAGBABASA NG PALAKTAW-LAKTAW (BROWSING)
ay ang kaswal na pagtingin sa mga pahina ng teksto upang
matantya ang kahalagahan ng patuloy na pagbabasa nito
sa kabuuan at pahapyaw na malaman kung anu-ano ang
mga nilalaman nito na maaaring makatulong sa
isinasagawang pag-aaral.

2. PAGSISIYASAT O CHECKING
ay tumutukoy sa pagsusuri sa nilalaman ng teksto o indek
upang malaman kung ang aklat ay naglalaman ng mga
espisipikong impormasyon na nais mong malaman o mga
impormasyong malaki ang maitutulong sa iyo.
3. PAGTUTUON NG PANSIN O FOCUSING IN
Tinutukoy ng pagtutuon ng pansin sa o focusing in sa
masinsinang pagbabasa sa isang mahalagang punto na may
malaking maitutulong sa pananaliksik. Kung ang impormasyon
ay hindi naglalaman ng mahalagang punto, ang pagtutuon ng
pansin sa o focusing in ay maaaring ibalik sa palaktaw-laktaw na
pagbabasa. Samakatwid, ang palaktaw-laktaw na pagbabasa ay
ang preliminaryong bahagi ng pagpapaubaya sa iyong sarili na
magbasa nang masinsinan kung may nakita kang isang punto na
sa iyong palagay ay makatutulong nang malaki sa pananaliksik.
4. PAGHAHANAP NG MGA KAGANAPAN O FACT FINDING

ay isang istilo ng pagbabas na kong saan ang


layunin ay maghanap ng mga tiyak na
kaganapan o detalye na bumubuo sa isang
pangyayari. Imbestigasyon ang pinakapuso
ng ganitong uri ng pagbabasa.
5. SANLIGAN O REFERENCING
ay isang uri ng ekstensibong pagbasa sa
teksto. Sa ganitong istilo, ang mga mag-aaral
o mananaliksik ay nangangailangan ng
karagdagang teksto upang makita ang
kabuuan ng isang larawan.
Pagbabasa para sa Pag-unawa
Sa ganitong uri ng pagbabasa, ang mananaliksik o mag- aaral
ay naglalayong maunawan nang buong buo ang teksto at
mga impormasyong nakapaloob dito. Hindi ito paligsahan ng
bilis ng pagbabasa o paramihan ng pahinang binasa upang
masabi lamang na iyong nagampanan ang tungkuling
pagbabasa. Ang ganitong uri ng pagbabasa ay
nangangailangan ng komprehensyon. Ang mga sumusunod
ay maaaring makatulong upang magkaroon ng mataas na
komprehensyon sa binasang teksto:
(1) Pagkaroon ng kaliwanagan sa layunin ng pagbabasa o
pananaliksik;

(2) Pakikipagpalitan ng kuro hinggil sa binsasang teksto. Ang


pagbabahagi ng iyong natutunan sa binasang teksto ay simula
ng pagtanggap sa perspektiba ng iba na mainam upang higit
na maging malalim ang iyong komprehensyon sa binasang
teksto.
Mga Tanong:
1. Bakit Kailangan ng Siping Panloob at Paglalagay ng Sanggunian?
2. Ano ang plagiarismo?
3. Ano ang tatlong panuntunan sa pagbabasa?
4. Mabigay ng isang istilo sa pagbabasa.
5. Ano ang naunawaan mong pagkakaiba ng paghahanap ng mga
kaganapan o fact finding sa salingan o referencing?
6.Gaano kahalaga para sayo ang pagbabasa? At sa paanong paraan
mo ito nauunawaan ng lubos?
7. Ano ang kahulugan ng paglaktaw-laktaw o browsing?
8. Ito ay tumutukoy sa pagsusuri sa nilalaman ng teksto.
Learning Reference:
Tanalgo, C., Borbon, A., Casidsid, F., Ubugan, A., Barres, M., & Amo, P. (n.d.). Gabay sa
Pagtuturo GE 105: Kontektwalisadong Komunikasyon sa Filipino.
https://pdfcoffee.com/kontekstwalisadong-komunikasyon-sa-filipino-7-pdf-free.html
SALAMAT

You might also like