You are on page 1of 33

ANG KATUTURAN,

KAHALAGAHAN, AT
KATANGIAN NG
MAPANURING
PAGBASA
ABOT TANAW
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang
maisagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
• Naihahambing ang simpleng pagbasa at
mapanuring pagbasa;
• Naipaliliwanag ang mga pangunahing
katangian ng mapanuring pagbasa; at
• Naipaliliwanag ang ilang kahalagahan ng
mapanuring pagbasa sa isang larangan.
LUSONG-
KAALAMAN
Tukuyin kung ang sumusunod ay maituturing simple
o mas kompilikadong hakbang sa pagbasa. Isulat ang
S kung simple at K kung komplikado. Paghandaan
ang pagpapaliwanag ng inyong sagot.
1. Pagtiyak ng paksa ng teksto.
2. Pag-uugnay ng teksto sa mga napapanahong
isyung panlipunan.
3. Pagtukoy sa pangunahing ideya o argumento ng
teksto.
4. Pagtukoy sa mga pantulong na ideya ng teksto.
5. Pagtiyak sa paraan o estratehiya sa pag dedelop
ng teksto.
6. Pagtiyak sa kahulugan ng mahihirap na salita
7. Pagsasaliksik tungkol sa awtor, petsa ng pagkasulat,
at iba pang detalye tungkol sa pagkalathala ng teksto
8. Pagtiyak kung mapagkakatiwalaan ang mga
pinagkunanng datos o ebidensya
9. Pagtitimbag kung sapat ang datos o ebidensya para
mapangatwiran ang argumento
10. Pag-uugnay ng teksto sa personal na konteksto
GAOD KAISIPAN

ANG
MAPANURIN
G PAGBASA
GAOD KAISIPAN
MAPANURING
Ang mapanuring pagbasa
PAGBASAay nagsasangkot ng mas
maraming kasanayan at kaalaman ng mambabasa.
Naiiba ito sa karaniwang pagbasa na madalas, ang
mambabasa ay tumutukoy o kumukuha lamang ng
impormasyon sa tekstong binasa. Sa mapanuring
pagbasa, ang mambabasa ay sumusuri, nagtatasa, at
nagbibigay-kahulugan.
Batay sa paliwanag na ito, inaasahan sa mapanuring
pagbasa ang isang aktibong mambabasa. Gumagamit ang
aktibong mambabasa ng iba't ibang hakbang at proseso.
Narito ang mga halimbawa:

• natitiyak ang pangunahing ideya ng teksto;

• naipaliliwanag ang pangunahing ideya batay sa


mga impormasyon mula sa teksto:
• naiuugnay ang teksto sa ibang nabasa at dating
kaalaman,

• nagtatala ng mga tanong kapag mayroong hindi


maintindihan sa teksto;

• tinutukoy ang mga bahagi ng teksto na hindi


sinasang-ayunan; at

• naiuugnay ang paksa at mga ideya sa teksto sa mga


napapanahong usapin sa lipunan.
KATANGIAN NG
MAPANURING
PAGBASA
SIMPLENG PAGBASA MAPANURING PAGBASA

Ginagawa ng • Kumukuha ng • Sumusuri


Mambabasa impormasyon at • Nagtatasa
ideya • Bumubuo ng
• Iniitindi ang mga kahulugan
pahayag sa teksto
Layunin • Iniintindi ang • Binubuo ang pangunahing
nilalaman ng teskto ideya o argumento ng teksto
• Sinusuri kung paano
isinusulong ang teksto ang
arguemento
• Tinatasa ang kalakasan at
kahinaan ng teksto

Tuon sa Pagbasa • Ano ang sinasabi ng • Ano ang binubuong


teksto? pahayag o argumento ng
teksto at paano ito binuo?
Pananaw sa • May tiyak na • May nilalaman na laging
teksto nilalaman na nagbabago batay sa
mapagkakatiwalaan pakikipag-ugnayan ng
at hindi mag mambabasa sa teksto
babago
Karaniwang • Ano ang sinasabi • Ano ang pangunahing ideya o

ng teskto? argumento ng teksto?


Tanong
• Paano dinebelop and ideya o
• Ano-ano ang mga
pangangatwiran ang
impormasyon at
argumento ng teksto?
ideyang makukuha
• Ano-ano ang mga datos o
sa teksto?
ebidensya ginagamit
para idebelop ang ideya o para
panindigan ang argumento?
• Maoagkakatiwalaan ba ang mga
datos o ebidensya?
• Paaano naging makahuluhan
ang tekssso sa kasalukuyang
konteksto?

Direksyon ng • Sinusundan ang • Lumihis sa teksto (pwedeng


Pagbabasa teksto kuwestiyonin ang argumento
ng Teksto at paraan ng pagsusulong
nito)
Resulta ng • Tala • Deskripsyon ng teksto
Pagbasa • Lagom o buod • Mga tanong
• Sariling pagpapakahulugan
• Pagtatasa
Ginagawa ng mambabasa. Sa karaniwang pagbasa, madalas na
nagtatala o kumukuha lamang nga impormasyon. Halos pasibo
ang mambabasa. Mga simpleng kasanayan lang ang kailangan sa
pagbasa tulad ng paghahanap, pagkopya, pag-uulit, pagtukoy, at
pagtutulad. Sa mapanuring pagbasa naman, ang mambabasa ay
inaasahang susuri at mag tatasa ng mga impormasyon , at bubuo
ng pahulogan. Kaya naman maituturing na aktibo ang
mambabasa sa matalalik na pakikipag-ugnayan niya sa teksto.
Layunin ng pagbasa. Sa simpleng pagbasa, ang pakay ng mambabasa
ay unawain lamang kung ano ang sinasabi sa teksto upang makuha niya
ang mga impormasyon at ideyang nakapaloob dito. Sa kabilang banda,
sa mapanuring pagbasa, binubuong-muli nga mambabasa ang
pangunahing ideya o argumento ng teksto. Binubuong-muli dahil hindi
naman sa lahat ng pagkakataon ay tinitiyako tuwirang ipinahahayag sa
teksto ang pangunahing ideya o argumento. Isa sa maaaring gawin ng
mambabasa ang pagtukoy at pagsusuri sa mga datos at ebidensya,
mamari din niyang tasahin kung matibay atsapat ang mga ito at kung
nagmula sa mga mapagkakatiwalaang sanggunian.
Tuon ng pagbasa. Batay sa layunin ng pagbasa, mahihinuha na sa
simpleng pagbasa, ang tuon nito ay kung ano ang sinasabi ng
teksto. Sa mapanuring pagbasa naman, nakatuon ito sa maaaring
sinasabi ng teksto. Lampas didto, sinusuri din ng mambabasa kung
paano dinebelop at isinulong sa teksto ang mga ideya atargumento.
Ang diin ay hindi lamang sa “ano” kundi sa “ano” at “paano”. Sa
gayon, hindi lamang basta tatanggapin ang sinasabi nga teksto.
Kapag nalaman na ang “paano” magkakaroon na ng posisyon ang
mambabasa kung tatanggapin o paniwalaan ang nasa teksto.
Pananaw sa teksto. Tinitignan sa simpleng pagbasa na ang
teksto ay may nilalaman. Ang nilalamang ito ay may
kalikasang hindi nagbabago at mapagkakatiwalaan o may
kredibilidad. Hindi nag babago ang nilalaman dahil
ipinabibigay na kahit sino ang magbasa, iyon at iyon din ang
makikita sa teksto. Mapagkakatiwalaan ang teksto kung
kaya’t tinatanggap na lamang ang anuman ang mabasa at
makuhang impormasyon o ideya sa teksto.
Sa kabilang banda, sa mapanuring pagbasa, maituturing na
ang nilalaman ng teksto ay laging nagbabago batay sa
pakikipagugnayan ngmambabasa sa teksto msimo.
Mambabasa ang bumubuo muli sa puwedeng sinasabi ng
teksto. Maari ding magbago ang mabasa sa teksto dahil sa
iba-ibang kasanayan at kontekstong dala ng mambabasasa
proseso ng pagbabasa.
Direksyon ng pagbasa. Batay sa mga nailahad na, masasabing
sumusunod lamang ang mambabasa sa teksto. Ibig sabihin,
madalas na inaayunan laman niya ang kung ano ang sinasabi ng
awtor sa teksto. Kaya naman, kinukuha lamang niyaang mga
impormasyon at ideya. Sa kabilang banda, sa mapanuring pagbasa,
masasabing lumilihis ang mambabasa sa teksto sa paraang maaari
niyang kuwestiyonin o hindi sang-ayunan ang nilalaman ng teksto.
Sa halip na tanggapin lamang ang sinasabi ng teksto, maaari niya
itong tanungin at makipag-ugnayan dito.
Resulta ng pagbasa. Maaasahan na sa katapusan ng simpleng
pagbasa, ang karaniwang nabubuo ng mambabasa ay mga tala o
notes, mga paglalagom o pagbubuod ng talata o ng buong teksto.
Sa mapanuring pagbasa karaniwang ang nagiging resulta ng
pagbasa ay ang sumusunod: deskripsiyon ng teksto, mga tanong
tungkol sa teksto at maaaring tungkol sa implikasyon nito sa labas
ng teksto, sariling pagpapakahulugan at pagmumuni sa teksto, at
pagtatasa sa kalakasan at kahinaan ng teksto.
GAOD KAISIPAN

KAHALAGAH
AN NG
MAPANURIN
G PAGBASA
Batay sa mga naipaliwanag tungkol sa katangian ng
mapanuring pagbasa, mahihinuha na ang pangunahing
kasanayang ito ay dapat malinang lalo na sa senior high
school at kolehiyo. Inaasahan sa kaniya ang kasanayang ito
upang magampanan niya ang tungkuling mag-ambag ng
kaalaman sa akademya at sa lipunan.

Ilan sa mas espesipikong kahalagahan nito ay ang


sumusunod:
1. Natutukoy ang argumento at nasusuri ang mga ebidensiya ng
teksto.

Sa pamamagitan ng mapanuring pagbasa, nadedebelop ang


kasanayan na hindi lamang basahin at tukuyin ang maliliit at
hiwa-hiwalay na detalye o impormasyon sa isang teksto. Sa
halip, tinitingnan ang kabuoan ng teksto. Sinusuri ang ugnayan
ng iba't ibang bahagi ng teksto sa isa't isa. Binubuo rin sa
bahaging ito ang ideya o argumentong dinedebelop ng mga
datos at ebidensiya.
2. Napapanday ang isip para mas mahigpit na makipag-ugnayan
sa teksto.

Sa mapanuring pagbasa, mas nagiging masalimuot at mahigpit


ang pakikiugnay ng mambabasa sa teksto. Ang mga hakbang sa
simpleng pagbasa tulad ng pag-alam sa kahulugan ng
mahihirap na salita o ekspresyon, pagtukoy sa mga detalye, at
pagtiyak sa pangunahin at mga pantulong na ideya ay ginagawa
rin sa mapanuring pagbasa.
Ngunit pagkatapos nito, isinasagawa rin ang iba pang mas
masasalimuot na hakbang tulad ng pagsusuri sa mga datos
o ebidensiya, pagtitimbang kung mapagkakatiwalaan ang
pinagkunan nito, pagbuo ng mga tanong tungkol sa teksto,
pag-uugnay ng mga nabasa sa mga kontekstong labas na sa
teksto, at iba pang estratehiya sa pagbasa.
3. Naluugnay ang binasa sa sariling buhay at sa lipunan.

Humahantong ang pagbasa sa pag-uugnay ng teksto sa sariling


buhay at sa lipunan. Nangyayari ito sa pamamagitan ng
paghahanap ng mga koneksiyon sa teksto at sa mga dating
nabasa at alam, at sa mga karanasang personal at panlipunan.
4. Nailalapat ang pagiging kritikal sa ibang konteksto.

Ang pagiging mapanuri ay maaaring ilapat sa maraming konteksto


sa pakikinig ng lektura sa klase, sa panonood ng pelikula, sa
pakikinig ng talumpati ng politiko, at sa pagbasa ng mga post sa
social media. Gaya ng naipaliwanag na, ang kahulugan ng salitang
teksto ay maaaring sumaklaw sa iba't ibang materyal lektura,
pelikula, talumpati, mensahe sa social medio, at marami pang
materyal na ginagamit na batayan sa paglikha ng kahulugan
Gawain 1: Paghahambing ng Simple at Mapanuring
Pagbasa

Paghambingin ang simpleng pagbasa at mapanuring pagbasa


ayon sa ilang pangunahing aspekto. Buoin ang deskripsiyon
ng dalawang uri ng pagbasa sa pamamagitan ng pagsulat ng
nawawalang salita.
Simpleng Pagbasa Mapanuring Pagbasa

____ ng kahulugan
____ ng impormasyon at ideya sa
Ginagawa ng
teksto.
Mambabasa (Bumubuo, Kumukuha,
(Sumusuri, Kumukuha, Bumubuo)
sumusulat)

Suriin kung paano


Intindihin ang ____ ng teksto.
isinusulong ng teksto
Layunin ang ____.
(argumento, estilo,
(awtor, salita, nilalaman)
pahayag)
Simpleng Pagbasa Mapanuring Pagbasa

Ano ang binubuong


____ ang sinasabi ng teksto?
Tuon ng pahayag o argumento ng
Pagbasa teksto at ____ ito binuo?
(Ilan, Sino, Ano)
(bakit, paano, kailan)

May tiyak na nilalaman na di- May nilalaman laging ____


magbabago at ____. batay sa pakikipag-ugnayan
Pananaw sa
dito ng mambabasa.
Teksto (natutuklasan,
(masaklaw, mapagkakatiwalaan,
matatag) nagbabago,naiiba)
Simpleng Pagbasa Mapanuring Pagbasa

____ ang teksto ____ sa teksto


Direksiyon
ng Pagbasa (Pinupuntahan, Sinusundan, (Pumunta, Lumilihis,
Binabaligtad) Lumalapit)
T HAN K
YOU
CASTRO, Nicolette Yvonne J.
GUIAPAR, Ella Yzhie M
VIAJEDOR, Alecxie T.

You might also like