You are on page 1of 5

Training for Operations and Maintenance (O&M) Groups

Daily Reflection
Region: IV-A Date: December 12, 2018
Municipality: Gumaca, Tagkawayan, Lopez & General Luna, Quezon Province

OBJECTIVE LEVEL
Anong kataga, salita, konsepto, ideya, imahe anf pinaka na-aalala mo mula sa mga
activities,talakayan, presentasyon, at diskusyon sa araw na ito?

 Maging maayos at maisakatuparan ang isang proyekto o gawain kung ito


pagplaplanuhan ng mabuti at maayos ng magkakasama.
 Nalaman kop o kung paano maghandle ng mga suliranin ng isang samahan at
kung paano it matutugunan.
 To continue doing the same thing repeatedly and yet expect different result is a
sure sign of insanity.
 Sustainability, tuloy-tuloy na pangangalaga sa proyekto ng O&M Group.
 Operation- pagpapatakbo ng proyekto
 Maintenance – pagsasaayos at panganglaga ng proyekto.

REFLECTIVE LEVEL
Ano ang pinaka “Highpoint” ng araw na ito para sa iyo? Ano ang pakiramdam mo tungkol
ditto?

 Ang pinaka highpoint na narinig ko sa talakayang ito ay ang pagtatasa ng mga


bagay bagay sa samahan na nagkakaisa at di nagkakaisa.
 Masaya at nakapulot ng aral mula sa masisipag at magagaling na tagapagsalita.
 Kakayahang tumayo ang samahan sa sarili niang sikap.
 Emotional sa mga problema na aming nais magawaan ng paraan upang ito ay
malutas.
 Hindi pakikiisa ng ilang miyembro at walang pakialam sa iba.
 Naging honest sa pagrereport ng proyekto.
 Assessment sa operation and maintenance.
 Nakarinig ng ng ibat-ibang talakayan mula sa ibang municipality
 Mahalaga sa isang discussion na magkaraoon ng interactive discussion para mas
maging active ang bawat participants at mas lalopang malaman ang bawat detalye
ng mga usapin at mahalaga din na magakaroon ng unity sa samahan.
INTERPRETATIVE LEVEL
Anong mensahe o aral ang napulot mula sa mga natalakay, naibahagi at naranasan ninyo
sa araw na ito?

 Magkaroon ng magandang samahan at pagssusnuran ng bawat kasamahan


 Pinakamahalaga ang collective effort mula sa komunidad, samahan at
sangguniang barangay, dapat ay tulong-tulong sa pagunlad ng samahan at
proyekto para sa komunidad.
 Huwag pabayaan ang ating patubig at dapat ito ay pinapahalagahan.
 Kailangan na maimpower ang mga miyembro ng samahan upang maging
productive ang samahan.
 Pagkakaisa sa pagplaplano at paggawa
 Aktibong suriin ang lahat na bahagi ng water system para maiwasan ang malaking
sira.
 Ang pagtutulungan, pagkakaisa at pagsasabi ng tapat sa mga problema ng bawat
barangay.

DECISIONAL LEVEL
Ano ang gagawin mo para isabuhay ang aral na ito pag balik mo sa inyong
samahan/barangay?

 Makipagtulungan sa aking mga kasamahan upang lahat ng ito ay maipatupad o


maisaayos.
 Magpaplano at gagawin ang buong makakaya pero ibahagi sa samahan at BLGU
upang palakasin at patuloy na magfunction ang parehong panig.
 Maibahagi kung ano ang natutunan sa training tungkol sa operation and
maintenance.
 Maisulong ang pagbabago tungo sa ikauunlad ng samahan.
 Patuloy na makilahok sa mga gawaing pangsamahan at maibahagi din sa iba ang
mga natutunan.
 Ibahagi sa komunidad ang kahalagahan ng pagkakaisa agarang pagtugon sa
problema.
 Buhayin ang samahan at gisingin sa mga tungkulin.
Training for Operations and Maintenance (O&M) Groups

Daily Reflection
Region: IV-A Date: December 9, 2018
Municipality: Gumaca, Tagkawayan, Lopez & General Luna, Quezon Province

OBJECTIVE LEVEL
Anong kataga, salita, konsepto, ideya, imahe anf pinaka na-aalala mo mula sa mga
activities,talakayan, presentasyon, at diskusyon sa araw na ito?

 Ang aking naalala o tumatak sa aking kaisipan ay ang paggawa ng mapa ng


proyekto, dito nakikita o nalalaman kung paano ang naging process ng proyekto
sa bawat bayan.
 Non-revenue, preventive, corrective at unscheduled maintenance
 Isang pagpapaliwanag at pagbibigayan ng kuro-kuro ayon sa pagsasagawa o
nagawa na mga plano.
 Ang mga activities today ay tungkol sa teknikal na aspeto.
 Ang aking naalala ay ang presentasyon ng bawat bayan ng planning na ipresent at
binigyang linaw ni Engr. Hoberto
 Paglilinaw sa bawat problema sa aming tubig.
 Tungkol sa tubig na dapat ay lagging panatilihing malinis na lagging titingnan
kung may leak o tagas.

REFLECTIVE LEVEL
Ano ang pinaka “Highpoint” ng araw na ito para sa iyo? Ano ang pakiramdam mo tungkol
ditto?

 Paggawa ng ibat-ibang tower na kung saan ay nagkaroon ng pagkakaisa para


makabuo ng isang tower.
 Masaya,mahirap subalit memorable.
 Non-revenue, mas batayan ang mga factors na makakabawas sa kikitain ng
income generating projects para din sa maintenance at magiging kita nito.
 Excited ako sa paggawa ng tower dahil ngayon ko lang naexperience ang mga
bagay na ito.
 Layunin ng O&M
 Mapahaba ang kalidad ng serbisyo ng water system, mapanatili at maparami ang
nakikinabang.
INTERPRETATIVE LEVEL
Anong mensahe o aral ang napulot mula sa mga natalakay, naibahagi at naranasan ninyo
sa araw na ito?

 Ang dapat at di-dapat gawin sa proyekto ng patubig.


 Sa paggawa ng tower dito nakapaloob ang tibay ay nasa aming sarili kailangang
isabuhay at isakatuparan ang mga natotohan upang maipatupad ang
pagpapaunlad ng serbisyo ng proyekto.
 Pagtuunan ang mga preventive strategy upang mas makasave sa mga gastusin.
 Prevention is better than cure. Pero kung may mga minor repair mas agapang
ayusin o kumpunihin.
 Ang pagbuo ng plano tungkol sa water system. Teknikal na paraan kung paano
aalagaan ang water system.
 Isang pagaaral at kinapupulutan ng maayos na pagplaplano at upang maayos na
pagmimintina ng naturang proyekto.
 Ang parte ng jeep na maihahalintulad bilang kami kung ano kami sa aming
ginagalawang community.
 Sa paglilinis ng paligid ng patubig.
 Natutunang makihalubilo sa bawat barangay. Pagmomonitor at dapat pagbisita
sabawat linya ng tubig.

DECISIONAL LEVEL
Ano ang gagawin mo para isabuhay ang aral na ito pag balik mo sa inyong
samahan/barangay?

 Para maisabuhay ko ang aral na ito ay ibabahagi ko sa iba upang mas maging
productive.
 Magsagawa ng pulong pagusapan ang naboong plano at ikokonsulta sa aming
Brgy. Captain kung ano ang kailangan naming gawin tungkol sa aming BOD.
 Ibahagi sa aking mga kabarangay ang aking natutunan.
 Madagdagan ang aking kaalaman tungkol sa mga technical na aspeto.
 Maging friendly
 Sisikapin na makadalo ang kasamahan at pag-usapan ng maayos kung paano o
ano ang gagawin upang masolusyunan ang problema lalo na sa patubig.
 Magbuo ng plano para sa water system
 Maging friendly

You might also like