You are on page 1of 2

NSTP LTS REFLECTION

Sulong ka-Agape! Isang Repleksyon ukol sa Isinagawang Roundtable Discussion

- Paano ako makatutulong sa aking kapwa ngayong pandemya?

- Ang idinaos naming webinar ay 'di lamang isang proyekto bilang pagtupad sa mga requirements ng
NSTP-LTS at makakuha ng mataas na grado mula sa aming guro. Naging daan na rin ito ng aming
pagtulong sa mga kabataan na may pinagdaraanan magmula noong hindi pa nagsimula ang pandemya
hanggang sa mga oras na ito.

- Ito rin ay naging paraan namin upang maiparating namin sa lahat na may magagawa tayo upang
matulungan nating ang ating kapamilya, kapatid, kaibigan, o iba pang nakakasalamuha natin na
mapagaan ang kanilang loob at maparamdam na hindi sila nag-iisa sa laban na kanilang hinaharap.

- Tulong na rin ito sa mga kababayan natin na hanggang ngayon ay may pinagdaraan pa rin at
nangangailangan ng tulong upang sila'y makapag move forward ngayong pandemya.

- Ito rin ay isang malaking tulong na rin para sa aking sarili para makapagmuni-muni na rin sa aking mga
pinagdaanan sa aking buhay at maalalahanan na maraming paraan at solusyon na pwede kong gamitin
upang malampasan ko ang mga pagsubok na dumarating.

- Hindi naging madali ang pagbuo namin sa proyektong ito. Noong una, maraming mga ideya ang naiisip
namin na pwedeng ibahagi sa iba na magpapadali ng kanilang pangaraw-araw na pamumuhay ngayong
pandemya tulad ng pagbubukas ng online business, pagtuturo ng paggamit ng makabagong teknolohiya
na magagamit para sa online class, at marami pang iba. Ngunit naisip namin na marami nang gumagawa
nito sa social media at mas naging in-demand pa ang ganitong paksa ng webinar ngayong pandemya
kaya hindi na namin kinonsider ang topics na ganun. Hanggang sa naisip namin bakit di kaya natin pag-
usapan kung paano tayo makakacope up sa sitwasyon natin ngayon at kung paano nating matutulungan
ang isa't isa na mabawasan at 'di na madagdagan pa ang iniisip nila ngayong pandemya. Naalala namin
ang isinagawang PFA seminar sa amin noong nakaraang taon kung saan niyanig ng lindol ang aming lugar
at dahil nga nagcacause din ng trauma ang pandemyang ito, napapanahon na rin na maging aware na
ang lahat tungkol sa pagsasagawa ng PFA o Psychological First Aid.

- Isa pa sa naging concern namin ay kung paano maghold ng isang webinar. Since hindi lahat ay may
access sa internet, mabagal ang connection ng internet, at walang gadgets at laptop, kaya nagworry kami
kung paano magiging successful ang webinar na ito. Also, di rin namin alam kung ano ang mga
kailangang gamitin at gawin upang maghold kami ng isang roundtable discussion. Kahit ang pag-live
stream ay wala ring kaming kaalam-alam paano gawin iyon. Pero 'di kami nanghinaan ng loob at
nagtulungan kaming magkakagrupo upang maisagawa namin ng maayos ang proyektong ito. Naghati-
hati kami ng mga gawain at responsibilities upang matapos namin agad ang pagprepare ng webinar bago
sumapit ang Biyernes, ang araw na gaganapin ang proyekto. Lahat ay may nacontribute kahit
nahihirapang gumalaw upang hindi mag-fail ito.

- Habang nagpeprepare kami nito, sa totoo lang, nag-enjoy ako sa pagoorganize dahil aside sa interesting
ang topic na aming ibabahagi, namiss ko rin ang ganitong trabaho dahil matagal na rin akong hindi
nakakapagorganize ng isang event or seminar at akala ko ay di ko na magagawang makapag-organize ulit.
Kaya salamat din sa propesor ko na nakaisip ng ganitong proyekto dahil kahit maliit lang ito, naging daan
din ito para sa akin para mahasa muli ang aking mga kakayahan at makatulong na rin sa mga
nangangailangan. Salamat din sa mga naging kagrupo ko na sama-samang bumuo ng Agape at sama-
sama ring hinarap ang mga problema at nasolusyonan gamit ang ating isip at diskarte. Kung 'di dahil sa
inyong mga contributions ay hindi magiging successful itong unang webinar na ginawa natin gamit
lamang ang cellphone, laptop, at internet.

- Naging daan ang webinar namin upang matuto ng bagong kaalaman sa pagsasagawa ng PFA at marami
kaming nakuhang aral tungkol dito na hindi lamang namin magagamit tuwing may dumarating na
pagsubok ang buong mundo tulad ng pandemya kundi pwede naming itong magamit bilang paunang
tulong sa mga nangangailangan ng ganitong lunas. Di lang basta ito paunang lunas, kundi isang malaking
tulong din ito upang mabigyang linaw ang isip at mapagaan ang nadarama ng isang taong binigyan ng
PFA.

- Kaya anumang problema ang dumating, huwag hayaang tumambay 'yan sa buhay natin. Dapat
mabigyan ito ng agarang lunas at pangmatagalang solusyon upang 'di na makapaminsala pa.
Pahalagahan ang ating puso't isip araw-araw. Patatagin ang ating mga sarili. Magtulungan tayo upang
magpagtagumpayan natin ito at malampasan ang mga darating pang pagsubok. Lahat ay kakayanin at
walang di susuungin. Kaya, sulong mga ka-Agape!

You might also like