You are on page 1of 15

1

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8


Ikatlong Markahan

Heaven Rhajanie C. Galido

Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto sa


Pangnilalaman paggawa ng mabuti sa kapwa.

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos sa isang


Pamantayan sa mabuting gawaing tumutugon sa pangangailangan ng mga
Pagganap marginalized, IPs at differently abled.

11.3. Naipaliliwanag na:


Kasanayang Dahil sa paglalayong gawing kaaya-aya ang buhay para sa kapwa at
Pampagkatuto makapagbigay ng inspirasyon na tularan ng iba, ang paggawa ng
kabutihan sa kapwa ay ginagawa nang buong-puso.

Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


Mga Layunin
a. Pangkabatiran:
Nababatid ang kahalagahan ng buong-pusong paggawa ng
DLC No. & Statement: kabutihan sa kapwa na naglalayong gawing kaaya-aya ang
11.3. Naipaliliwanag na: buhay at magbigay inspirasyon na tularan ng iba;
Dahil sa paglalayong
gawing kaaya-aya ang b. Pandamdamin:
buhay para sa kapwa at
napasisidhi ang kagustuhang makamit ang kabutihang
makapagbigay ng
inspirasyon na tularan ng panlahat upang matugunan ang layuning gawing kaaya-aya
iba, ang paggawa ng ang buhay ng kapwa at makapagbigay inspirasyon sa iba; at
kabutihan sa kapwa ay
ginagawa nang buong- c. Saykomotor:
puso.
nakabubuo ng mga hakbang sa paggawa ng kabutihan upang
tugunan pangangailangan ng kanilang kapwa.

Paksa Buong-pusong Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa.

DLC No. & Statement:


11.3. Naipaliliwanag na:
2

Dahil sa paglalayong
gawing kaaya-aya ang
buhay para sa kapwa at
makapagbigay ng
inspirasyon na tularan ng
iba, ang paggawa ng
kabutihan sa kapwa ay
ginagawa nang buong-
puso.

Pagpapahalaga Kabutihan (Moral Dimension)

1. Balancio, J. (2021). DILG: Community pantries


sa bansa umabot na sa higit 6,700. ABS CBN News.
https://news.abs-cbn.com/news/05/06/21/dilg-
community-pantries-sa-bansa-umabot-na-sa-higit-
6700

2. Canoy, J. (2021). ‘Tayo-tayo muna’: Konsepto


ng ‘community pantry’ lalo pang lumaganap. ABS
CBN News. https://news.abs-
cbn.com/news/04/19/21/tayo-tayo-muna-konsepto-
community-pantry-lumaganap

3. Lasco, H. (2012). Kabaitan at Kabutihan. Trinity


Bible Church. https://www.tbcspc.org/kabaitan-at-
kabutihan/
Sanggunian
4. Liao, J. (2016). Paano ba Maging Mabuti?
(in APA 7th edition
format, indentation)
Pagpapakahulugan sa Pagiging Mabuting Tao at
Makataong Pagtrato. PSSP.Org.
http://www.pssp.org.ph/diwa/wp-
content/uploads/2016/11/Paano-ba-Maging-
Mabuti.pdf. Pp. 67.

5. Miranda, (1992). Buting Pinoy: Probe essays on value as


Filipino. Google scholar.
https://scholar.google.com/scholar?cluster=632017553
4411167602&hl=en&oi=scholarr

6. Saranillo, E. (n.d.). Etika ng Kabutihan ni Aristotle.


Scribd.
https://www.scribd.com/embeds/451331661/content?s
tart_page=1&view_mode=scroll&access_key=key-
fFexxf7r1bzEfWu3HKwf
3

Digital Instructional Materials

● Laptop
● Headphone / Earphone
● Mouse
● Laptop Camera
● Zoom
Mga Kagamitan ● Internet
● Presentation
● Veed
● AhaSlides
● Genially
● Padlet
● Testmoz

Pangalan at
Larawan ng Guro

(Ilang minuto: 3)
Technology Integration
Dulog: Values Analysis Approach
Pangunahing Stratehiya: Pagsusuri ng Balita App/Tool:
Gawain Veed
Panuto: Panonoorin at susuriin ng mga
DLC No. & Statement: mag-aaral ang maikling pag-uulat. Link:
11.3. Naipaliliwanag na: https://www.veed.io/view
Dahil sa paglalayong Ang bidyo ay makikita sa link na ito: /4e2eacb8-4a61-4bc0-
gawing kaaya-aya ang https://www.veed.io/view/4e2eacb8-
buhay para sa kapwa at b6b2-
makapagbigay ng 4a61-4bc0-b6b2- e465405880e8?panel=sha
inspirasyon na tularan ng e465405880e8?panel=share re
iba, ang paggawa ng
kabutihan sa kapwa ay
ginagawa nang buong-
Logo:
puso.

Description:
4

Veed is a web-based
video editing app that is a
beginner-friendly tool
and offers easy access to
a variety of templates. It
can also be used
collaboratively by
editors. However, some
features require payment
for an upgrade.

Picture:

(Ilang minuto: 10) Technology Integration

1. Tungkol saan ang napanood na mga App/Tool: AhaSlides


balita? -C
Link:
2. Sa paanong paraan ipinakita ng mga https://audience.ahaslides
mag-aaral ang pagtulong sa kapwa? -C .com/87bw1s6d54

3. Sa iyong palagay, bakit kailangang Logo:


Mga Katanungan tulungan ang mga nangangailangan? -A

DLC No. & Statement: 4. Batay sa iyong obserbasyon sa balita, Description:


11.3. Naipaliliwanag na:
anong katangian ng mga mag-aaral ang AhaSlides is a platform
Dahil sa paglalayong
gawing kaaya-aya ang nangibabaw? -A to help you make
buhay para sa kapwa at interactive presentations.
makapagbigay ng 5. Bilang isang kabataan, paano ka You can use polls, word
inspirasyon na tularan ng magiging inspirasyon sa iyong kapwa? - clouds, open-ended slides
iba, ang paggawa ng
B and other types of slides
kabutihan sa kapwa ay
ginagawa nang buong- to create a presentation
puso. 6. Bilang isang kabataan, paano ka that your audience can
makagagawa ng kabutihan sa iyong interact with live, using
kapwa? -B their phones.

Picture:
5

(Ilang minuto: 10) Technology Integration

Outline App/Tool:
● Kahulugan ng Kabutihan Genially
● Mga Mahahalagang Dahilan sa
Paggawa ng Kabutihan sa Link:
Kapwa https://view.genial.ly/63
● Mga Halimbawa na bde90f8d2d600012cfa62
Nagpapakita ng Paggawa ng b/presentation-buong-
Kabutihan sa Kapwa pusong-paggawa-ng-
kabutihan-sa-kapwa
Mga nilalaman:
Logo:
Kahulugan ng kabutihan

Pagtatalakay

DLC No. & Statement: Description:


11.3. Naipaliliwanag na: Genially is a web-based
Dahil sa paglalayong
gawing kaaya-aya ang
tool, available in a free
buhay para sa kapwa at version, that allows you
makapagbigay ng to create animated
inspirasyon na tularan ng infographics, interactive
iba, ang paggawa ng presentations and even
kabutihan sa kapwa ay
ginagawa nang buong-
escape games.
puso.
Picture:
Hango sa salitang ugat na "buti" na
nangangahulugang kaaya-aya, kaayusan,
at kabaitan .

Ipinaliwanag ni Lasco (2012) sa kanyang


akda na Kabaitan at Kabutihan ang isa sa
mga kahulugan ng kabutihan at ito ay ang
aktibong pagkilos upang makatulong sa
iba. Ito ay naglalayong malaman ang
pangangailangan ng kapwa at tugunan ang
mga ito.

Isa sa mga nagpaliwanag at nagbigay


lalim sa kahulugan ng kabutihan ay ang
Griyegong pilosopo na si Aristoteles.
Isinulat niya ang etikang “Etika
Nikomakiya” kung saan nabanggit niya at
6

tinalakay ang kaligayahan. Bago pa man


niya pinalawak ang kahulugan ng
kaligayahan ay binigyang-diin muna ni
Aristoteles ang pagpapakatao na
pinagmumulan ng pagkilos na may
kaakibat na layunin.

Ayon kay Miranda (1992) sa kanyang


artikulo na Buting Pinoy: Probe essays on
value as Filipino, kapag ang tao ay naging
makatao, siya ay nagiging taong may
halaga o mabuti. Samakatwid, ang
makataong pagtrato sa iba ay isang paraan
upang makamit ang birtud ng pagiging
mabuting tao. Ginamit ni Miranda (1992)
ang “mabuti”upang iugnay ito sa pagiging
“makatao”.

Mga Mahahalagang Dahilan sa


Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa.

Mahalaga ang paggawa ng kabutihan sa


kapwa dahil ayon kay Liao (2016), ang
pagiging mabuti ay mahalagang taglayin
ng tao, bata man o matanda. Base sa
kanyang pananaliksik,

1. Ang pagiging mabuti ay isang


pamantayan dahil pumapaloob dito ang
paggalang, pagiging makakapwa, at hindi
pananakit.

2. Ang pagiging mabuting tao ang rurok


ng pagiging moral. Dito magkakaroon ang
tao ng kakayahang malaman ang tama at
mali na gagabay sa kanyang mga kilos.

3. Napapaloob sa pagiging mabuting tao


ang pag-intindi sa kapakanan ng
nakararami.

Mga Halimbawa na Nagpapakita ng


Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa

 Pinangunahan ni Ana Patricia Non


ang konsepto ng ‘Community
7

Pantry’ sa Maginhawa Street,


Quezon City. Ayon sa kanya,
isinagawa niya ang ito dahil nais
niyang magbigay tulong sa mga
taong kapos sa pangangailangan
noong panahon ng lockdown dulot
ng COVID 19. Dagdag pa niya,
“Ang tunay na layunin ay gawing
normal ang kabaitan”. Umabot sa
higit 6, 700 ang bilang ng
itinayong community pantry sa
iba’t-ibang bahagi ng bansa ayon
sa datos ng Department of the
Interior and Local Government.

https://www.youtube.com/watch?v=i2N
U9ac-8CE

 Nagpakita ng kabutihan sa kapwa


ang mga mag-aaral na nagmula sa
Pamantasang Normal ng Pilipinas.
Itinampok ng 24 Oras ang
proyektong “NhueBie para kay
Bhie” na naglalayong tugunan ang
mga pangangailangan ng kanilang
kamag-aral na walang panggastos
sa online learning. Ayon sa mga
mag-aaral, isinagawa nila ang
proyekto upang magbigay
inspirasyon sa iba na tumulong at
maging mabuti sa kapwa.
8

https://www.youtube.com/watch?v=kHG
x_krCnkw

 Umantig sa damdamin ng
nakararami ang pagtulong ng
tatlong bata sa isang matandang
sorbetero upang maitawid sa tulay
ang kanyang kariton na
pinaglalagyan ng sorbetes. Ayon
sa kumuha ng bidyo, umaasa siya
na tularan pa ng marami ang
kabutihang ipinakita ng tatlong
bata.

https://www.youtube.com/watch?v=_A
WZUmNhEeg

Graphic organizer:
9

(Ilang minuto: 7) Technology Integration

Stratehiya: Aksyon ng Pagkatuto App/Tool:


Padlet
Panuto:
“Mapa ng Kabutihan” Link:
Titignan ng mga mag-aaral ang mapa sa https://padlet.com/galido
ibaba at susuriin ang kalagayan ng bawat hrc/dxq129r35nadg0vc
kapwa na makikita. Sunod ay tutukuyin
ng mga mag-aaral ang pangangailangan Logo:
ng kapwa at tutugunan ito sa
pamamagitan ng paggawa ng hakbang ng
kabutihan.

Paglalapat Description:
Padlet is an online post it
DLC No. & Statement: wall. It allows individuals
11.3. Naipaliliwanag na: (and large/ small groups)
Dahil sa paglalayong to post their comments,
gawing kaaya-aya ang
questions, and resources
buhay para sa kapwa at
makapagbigay ng in one place that is easily
inspirasyon na tularan ng accessible to everyone.
iba, ang paggawa ng
kabutihan sa kapwa ay Picture:
ginagawa nang buong-
puso.

Rubrik:

Rubrics sa pagbuo ng Mapa ng


Kabutihan

Iskor Pamantayan
10

5  Natukoy ang iba’t-


ibang
pangangailangan
ng kapwa at nakabuo
ng tatlong hakbang na
angkop at malinaw
upang makagawa ng
kabutihan sa kapwa.
 Ang mga hakbang na
nabuo ay
makatotohanan at
angkop sa kakayahan
ng mag-aaral.

4  Natukoy ang iba’t-


ibang
pangangailangan
ng kapwa ngunit
dalawa lamang sa
nabuong hakbang ang
angkop at malinaw
upang makagawa ng
kabutihan sa kapwa.
 Ang mga hakbang na
nabuo ay
makatotohanan at
angkop sa kakayahan
ng mag-aaral.

3  Natukoy ang iba’t-


ibang
pangangailangan
ng kapwa ngunit isa
lamang sa nabuong
hakbang ang angkop
at malinaw upang
makagawa ng
kabutihan sa kapwa.
 Ang mga hakbang na
nabuo ay
makatotohanan ngunit
hindi
gaanong angkop sa
kakayahan ng mag-
aaral.
11

2  Hindi gaanong
natukoy ang iba’t
ibang
pangangailangan
ng kapwa ngunit isa
lamang sa nabuong
hakbang ang angkop
at malinaw upang
makagawa ng
kabutihan sa kapwa.
 Ang mga hakbang na
nabuo ay hindi
gaanong
makatotohanan
at hindi gaanong
angkop sa kakayahan
ng mag-aaral.

1  Hindi natukoy ang


iba’t ibang
pangangailangan
ng kapwa at hindi
angkop ang nabuong
hakbang upang
makagawa ng
kabutihan sa kapwa.
 Ang mga hakbang na
nabuo ay hindi
makatotohanan
at hindi angkop sa
kakayahan ng mag-
aaral.
12

(Ilang minuto: 5) Technology Integration

A. Multiple Choice (5 items only) App/Tool:


Teztmoz
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat
Link:
pahayag at isulat sa kwaderno ang titik
https://testmoz.com/q/124
ng tamang sagot. 52926

1. Ano ang kaugnayan ng pagiging Logo:


“mabuti” sa pagiging “makatao”?
A. Ang pagiging mabuti ay parte
ng pagiging makatao.
B. Ang pagiging “makatao” ay
kasingkahulugan ng pagiging Description:
“mabuti”. Making entirely unique
C. Ang pagiging makatao ang tests is possible with the
Pagsusulit help of the online quiz
paraan upang makamit ang birtud
creator Testmoz. Users
DLC No. & Statement: ng pagiging mabuti.
11.3. Naipaliliwanag na: can import questions
Dahil sa paglalayong
D. Ang pagiging mabuti ay from files and other
gawing kaaya-aya ang nagsisimula sa pagiging makatao exams in addition to
buhay para sa kapwa at na siyang naipapakita sa kanyang choosing between several
makapagbigay ng
kapwa question categories
inspirasyon na tularan ng
iba, ang paggawa ng including multiple-
kabutihan sa kapwa ay choice, true/false, or fill-
2. Bakit itinuturing na moral na
ginagawa nang buong- in-the-gap.
puso. birtud ang paggawa ng
kabutihan? Picture:
A. Dahil ang kabutihan ay isang
gawi na nagpapabuti sa
pangkalahatan.
B. Dahil ang kabutihan ay
nagpapakita ng paggalang sa mga
nakakatanda.
C. Dahil ang kabutihan ay ang
paggawa ng tama sa sarili at para
sa ibang tao.
D. Dahil ang kabutihan ay
tumutukoy sa pag-uugali ng tao
na nagpapakita ng malinis na
intensyon.
13

3. Alin sa sumusunod na mga


pahayag ang pinaka-angkop na
tumutukoy sa paggawa ng
kabutihan sa kapwa?
A. Ang paggawa ng kabutihan ay
kinalulugdan ng Diyos.
B. Ang paggawa ng kabutihan ay
walang hinihinging kapalit.
C. Ang paggawa ng kabutihan ay
nagdudulot ng kaligayahan.
D. Ang paggawa ng kabutihan ay
nagsisilbing inspirasyon at
ginagawang kaaya-aya ang buhay
ng kapwa.

4. Paano nagsisilbing inspirasyon sa


iba ang paggawa ng kabutihan sa
kapwa?
A. Ito ay dahil sa pagiging
modelo ng kabaitan.
B. Ito ay dahil nakakapagpasaya
ng karamihan.
C. Ito ay dahil sa magandang
dulot nito at nakapagbibigay
tugon sa mga pangangailangan.
D. Ito ay dahil sa pagpapakita ng
malasakit sa iba na tulungan ang
mga walang kakayahan.

5. Sa iyong mga kilos bilang kasapi


ng lipunan, dapat bang isaalang-
alang palagi ang kabutihang
panlahat?
A. Opo, dahil tungkulin kong
magpakita ng kabutihan sa aking
kapwa.
B. Opo, dahil ang bawat kilos ko
sa aking lipunan ay nakaaapekto
sa nakararami.
14

C. Hindi po, dahil mas mabuting


unahin muna ang sarili bago ang
kapakanan ng iba.
D. Hindi po, dahil ang gagawin
kong kilos ay naka-depende
lamang sa sitwasyon at personal
na kagustuhan.

Susi sa Pagwawasto:
1. C
2. A
3. D
4. C
5. B

B. Sanaysay

Panuto: Basahin at sagutin sa tatlo


hanggang limang pangungusap ang
sumusunod na mga katanungan. Isulat sa
kwaderno ang sagot.
1. Sang-ayon ka ba na ang bawat tao
ay may obligasyong magpakita ng
kabutihan sa kanyang kapwa?
Ipaliwanag.

2. Sa paanong paraan mo
maipapakita bilang isang
indibidwal ang iyong
kontribusyon sa pagpapaunlad ng
kabutihang panlahat?

Inaasahang sagot:
1. Oo, dahil bilang isang indibidwal,
ang paggawa ng kabutihan ay
nagdudulot ng kaaya-ayang buhay
sa iba. Ang paggawa ng kabutihan
ay isa sa mga obligasyong moral
na magpapaunlad sa aking sarili at
sa aking lipunan. Ito dapat ay
15

isinasagawa nang buong-puso at


walang hinihinging kapalit.

2. Bilang isang indibidwal,


maipapakita ko ito sa
pamamagitan ng pagtulong sa
mga nangangailangan sa abot ng
aking makakaya. Maliit man o
malaking kilos ay maituturing ng
kontribusyon. Isasaalang-alang ko
palagi ang kapakanan ng iba sa
bawat desisyon at kilos na aking
gagawin.

Rubrik:
Rubric sa Paggawa ng Sanaysay

3 Binubuo ng tatlo hanggang limang


pangungusap at napakahusay na
naipapahayag ang mga ideya na
may kaugnayan at kaangkupan sa
tanong.

2 Binubuo ng tatlo hanggang limang


pangungusap at mahusay na
naipapahayag ang mga ideya na
may kaugnayan at kaangkupan sa
tanong.

1 Binubuo ng tatlo hanggang limang


pangungusap at may katamtamang
husay na naipapahayag ang mga
ideya at may kakulangan sa
kaugnayan at kaangkupan sa
tanong.

You might also like