You are on page 1of 2

Magandang araw po. Sa loob ng ilang sandali ay magsisimula na ang pagpupulong.

Bago po tayo magsimula, hinihikayat ang lahat na kung maaari ay buksan ang ating
mga web camera nang sa gayon ay madama natin kahit papaano ang presensya ng
bawat isa sa pagitan ng birtwal na espasyo.

Magandang araw, mga administrador, mga kapwa-guro at mga bisitang pandangal sa


pagpupulong na ito. Maligayang pagdating sa ating webinar na may paksang
Pagpapaunlad ng Estratehiya sa Pagtuturo ng asingkronus at singkronous o
Enhancing Teaching Strategies for Synchronous and Asynchronous.

Ako po si G. Christian Joni S. Gregorio - Guro sa Filipino ang inyong magiging guro ng
palatuntunan sa araw na ito.

Sabi nga nila, ang sikreto sa pag-asenso, ay pagsisimula. Kaya mainam na tumungo
tayo sa pambungad na panalangin na susundan ng pag-awit ng lupang hinirang.
Magsihanda ang lahat.

Ngayon po, iyuko po natin ang ating mga ulo at damhin ang presensya ng panginoon.

Maraming salamat po.

Upang pormal na simulan ang ating programa, hayaan ninyong ipakilala ko sa inyo ang
ating magiging susing tagapagsalita sa araw na ito.

“The speaker teaches English, Media and Information Literacy, and Research for the Humanities and
Social Sciences in the University of Santo Tomas - Senior High School and is the Supervising Teacher for
English of pre-service teachers at the College of Education. He is also the Acting Director of the
Communications Bureau, where he previously served as Assistant Director for Online, in which he led the
team handling content creation and platform management for the University’s official public online
platforms, such as the website and social media accounts.

Armed with a bachelor’s degree in secondary education and a master’s degree in English from UST, he
has practiced his craft in the elementary, high school, and college levels of Santa Catalina College –
Manila, and the high school and tertiary levels of his alma mater. Going beyond the classroom, he is a
Continuing Professional Development seminar-workshop facilitator on topics like classroom
management, social media in education, and art of questioning, as well as workshops on club
moderatorship and campus journalism.

Today, may I present to you, our speaker – Mr. Philippe Jose S. Hernandez.”
Maraming salamat po G. Hernandez sa inyong mga ibinahaging kaalaman sa aming
mga guro. Sa katunayan sumasang-ayon po ako sa inyong ipinunto, batid naman nating
hindi madali ang pinagdaraanan ng mga guro sa panahon ng bagong kadawyan o new
normal. Ngunit sa pamamagitan ng inyong mga inilahad na impormasyon ay
pinatunayan ninyong hindi hadlang ang kasalukuyang sitwasyon sa pag-abot ng sapat
na kalidad hindi lang sa pagtuturo bagkus higit sa lahat ay ang pagkatuto. Maraming
salamat pong muli.

Ngayon po. Bukas na po ang hapag para sa mga katunangan at paglilinaw. Mas
mainam po kung gamitin natin ang chatbox upang ilahad ang ating mga katanungan.
Kung nais naman gumamit ng mic sa pagtatanong, gamitin po muna natin ang raise
hand button at hintaying matawag ni G. Philippe.

Maraming salamat po sa mga nakilahok sa ating open forum. Ang inyong mga
katanungan ay nakatulong nang higit upang madagdagan at mabigyang linaw ang
kaalaman natin sa paksang tinalakay ngayong araw.

Ngunit, tunay ngang ang masasayang bagay ay may katapusan, ngunit sa katapusang
ito ay panimula ng bagong bahagi na tiyak nating mapagtatagumpayan. Ngayon
hangad kong baunin natin ang mga bagong aral na natutuhan natin at ilapat sa ating
pagtuturo, para sa mga mag-aaral at higit sa lahat – para sa bayan.

Upang pormal na wakasan ang ating programa, sampu ng aking mga kasamahan ay
lubos po kaming nagpapasalamat sa inyo G. Hernandez. Gayon din sa phoenix
publishing house bilang naging katuwang ng aming paaralan sa programang ito.

Ngayong po, muli tayong humingi ng gabay sa Poong Maykapal at pagkatapos nito ay
sabay-sabay nating awitin ang Imno ng QCA. Magsihanda po ang lahat.

Muli, ako si G. Christian Joni S. Gregorio - guro sa Filipino ang inyong guro ng
palatuntunan. Maraming salamat at mabuhay.

You might also like