You are on page 1of 52

Group 1

MGA Roger Sanmillan

KASANAYAN SA Roniel Chavez


Jerald Zabala

MAPANURING
PAGBASA
11 HOPE

OutPlayedByMisery
Ano po ang naging paksa
natin sa nakaraan alaralin?

Isa-isa po nating tinalakay ang iba't ibang


antas ng pagbasa. Lahat ng antas ay
pagdadaanan ng mambabasa upang makamit
ang pinakamataas na uri ng pagbasa, ito ay
ang sintopikal na pagbasa.

OutPlayedByMisery
Higit pa sa komprehensiyon o pag-
unawa sa teksto, kinakailangang
maging mapanuri at kritikal sa
anomang uri ng pagbasa.

OutPlayedByMisery
Iba't iba ang kasanayan na dapat
paunlarin sa bawat bahagi ng
proseso ng pagbasa. Sa kabuuan,
mahahati ang mga kasanayan sa
tatlong bahagi: Bago Magbasa,
Habang Nagbabasa, at
Pagkatapos Magbasa.

OutPlayedByMisery
Mga Kasanayan sa Mapanuring
Pagbasa
PAGKATAPOS
MAGBASA ⚬Pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto upang malaman ang
tamang estratehiya sa pagbasa batay sa uri at genre ng teksto o kung

for more
kinakailangan ba ito ayon sa itinakdang layunin ng pagbasa.

HABANG ⚬Kinapapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa


NAGBABAS pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat, at
A pangalawang pamagat sa loob ng aklat.
⚬Sa bahaging ito, iniuugnay sa inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak at
BAGO kaligirang kaalaman upang lubusang masuri kung anong uri ng teksto ang
MAGBASA babasahin. Nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon kung
tungkol saan ang isang teksto batay sa isinagawang pagsisiyasat.

OutPlayedByMisery
Mga Kasanayan sa Mapanuring
Pagbasa
PAGKATAPOS
MAGBASA
⚬Nangyayari ang pinakamalaking bahagi ng kognisyon habang
nagbabasa. Sa bahaging ito, sabay-sabay na pinagagana ng
isang mambabasa ang iba't ibang kasanayan upang lubusang
HABANG maunawaan ang teksto. Ang kaniyang mga naunang tanong at
NAGBABASA prediksyon bago magbasa ay pinanghahawakan niya upang
panatilihin ang pokus sa aktibong pag-unawa sa binabasa. Sa
bahaging ito, lumalawak at umuunlad ang bokabularyo ng
mambabasa
BAGO
MAGBASA

OutPlayedByMisery
Mga Kasanayan sa Mapanuring
Pagbasa
PAGKATAPOS
MAGBASA
⚬Narito ang ilan pang pamamaraan upang maging epektibo ang
pagbasa:
• Pagtantiya sa bilis ng pagbasa. Binabago-bago ng mambabasa ang bilis o bagal ng
HABANG pagbasa batay sa hirap ng teksto at personal na kakayahan sa pagbasa.
• Biswalisasyon ng binabasa. Gamit ang mga impormasyon mula sa teksto at imbak na
NAGBABASA kaalaman, bumubuo ang mambabasa ng mga imahen sa kaniyang isip habang
nagbabasa.
• Pagbuo ng koneksiyon. Pagpapayaman ng ugnayan sa pagitan ng teksto at imbak na
kaalaman upang matiyak ang komprehensiyon.
• Paghihinuha. Pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman upang
BAGO bumuo ng mga pahiwatig at kongklusyon sa kalalabasan ng teksto.
MAGBASA

OutPlayedByMisery
Mga Kasanayan sa Mapanuring
Pagbasa
PAGKATAPOS
MAGBASA
⚬Narito ang ilan pang pamamaraan upang maging epektibo ang
pagbasa:
• Pagsubaybay sa komprehensiyon. Pagtukoy sa mga posibleng kahirapan sa
HABANG pagbasa ng teksto at paggawa ng mga hakbang upang masolusyonan ito.
Halimbawa, kung may isang salitang mahalaga at susi upang maunawaan ang
NAGBABASA
buong teksto, maaaring sumangguni sa diksyunaryo ang mambabasa.
• Muling pagbasa. Muling pagbasa ng isang bahagi o kabuuan ng teksto kung
kinakailangan kapag hindi ito naunawaan.
• Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto. Paggamit ng iba't ibang estratehiya
BAGO upang alamin ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita batay sa iba pang
MAGBASA impormasyon sa teksto.

OutPlayedByMisery
Mga Kasanayan sa Mapanuring
Pagbasa
PAGKATAPOS
MAGBASA
⚬Sinisimulan ng isang aktibong mambabasa
ang paglilipat ng impormasyon sa
HABANG
NAGBABASA matagalang memorya sa pamamagitan ng
elaborasyon, organisasyon, at pagbuo ng
mga biswal na imahen.
BAGO
MAGBASA

OutPlayedByMisery
Mga Kasanayan sa Mapanuring
Pagbasa
PAGKATAPOS
MAGBASA
⚬Ang elaborasyon ay ang pagpapalawak at pagdaragdag ng
bagong ideya sa impormasyong natutuhan mula sa teksto.
HABANG
NAGBABASA ⚬Ang organisasyon ay pagbuo ng koneksiyon sa pagitan ng iba’t
ibang bahagi ng impormasyon na nakuha sa teksto habang ang
pagbuo ng biswal na imahen ay paglikha ng mga imahen at
larawan sa isipan ng mambabasa habang nagbabasa
BAGO
MAGBASA

OutPlayedByMisery
Mga Kasanayan sa Mapanuring
Pagbasa
PAGKATAPOS Upang maipagpatuloy ang malalim na pag-unawa at pag-alala sa teksto kahit natapos na ang
proseso ng pagbasa, mahalagang isagawa ng isang mambabasa ang sumusunod:
MAGBASA
⚬⚬PAGTATASA
PAGTATASANG NGKOMPREHENSIYON:
KOMPREHENSIYON. Sagutin ang iba’t ibang tanong
tungkol sa binasa upang matasa ang kabuuang komprehensiyon o pag-unawa sa
HABANG binasa.
NAGBABASA ⚬
⚬PAGBUBUOD:
PAGBUBUOD. Sa pamamagitan ng pagbubuod, natutukoy ng manunulat ang
pangunahing ideya at detalye sa binasa.

⚬PAGBUO
PAGBUO NG NG SINTESIS:
SINTESIS. Halos kagaya rin ito ng pagbubuod, ngunit bukod sa
pagpapaikli ng teksto, ang pagbuo ng sintesis ay kinapapalooban ng pagbibigay
ng perspektiba at pagtingin ng manunulat batay sa kaniyang pag-unawa.
BAGO ⚬EBALWASYON. Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan ng
MAGBASA ⚬mga
EBALWASYON:
impormasyong nabasa sa teksto.

OutPlayedByMisery
Mga Kasanayan sa Mapanuring
Pagbasa
PAGKATAPOS • Kapag nagawa na ng isang mambabasa ang mga
MAGBASA
nabanggit, natitiyak na magiging makabuluhan
ang karanasan sa pagkatuto at makakukuha ng
HABANG mahahalagang impormasyon na hindi agad
NAGBABASA mawawala sa alaala ng mambabasa. Bukod sa
mga nabanggit na kasanayan na dapat linangin
habang nagbabasa, makatutulong din ang iba
pang pamamaraan sa pagpapayaman ng
BAGO karanasan sa pagbasa.
MAGBASA

OutPlayedByMisery
Group 1

Pagkilala sa
Opinyon o
Katotohanan
11 HOPE

OutPlayedByMisery
Pagkilala Sa Opinyon O Katotohanan

Ang pagtukoy kung opinyon o katotohanan ang


isang pahayag ay mahalagang kasanayan ng isang
mambabasa, lalo na't napakarami nang iba't ibang
impormasyon ang maaaring makuha sa Internet.

OutPlayedByMisery
.

Katotohanan Opinyon

Ang katotohanan ay mga pahayag na maaaring mapatunayan o


mapasubalian sa pamamagitan ng empirikal na karanasan,
pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon

OutPlayedByMisery
.

Katotohanan Opinyon

Ang opinyon naman ay mga pahayag na nagpapakita ng


preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at
iniisip ng isang tao. Maaaring kakitaan ito ng mga
panandang diskurso tulad ng "sa opinyon ko," "para sa
akin," "gusto ko," o sa "tingin ko."

OutPlayedByMisery
Halimbawa, maituturing na
katotohanan ang pahayag na:

⚬Si Bongbong Marcos ang kasalukuyang


pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Katotohanan Vs

Op
Habang opinyon naman ang pahayag

iny
on
na:
⚬Para sa akin, si Pangulong Benigno Aquino III lamang
ang kaisa-isang pangulo na sumugpo sa korupsiyon sa
gobyerno ng Pilipinas. OutPlayedByMisery
Group 1

MGA
KASANAYAN SA
MAPANURING
PAGBASA
11 HOPE

OutPlayedByMisery
Pagtukoy sa Layunin, Pananaw, at
Damdamin ng Teksto
⚬Mahalagang sa umpisa pa lang ng
pagbasa ng teksto at habang
napapalalim ang pag-unawa rito ay
matukoy ang layunin, pananaw, at
damdamin ng teksto upang maging
epektibo ang pag-unawa rito.
Back to Agenda Page

OutPlayedByMisery
Layunin Back to Agenda Page

⚬Ang layunin ay tumutukoy sa nais iparating at motibo ng


manunulat sa teksto. Mahihinuha ito sa pamamagitan ng uri ng
diskursong ginamit sa pagpapahayag.
Halimbawa,
Naglalarawan ba ito o kaya ay nagkukuwento lang ng isang tiyak na
karanasan o sitwasyon?
⚬Maaari ding nangangatuwiran ito o kaya naman ay hinihikayat ang mambabasa na
pumanig sa opinyon o paninindigan niya. Sa layunin, tinutukoy rin ang suliranin o
pangunahing tanong ng akda na nais solusyonan ng may-akda.

OutPlayedByMisery
Pananaw

⚬Ang pananaw naman ay ang pagtukoy kung ano ang preperensiya ng


manunulat sa teksto. Ibig sabihin, natutukoy rito kung ano ang
distansiya niya sa tiyak na paksang tinatalakay.

⚬Nasa unang panauhan ba ito na maaaring magpakita na personal


ang pespektiba niya sa paglalahad, o kaya naman ay nasa ikatlong
panauhan na nagbibigay ng obhetibong pananaw at paglalahad sa
paksa?
OutPlayedByMisery
Damdamin Back to Agenda Page

⚬Ang damdamin naman ay ang ipinahihiwatig na


pakiramdam ng manunulat sa teksto. Maaaring
nagpapahayag ito ng kaligayahan, tuwa, galit, tampo, o
kaya naman ay matibay na paniniwala o paninindigan
tungkol sa isang pangyayari o paksa.

OutPlayedByMisery
Damdamin Back to Agenda Page

⚬Dahil sa damdamin na ipinahahayag ng teksto, hindi naiiwasan


na ito rin ang nagiging pakiramdam ng mambabasa sa pagbasa
nito. Sa katapusan ng pagbasa, maaari ding tasahin ng isang
mambabasa kung nagtagumpay ba ang manunulat na iparamdam
ang layunin ng teksto.

OutPlayedByMisery
Suriin ang layunin, pananaw, at damdamin
ng sumusunod na seleksiyon.

OutPlayedByMisery
Si Macling Dulag
Itinuturing si Macliing Dulag na isa sa mga pangat ng Kalinga.
Ang pangat ay isang matandang miyembro sa tribo na pinipili
ng mga Kalinga upang maging pinuno nila. Sa ilalim ng
diktadurang Marcos, lumitaw si Macliing Dulag bilang isang
magiting na bayaning nagtanggol sa karapatan ng mga
mamamayan ng Cordillera sa mapayapang pamumuhay at
nakipaglaban upang hindi wasakin ang kalikasang
pinagmumulan ng kanilang kabuhayan.

OutPlayedByMisery
Si Macling Dulag
Noong 1974, isa sa mga proyekto ng dating Pangulong Ferdinand
Marcos ang pagpapatayo ng hydroelectric power plant sa kahabaan
ng Chico River. Bahagi ng proyekto ang pagtatayo ng mga dam na
makaaapekto sa 1,400 kilometro kuwadradong pinaninirahan ng
mga Kalinga na kinalalagyan ng mga payew (rice terraces),
malalawak na taniman, at libingan ng mga taga-Cordillera. Sa
kabuuan, maaapektuhan ng proyekto ang pamumuhay ng 100,000
kataong naninirahan sa kahabaan ng ilog kasama na ang pamilya ni
Macliing.
OutPlayedByMisery
Si Macling Dulag
Naging malakas na lider si Macliing Dulag. Pinangunahan niya ang
pakikibaka ng mga maliliit na mamamayan ng Cordillera laban sa
makapangyarihang rehimen ng Martial Law. Pinagkaisa niya ang mga lider
ng Kalinga at Bontoc na patuloy na ginugulo at tinatakot ng mga
makapangyarihan upang pumayag sa proyekto. Nang minsang hanapan ng
mga militar ang mga tribo ng titulo ng lupang kinatitirikan ng kanilang
tahanan, ito ang kaniyang tinuran: "Itinatanong ninyo sa amin kung pag-aari
namin ang lupa. At kinukutya kami, "Nasan ang inyong titulo?" Kahambugan
ang pag- angkin sa lupa, sapagkat tayo ang pag-aari ng lupa. Paano natin
aariin ang isang bagay na mananatiling nariyan kahit tayo'y wala na?"

OutPlayedByMisery
Si Macling Dulag
Dahil sa walang takot na paglaban ni Macliing Dulag, walang habas
siyang pinagbabaril sa kaniyang tahanan noong Abril 24, 1980 na
kaniyang ikinasawi. Ngunit hindi nagtapos dito ang ipinaglalaban ni
Macliing sapagkat lalong pinagkaisa ng kaniyang pagkamatay ang
iba't ibang lider na lumaban sa mapagsamantalang proyekto. Dahil sa
lakas ng pagkakaisa ng mga tao, maging ang World Bank na
magpopondo dapat sa proyekto ay umatras, kung kaya't hindi na ito
itinuloy ng gobyerno. Naparusahan din ang mga militar na pumatay
kay Macliing.

OutPlayedByMisery
⚬Sa binasang seleksiyon, maaaring matukoy na
ang layunin ng manunulat ay magsalaysay at
magbigay ng impormasyon tungkol sa pakikibaka
ni Macliing Dulag para sa lupa. Nasa ikatlong
panauhan ang pananaw ng teksto na maaaring
magpakita ng pagiging obhetibo at walang
kinikilingan ng salaysay.
OutPlayedByMisery
⚬Ngunit maaari ding ipagpalagay na ang mismong
pamimili ng paksang tatalakayin ay isang porma ng
pagkiling. Hindi tuwiran ang damdaming nais
ipahayag ng teksto, ngunit sa piniling paraan ng
paglalahad ng impormasyon, maaaring ipagpalagay na
gusto niyang makisimpatiya ang mambabasa sa
paglaban at kabayanihan ni Macliing Dulag. Ano sa
tingin mo ang layunin, pananaw, at damdamin ng
teksto?
OutPlayedByMisery
Group 1

Pagsulat ng
Paraphrase, Abstrak,
at Rebyu
11 HOPE

OutPlayedByMisery
⚬Ang paraphrase ay tumutukoy sa muling
pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa
ibang pamamaraan at pananalita upang Paraphrase
padaliin at palinawin ito para sa
mambabasa.
Paraphrase
⚬Mahalaga ang paraphrase sa pananaliksik upang
tukuyin ang pinagmulan ng isang ideya o
kaisipan at ipahayag ito sa pamamaraan na
makatutulong sa pananaliksik.

OutPlayedByMisery
Narito ang isang halimbawa ng paraphrase:

Ayon kay Bienvenido Lumbera (2000, p.130),


Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan,
mahalaga ang pagkakaroon ng isang wikang
pambansa na magiging daluyan ng mga
aspirasyon at pagpapahalaga ng mga
karaniwang mamamayan. Ito ay dahil mas
katanggap-tanggap ang paggamit ng wikang
Ingles sa iba't ibang sangay ng pamahalaan at
paaralan, na wikang hindi nauunawaan ng
mamamayan.
OutPlayedByMisery
Ang paraphrase na ito ay nagmula sa
sumusunod na sipi:

Ang usapin ng wikang pambansa ay


usaping kinasasangkutan ng buhay ng
milyon-milyong Pilipino na hindi
nakapagsasatinig ng kanilang adhikain at
pananaw sa kadahilanang ang nasa
pamahalaan, paaralan at iba-ibang
institusyong panlipunan ay sa Ingles
nagpapanukala at nagpapaliwanag"
(Lumbera 2000, p. 130).
OutPlayedByMisery
⚬Ang abstrak naman ay isang buod ng
pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng isang
komperensiya o anomang pag-aaral sa isang
tiyak na disiplina o larangan.
Abstract

Paraphrase
⚬Ang abstrak ay nakatutulong upang mabilis
na makita ng isang mambabasa ang
kabuuang latag ng pananaliksik kabilang
ang mga layunin at kinalabasan nito. Sa
ilang publikasyon, tinatawag din itong
precis o synopsis.

OutPlayedByMisery
Narito ang isang halimbawang
abstrak mula sa isang pananaliksik.

OutPlayedByMisery
Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE)
Bilang Praktika ng Inklusibong Edukasyon:
Simulain at mga Hamon
Abstrack Crizel P. Sicat-De Laza

Ang pandaigdigang mga kasunduan sa karapatang pantao ay


nagbabawal sa anumang porma ng eksklusyon o limitasyon sa
oportunidad sa edukasyon na nakabatay sa mga pagkakaibang
itinatakda ng lipunan tulad ng kasarian, lahi, etnikong
pagkakakilanlan, wika, relihiyon, politika at opinyon, nasyonalidad,
ekonomikong kondisyon, ari-arian, kapansanan, at ang istatus,
aktibidad, pani- niwala ng mga magulang o sinumang kaanak ng bata.

OutPlayedByMisery
Sa isang inklusibong edukasyon, kailangan ng handang kapaligiran at
malalim na kamalayang uunawa sa pagkakaiba-iba at susi sa
pagkakaunawaang ito ang wika. Malawak at malalim na ang mga
pananaliksik na nagpapakitang mas epektibo at komprehensibo ang
kognitibong pagkatuto ng bata kapag ginamit sa pagtuturo ang kanyang
unang wika, isa sa mga pangunahing dahilan sa pagpapatupad ng Mother
Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) sa Pilipinas (DepEd
Order No.74, S. 2009). Bukod dito, nakikita sa iba't ibang modelo ng MTB-
MLE sa buong mundo, na nababawasan ang mardyinalisasyon at
diskriminasyon sa pagitan ng mga kultura dahil itinatanghal bilang
epektibong wika ng pagkatuto ang iba't ibang rehiyonal na wika, na isa sa
mga mithiin ng Education for All (EFA).

OutPlayedByMisery
Mula sa ganitong saligan, sisikapin ng papel na itong ipakita ang
diwa at posibleng pundasyon ng inklusibong edukasyon mula sa
mga simulain ng MTB-MLE. Susuriin nito ang ilang mga
nasimulang praktika at pinagbatayang pananaliksik sa pagbabago
sa wika ng sistema ng edukasyon at hihimayin ang inklusyon
mula sa mga karanasang ito. Gayundin, ipakikita ng papel ang
mga posibleng hamon sa pagpaplano at implementasyon ng
kautusan batay rin sa mga naunang pananaliksik na
nakakonteksto sa kultural, politikal at pang- ekonomikong
kalagayan ng lipunang Pilipino.

OutPlayedByMisery
Mula sa ganitong saligan, sisikapin ng papel na itong ipakita ang
diwa at posibleng pundasyon ng inklusibong edukasyon mula sa
mga simulain ng MTB-MLE. Susuriin nito ang ilang mga
nasimulang praktika at pinagbatayang pananaliksik sa pagbabago
sa wika ng sistema ng edukasyon at hihimayin ang inklusyon
mula sa mga karanasang ito. Gayundin, ipakikita ng papel ang
mga posibleng hamon sa pagpaplano at implementasyon ng
kautusan batay rin sa mga naunang pananaliksik na
nakakonteksto sa kultural, politikal at pang- ekonomikong
kalagayan ng lipunang Pilipino.

OutPlayedByMisery
⚬Ang rebyu naman ay isang uri ng pampanitikang
kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat
batay sa nilalaman, estilo, at anyo ng pagkakasulat
nito. Naglalaman din ang rebyu ng pagtataya o Rebyu
ebalwasyon ng akda batay sa personal na pananaw
ng mambabasa na nagbibigay ng rebyu.

Paraphrase
⚬Ang mga nagsusulat ng rebyu sa mga pahayagan o
online portal ay gumagamit ng panunuri upang
magpalaganap ng sariling kaalaman na
sumusuporta o kaya ay nagpapasubali sa nilalaman
ng aklat. Maaaring ang rebyu ay naglalaman ng
maikling buod ng aklat upang magkaroon ng ideya
ang mga mambabasa.

OutPlayedByMisery
Narito ang isang halimbawa ng rebyu sa aklat
ni Renato Constantino (1978) na
Neo-Colonial Identity and Counter-
Consciousness

OutPlayedByMisery
Ang Tatak ni Constantino sa Historyograpiyang Pilipino: Rebyu ng
"Neo-colonial Identity and Counter-Consciousness"
ni Renato Constantino

Ang mga koleksyon ng ng sanaysay ni Renato Constantino sa


aklat na "Neo- Colonial Identity and Counter-Consciousness" ay
mahalagang pag-ukulan ng pansin ng sinumang nais mag-aral ng
kasaysayan ng lipunang Pilipino. Kaiba sa ibang nagsalaysay ng
kasaysayan, isa si Constantino sa nagbigay ng pinakamatalas at
pinakaakmang metodo at pananaw kung paanong titingnan at
pag-aaralan ang historyograpiya sa Pilipinas

OutPlayedByMisery
Hindi man tuwirang sinasabi sa mga sanaysay ni Constantino na
Marxistang metodo ng pagtingin sa kasaysayan ang kaniyang nilangkap, ay
malinaw itong matutukoy sa mga pananalita at kategorisasyon na kaniyang
ginamit tulad ng kahalagahan ng pagsusuri ng mga uri sa lipunan,
pagbanggit sa pinakaubod ng teorya ni Marx na diyalektikong
materyalismo, at paglalapat nito sa historikong materyalismo.

Batay sa metodong ito, tinitingnan ni Constantino na ang kasaysayan ay


binubuo at maaring sumahin sa serye ng mga tunggalian sa pagitan ng mga
uri sa loob ng lipunan (class conflict).

OutPlayedByMisery
May isang nagbibigkis sa lahat ng ito na mas kilala sa tawag niyang
connecting thread. Para sa kaniya, maging ang mga naunang pag- aalsa
na may milenyal o milinaryong katangian (halimbawa ay ang
pakikibaka nina Papa Isio) ay hindi ispontanyo, isporadiko, at hiwa-
hiwalay na pag-aalsa lamang kung hindi, may iisang pakikibakang
nagtatahi dito sa mas mga dakilang rebolusyon ng Katipunan. Lagi't
lagi ang lahat ng pakikibaka ay tinitingnan ni Constantino na bahagi ng
pagtatangka ng mga pinagsasamantalahang uri na umigkas at labanan
ang mga nagsasamantalang uri.

OutPlayedByMisery
Binigyang-diin ito sa introduksiyon ni Istvan Meszaros sa kaniyang
akda:
"Constantino is not simply a nationalist. He is one who is anxious to
define the class basis of the movement for national emancipation in
precise, and also organizationally realistic terms, seeing that
colonial domination was traditionally inseparable from the willing
submission of the indigenous ruling class to the colonial master in
the interest of his own class."

OutPlayedByMisery
Bukod sa kahalagahan ng pagtingin sa tunggalian ng mga uri sa loob
ng lipunan, binigyang halaga rin ni Constantino sa kaniyang
pagsasakasaysayan ang papel ng kamalayan. Para sa kaniya,
mahalagang sandata ang kamalayan upang mapanatili ng mga
mapagsamantalang uri ang kanilang kinalulunanan sa lipunan. Dahil sa
sila ang may hawak sa mga daluyan ng kultura na may direktang
koneksyon sa kamalayan ng tao, ay hinuhulma nila ang mga utak nito
upang magsilbi sa kanilang interes. Malinaw ang ganitong proposisyon
ni Constantino sa kaniyang mga akdang "Miseducation of the Filipino
People", "Mga Sanhi ng Pagkakanluranin ng mga Pilipino," at
"Veneration Without Understanding."

OutPlayedByMisery
Para sa kaniya, ang ipinalaganap na kamalayan ng mga kolonisador at
lokal na naghaharing uri sa Pilipinas ay pawang mga kamalayang
iginiit upang mapanatili ang dominanteng kaayusan ng lipunan o mas
kilala sa tawag niyang false consciousness. Naniniwala si Constantino
na ang demistipikasyon ng ganitong mga pananaw at kamalayan ang
pangunahing papel ng historyograpiya para sa lipunang Pilipino.

...from 'historical mission' to 'true history' - clearly indicate that the


development of an adequate form of historical consciousness, in place of a
mystifying false consciousness, is vital to any radical critique of the
prevailing structure of domination."

OutPlayedByMisery
Mula sa ganitong pananaw, nagpanukala si Constantino ng isang kontra-
kamalayan o counter-consciousness na siyang palalaganapin at
tutunggali sa dominanteng kamalayan sa kasalukuyan. Ang kamalayang
ito ay nakabatay sa uri at magpapalaganap ng interes ng mga
pinagsasamantalahang uri. Ang isang tunay na istorikong kamalayan,
para sa kaniya, ay makakamit kung mamumulat ang mamamayan sa
isang istratipikadong lipunan at ang kaniyang kinalulunanan dito. Ang
tunay na kasaysayan ay saka lamang maisusulat kung mulat na
makikibaka ang mamamayan upang baguhin ang kanilang kalagayan at
mapagsamantalang dominasyon. Masa ang pangunahing bubuo ng
reinterpretasyon ng kasaysayan ayon sa kaniya.

OutPlayedByMisery
Bagaman namatay na si Constantino at hindi na
naipagpatuloy ang kaniyang dakilang mithiin, hindi pa rin
matatawaran ang naging ambag niya sa pagsasakasaysayan
ng kasaysayan ng lipunang Pilipino. Sa tingin ko, hanggang
sa ngayon ay hindi nakakamit ang kontra-kamalayang
ipinapanukala ni Constantino, ngunit maraming iskolar,
palaisip, at progresibong elemento ng lipunan sa kasalukuyan
ang patuloy na naniniwala at nagpapaunlad ng kaniyang mga
kaisipan.

OutPlayedByMisery
Naniniwala akong ang pagtatangka ni Constantino na ipaliwanag ang
esensya ng tunggalian sa loob ng lipunang Pilipino ay hindi maaaring
isantabi hangga't nananatili ang pandaigdigang pagsasamantala at
makauring dominasyon.
Sanggunian:
Constantino, Renato (1978). Neo-colonial Identity and Counter-
Consciousness. London: Merlin Press.

OutPlayedByMisery
Yun lang 🙃 Roger Sanmillan
Roniel Chavez

salamat 🙂 Jerald Zabala

11 HOPE
OutPlayedByMisery

You might also like