You are on page 1of 4

RADYO SALIG

Venice: Mula sa bulwagan at nagbabagang balita ng Radyo Salig, narito ang iyong mga mamahayag na
sina Heart Salva at Rex Minoza upang ipahayag ang mga pangyayari at

mga naganap sa pag bukas ng limited face to face classes

Heart: Magandang hapon sa inyong lahat

Rex: Magandang hapon mga kababayan, Magandang hapon Heart

Heart: Oh rex, alam mo na ba na nagbukas na ang limited face to face? di ka ba nagagalak o di kaya't
nasasabik na sa ngayon ay unting-unti nang naibabalik sa dati ang normal

na systema ng pag-aaral?

Nathan: Abay syempre naman at akoy nagagalak pagkat ngayon nakikita ko na ang aking mga kaibigan,
kaklase at mga guro. Eh ikaw? nagagalak karin ba?

Heart: Oo naman,sari sari ang aking nararamdaman, Tulad natin, Marami ding mga estudyante at guro
ang may sari-saring naraaramdaman sa pagbukas ng limited f2f. Matagal na panahon

din kasi nilang inabangan ang pagbukas at pagbalik ng f2f at dahil sa pagsisikap ng pamahalaan,unti-unti
nang naibabalik

sa normal ang pag-aaral ng mga kabataan. At dito sa Mati city ang Immaculate heart of mary academy,

isang pribadong paaralan, ang pinakaunang nagbukas at nagsimula ng f2f para sa taong 2022 to 2023

Opisyal na Nagsimula ang limitadong harap harapang pag-aaral

sa Immaculate Heart Of Mary Academy oh IHmA noong nakaraang Agosto 1. Simula

nun ay tuloy2 na ang limitadong face to face classes. Hinati sa ibang oras at araw ang pasok ng mga
estudyante upang hindi magsiksikan at upang maobserbahan parin ang distancing

. Sinisiguro naman ng paaralan na naisusunod ang minum health standards, patakaran at mga protocols

Nathan: .Ngunit, Partner,Bago ka maksali sa limitadong harap haarapang pag-aaral ay dapat ikay fully
vaccinated na, kinakailangan rin na wala kang comorbidities.
Heart: Tama,Talaga nga namang pinaghandaan ng paaralan ng Ihma ang limited face to face na ito. hindi
ba partner?

Nathan: Totoo yan, sa katunayan pa nga, bago sila nag simula, ay dumaan muna ang IHMA sa iba’t ibang
evaluation process.Binisita at ininspeksyon pa nga ng DepEd

ang paaralan upang masiguradong handa

sila sa pagtanggap muli ng mga estudyante.

Heart: Ay wow, kaya naman pala medjo nabawasan ang takot at pag-aalala ng ilan sa mga magulang ng
mga mag-aaral na pahintulutan sila sa pag sali sa limited f2f na ito.

Nathan: Tama ka dyan

Heart: Subalit, di talaga natin maiwasan ang iba na ma takot at mangamba, hindi naman natin sila masisi
kase sino nga ba naman ang di matatakot sa isang hindi nakikita at nakakamatay na virus.Ang iba rin sa
mga magulang ay hindi pinapahintulutan ang kanilang mga anak na sumali sa limited face to face
hanggat may banta pa ng virus.

Nathan: Totoo yan partner, Di lahat ay aprubado sa f2f dahil sa takot at pangangamba, ngunit di lang
naman takot at pangangamba ang rason kung bat di sumasang-ayon ang iba. Dahilan din ang
pagkasanay ng ilan sa online classes.Mas nadadalian din ang ilan sa online classes kesa sa f2f. Ikinagulod
ng ilang mag-aaral ang pagiging flexible at convinient ng online classes at naramdaman nila na ang
online class ay mas nagpapahintulot sa kanila na gamitin ang kanilang oras sa pag-aaral nang mas
mahusay. Bilang karagdagan sa mga kadahilanang ito , nadama ng ilang estudyante na ang online
classes ay mas mahusay na tumugma sa kanilang sariling istilo ng pag-aaral o mga kagustuhan sa
interpersonal na pakikipag-ugnayan. Para sa kanila, mas nakakatulong ito lalo na sa mga may problema
sa pagiging social at sa mga mahiyain oh tinatawag na mga Introvert na tao

Heart: Oh, Sang-ayon ako sa kanilang rason kung bakit di sila aprubado sa limited f2f.May punto naman
kasi sila.Sa ngayon, pakinggan naman natin ang mga komento tungkol sa limitadong harap harapang
pag-aaralm,ng limang estudyante mula sa Ihma. Simulan natin kay Ginoong Dwayne Devora

Dwayne: Magandang hapon po

Nathan: Magandang hapon sayo Ginoo, ano ba ang iyong komenento sa pagbukas ng limited face to
face classes, ikaw ba ay sumasang-ayon sa pagbalik at pagbukas nito?

Dwayne: Opo, sumasang-ayon at umaapruba ho ako dito

Heart: Bakit?

Dwayne: Sa opinyon ko po kase mas mainam po ang ganitong klaseng istilo ng paag-aaral.Mas
napapabilis ang komunikasyon sa pagitan ng guro at estudyante. Napapabilis din nito ang pag intindi

ng mga itinuturo ng mga guro. At nag bibigay ito ng benepisyo sa mga bata na di nakakapagbasa,
nakakapagsulat at sa mga estudyante na nakakulong sa bahay ng halos dalawang taon. May mga

estudyante rin na tulad ko na hindi nakakayanan ang pressure ng fast paced online learning.
Nathan: Oo,tama ka at may punto ka dyan, hindi ba partner?

Heart: Tama, May punto siya

Nathan:Salamat Dwayne, ngayon ay tanungin naman natin si Bb Beeya Piamonte, Magandang umaga
sayo,bb. ano ba ang iyong komento tungkol sa limited

face to face

Beeya: Sa tingin ko po mas nakakabuti talaga ang limited face to face sapagkat naniniwala ho ako na
naibabalik nito ang sigla ng mga mag-aaral. Nababawasan nito ang sobrang paggamit ng mga
gadgets.Mas nauunawaan din ng mga estudyante(kagaya ko), ang mga leksyon na itinuturo sa
kanila.Ang pagbalik din nito ay nakatuong sa pag-iiwas at mas pag-babawas ng katamaran at ang hindi
pagparticipate sa klase. Nakakatulong din ang pagbalik ng limited f2f sa mga estudyante na walang
gadgets o mga kagamitan para sa online class. Ang hindi pag-kakaroon ng gadgets at internet ang isa sa
mga dahilan kung bakit nahihirapan ang iba na makapag-participate sa online class, lalo na yung mga
hirap sa buhay.

Heart: Hmm ,aprubado rin si Bb. Piamoente sa pagbukas ng limited f2f at tama talaga yung sinabi nya
tungkol sa hindi pagkakaroon ng mga gadgets,marami talagang nahirapan dito, eh pano naman
makakabii ng gadgets eh sobrang mahal naman ng mga ito, hays. Eh kung sang-ayon si Beeya sa limited
f2f, pano naman kaya si Bb. Paglinawan? Bb Paglinawan, ikaw ba'y aprubado rin sa pagbukas ng f2f?

Venice: Magandang hapon po, ako po ay isa sa mga estudyante na hindi aprubado sa pagbukas ng f2f
mas ligtas parin po kase talaga ang online classes keysa sa f2f.Kahit ikaw po ay nabakunahan, hindi parin
po ito isang garantiya na hindi ka maapektuhan ng Covid.At ano po,bata pa rin naman po kase kami eh
kaya minsan hindi maiiwasan ang pagka makulit at ang pagiging matigas-ulo namin, habang
inoobserbahan ko ang mga kaeskuwela ko, minsan hindi na talaga nasusunod ang mga protocols, hindi
rin na rin nila naiiwasan ang pag digkit digkit, at pag chichika kaya nalalagay parin sa panganib ang mga
estudyante.

Nathan: Totoo yan, napapansin ko rin paminsan na nakakalimutan nang sumunod ng mga estdyante sa
mga protocols,may punto rin siya

Heart: Oo nga noh

Nathan: Ngayon,partner ay tanungin naman natin si Bb jaada Ebacuado sa kanyang komento

Jada: Ako po, hindi po ako sang-ayon sa face to face classes dahil sa tingin ko hindi pa tayo ganap na
handa sa ating sitwasyon sa panahon ng pandemya..

Sa palagay ko hindi ito ang pinakamahusay na oras upang ibalik ang harapang anyo ng pag-aaral dahil
nandyan pa naman ang banta ng covid.Marami rin po kasing naghihirap sa pinansyal

kaya nahihirapan sila bumili ng mga gamit na kinakailangan ng mag-aaral tulad nalang lamang ng mga
uniform,bags,sapatos, notebook, mga libro, kailangan pa ng baon, pamasahe o dikaya't pang-gas

upang ihatid ang mag-aaral.

Heart: Okay,maraming salamat Jada, si Bb Nicca Martije naman,Magandang hapon sa iyo nicca, ano ba
ang iyong komento sa pagbukas ng limitadong f2f classes?
Nicca: Dalawang damdamin ang aking nararamdaman. Una po#1: Natatakot akong makita ang mga
kaklase ko, may pagkamahiyain ho kase ako. Medjo nasanay narin po ako sa online classes ih, at sa tingin
ko po ay mas nakakapagod ang f2f classes keysa sa online kase sa online po pwede ka pa pong makahiga
HAHAHAHA. Gayunpaman po, Masaya parin ako dahil makakasama ko muli ang aking pangalawang
pamilya.

Nathan: Tama siya AHAHHAA, sa face to face di kana makapaghiga, makapag-kain, at makapag-bigay ng
mga rason tulad ng "log ka po" "mahina ho internet ko" "di ko po kayo marinig" at iba pa

para lang makaiwas sa pag-sagot ng mga tanong ng iyong mga guro.

Heart: Wow, partner, mukhang kabisado mo ang mga linya na yan ha.

Heart: Yun na ata ang huling estudyante na paghihingian natin ng komento, Oh partner, ano ba ang
iyong masasabi sa kanilang mga komento.

Nathan: Partner,kung napansin mo,iba't iba ang kanilang mga komento, ngunit lahat ng komento nila ay
may punto

Heart: Totoo yan, napansin ko nga na magkaiba ang kanilang pananaw, marahil dahil ito sa kanilang
magkakaibang opinion at kagustuhan. Gayunpaman, kahit na magkaiba tayo ng mga pananaw,opinion
at kagustuhan

dapat nmatuto nating igalang

ang opinyon ng bawat isa, dahil bilang tao, iba-iba tayo ng paraan kung paano natin tinitingnan ang ilang
bagay.

Nathan: Tama yan Partner

Heart: At dito nag-tatapos ang ang aming balita, salamat sa pagkikinig

HEART and NATHAN: BASTAT RADYO SALIG ,SERBISYO NAMIN AY DI MADADAIG,NAIPAPAHAYAG ANG
IYONG MGA PANIG, NAGPAPALAKAS NG INYONG MGA TINIG. MULI,ITO ANG

Heart and Nathan: RADYO SALIG.

You might also like