You are on page 1of 20

1

LESSON PLAN TEMPLATE

Baitang: Baitang 8

Markahan: Ikatlong Markahan

Module # and Title: Modyul 9 Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa

Pahina: 227-255 Feedback

Module link: Bognot, R. M. C., Comia, R. R., Gayola, S. T., Lagarde, M. A. S., Leano,
M. R., Martin, E. C., Ong, M. A. M., Paras, R. T. (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao
– Ikawalong Baitang. Modyul para sa Mag-aaral. Unand Edisyon. ISBN: 978-971-
9990-80-2
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga Baitang 8
Heading
Inihanda nina Harold Bumanglag at Justin Cruz
Pamantayang Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa konsepto
Pangnilalaman tungkol sa pasasalamat

(Content
Standard)
Pamantayan sa Naisasagawa ng mga mag-aaral ang mga angkop na kilos sa isang
pangkatang gawain ng pasasalamat
Pagganap

(Performance
Standard)
Kasanayang 9.2 Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng
Pampagkatuto pasasalamat o kawalan nito (EsP8PB-IIIa-9.2)

DLC (No. &


Statement)
Mga Layunin Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

(Objectives) a. Pangkabatiran: Nakasusuri ng mga sitwasyon na nagpapakita


ng pasasalamat o ng kawalan nito;

b. Pandamdamin: Nagbibigay-kasiyahan sa mga sitwasyong


nagpapakita ng pasasalamat; at
2

c. Saykomotor: Nakakagawa ng mga hakbangin upang


mapaunlad ang mga gawain na nagpapakita ng kawalan ng
pasasalamat.

Paksa Pagpapasalamat

(Topic)
Pagpapahalaga Moral Dimension (Moral, Love, and Goodness) – Gratitude

(Value to be [Dimensyong Moral (Moral, Pag-ibig, at Kabutihan) –


developed) Pasasalamat]

1. The Foundation for a Better Life (2020). Veteran. PassItOn.


https://www.passiton.com/inspirational-stories-tv-spots/175-
veteran-60

2. The Foundation for a Better Life (2020). College. PassItOn.


https://www.passiton.com/inspirational-stories-tv-spots/120-
college
Sanggunian 3. Bognot, R. M. C., Comia, R. R., Gayola, S. T., Lagarde, M. A.
(APA 7th Edition S., Leano, M. R., Martin, E. C., Ong, M. A. M., Paras, R. T.
format) (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang. Modyul
para sa Mag-aaral. Unand Edisyon. ISBN: 978-971-9990-80-2

4.Dieter, U. F. (n.d.). Grateful in Any Circumstances.


https://www.churchofjesuschrist.org/study/general-
conference/2014/04/grateful-in-any-circumstances?lang=eng

5.Hales, E. D. (1992). How to Show


Gratitude.https://www.churchofjesuschrist.org/study/new-
era/2016/09/how-to-show-gratitude?lang=eng

Mga Kagamitan ● Short video

(Materials) ● Virtual whiteboard

● Virtual notebook

● E-book
3

● Laptop

● Pictures

Pangalan at
Larawan ng
Harold M. Bumanglag
Guro

Stratehiya: Video analysis Technology Integration

Panuto: Panuorin ang dalawang


maikling videos. Unawain ang PassItOn
sitwasyon at nais ipahayag nito.

https://www.passiton.com/inspirational-
It is a nonprofit site
Panlinang Na stories-tv-spots/120-college
operated by Foundation
Gawain for a Better Life (FBL)
Mga Tanong:
(Motivation) that promote values by
1. Ano ang sitwasyon na ipinakita messages in forms of
sa palabas? videos, quotes,
billboards, and radio
2. Ano ang mga kilos ng karakter
which encourages the
na ipinakita ng sa palabas?
viewers or audience to
3. Ano pagpapahalaga ng karakter pass it on others.
ang ipinakita sa palabas?
Pangunahing Stratehiya: Case study Technology Integration
Gawain
Panuto:
(ACTIVITY)
Lucidspark
Pindutin ang link na ito
https://lucid.app/invitations/accept/129f
0ff2-50eb-493c-abb6-2f9e53ae55bb
https://lucid.app
Pillin ang dokumento na ‘Pasasalamat’.
Basahin at unawain ang mga sitwasyon.
4

Gamit ang mga bilog na may kulay, It is a cloud-based


tukuyin kung alin sa mga ito virtual whiteboard
nagpapakita ng kilos nang pasasalamat. where teams can work
Ilagay ang bilog na kulay asul sa mga together creatively in
sitwasyong nagpapakita ng pasasalamat real time. A part of
at ang pula naman sa kawalan nito. Lucid's visual
collaboration suite, the
intuitive digital canvas
allows teams to
effectively brainstorm,
collaborate and align on
new ideas and organize
collective thinking into
actionable next steps.

Mga C-1. Ano ang iyong nahinuha tungkol sa


Katanungan pasasalamat?
(ANALYSIS) C-2. Anu-ano ang mga paraan nang
pasasalamat ang naipakita sa mga
sitwasyon?

A-3. Bakit marapat na tayo ay


magpasalamat?

A-4. Ano ang naibibigay ng pasasalamat


sa ating kapwa at sa ating sarili?

P-5. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni


Pia o ni Angelo, paano mo ipapakita ang
pasasalamat sa iyong natanggap?

P-6. Sa pagsasabuhay ng pasasalamat,


anong mga kilos nang pasasalamat ang
5

iyong ginagawa?

Pangalan at
Larawan ng
Justin Cruz
Guro

Pagtatalakay Outline: Technology Integration

(ABSTRACTION A. Pasasalamat
) B. Pagpapakita ng pasasalamat at Flippingbook
kawalan nito
It is an online tool and
Nilalaman:
desktop software for
A. Ang pasasalamat ay creating professional
nagpapakita ng pagpapahalaga, digital flipbooks.
na tumutulong sa atin na
magpakumbaba, dahil kinikilala
natin ang pagpapakita ng
kabaitan, paglilingkod, o Animaker
pagmamalasakit ng iba na
nagpapasigla at nagpapalakas sa
atin (Hales, 1992). It is a DIY animation
B. Pakinggan ang kwento ng isang software that can be
weyter na nagnais pasayahin ang used for marketing,
kaniyang kustomer. education, business, or
● Tinanong niya ito kung personal videos in a
nasarapan ba ito sa kaniyang variety of styles.
inihain, sumagot ang kustomer
na ayos naman ang lahat, pero
mas maganda sana kung mas
maraming tinapay ang isinilbi
nila. Nang sumunod na araw,
nang bumalik ang lalaki,
dinoble ng weyter ang tinapay,
binigyan siya ng apat na piraso
ng tinapay sa halip na dalawa,
pero hindi pa rin nasiyahan ang
lalaki. Nang sumunod pang
6

araw, dinoble muli ng weyter


ang tinapay, pero gayon pa rin
ang nangyari. Sa ikaapat na
araw, talagang determinado
ang weyter na mapasaya ang
lalaki. Kaya’t kumuha siya ng
siyam -na - talampakang (3
-m) haba ng tinapay, hinati ito
sa dalawa, at nakangiting
inihain ito sa kustomer. Halos
hindi makapaghintay ang
weyter sa reaksyon ng lalaki.
Pagkatapos kumain, tumingala
ang lalaki at sinabing, “Tulad
ng dati masarap pa rin. Pero
napansin ko na dalawang
tinapay na uli ang ibinibigay
mo.”
● Ang kwentong ito ay
makikitaan ng kawalan ng
pasasalamat, sapagkat matapos
ibigay ng weyter ang lahat ng
kaniyang makakaya ay patuloy
pa rin na may hinahangad ang
kustomer. Ayon kay Dieter F.
Uchtdorf, isang religious
leader, ang tao ay dapat
magtuon ng pasasalamat sa
ating mga kalagayan, anoman
ang kinakaharap natin.
Samakatuwid, maliit o marami
man ang natanggap ng
kustomer mula sa hinanda ng
weyter, dapat niya itong
ipagpasalamat.
C. Mga sitwasyong nagpapakita ng
pasasalamat at kawalan nito:
a. Pagpapakita ng pasasalamat
i. Pagkalinga sa ating mga
magulang sa kanilang pagtanda.
7

ii. Pagtulong sa nangangailangan.


iii. Pagbalik ng utang na loob.
iv. Pagdarasal sa Maylikha.
v. Pagbibigay ng regalo.
b. Kawalan ng pasasalamat
i. Ang paglimot natin sa ating
mga magulang matapos ng
kanilang mga nagawa sa atin.
ii. Ang pagtalikod sa bansang
ating sinilangan.
iii. Ang hindi pag aaral nang
mabuti.
iv. Ang pakikipag away.
v. Ang pagkakaroon ng bisyo.

Paglalapat Stratehiya: Video analaysis exercise Technology Integration

(APPLICATION)

Panuto: Basahin ang kwento, tukuyin Nearpod


kung ang sitwasyon na nagpakita ng - enables instructors to
pasasalamat. Matapos iyon, sagutin ang limit distraction and
tanong na, “Kung ikaw ang karakter na multitasking during a
nagpakita ng kawalan ng pasasalamat, lesson by broadcasting
ano ang iyong gagawin upang maitama content and interactive
ang iyong nagawa?” Bumuo ng grupo at learning
gumawa ng dalawa hanggang tatlong activities/exercises to
rekomendasyon na dapat ginawa ng student devices in real-
karakter na nagpakita ng kawalan ng time.
pasasalamat.

Kwento: Si Lino ay isang


labindalawang taong gulang
samantalang si Tina naman ay
labinlimang taong gulang. Sa kanilang
8

dalawa, mas madalas na nasusunod ng


kanilang mga magulang ang gusto ni
Tina kumpara sa mga nais ni Lino.
Subalit, kahit isang beses ay hindi
nakatanggap ang kaniyang mga
magulang ng salitang salamat o yakap
mula sa anak. Samantala, si Lino, gabi
gabi siyang gumagawa ng repleksyon o
listahan ng mga taong gusto niyang
pasalamatan para sa araw na lumipas.
Araw araw din siyang humahalik at
yumayakap sa kaniyang mga magulang
bago o matapos ang araw. Habang si
Tina ay palaging nakasimangot at
nagdadabog sa tuwing hindi niya
nakukuha ang kaniyang nais.

Isang araw, sabay pumasok ang


magkapatid sa eskwela, sa kanilang
daan ay may nakasalubong silang isang
matanda. Ang matanda ay gutom na
gutom at halatang pagod na pagod.
Mabilis itong nilapitan ni Lino, na
siyang kinainis ni Tina dahil mahuhuli
sila sa klase. Walang pagdadalawang
isip na binigay ni Lino ang baon at ang
kaniyang panyo upang mapunasan ng
matanda ang kaniyang pawis. Labis ang
galak ng matanda sa ginawa ni Lino.
Matapos masigurado ni Lino ang lagay
ng matanda ay tsaka nito tinungo ang
nakasimangot na kapatid. Agad siyang
tinanong ni Tina, “Bakit mo ginawa
iyon? Ano na ngayon ang baon mo?
Hindi ka ba natatakot sa matandang
iyan?” Sunod sunod na tanong ng
9

kapatid. Ngunit, nakangiting tinugon ito


ni Lino, “Binabalik ko lamang ang
utang na loob ko kay Lolo Ben, siya
kaya ang tumulong sa akin noong
inaway ako ng mga gangsters sa school.
Nagpapasalamat lamang ako.” Natulala
lamang si Tina at muling binalik ang
tingin sa matanda. Sa kaniyang isip,
paano nagpasalamat ang kaniyang
kapatid kung tinulungan din nito ang
matanda? Ngunit, hindi na nasagot ang
kaniyang tanong dahil nauna na pala si
Lino sa kaniya

Pagsusulit Uri ng pagsusulit: Formative Technology Integration


Assessment – Selected Response
(ASSESSMENT)

EasyLMS – online quiz


Panuto: creator

A. Sagutin ang mga sumusunod. Piliin


ang titik ng tamang sagot.
A tool provided by
1. Ang mga sumusunod ay Easy LMS a company
nagpapakita ng pasasalamat. Alin sa that specialized in
mga ito ang nagbibigay kahulugan sa education technology.
pasasalamat? In this tool, you can
easily create quizzes
a. Hindi nalilimutan ni Alex na
and exams. It also
bigyang regalo ang kaniyang
shows rankings and can
mga magulang kapag araw ng
be access even the
pasko.
students doesn’t have
b. Tinutulungan lamang ni Mina an account.
ang mga mahihirap niyang
kababayan bilang isang Mayor
ng kanilang lungsod.

c. Handa si Buboy na gumising


10

kahit dis-oras ng gabi sa tuwing


may nangangailangan ng tulong
niya bilang isang doktor.

d. Pinagdiriwang ni Tinyo ang


araw ng pagpanaw ng kaniyang
ama, bilang pagkilala sa mga
nagawa nito noong nabubuhay
pa.

2. Ang mga sumusunod na larawan


ay nagpapakita ng mga kilos nang
pasasalamat. Alin sa mga ito ang may
pinaka-mataas na antas na nagpapakita
nang pasasalamat?

a. Pagdarasal

b.

Pagtapik sa kaibigan

c.
11

Pagbibigay ng munting regalo sa


magulang.

d. Pagtulong sa iyong
kapitbahay nang hindi tumatanggap ng
kapalit.

3. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon


ang hindi

nagpapakita ng paraan ng pasasalamat?

a. Tuwing binibigyan ng baon


ng magulang si Sinio ay agad itong
umaalis upang pumasok sa klase.

b. Si Hannah ay yumayakap sa
kaniyang ama tuwing binigyan siya nito
ng pasalubong mula sa trabaho nito
bilang panadero.

c. Inililibre ni Simon ang


kaniyang mga kamag aral sa tuwing
ginagawan siya ng mga ito ng takdang-
aralin sa matematika.

d. Hindi nakalilimot si Joanna na


puntahan ang matandang tindero ng
samalamig sa kanilang eskwelahan
upang tulungan bilang pagbalik ng
tulong ng minsan siya ang
nangailangan.

4. Alin sa mga sumusunod ang


12

angkop na pagpapakita ng utang na


loob?

a. Binibigyan ni Anya ang


kaniyang mga kamag-aral na
walang baon bilang bayad sa
ginawang pagtulong sa kaniya
ng dati niyang kaklase noong
siya ang nangailangan.

b. Lihim naghihimutok si Luis


kapag humihingi ng tulong sa
kaniya ang kaniyang ama.

c. Mapagmataas na sinagot ni
Lino ang kaniyang kaibigan na
ito ang may gustong tulungan
siya.

d. Tumutulong si Alia sa
kaniyang guro sa tuwing
pagtapos ng klase dahil narinig
niya mataas itong magbigay ng
grado sa masisipag na bata.

5. Nakita ni Pinang ang isang bata


na mukhang gutom na gutom. Batid
niya na sa raw na iyon ay tanging
sampung piso na lamang ang mayroon
siya at alam niyang kailangan niya iyon
bilang baon sa pagpasok sa eskwela.
Nang lalagpasan na niya sana ito,
naalala niya na minsan ay naging
ganoon din ang kaniyang kalagayan, at
may isang taong tumulong sa kaniya sa
kabila pa ng kakulangan nito. Napahinto
si Pinang at napaisip. Sa iyong palagay,
13

ano ang dapat gawin ni Pinang?

a. Ibigay ni Pinang ang buong


baon para hindi siya usigin ng kaniyang
konsensiya.

b. Ibigay ni Pinang ang kalahati


ng kaniyang baon sapagkat ito ang
angkop na paraan upang ibalik ang
dating nagawa ng taong tumulong sa
kaniya at upang hindi rin gutumin ang
kaniyang sarili.

c. Magpatuloy si Pinang sa
kaniyang paglalalakad sapagkat batid
niyang hindi sapat ang mayroon siya
upang makatulong.

d. Mag-alay ng panalangin na
sana ay may ibang makakita sa bata at
tulungan ito, pagtapos ay magpapatuloy
sa paglalakad na parang walang nakita.

6. Alin sa mga sumusunod na


sitwasyon ang nagpapakita ng kawalan
ng pasasalamat?

a. Inaabangan ni Carlos ang


kaniyang mga kamag-aral sa
tuwing napapagalitan siya ng
kaniyang mga guro.

b. Ipinagliliban ni Luna ang


kaniyang mga dapat gawin sa
ekswela tuwing humingi ng
tulong ang kaniyang ina sa
pagtitinda nito sa palengke.

c. Nagpagawa ng sariling bahay


14

si Mikel para sa kaniyang mga


magulang dahil ayaw na niyang
makasama ang mga ito sa iisang
bahay.

d. Naghatid ng tulong pinansyal


ang alkade na si Dino sa mga
nasalanta ng bagyo sa kanillang
lungsod upang kalabanin ang
bise-alkade dahil mas gusto ito
ng kaniyang nasasakupan.

7. Naipakikita ang ang pasasalamat


sa pagtanaw ng utang na loob. Kung
gayon, masasabi ba na ang pasasalamat
ay ipinakikita lamang sa
pinagkauutangan ng loob?

a. Oo, dahil sila lamang ang


nagpakita ng kabutihan sa
kapwa.
b. Oo, bilang ganti ay marapat
silang tumanggap ng
pasasalamat.
c. Hindi, dahil ang pasasalamat
ay ibinibigay batay sa
kagustuhan lamng ng tumanggap
ng kilos.
d. Hindi, dahil naipakikita rin
ang pasasalamat sa pagtulong at
paggawa ng kabutihan sa iba.

8. Habang naglalakad pauwi si


Tina ay may nakita siyang matanda na
pinupulot ang nahulog nitong mga
barya. Pagkatapos, nagpasalamat ang
15

matanda at dumiretso na si Tina sa


kanilang bahay. Pagkarating niya ay
humalik ito sa kaniyang mga magulang
na nasa sala. Ibinigay ng kaniyang ina
ang hiling nitong libro at sa tuwa ay
yinakap niya at nagpasalamat si Tina sa
kanyang ina at ama. Pagkatapos
maglinis ng katawan ay dumiresto si
Tina sa kanilang mesa dala ang kanyang
munting talaarawan at ballpen upang
isulat ang kaniyang repleksyon at
karanasan sa buong araw. Alin sa mga
sumusunod kilos ni Tina ang may
maituturing na pinakamataas na paraan
ng pasasalamat?

a. Ang pagtulong sa matandang


lalaki.

b. Ang kaniyang paghalik sa


mga magulang.

c. Ang paggawa niya ng mga


repleksyon tuwing gabi.

d. Ang pagkilala niya sa mga


naibibigay ng kaniyang mga
magulang.

9. Malaki ang utang na loob mo sa


iyong mga magulang sapagkat sa kabila
ng kahirap niyo sa buhay ay tinaguyod
nila kayong limang magkakapatid. Isang
araw, may napulot kang limang daang
libo sa kalsada noong ikaw ay pauwi na
mula sa pagtatrabaho bilang isang call
center agent. Batid mo na malaki ang
16

maitutulong nito upang mabigyan ng


bagong buhay ang iyong mga magulang,
ngunit, alam mo rin na sa kinikita
ninyong magkakapatid ay labis na ang
galak na nararamdaman ng iyong ama’t
ina. Alin sa mga sumusunod ang iyong
magiging desisyon na siyang
nagpapakita ng iyong pasasalamat at
pagtanaw ng utang na loob sa iyong
mga magulang?

a. Isasauli ko ang aking napulot


sapagkat hindi ito sa akin at maaaring
bigyan naman ako ng pabuya ng may-
ari nito.

b. Isasauli ko ang aking napulot


sapagkat batid kong may ibang
nangangailangan nito at ipagpapatuloy
ko ang pagsusumikap sa aking trabaho.

c. Hindi ko isasauli ang aking


napulot at ibibili koi to ng mga bagay na
magpapasaya at magbibigay
kaginhawahan sa aking mga magulang.

d. Hindi ko isasauli ang aking


napulot sapagkat hindi ko naman kilala
ang may-ari nito at ididiretso ko na
lamang ito sa bahay ampunan.

10. Ang tao ay inaasahan din na


ipakita ang pasasalamat sa mga
natatanggap mula sa Maykapal. Alin sa
mga sumusunod na paaran mo
maipapakita ang pasasalamat sa Kanya?

a. Paghingi ng gabay sa tuwing


17

nahihirapan.

b. Pagdarasal tuwing
kinakailangan at nagigipit.

c. Pagsisimba at pagdarasal
kasama ang pamilya o kahit nag
iisa sa anumang panahon.

d. Pagsisimba tuwing araw ng


Linggo kasama ang mga
kaibigan sa labas ng simbahan.

Panuto: Sumulat ng sanaysay na sasagot


sa mga tanong sa ibaba. Limitahan sa
limang pnagungusap ang sagot.

B. Sanaysay

1. Magbigay ng sitwasyon sa buhay


ng isang tao na madalas ay hindi
naipapakita ang pasasalamat sa
kapwa. Sa iyong palagay, bakit
nakakalimutan ng tao na magpakita
ng pasasalamat sa kaniyang kapwa?

2. Paano isasabuhay ng isang mag-


aaral na nag-aaral sa ikawalong
baitang ang birtud ng pasasalamat?

Mga Kasagutan:

A.

1. Handa si Buboy na gumising


kahit dis-oras ng gabi sa tuwing
may nangangailangan ng tulong
18

niya bilang isang doktor.

2. Pagdarasal

3. Hindi nakalilimot si Joanna na


puntahan ang matandang
tindero ng samalamig sa
kanilang eskwelahan upang
tulungan bilang pagbalik ng
tulong ng minsan siya ang
nangailangan.

4. Binibigyan ni Anya ang


kaniyang mga kamag-aral na
walang baon bilang bayad sa
ginawang pagtulong sa kaniya
ng dati niyang kaklase noong
siya ang nangailangan.

5. Ibigay ni Pinang ang kalahati


ng kaniyang baon sapagkat ito
ang angkop na paraan upang
ibalik ang dating nagawa ng
taong tumulong sa kaniya at
upang hindi rin gutumin ang
kaniyang sarili.

6. Nagpagawa ng sariling bahay si


Mikel para sa kaniyang mga
magulang dahil ayaw na niyang
makasama ang mga ito sa iisang
bahay.

7. Hindi, dahil naipakikita rin ang


pasasalamat sa pagtulong at
paggawa ng kabutihan sa iba.
8. Ang pagtulong sa matandang
lalaki.

9. Isasauli ko ang aking napulot


19

sapagkat batid kong may ibang


nangangailangan nito at
ipagpapatuloy ko ang
pagsusumikap sa aking trabaho.

10. Pagsisimba at pagdarasal


kasama ang pamilya o kahit nag
iisa sa anumang panahon.

B. Sanaysay

1. Nakakalimutan minsang ng tao


magpasalamat sa nagagawang
mabuti ng mga taong minsan
niyang kinainisan o kinagalitan
ng loob. Minsan, hindi
nagagawa ng tao ipakita ang
pasasalamat, sapagkat, mayroon
siyang ideya na tama lamang na
matanggap niya ang bagay na
iyon. Dahil doon, nagiging
mapagmataas at nakakalimot
ang tao na siya ay nakatanggap
ng mabuti mula sa kapwa na
dapat niyang kilalanin at
tugunan ng pasasalamat.

2. Bilang isang mag-aaral,


maisasabuhay ang birtud ng
pasasalamat sa paraan gaya ng
paghalik at pagyakap sa mga
magulang ano man ang
sitwasyon. Ang pag-aalay ng
dasal tuwing gabi at tuwing
araw ng Linggo. At higit sa
lahat, ang pag aaral ng mabuti.
(Pagbanggit ng iba pang
20

paraan)

Stratehiya: Monologue/ Liham-pahayag Technology Integration

Panuto: Gumawa ng tatlong liham- Vocaroo


pahayag para sa tatlong taong nais
https://vocaroo.com/
pasalamatan. Ito ay ire-
It is a site where you
record sa pamamagitan ng Vocaroo,
can record voice
isang online application na kung saan
messages and share it
maaari i-record ang sarili habang
using link or social
nagsasalita. Ang tatlong voice records
media accounts.
ay ipapadala sa tatlong tao sa
Takdang-Aralin
pamamagitan ng sharing button o link
(ASSIGNMENT) na makikita matapos ang ginawang Google Classroom
voice record.
It is one of the
Matapos nito, ipasa ang tatlong
applications of Google
recorded voice clips sa Google
that enable the teachers
Classroom.
to create a class. It also

allows submission of

assignments, create

quizzes, and the

teachers to provide
feedback and scores.

You might also like