You are on page 1of 25

PAGBASA AT PAGSUSURI

NG IBA’T IBANG
TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK
PAGBASA
Batayang Kaalaman sa
Mapanuring Pagbasa
“Huwag kang magbasa,
gaya ng mga bata, upang
libangin ang sarili, o gaya
ng mga matatayog ang
pangarap, upang matuto.
Magbasa ka upang
mabuhay.”
Gustave Flaubert
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat na


Becoming a Nation of Readers, ang pagbasa ay isang proseso ng
pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
Ayon kina Wixson et al. (1987) sa artikulong “New Directions in
Statewide Reading Assessment” ang pagbasa ay isang proseso ng
pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksiyon ng:
1) imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa;
2) impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; at
3) konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa.
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

• Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso ng


pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at
makabuo ng kahulugan.

• Mahalaga ang interaksiyon ng teksto at mambabasa


Dalawang Pangkalahatang
Kategorya ng Mapanuring
Pagbasa
(Intensibo at Ekstensibong Pagbasa)
Intensibo
at
Ekstensibong Pagbasa
Intensibo at Ekstensibong Pagbasa
Intensibo Ekstensibo

• Masinsin at malalim na • Pagbasa ng


pagbasa ng isang tiyak maramihang materyales
na teksto
Intensibo at Ekstensibong Pagbasa
Intensibo Ekstensibo
• Kinapapalooban ng malalimang • Ayon kina Long at Richards
pagsusuri sa pagkakaugnay-ugnay, (1987), nagaganap ang
estruktura, at uri ng diskurso sa ekstensibong pagbabasa kapag ang
loob ng teksto, pagtukoy sa isang mambabasa ay nagbabasa ng
mahahalagang bokabularyong maramihang babasahin na ayon sa
ginamit ng manunulat, at paulit- kaniyang interes.
ulit at maingat na paghahanap ng
kahulugan.
Uri ng Pagbasa
(Scanning at Skimming)
Scanning at Skimming
na Pagbasa
Scanning at Skimming sa Pagbasa
Scanning Skimming
• Mabilisang pagbasa ng isang teksto • Mabilisang pagbasa na ang layunin ay
na ang pokus ay hanapin ang alamin ang kahulugan ng kabuuang
ispesipikong impormasyon na teksto, kung paano inorganisa ang
itinatakda bago bumasa.
mga ideya o kabuuang diskurso ng
teksto at kung ano ang pananaw at
layunin ng manunulat.
1. Sino ang pangulo ng Pilipinas na nagpagawa ng Bataan Nuclear Power Plant?

2. Magkano ang inutang ng Pilipinas sa World Bank upang maipagawa ito?

3. Bakit nagpasiya si Pangulong Corazon Aquino na huwag nang patakbuhin ang


planta maging sa panahon ng kaniyang administrasyon?
Ang Bataan Nuclear Power Plant

Ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) ay isang plantang nukleyar sa Morong, Bataan. Itinayo ito sa
ilalim ng panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ngunit sa kasamaang palad, hindi ito nagamit
at napakinabangan.

Noong Hulyo 1973, inanunsyo ni Pangulong Marcos ang pagtatayo ng isang plantang nukleyar sa Bataan sa
ilalim ng kaniyang programang nukleyar na nagsimula noong 1958. Ang programa ay bilang tugon sa krisis sa
langis sa Gitnang Silangan at solusyon sa pangangailangan sa enerhiya ng bansa.

Sinimulan ang konstruksyon ng planta noong 1976 ngunit pinatigil noong 1979 dahil diumano, nakitaan ito
ng mga eksperto mula sa Estados Unidos ng napakaraming depekto. Naging suliranin ng ilan sa mga naging
alkalde ang lokasyon ng planta na malapit sa fault line at Bundok Pinatubo, isa sa mga aktibong bulkan sa
Pilipinas. Nang malapit nang matapos ang BNPP noong 1984, umabot sa $2.3 bilyon ang naging gastos sa
konstruksyon nito. Ang halagang ito ay inutang lamang ng Pilipinas sa World Bank. Ang BNPP ay idinisenyo
upang lumikha ng 621 megawatts ng elektrisidad, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi ito napagana kahit
isang minuto.
Nang mapaalis sa puwesto si Pangulong Marcos noong 1986, nagpasya ang pumalit sa kaniyang
si Pangulong Corazon Aquino na huwag nang patakbuhin ang planta dahil sa takot na magaya ito sa
Chernobyl Disaster sa Rusya. Gayundin, maraming residente ng Bataan at mga organisasyon ang
nagpakita ng matinding pagtuto! dito. Kalaunan ay kinasuhan ng gobyerno ng Pilipinas ang
Westinghouse, ang kontraktor ng planta, dahil sa overpricing at panunuhol, ngunit hindi rin ito nilitis
ng gobyerno ng Estados Unidos.

Hanggang sa kasalukuyan ay binabayaran pa rin ng Pilipinas, mula sa buwis ng mga mamamayan


nito, ang napakalaking utang ng bansa dahil sa BNPP. Bukod sa isyu ng overpricing at korupsiyon
ng mga kroni ni Marcos, nakapanlulumong hindi napakinabangan ng mga mamamayan ang
proyektong ito.
Antas ng Pagbasa
Antas ng Pagbasa
Primarya
• Ito ang pinakamababang antas ng
pagbasa at pantulong upang makamit ang
Mapagsiyasat literasi sa pagbasa.

• Kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa


Analitikal tiyak na datos at ispesipikong
impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar,
o mga tauhan sa isang teksto.
Sintopikal
Antas ng Pagbasa
Primarya • Sa antas na ito, nauunawaan na ng
mambabasa ang kabuuang teksto at
nakapagbibigay ng mga hinuha o
Mapagsiyasat impresyon tungkol dito.

• Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ng


Analitikal mabilisan ngunit makabuluhang paunang
rebyu sa isang teksto ang mambabasa
upang matukoy kung kakailanganin niya ito
Sintopikal at kung maaari itong basahin nang mas
malaliman.
Antas ng Pagbasa
Primarya

Mapagsiyasat • Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang


mapanuri o kritikal na pag-iisip upang
malalimang maunawaan ang kahulugan ng
Analitikal teksto at ang layunin o pananaw ng
manunulat.

Sintopikal
Antas ng Pagbasa

Primarya
• Sa sintopikal na pagbasa, nakabubuo ng sariling
Mapagsiyasat perspektiba o pananaw sa isang tiyak na larangan mula
sa paghahambing ng mga akdang inunawa.

Analitikal • Ito ay hindi lamang pag-unawa sa mga nariyan nang


mga eksperto sa isang larangan o disiplina, kundi ang
pagbuo ng sariling sistema ng kaalaman at pag-unawa
Sintopikal mula sa pagbasa sa mga ekspertong ito.
1. Nakita ni Maureen na nakasulat sa wikang Espanyol ang teksto kung
kaya hindi na niya ipinagpatuloy ang pagbabasa.
2. Tinanong ng guro ni Pia kung tungkol saan ang seleksiyon matapos niya
itong basahin.
3. Natuklasan ni Jonathan sa kaniyang pananaliksik na may isang
mahalagang suliranin sa paksa ang hindi pa gaanong napagtutuunan ng
pag-aaral.
4. Sumulat si Marie sa editor ng diyaryo matapos mabasa ang maling
nilalaman nito.
5. Iniugnay ni David ang naunawaan sa akda sa sarili niyang karanasan.

You might also like