You are on page 1of 5

“Ano ang mas epektibo,

Online Class o Face to Face Class"


(FINAL SCRIPT)

Lakandiwa:
Bago simulan ang pagtatalo sa araw na ito
Nais kong batiin ang lahat ng mga nandirito
Ako si John Vincent ang lakandiwa sa laban na’to
At ano kaya ang mas mabisa o mas epektibo?

Ang paksa ng pagtatalo kaugnay nang edukasyon


na kung alin ang mas dapat na gamitin natin ngayon
Ano kaya ang mas mabuti sa mga mag-aaral
Face to face o Online class ano ang mabisang solusyon

Bago muli simulan ang paghahatol na’to ngayon


Paki sundan po ang lahat ng aking mga tuntunin
Una, pag-isipan ang katwiran at ito’y linawin
Pangalawa, ang paksa ngayon, huwag dapat ibahin

Kung sinunod n’yo ang lahat ng aking mga tuntunin


Ang debate na ito ay hindi tayo malilito
Pero kung ang mga tuntunin ko ay hindi sinundin
Lahat tayo’y malilito o tayo’y magkakagulo

Ngayon, simulan na natin ang paghahatol na ito


Para malaman natin kung ano ang mas epektibo
Una muna, ang Online Class na kay Mr. Acevedo
Mr. Acevedo ng Online Class, simulant
\ n’yo na po
Online Class:
Salamat po sa inyo, aming huwes ngayong araw na’to
Ang Klaseng Online ay mas mabisa o mas epektibo
Isa ‘to sa mga paraan upang tayo’y matuto
sa kahit saan man at anong oras man natin gusto

Ang mga bata ngayon sa komyuter interasado


Ginagamit sa pagsasaliksik at sa paglalaro
Kaya kung ginamit natin ‘to sa ating mga klase
Mas matututo ang mga bata kaysa sa Face to Face

Ang mga Online Classes ay hindi na pwedeng humanda


Dahil ikaw ay magkaklase lang sa inyong tahanan
Mas maririnig mo ang mga sinasabi sa inyo
At mas makikita ang presentasyon ng inyong guro

Ang paggawa ng gawain ay mas madali na gawin


Pwede ito gawin sa komyuter at sa pag-picture din.
Ito’y nag-aalok rin ng indibidwal na atensyon
At ito ay tinuturuan kang maging self-disciplined

Ang mga magulang at bata ay hindi na mapapagod 


Sila ay pwede na mag-aral sa kanilang tahanan, 
Madali na rin magpasa ng mga takdang-aralin,
Sa bahay ka na pwede kumain ng inyong hapunan

Ginoong Parungao, piliin n’yo po ang Online Class


Ito’y mas mabisa’t madali kaysa sa Face to Face Class
Hindi sila mahihirapan sa pag-aaral dito
Kaya ipili niyo ang Online Class at mas madali ‘to
Face to Face Class:
Ihinto mo na ang iyong mga kasinungalingan
Hindi ‘yan epektibo at sila’y mas mahihirapan
Ang Face to Face Class ay ang nararapat na pamaraan
Ng pag-eedukasyon ng ating mga kabataan

Ito’y napaka-epektibo sa mga kabataan


Dahil mas makaka-consentreyt at matututo sila,
Mas ‘onti ang distraksyon kaysa sa loob ng tahanan,
Mas madali ang pag-aaral nila at iba pa man.

Nakatutulong at naihahanda ang mag-aaral


Sa pag-oorganisa ng kanilang mga gawain
Pwede rin silang makipag-ugnayan sa mga guro
Para gumawa sila ng bond at mabilis matuto

Ang klase sa online ay mas mahirap sa pag-aaral


Pag-organisa ng mga Gawain, nasa bahay lang,
Mas marami ang mga aktibidad sa isang araw,
Maaaring magdulot ng sosyal na paghihiwalay.

Mga ibang bata’y wala silang internet o data


Kaya sila’y hindi makapasok sa kanilang klase.
Ang Face to Face ay mas mabuti at mas madali ito
Gumayak lang, para pumunta sa kanilang klase

O’ huwes ang aming tagapasya ngayong araw na’to


Piliin niyo na ang Face to Face para sa mga tao
Ito ay mas madali at higit na mas epektibo
Kaya gawin niyo na para sa ating lahat dito
Online Class:
Hinding-hindi ‘yan ang karapat-dapat na pamaraan
Mas madidistract sila kaysa sa kanilang tahanan
Paano mo nalaman na hindi sila’y madidisctract
Sa kanilang paaralan nila diyan, at iba pa

Face to Face Class:


Ako ay gumawa ng survey sa mga kabataan
Para tingnan ko ang mas nakakadistract sa kanila
Lahat sila’y sinabi ang iskul kaysa sa bahay
Kaya nalaman ko kung nasan sila mas nakakadistract

Online Class:
Kahit may ebidensya ka na kung p’ano mo nalaman
Hindi ibig sabihin na iyon ay karapat-dapat
Sir Parungao, ang Online Class ay dapat na pamaraan
Kaysa sa Face to Face Class para sa mga mamamayan

Face to Face Class:


Sa tingin mo ang Face to Face ay hindi karapat-dapat
Ang mukha mo kaya, ang hindi dito karapat-dapat
Sa kapal ng mukha mo, ang sa’yo ay ‘di pipiliin
Ano kaya ang pipiliin, mamaya tingnan natin

Lakandiwa:
Itigil niyo na ang pagtatalo ninyong dalawa
Dahil pinag-isipan ko na ngayon ang aking pasya
‘Yon, narineg na natin ang opinyon ng bawat panig
Mas pabor ako sa dalawa sa inyo kasi
Ngayon ay ang panahon ng may pandemyang COVID-19
Kaya ang pinakamabuting opsyon ay ang Online Class
Pero kung nawala na ang pandemya sa buong mundo
Lahat tayo’y pwede na lumabas at mag-Face to Face Class

Ngayon, nagtatapos na dito ang paghahatol na’to


Salamat po sa lahat ng mga taong nandirito
Nalaman na natin ngayon, ano ang mas epektibo
Magandang araw sa inyo, at magkita sa susunod

You might also like