You are on page 1of 4

RINA MAE S.

LAWI-AN GRADE 12-ABM


Gawain Blg. 6 January 03, 2018

PANUKALANG PROYEKTO PARA SA KAISAHAN


NG PUROK
Mula kay Rina Mae Lawi-an
Purok Gumamela, Barangay Pundok Balay
Lanas, City of Naga, Cebu
Ika- 03 ng Enero 2018
Haba ng Panahong Gugulin:Isang araw buwan- buwan

Suliranin: Hindi nagkakaisa ang miyembro ng Purok Gumamela at


iilan lang ang nakikiisa sa mga gawain sa purok.

Plano na Dapat Gawin: Magkaroon ng kulminasyon ng purok sa


pagtatapos ng buwan.

Layunin: Ang layunin ng panukalang proyektong ito ay para magkaisa


ang lahat ng miyembro sa purok hindi lang sa isang araw kundi sa
maraming araw.

Budget: P 4,000

MGA BENEPISYO AT ANG MGA MAKIKINABANG NITO


 Purok Leader- Magiging madali sa kanya ang pamumuno
sapagkat madaling pamumunuan ang mga tao pag nakiisa.
 Miyembro ng Purok- Makakalimutan nila saglit ang problema at
makakatulong pa sila sa Purok.
 Makaktulong din ito para sa simula ng pagkakaisa at sa tuluyang
pag-unlad ng Purok Gumamela.

PANUKALA PARA SA PAGKAKAISA NG PUROK

Isa ang Purok Gumamela sa mabilis na umuunlad na purok ng


barangay Lanas. Dahil ito sa walang sawa at walang pagod na pag-serbisyo
ng namumuno ng purok pero kahit na umuunlad ang purok ay meron ding
problema ang Purok kasi hindi lahat ng miyembro nito ang nakiisa. Isa sa
mga suliraning nararanasan ng Purok Gumamela sa kasalukuyan ay ang
hindi matapos-tapos na gawain para sa ikakaganda ng purok at may mga
miyembrong nagsasabing hindi patas kasi ilan lamang ang tumutulong at
yung iba naman ay nakahilata lang sa bahay. Dahil sa dami ng aktibidad na
dapat daluhan nang pangulo ng Purok ay nahihirapan na siyang
pangalagaan ang kagandahan ng kanilang purok. Ito ay nagdudulot ng
malaking problema sa mga mamayanan na tapat na miyembro ng isang
purok pati na din ang lider kasi maaari itong ikakasira ng purok,
makakadulot ng away o hindi pagkakaintindihan at maari pang ikakasira ng
reputasyon sa Purok at sa pangulo ng Purok. Ang pangunahing sanhi ng
hindi pagkakaisa na ito ay kulang sa motibasyon ang miyembro ng Purok.
Meron ding nag-iisip na walang mabuting maidulot ang Purok. Yung iba
naman ay sobrang busy sa kanya-kanyang buhay kaya mahirap talaga ang
pagkakaisa. Dahil dito, nangangailangan ang Purok ng isang magandang
programa para makabuo ng magandang relasyon ang lahat ng miyembro ng
Purok at para din magkaroon sila ng pagkakaisa. Higit sa lahat,
makakatulong din ang programang ito para gumaan ang trabaho ng Purok at
para mas lalong umunlad ang Purok. Kailangang maisagawa na ang
proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan ng lahat ng
miyembro ng purok. Ang pagkilala sa mga tao ay magsisilbing motibasyon
sa kanila para hindi mapapagod na tumulong para sa purok. Bukod pa rito,
dapat lang na maglaan ang mga tao para sa sarili nila na magsaya at dito sa
araw na ito mangyayari yan kahit isang araw lang kada buwan. Lahat naman
talaga ng tao ay gustong sumaya kaya hindi sila makakatanggi sa pagpunta
sa araw na ito. Saka, iisa lang naman ito sa iisang buwan. May kahihinatnan
ang hindi dumalo na walang may kabuluhang rason at ito ang pagbabayad
at paglilinis araw-araw sa gilid ng daan sa loob ng isang buwan.
Layunin: Ang programang ito ay isasagawa para matignan kung ano nang
magandang nakamit sa purok sa loob ng isang buwan. Dito malalaman
kung mabunga ba ang isang buwan. Ito ay para hindi makalimutan ng
miyembro ng purok ang mga tungkulin sa purok buwan-buwan.Sa ganitong
programa,magkakaroon ng motibasyon ang mga tao para tumulong sa
purok at magkaisa.

2. Plano ng Dapat Gawin- Ito ang araw kung kailan makilala yung mga
taong masisipag na nagsisilbi sa purok. Magsisilbi rin itong kasiyahan sa
lahat ng tao sa purok. Sa araw na ito ay pag-uusapan din ang problema ng
purok para solusyonan at gagawin para sa susunod na buwan. Pag-uusapan
din dito ang mga proyektong hindi pa natapos at pag-uusapan kung paano
tapusin . Ito ang araw na hindi papalya ang mga tao sa pagpunta kasi
maliban sa pag-uusapan sa araw na ito ang mahahalagang problema sa
purok ay magbibigay din ito ng kasiyahan ng mga tao. Magkakaroon dito ng
presentasyon ng iba’t-ibang mga talento na miyembro ng purok. Ito ay para
maibahagi ng mga miyembro ang kanilang pagkamalikhain. Ang programang
ito ay para na ding isang pulong pero sa malikhaing paraan kasi karamihan
sa mga tao ang ayaw ng pagpupulong lang kaya ang pagpulong na ito ay
may pakulo para siguraduhing dadalo ang mga miyembro ng purok.

3. Badyet- P4, 000

 Pagkain- P 2,500
 Dekorasyon-P 500
 Premyo- P 1,000

MGA BENEPISYO AT ANG MGA MAKIKINABANG NITO

 Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng lider ng Purok sa


pagpapaunlad ng Purok at sa pagpanatili ng kalinisan ng Purok.

 Ang pagkakaroon ng kulminasyon ay makakatulong sa mga mamamayan ng


Purok Gumamela. Ang panganib sa pagbagsak ng purok dahil sa hindi
pagkakaisa ay masosolusyonan. ‘Di na makararanas ang mga tapat na
mamamayan ng pangamba para sa pagbagsak ng kanyang Purok. Ang ibang
mamamayan naman ay sasaya kasi meron na silang motibasyon at
makakatulong pa sila sa kanilang Purok. Higit sa lahat, magkakaroon na ng
kapanatagan ang puso ng bawat mamayan kasi sila lahat ay nagkakaisa.

 Dapat na maging maunlad ang isang Purok at makakamit lamang ito kung
nagkakaisa ang mga miyembro. Ipahintulot ang programang ito na
magkaroon ng kulminasyon sa pagtatapos ng buwan kasi magsisilbing
paraan ito para magkaisa ang buong miyembro ng Purok.

You might also like