You are on page 1of 25

1


    
   
   
    

i
1

    
   
   
   

Mathematics- Baitang Isa
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Regrouping ng Pangkat ng Isahan sa Pangkat ng
Sampuan at Sampuan sa Sandaanan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan


Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Natividad P. Bayubay, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Loida P. Olavario, Ph.D.
Felix M. Famaran

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jennifer M. Aquiatan
Editor: Olive R. De Luna/Jorge Malagday/Aireen G. dela Cruz
Tagasuri: Astrid N. Agbanlog, EPS-Math
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala:
Aurelia B. Marquez, CID Chief
Rodgie S. Demalinao, Division EPS/ADM
Astrid N. Agbanlog, EPS-Math

Inilimbag sa Pilipinas, ng ________________________

Kagawaran ng Edukasyon – MIMAROPA Region - Sangay ng Palawan

Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City


Telephone: (048) 433-6392
E-mail Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan.com
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mathematics –
Baitang Isa ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa Regrouping ng Pangkat ng Isahan sa Pangkat ng
Sampuan at Sampuan sa Isandaanan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang


at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang
mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na
mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng
paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin
ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Mathematics-Baitang Isa ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Regrouping ng Pangkat ng Isahan sa Pangkat ng
Sampuan at Sampuan sa Isandaanan
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang


Alamin mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
Subukin
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-
aral upang matulungan kang
Balikan
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin
ay ipakikilala sa iyo sa maraming
Tuklasin paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Suriin Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa

vi
at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan
o pupunan ang patlang ng
Isaisip pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin
Isagawa ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
Tayahin
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Karagdagan iyong panibagong gawain upang
g Gawain pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang
Susi sa
sagot sa lahat ng mga gawain sa
Pagwawasto
modyul.

vii
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng


Sanggunian pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit
ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat
sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa
iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga
gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.
viii
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Ngayon ay panibagong aralin na naman


ang iyong pag-aaralan. Pagkatapos ng
modyul na ito, inaasahang taglay mo na
ang mga sumusunod na kasanayan:

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa
buong bilang hanggang 100, bilang na ordinal
hanggang 10th at pera hanggang PhP 100.

Pamantayan sa Pagganap
Nakikilala, nagagamit at napagsusunud-sunod ng mga
mag-aaral ang buong bilang hanggang 100, bilang na
ordinal hanggang 10th at pera hanggang PhP100 sa iba’t
ibang paraan at konteksto.

Pamantayan sa Pagkatuto
Muling mapangkat ang pangkat ng isahan sa pangkat
ng sampuan at sampuan sa isandaanan gamit ang mga
bagay. M1NS-ld-5

ix
Subukin

Paunang Pagtataya Subukin

Alamin natin ang iyong nalalaman tungkol


sa ating magiging aralin.

Panuto: Bilugan ang inaakala mong tamang sagot.


1. Ilang sampu ang magagawa natin sa 25? 2 0 5

2. Ilang sampu ang magagawa 8? 1 8 0


3. Ilang sampu ang magagawa sa 43? 3 4 2
4. Kapag pinangkat sa sampu ang 37, ilan ang 3 7 2
tig-isa na matitira?
5. Kapag ang 45 ay pinangkat ng tig sampu, ilan 5 4 7
ang matitirang tig-isa?

Nasiyahan ka ba sa iyong puntos? Huwag kang mag-


alala sapagkat masasagot mo ang lahat ng mga
katanungan sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa
modyul na ito.

1
Regrouping ng Pangkat ng Isahan sa
Aralin Pangkat ng Sampuan at Sampuan
3 sa Sandaanan

Balikan

GAWAIN. PAGSASANAY AT BALIK-ARAL

Bago tayo tumungo sa bagong aralin, atin


munang balikan ang ating mga napag-
aralan.

Gawain 1: Halina’t Magsanay


Panuto: Isulat ang nawawalang bilang.

1 2 4 7 9
12 13 15 18 20
21 23 26 29
32 35 39
44 47 50
Gawain 2: Tayo’y Magbalik-aral
Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang.
1. Anong bilang ang labis ng isa sa 15? _______
2. Anong bilang ang labis ng isa sa 19? ________
3. Ang 50 ay labis ng isa sa anong bilang? ________
4. Ang 17 ay kulang ng isa sa anong bilang? ________
5. Anong bilang ang kulang ng isa sa 29? ________

2
Tuklasin

Gawain 1: KWENTO NI MANG INDONG AY BASAHIN

Sino sa inyo ang marunong na magluto?


Alin sa mga larawan ang gamit nyo sa bahay sa
pagluluto?

Noong unang panahon ang ikalawang larawan ang


paraan ng pagluluto ng mga tao, gamit ang gatong na
kinukuha nila sa bundok.

Basahin natin ang kuwento ni Mang Indong


na Manggagatong.

3
Si Mang Indong na Manggagatong
Si Mang Indong ay isang masipag na
manggagatong. Lagi siya pumupunta
sa gubat upang manguha ng tuyong
puno para gawing gatong. Ito ang ginagamit ng kanyang
asawa sa pagluluto ng masarap at masustansiyang
pagkain ng kanilang pamilya. Minsan ay humihingi ang
kanyang mga kapitbahay kay Mang Indong ng mga
panggatong. Binibigyang naman ni Indong ng tig-
sampung panggatong ang mga humihingi para sila
makapagluto.
“Salamat kay Indong at sa kanyang panggatong.
Nakakaluto kami ng aming pagkain dahil sa kanyang bigay
na gatong,” ang sabi ni Mang Pidong.

Gawain: ATING UNAWAIN


Panuto: Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang masipag na manggagatong?
2. Bakit siya madalas pumunta sa gubat?
3. Anu-ano kaya ang mga katangian ni Mang Indong?
Patunayan.
4. Anong katangian ni Indong ang dapat nating tularan?
Bakit?
5. Sa palagay mo kaya mo na ring bang magluto gamit
ang gatong? Bakit?

4
Suriin

GAWAIN 2: ATING TUKLASIN

Kung may 30 pirasong gatong si Indong, ilang tao ang


mabibigyan niya ng panggatong?

Mabibigyan ng masipag at
mapagbigay na si Mang Indong ang
tatlong tao dahil makakabuo siya ng
bigkis na may tig-sampung
gatong mula sa 30 gatong.
GAWAIN 3: ATING PALALIMIN

Ngayon ay muling namundok si


Mang Indong at ito ang nakuha
niyang panggatong. Bilangin natin.

Ilan ang nakuha niyang panggatong? ________

Maaari nating pangkatin nang sampuan ang mga ito


upang madali ang pagbilang.

5
Ang mga gatong ay may 2 tig-
sampu at may 4 na tig-isa. Ang
bilang na may 2 sampuan at 4 na
isahan ay 24.

Ilan ang magiging bilang kung


mayroong 10 na tig sampu?

Ang 10 sampuan ay katumbas ng bilang na isang daan


o 100.

Gawain: Magsanay Tayo 1


Panuto: Bilangin at pangkatin sa sampu ang bagay sa
bawat pangkat o set. Isulat kung ilang sampu ito mayroon.
1.
Bilang ng sampuan ____
Bilang ng bayabas ____

2. Bilang ng sampuan ____


Bilang ng saging ____

6
3. Bilang ng sampuan ____
Bilang ng kahel ____

4. Bilang ng sampuan ____


Bilang ng bayabas ____

5. Bilang ng sampuan ____


Bilang ng mansanas ____

Pagyamanin

GAWAIN 4: Sampuan at Isahan ay Bilangin

Panuto: Pangkatin nang sampuan ang mga bagay.

Ilang sampuan mayroon? _______


Ilang isahan mayroon? __________
Ilan lahat ang mangga? _______

GAWAIN 5:

7
Kunin ang inyong counter tulad ng popsicle sticks, rubber
band, marbles o iba pa. Magbilang ng 54 na piraso ng
anumang bagay na mayroon kayo. Pangkatin ang mga
ito sa sampuan o tig-sampu.
Sa bilang na 54, ilan ang tig sampu? Ilan ang tig isa?
Bilang Sampuan Isahan
54 5 4
75
81
60

GAWAIN 6:
Panuto: Bilangin ang mga patpat o stick. Isulat ang bilang
ng sampuan, isahan at ang kabuuang bilang.
Sampuan Isahan Bilang
1.

2.

8
3.

4.

5.

Isaisip

GAWAIN: TANDAAN NATIN


Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot.
Ilang tig-isa ang kailangan para magkaroon ng isang
sampuan?______________________
Ilang tig-sampu ang kailangan para magkaroon ng isang
sandaan?_________________________
Ilang sampuan ang mayroon sa 78? ________________
Ilang sampuan ang mayroon sa 100? _______________

9
Ang 10 tig isa ay
Sa pagbilang mga
katumbas ng 1
bagay, maaari nating
sampuan, at ang 10
pangkatin ang tig-isa
sampuan ay
sa sampuan at ang katumbas ng isang
sampuan sa daan.
sandaanan.
Ang 78 ay may 7
sampuan at 8 isahan.

Isagawa

GAWAIN 7: KAYA KONG GAWIN


Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang bilang mga pangkat
ng bagay.

1. 2 pangkat ng 10 na dahon

2. 4 na pangkat ng 10 lapis

3. 3 pangkat ng 10 bola

10
4. 1 pangkat ng 10 lobo

5. 6 na pangkat ng 10 mangga

Panuto: Pangalanan ang sumusunod na bilang.

1. Ang 75 ay may ______ sampuan at ______ isahan.

2. Ang 84 ay may _____ sampuan at _____ isahan.

3. Ang 15 ay may _____ sampuan at ____ isahan.

4. Ang 50 ay may _____ sampuan at ____ isahan.

5. Ang 21 ay may _____ sampuan at _____ isahan.

Tayahin

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Kung ikaw ay may 40 sticks. Ilang pangkat ng sampu
ang mabubuo mo?
A. 4 B. 0 C. 2
2. Kung ikaw ay may 68 na lastiko, ilang pangkat ng
sampu ang mabubuo mo?
A. 8 B. 1 C. 6

11
3. Kung papangkatin mo ang 81 sticks ng sampuan,
ilang pangkat ang mabubuo?
A. 1 B. 8 C. 9
4. Ilan ang bilang ng 6 na sampuan at 8 isahan?
A. 86 B. 60 C. 68
5. Ilan ang bilang ng 10 sampuan?
A. 1 B. 0 C. 100

Karagdagang Gawain
Panuto: Gupitin ang mga blocks at pangkatin sa sampuan.
Idikit ang bawat pangkat ng sampuan sa mga kahong
patayo at mga naiwang tig-isa sa pahigang kahon.

12
Sampuan Isahan Bilang

Panuto: Pagtambalin ang hanay A at ang katumbas na


bilang nito sa Hanay B.
A B

21
A. 3 sampu at 7 tig-isa

1.

2. B. 2 sampu at 5 tig-isa

C. 2 sampu at 9 tig-isa
3.

D. 4 na sampu

4.

E. 5 sampu at 4 tig-isa

5.

Susi sa Pagwawasto

22
23
24

You might also like