You are on page 1of 24

1

LESSON PLAN TEMPLATE

Feedback

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga 7

Heading Ikaunang Markahan

Rosa Venna L. Laudencia


Daniel D. Marquez

Pamantayang Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa talento at


Pangnilalaman kakayahan
(Content Standard)

Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop sa


Pagganap pagpapaunlad ng kanyang mga talento at kakayahan
(Performance
Standard)

2.3. Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga


Kasanayang angking talento at kakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga
Pampagkatuto ito ay mga kaloob na kung pauunlarin ay makahuhubog ng
sarili tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa
DLC (No. & mga kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, at paglilingkod sa
Statement) pamayanan

Mga Layunin Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


(Objectives)
a. Pangkabatiran:
DLC No. & Statement: Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad sa
2.3. Napatutunayan na angking talento at kakayahan ay makahuhubog sa
ang pagtuklas at tiwala sa sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad
pagpapaunlad ng mga
angking talento at
ng mga tungkulin, at paglilingkod sa pamayanan.
kakayahan ay
mahalaga sapagkat ang b. Pandamdamin:
mga ito ay mga kaloob ; at Napahahalagahan ang pagtuklas at pagpapaunlad ng
na kung pauunlarin ay angking talento at kakayahan upang mahubog ang
makahuhubog ng sarili tiwala sa sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad
tungo sa pagkakaroon ng mga tungkulin, at paglilingkod sa pamayanan.
2

ng tiwala sa sarili,
paglampas sa mga c. Saykomotor:
kahinaan, pagtupad ng Nakabubuo ng mga plano sa pagtuklas at pagpapaunlad
mga tungkulin, at
paglilingkod sa
ng mga aking talento at kakayahan na makahuhubog ng
pamayanan tiwala sa sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad
ng mga tungkulin, at paglilingkod sa pamayanan.

Paksa Mga Talento at Kakayahan


(Topic)

DLC No. & Statement:


2.3. Napatutunayan na
ang pagtuklas at
pagpapaunlad ng mga
angking talento at
kakayahan ay
mahalaga sapagkat ang
mga ito ay mga kaloob
na kung pauunlarin ay
makahuhubog ng sarili
tungo sa pagkakaroon
ng tiwala sa sarili,
paglampas sa mga
kahinaan, pagtupad ng
mga tungkulin, at
paglilingkod sa
pamayanan

Pagpapahalaga Self-worth/Self-Esteem/ Pagpapahalaga sa Sarili (Moral


(Value to be developed Dimension)
and its dimension)

Sanggunian
1. ArOhL, L. (n.d.). K TO 12 GRADE 7 LEARNING
(Six 6 varied MATERIAL IN EDUKASYON SA
references) PAGPAPAKATAO (Q1-Q2).
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-7-
(APA 7th Edition
format)
learning-material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q2?
fbclid=IwAR14ykQqdXu0bfuRkZkrFVWohY5TfQwt
ZAHf4MOee7jJ29QCOdBLsK5eCkA
2. Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul 6: Paunlarin
mga Talento at Kakayahan. (2021, May 5). Grade 7
Modules. https://grade7.modyul.online/edukasyon-sa-
pagpapakatao-7-modyul-6-paunlarin-mga-talento-at-
kakayahan/
3. Tagalog. (n.d.). Talento. Tagalog lang. Retrieved from
https://www.tagaloglang.com/talento/
3

4. Bharatan, N. (2022, November 15). 65 Best Talent


Show Ideas For Kids. Mom Junction. Retrieved from
https://www.momjunction.com/articles/ideas-for-kids-
talent-shows_00764312/
5. Blackmore, S. (2020, April 21). Are talents genetic or
learnt? BBC Science Focus Magazine.
https://www.sciencefocus.com/the-human-body/are-
talents-genetic-or-learnt/
6. Dimitrijevic, I. (n.d.). Why You Should Find and
Develop Your Kid’s Talents Early. Life Hack.
Retrieved from https://www.lifehack.org/509149/why-
you-should-find-and-develop-your-kids-talents-early
7. Cherry, K. (2022, October 19). Gardner's Theory of
Multiple Intelligences. Very Well Mind. Retrieved
from https://www.verywellmind.com/gardners-theory-
of-multiple-intelligences-2795161
8. Madhavan, S. (2018, March 8). The Law of the Seed.
https://www.linkedin.com/pulse/law-seed-sindhu-
madhavan
9. Esteem. (2020, Febraury 6). Raising low self-esteem.
National Health Service UK. Retrieved from
https://www.nhs.uk/mental-health/self-help/tips-and-
support/raise-low-self-esteem/
10. Franklin, M. (n.d.). 10 Tips To Improve Upon Your
Talents. Inner New York Monk. Retrieved from
https://innercitymonk.com/10-tips-to-improve-upon-
your-talents/

● Projector
Mga Kagamitan ● Speaker
(Materials) ● Kuwaderno/Papel
● Panulat
Complete and
in bullet form
● Roulette App

Pangalan at
Larawan ng Guro

(Formal picture ROSA VENNA L. LAUDENCIA


with collar)

Panlinang Na Dulog: Values Inculcation Technology


4

Integration
Stratehiya: Keyphrase Music Roulette
App/Tool:
Ang “Keyword Music Roulette” ay isang
laro na kung saan nagbibigay ng isang Link:
keyword at kinakailangang maghanap ng
kanta na nagbabanggit ng keyword na ito. Note:
Ang unang nakahanap ay maaaring
magpatugtog o kantahin ang awit na Picture:
kanyang nahanap.
Gawain
(Motivation) Panuto:

DLC No. & Statement: 1. Tingnan ang keyphrases na


2.3. Napatutunayan na nakapaskil sa harap (Talento at
ang pagtuklas at Kakayahan, Tiwala sa Sarili,
pagpapaunlad ng mga Paglampas sa Pagsubok, Pagtupad
angking talento at
ng Tungkulin) at humanap ng
kakayahan ay
mahalaga sapagkat ang awitin na patungkol sa mga ito.
mga ito ay mga kaloob 2. Ang mauuna ay kakantahin ang
na kung pauunlarin ay awiting kanyang nahanap sa parte
makahuhubog ng sarili lamang na kasama ang keyword.
tungo sa pagkakaroon 3. Maari ding patugtugin ang
ng tiwala sa sarili, nahanap na awitin.
paglampas sa mga
kahinaan, pagtupad ng
Mga Tanong:
mga tungkulin, at
paglilingkod sa
pamayanan 1. Ano ang iyong naramdaman
habang naghahanap ng mga
awitin?
2. Ano ang iyong napansin sa mga
“keyphrase” na ginamit sa
aktibidad?
3. Sumagi na ba sa iyong isipan
ang mga konseptong ito?

Pangunahing Dulog: Values Inculcation


Gawain Stratehiya: Video Analysis Technology
(ACTIVITY) Integration
Panuto:
DLC No. & App/Tool:
Statement:2.3. Ang mga mag-aaral ay manunuod ng
5

Link:
Napatutunayan na ang isang maikling dokumentaryo patungkol
pagtuklas at kay Hidilyn Diaz isang Weightlifting Note:
pagpapaunlad ng mga Olympics Gold Medalist at kay Manny
angking talento at Pacquio isang Professional Boxer na Picture:
kakayahan ay parehong tinitingala dahil sa kanilang
mahalaga sapagkat ang angking talento.
mga ito ay mga kaloob
na kung pauunlarin ay
Susuriin ng mga mag-aaral ang
makahuhubog ng sarili
tungo sa pagkakaroon dokumentaryo at itatala ang pinakang
ng tiwala sa sarili, tumatak sa kanilang puso.
paglampas sa mga
kahinaan, pagtupad ng Makikita ang dokumentaryo sa link na
mga tungkulin, at ito:
paglilingkod sa https://drive.google.com/file/d/19H3o65y
pamayanan qCge33XAAImLzyTH-79fAWIVF/view?
usp=sharing

Mga Katanungan Technology


(ANALYSIS) Integration
1. A- Ano ang mga pumukaw sa
DLC No. & Statement: iyong atensyon at damdamin sa App/Tool:
2.3. Napatutunayan na
ang pagtuklas at dokumentaryong napanuod? Link:
pagpapaunlad ng mga
angking talento at 2. C- Base sa dokumentaryo, Ano
kakayahan ay Note:
mahalaga sapagkat ang
ang mga isinagawa ni Manny at
mga ito ay mga kaloob Hidilyn upang mapaunlad ang Picture:
na kung pauunlarin ay
makahuhubog ng sarili kanilang mga kakayahan at
tungo sa pagkakaroon
ng tiwala sa sarili, talento?
paglampas sa mga 3. C- Paano nakatulong ang
kahinaan, pagtupad ng
mga tungkulin, at pagpapaunlad ng kanilang
paglilingkod sa
pamayanan kakayahan at talento sa iba pang
aspeto ng kanilang buhay?
(Classify if it is C-A-B
after each question) 4. A- Nakarelate ka ba sa mga
katangian nila Manny at Hidilyn?
5. C- Ano ang mga aral na napulot mo
sa dokumentaryong napanuod?
6. P- Ikaw, bilang isang mag-aaral sa
6

ikapitong baitang, sa anong mga paraan


mo naipapakita ang pagpapahalaga sa
pagtuklas at pagpapaunlad ng iyong
kakayahan at talento?

Pangalan at MARQUEZ, DANIEL D.


Larawan ng Guro

(Formal picture
with collar)

Pagtatalakay Outline (Bullet form) Technology


(ABSTRACTION) 1. Talento at Kakayahan Integration
a. Kaibahan ng talento at
DLC No. & Statement: kakayahan App/Tool:
2.3. Napatutunayan na 2. Kahalagahan ng pagtuklas ng
ang pagtuklas at talento at kakayahan Link:
pagpapaunlad ng mga
3. Kahalagahan ng pagpapaunlad ng
angking talento at
kakayahan ay talento at kakayahan Note:
mahalaga sapagkat ang a. Iba’t-ibang uri ng talino o
mga ito ay mga kaloob talento: Multiple Picture:
na kung pauunlarin ay Intelligences
makahuhubog ng sarili 4. Ang paglampas sa ating mga
tungo sa pagkakaroon kahinaan.
ng tiwala sa sarili, a. Hakbang sa pagpapaunlad
paglampas sa mga ng talento at kakayahan
kahinaan, pagtupad ng 5. Tungkulin ng tao sa sarili at sa
mga tungkulin, at pamayanan
paglilingkod sa
pamayanan
Mga Nilalaman
Pangkabatiran
Cognitive Obj: Talento at Kakayahan
Napatutunayan na ang Ayon sa diksyunaryong tagalog, ang
pagtuklas at salitang talento ay nangangahulugang
pagpapaunlad sa pagkakaroon ng likas at natatanging
angking talento at kakayahan ng isang tao sa isang bagay
kakayahan ay kahit na hindi pa ito naituturo.
makahuhubog sa
tiwala sa sarili, Ilan sa mga halimbawa ng talento sa bata
paglampas sa mga
(Bharatan, 2022):
kahinaan, pagtupad ng
mga tungkulin, at 1. Pagsayaw
paglilingkod sa 2. Pag-awit
7

pamayanan 3. Lip Sync


4. Pagtugtog ng mga instrumentong
pangmusika
5. Pagguhit

Samantala, ayon sa librong “Beginning


Dictionary” na isinulat ng mga
sikolohistang Amerikano na sina,
Thorndike at Barnhart, ang kakayahan ay
tumutukoy sa kalakasang intelektuwal
(intellectual power) na ginagamit upang
magawa ng isang tao ang isang
pambihirang bagay. Sa madaling salita,
ito ay ang paggamit ng isip at mga
natutunan upang maisagawa ang isang
bagay, halimbawa ay ang mahusay na
paraan ng pag-awit, pagsayaw, o
pagguhit.

Sa diksyunaryong tagalog, ang


kakayahan ay nangangahulugang likas na
talino o mapag-aralang kahusayan sa
isang uri ng gawain”.

Kahalagahan ng pagpapaunlad ng
talento at kakayahan

Ayon sa pag aaral ni Blackmore, na


nailathala sa BBC Science Focus na isang
UK magazine, sinasabi na mayroon
talagang mga taong may angking talento
sa kapanganakan na nakatutulong upang
magkaroon sila ng mas malaking
potensyal kung ikukumpara sa mga taong
wala nito.

Halimbawa, sa pag-aaral na inilathala ni


Blackmore, napag-alaman na ang
pagkakaroon ng genes na may kinalaman
sa paglikha ng katawan ng sapat na
serotonin na konektado sa pagiging
malikhain ng isang tao sa musika, ay
namamana.

Isa pang halimbawa ng impluwensya ng


8

genetics ay ang pagkakaroon ng isang tao


ng likas na kagalingan sa larong chess.
Sinasabing halos 70% o mayorya sa mga
nangungunang manlalaro ng chess ay
sinasabing walang kinalaman ang
kahabaan ng oras ng pagsasanay sa
kanilang katayuan.

Ngunit ayon kay Blackmore, ang


talentong walang kahasaan sa kakayahan
ay walang halaga. Maaaring ang isang tao
ay nabiyayaan ng talento sa
kapanganakan, ngunit ang kakayahan pa
rin ang nagdidikta sa tagumpay ng isang
tao.

Si Cristiano Ronaldo, isang propesyonal


na manlalaro ng football, ay naniniwala sa
ideolohiyang ito. Sa mga panayam na na
kanyang dinalo, kalimitang sagot niya sa
tanong na, ano ang sikreto mo sa iyong
tagumpay? ay “talent without work is
nothing”. Si Ronaldo ay hindi nabiyayaan
ng likas na talento sa kapanganakan kung
kaya’t ganoon na lamang ang kanyang
adbokasiya sa pagpapaunlad ng
kakayahan sa dedikasyon, mentalidad, at
sikap bilang importanteng sangkap ng
tagumpay. Sa madaling salita, ang
pagkakaroon ng talento ay isang
napakagandang bagay, ngunit nararapat
na mas maglaan ng pokus at tuon sa
kakayahang magsanay araw-araw at
magkaroon ng komitment sa
pagpapahusay sa taglay na talento.

Kahalagahan ng pagtuklas ng talento


at kakayahan

Naranasan mo na bang matanong ng


kaibigan o nakatatanda kung anong
talento ang mayroon ka? Nasabihan ka na
ba ng iyong guro na magpakilala sa harap
ng klase gamit ang iyong talento? Ano
ang ipinakita mo? ikaw ba ay nag-isip ng
9

matagal? O baka naman ikaw ay may


kamalayan na sa talento at kakayahang
iyong tinataglay.

Batay sa artikulo ni (Dimitrijevic, n.d.),


mahalagang matuklasan ng isang tao ang
kanyang talento at kakayahan dahil sa
mga sumusunod na dahilan:
1. Ang pagtuklas ng talento at
kakayahan ay nakatutulong sa
pagkakaroon ng mataas na
kumpyansa sa sarili. Sila ay
nagkakaroon ng kamalayan sa
mga kagalingan sa iba’t ibang
bagay na makatutulong sa
pagkakaroon ng seguridad at
kumpyansa na subukan ang isang
bagay.
2. Nakatutulong din ito sa pag-unlad
iyong kumpyansa sa sarili. Ang
paghasa sa angking talento at
kakayahan ay dapat ginagawa sa
paraang mabagal ngunit sigurado.
Kung ikaw ay may talento o
kakayahan sa pagsulat ng mga
tula, mainam na paunlarin ito sa
pamamagitan ng pagbabasa ng
mga tulang gawa ng iba,
pagpapalawak ng bokabularyo, at
aplikasyon.
3. Ang pagpapalawak nito ay
indikasyon ng tagumpay. Kung
dati ay wala ka pang masyadong
kaalaman sa talento at kakayahang
tinatahak, ang pagpapaunlad nito
ay makapagbibigay sa iyo ng
malaking pagkakataon upang
malampasan ang kahinaan at
maging matagumpay balang araw.
4. At pang huli, ito ay ang pinaka
malaking puhunan na maaari
mong magawa. Ang maagang
pagtuklas at pagpapaunlad sa
iyong talento at kakayahan sa
murang edad ay isang pundasyon
10

na magagamit sa tatahaking
larangan o trabaho sa paglaki.

Iba’t-ibang uri ng talino o talento:


Multiple Intelligences

Ayon kay Howard Gardner noong 1983,


kapag narinig ang salitang katalinuhan,
ang unang pumapasok sa isip ng mga tao
ay ang IQ test o ang intelektwal na
potensyal ng isang tao, Ngunit ayon sa
teorya ni Garder, Multiple Intelligences,
ang ankop na tanong ay “Ano ang iyong
talino?” at hindi, “Gaano ka katalino?
sapagkat mayroong iba’t ibang uri ng
talino o talento ang isang tao. Ito ay:

1. Visual-Spatial. Mga taong


mahusay sa mga bagay na
nakikita. Sila ay kalimitang
magaling sa imahinasyon,
direksyon, mapa, video, larawan,
at tsart.
2. Linguistic-Verbal. Mga taong
mahusay sa salita at lengguwahe.
Sila ay kadalasang magaling sa
pagsusulat ng mga kwento,
pagsaulo ng mga impormasyon, at
pagbasa.
3. Logical-Mathematical. Mga taong
mahusay sa pattern, lohika,
pangangatwiran, pagsusuri ng mga
problema.
4. Bodily-Kinesthetic. Mga taong
mahusay sa pagsasagawa,
paggalaw, pagganap, pisikal na
kontrol.
5. Musical. Mga taong mahusay sa
musika, ritmo, at tunog. May
malawak na pagpapahalaga sa
musika at kalimitang magaling sa
paggawa ng musika at
pagtatanghal.
6. Interpersonal. Mga taong mahusay
sa pag unawa at pakikipag-
11

ugnayan sa ibang tao. Sila ay


magaling sa pagtatasa at pagkilala
ng emosyon, motibasyon,
kagustuhan, at intensyon ng mga
nakapalibot sa kaniya.
7. Intrapersonal. Mga taong may
malalim na pag unawa sa sariling
emosyon, nararamdaman, at
motibasyon. Sila ay mahilig sa
pag analisa at pagsuri ng sarili
tulad ng pangangarap, paggalugad
ng relasyon sa iba, at pagsusuri sa
sariling kalakasan.
8. Naturalistic. Mga taong may
malalim na koneksyon sa
kalikasan at kalimitang interesado
sa pag-aaruga, paggalugad sa
kapaligiran, at pag-aaral sa mga
hayop. Sila ay sinasabing may
kamalayan sa mga pagbabago sa
kapaligiran.
9. Existential. Mga taong mahusay at
mahilig sa mga malalim na tanong
tungkol sa buhay at pag-iral. Sila
ay kalimitang pagninilay sa paksa
tulad ng buhay at mga
kinahihinatnan ng mga aksyon

Ang paglampas sa ating mga kahinaan.

(Madhavan, 2017) Pamilyar ka ba sa


Law of the Seed? Tumingin ka sa isang
puno ng mansanas. maaaring mayroong
limang daang mansanas sa isang puno, at
ang bawat mansanas ay maaaring
mayroong sampung buto. Ang daming
buto, hindi ba? Maaaring matanong natin
sa sarili natin, “bakit kailangan mo ng
napaka napakaraming buto upang
makapagpatubo ng ilang puno? Ang
kalikasan ay nagbibigay ng importanteng
aral ukol dito. Ito’y dahil hindi naman
lahat ng buto ay tumutubo. Sa totoong
buhay, mayorya sa mga buto ay hindi
magiging puno, kung kaya’t sinasabi sa
12

aral na kung ikaw ay may gustong


makamtam, dapat ikaw ay handang
sumubok ng ilang pagkakataon.

Ibig sabihin, ikaw ay dadalo sa


labindalawang panayam sa trabaho upang
matanggap lang sa isa.

Ikaw ay hahanap at makikipanayam sa


labing apat na empleyado upang
makatagpo ng isang magaling na
empleyado.

At minsan, makakakilala ka ng isang


daang tao upang makatagpo ng isang
mabuting kaibigan.

Huwag mong ilagay sa puso ang


kabiguan, bagkus ilagay ito sa utak upang
maintindihan ang pagkakamali at gawing
inspirasyon upang galingan sa susunod.
Huwag mong asahan na ang lahat ng mga
bagay ay naaayon sa iyong kagustuhan
dahil minsan, ito ang dahilan kung bakit
tayo ay nasasaktan at natatakot na
sumubok muli. Kung ikaw ay nabigo,
huwag matakot sumubok muli. Huwag
kang susuko sa unang pagkakamali dahil
ang pagkabigo ay tanda ng tagumpay.
Walang nagtatagumpay ng hindi
nabibigo. Pagkatiwalaan mo ang iyong
sariling kakayahan. Buuin mo ang iyong
kumpyansa sa sarili o self confidence. Ito
ay ang pagkakaroon ng isang tao ng
tiwala sa sariling kakayahan, abilidad, at
katangian. Ang pagkakaroon ng
mababang kumpyansa sa sarili ay
nagiging dahilan ng pagtutok ng isang tao
sa kaniyang kahinaan kaysa sa talento at
kakayahan kung kaya’t kalimitan ay ang
isang tao ay pinangungunahan ng takot.

Ilan sa mga paraan upang malampasan


ang pagkakaroon mababang kumpyansa
sa sarili ayon sa (National Health Service
13

UK, 2020):
1. Pagkilala sa mga kahinaan.
2. Paghamon o paggawa ng mga
gawaing may kinalaman sa
kahinaan.
3. Pagkakaroon ng positibong
relasyon.
4. At pang huli ang pagkilala at
pagpapaunlad sa angking talento
at kakayahan. Lahat tayo ay may
kagalingan sa isang bagay, alamin
mo ang iyo at pagtuunan mo ito ng
mahabang pansin.

Hakbang sa pagpapaunlad ng talento


at kakayahan

Ngunit paano nga ba ang pagpapaunlad


ng ating talento at kakayahan? Narito ang
ilang paraan sa pagpapaunlad nito batay
sa artikulo ni (Franlin, n.d.):

1. Pagsasanay. Ang paulit-ulit na


pagsasanay ng isang tao sa
kanyang talento o kakayahan ay
paunti-unting huhubog sa kanyang
kahusayan at pag-unlad dito.
2. Kahit na ikaw ay mayroong
angking talento at kakayahan,
natural pa rin ang pagkakaroon ng
kahinaan. Alamin ito, pagtuunan
ng oras, at gawing kalakasan.
3. Humanap ng inspirasyon at
tumingin sa hinaharap dahil ito’y
makatutulong upang maging
mapagpursigi.
4. Magtakda ng karampatang oras at
araw ng pagsasanay.
5. Maglista ng mga taong magiging
suporta. Maghanap ng mga tao o
grupo na may parehas na layunin.
6. Palagiang hamunin ang sarili.

Tungkulin ng tao sa sarili at sa


pamayanan
14

Madalas masabi na ang talento at


kakayahan ay isang regalo mula sa Diyos.
Ito ay ang mga natatanging kalakasan at
abilidad ng isang tao na umiiral sa
pagkapanganak palamang. Mayroon
kayang dahilan ang Diyos kung bakit tayo
pinagkalooban ng ganitong regalo? Bakit
ito ay natatangi sa atin? Bakit ito sa atin
ipinagkatiwala at hindi sa iba?

Pamilyar ba kayo sa Mateo 25:14–30 o


ang Parable of Talents? Isa sa mga linya
nito ay, “Ito ay sapagkat ang bawat
mayroon ay bibigyan at siya ay tatanggap
ng sagana.Ngunit sa kaniya na wala,
maging ang nasa kaniya ay kukunin sa
kaniya.” Ito’y mga katagang sinabi ng
amo sa isang alipin na binaon sa lupa ang
mga talentong nakuha at walang ginawa
upang ito ay tumubo.

Maraming aral ang maaaring matutunan


sa parabula na ito. Ilan sa mga ito ay ang
kahalagahan ng oportunidad, pagsisikap,
at pananagutan. Ilan sa mga aral na
makukuha ay ang sumusunod:
1. Tungkulin natin bilang tao. Kung
ano ang talento at kakayahang
ipinagkaloob sa atin sa mundo,
nararapat na gamitin natin ito.
Hindi lamang natin ito makikita sa
parabula na ito, kung hindi sa
ilang mga storya pa ng bibliya na
kung saan pinagkakalooban ng
Diyos ang mga taong
nagsusumikap upang mapabuti
ang kanyang sarili at buhay ng
mga taong naninirahan sa
pamayanan.
2. Ang angking talento at kakayahan
ay naka-disenyo para lamang sa
atin. Kung pag-aaralan ang
istorya, mapapansing hindi
pantay-pantay ang talentong
15

nakuha nila. Sa kakaunting


talentong nakuha ng iba, hindi ito
naging hadlang sa kanilang
trabaho at nanatiling mapagpurisgi
at masipag sa kung ano ang
binigay sa kanila. Kahit na hindi
pantay-pantay ang kinalabasan ng
kanilang trabaho, nabigyan pa rin
silang lahat ng pantay na
gatimpala.
3. May pananagutan ang hindi
paggamit ng talento. Tulad ng
mga alipin sa istorya, lahat tayo ay
may responsibilidad na gamitin
ang angking talento at kakayahan
na ipinagkaloob sa atin. Kapag
may nakikita kang inaapi sa
paaralan, hindi ka ba umiimik? o
kapag may nakita kang matandang
tumatawid sa daanan, ikaw ba ay
hindi tumutulong?

1 Pedro 4:10 “Bilang mabubuting


katiwala ng iba't ibang kaloob ng Diyos,
gamitin ninyo ang kakayahang tinanggap
ninyo sa ikakapakinabang ng lahat.”

Matapos tuklasin at paunlarin ang


angking talento at kakayahan, tandaan na
ang layunin natin ay gamitin ito sa
ikauunlad ng hindi lamang ng sarili,
bagkus pati ang ibang tao at ng
pamayanan. Iwanan ang pag-iisip na ang
gamit nito ay para sa benepisyo lamang
ng sariling interes, sa halip ay palitan ito
ng pag-iisip na bilang tao na may takot sa
Diyos, tungkulin kong gamitin ito sa
paglilingkod at ipakikinabang ng lahat.

Paglalapat Technology
(APPLICATION) Stratehiya: Concept Diagram Integration

DLC No. & Statement: Panuto: Gamit ang Concept Diagram na App/Tool:
2.3. Napatutunayan makikita sa ibaba, pumili ka lamang ng
na ang pagtuklas at isa sa iyong mga angking talento o Link:
pagpapaunlad ng kakayahan at ilista ang mga hakbang na
16

mga angking talento iyong ginawa sa pagtuklas nito. Note:


at kakayahan ay Pagkatapos ay gagawa ka ng plano kung
mahalaga sapagkat paano mo pa ito mapapaunlad. Pang huli Picture:
ang mga ito ay mga ay papatunayan mo kung paano ito
kaloob na kung makatutulong batay sa apat na gabay na
pauunlarin ay makikita sa ibaba.
makahuhubog ng
sarili tungo sa
pagkakaroon ng
tiwala sa sarili,
paglampas sa mga
kahinaan, pagtupad
ng mga tungkulin, at
paglilingkod sa
pamayanan

Saykomotor/
Psychomotor Obj:

Nakabubuo ng mga
plano sa pagtuklas at
pagpapaunlad ng
mga aking talento at
kakayahan na
makahuhubog ng
tiwala sa sarili,
paglampas sa mga
kahinaan, pagtupad
ng mga tungkulin, at
paglilingkod sa
pamayanan.

Pagsusulit A. Multiple Choice (1-5)


(ASSESSMENT) Panuto: Basahin at unawain ang Technology
bawat tanong. Bilugan ang titik ng Integration
DLC No. & Statement:
2.3. Napatutunayan tamang sagot.
App/Tool:
na ang pagtuklas at
pagpapaunlad ng 1. Ano sa madaling salita ang Link:
mga angking talento kakayahan?
at kakayahan ay Note:
mahalaga sapagkat A. Likas at natatanging
ang mga ito ay mga
kakayahan ng isang tao sa Picture:
kaloob na kung
pauunlarin ay isang bagay.
makahuhubog ng
17

sarili tungo sa B. Paggamit ng isip at mga


pagkakaroon ng natutunan upang
tiwala sa sarili, maisagawa ang isang
paglampas sa mga
bagay.
kahinaan, pagtupad
ng mga tungkulin, at
paglilingkod sa C. Tumutukoy sa kalakasang
pamayanan intelektuwal (intellectual
power) na ginagamit upang
Pangkabatiran magawa ng isang tao ang
Cognitive Obj:
isang pambihirang bagay.
Napatutunayan na ang
pagtuklas at D. Ito ay mahusay na paraan
pagpapaunlad sa na paggamit ng mga
angking talento at
kakayahan ay
talento tulad ng pag-awit,
makahuhubog sa pagsayaw, o pagguhit.
tiwala sa sarili,
paglampas sa mga 2. Alin sa mga sumusunod na
kahinaan, pagtupad ng
mga tungkulin, at
sitwasyon ang naglalarawan ng
paglilingkod sa talento?
pamayanan. A. Si Simon na maiging
sinusukat ang bawat
sangkap ayon sa recipe
niya sa pagluluto.

B. Si Anna na nakagagawa ng
sarili nyang beat sa drums
matapos magbase sa
napanuod na tutorial.

C. Si Jhannia na bata pa
lamang ay magaling nang
magkompyut at makabasa
ng mga pattern at
sequences.

D. Si Emman na magaling sa
debate bilang nakikita niya
ang kanyang abogadong
nanay na
18

makipagdiskusyon.

3. Paano makatutulong ang


pagpapaunlad ng talento at
kakayahan sa pagkakaroon ng
kumpyansa sa sarili o self
confidence?
A. Sa pagpapaunlad ng
angking talento at
kakayahan, mas natututo
ang isang taong gampanan
ang tunguhin sa sarili at sa
pamayanan na
nakatutulong sa
pagkakaroon ng self
confidence.
B. Ang pagpapaunlad ng
angking talento at
kakayahan ay
makapagbibigay sa isang
tao ng nararapat na
pagkilala sa kahusayan ng
sarili na makatutulong sa
pagkakaroon ng self
confidence.
C. Sa pagpapaunlad sa
angking talento at
kakayahan, mas
napabubuti ng isang tao
ang kagalingan niya sa
isang bagay na
makatutulong mailihis ang
pag-iisip sa mga kahinaan
na nagreresulta sa
pagkakaroon ng self
confidence.
D. Ang pagpapaunlad ng
angking talento at
kakayahan ay
makapagbibigay sa isang
19

tao ng puhunang
magagamit bilang
pundasyon sa larangan o
trabahong balak tahakin sa
hinaharap na
makatutulong sa
pagkakaroon ng self
confidence.

4. Ano ang kaugnayan ng Law of the


Seed sa pagiging mapagpursigi ng
isang tao?
A. Kung ikaw ay may
gustong makamtan, handa
ka dapat sumubok ng ilang
beses dahil tulad ng
napakaraming buto ng
puno ng mansanas, hindi
lahat ay magiging puno.
B. Tulad ng napakaraming
buto ng puno ng mansanas,
ang tao ay may iba't-ibang
angking talento at
kakayahan kung kaya't
kailangang tumuklas
lamang ng isang
pauunlarin.
C. Ang isang tao ay nararapat
magsumikap at
magpursige sa kanyang
paggamit ng angking
talento at kakayahan dahil
tulad ng napakaraming
buto ng puno ng mansanas,
tanging iilan lamang ang
nagiging puno.
D. tulad ng napakaraming
buto ng puno ng mansanas,
ang tao ay nararapat
magpursiging maging
20

mahusay upang
makapagbigay ng mas
malaking kontribusyon sa
pamayanang puno ng
napakaraming tao.

5. Ano ang tungkulin ng isang tao


para sa sarili at pamayanan?
A. Tungkulin ng taong
gamitin ang mga angking
talento at kakayahan na
bigay ng Diyos para sa
ikabubuti ng sarili at ng
ibang tao sa pamayanan.
B. Tungkulin ng taong
tuklasin ang mga angking
talento at kakayahan na
bigay ng Diyos at gamitin
ito para sa ikabubuti ng
mga tao sa pamayanan.
C. Tungkulin ng taong
paunlarin ang mga angking
talento at kakayahan na
bigay ng Diyos para sa
ikabubuti ng sarili at ng
ibang tao sa pamayanan.
D. Tungkulin ng taong
linangin ang kanyang
kumpyansa sa sarili o self
confidence upang magamit
ng wasto ang mga angking
talento at kakayahan na
bigay ng Diyos para sa
sarili at sa pamayanan.

Tamang Sagot:
1. A
2. C
3. B
21

4. C
5. A

A. Sanaysay/Essay (2)
Panuto: Basahin at unawain ang
bawat pangungusap. Ipaliwanag
ang sagot sa bawat bilang sa loob
ng limang (5) pangungusap
lamang.

1. Ano ang kahalagahan ng


pagtuklas at pagpapaunlad sa
angking talento at kakayahan?

2. Bakit mahalagang maintindihan na


ang layunin ng paggamit ng
angking talento at kakayahan ay
hindi lamang dapat para sa
pakinabang ng sarili, ngunit pati
ng lahat?

Inaasahang sagot:

1. Mahalaga ang pagtuklas at


pagpapaunlad sa talento at
kakayahan sapagkat nakatutulong
ito na mahubog ang tiwala sa
sarili, katatagan sa mga pagsubok,
pagtupad ng mga tunkulin at
paglilingkod sa pamayanan.

2. Mahalagang maintindihan na
ang paggamit ng angking talento
at kakayahan ay para sa
ikakapakinabang ng sarili at ng
lahat dahil ayon sa 1 Pedro 4:10,
ang talento ay dapat gamiting
pantulong para sa ikabubuti ng
lahat. Bilang isang taong
tinatamasa ang mga regalong
22

handog ng Diyos, nararapat na


gamitin ko ito ng may talino at
pagpapahalaga. May pananagutan
ang bawat isa sa atin na gamitin
ito ng naaayon sa nararapat na
gamit na may pagkilala sa
kapakanan ng lahat.

Takdang-Aralin Technology
(ASSIGNMENT) Dulog: Action Learning Integration

DLC No. & Statement: Stratehiya: Paggawa ng Tula App/Tool:


2.3. Napatutunayan na
ang pagtuklas at Panuto: Link:
pagpapaunlad ng mga
angking talento at 1. Sagutan ang isang maikling Multiple
kakayahan ay Note:
Intelligence Test gamit ang link na ito
mahalaga sapagkat ang https://lonerwolf.com/multiple-
mga ito ay mga kaloob Picture:
intelligence-quiz/.
na kung pauunlarin ay
makahuhubog ng sarili
tungo sa pagkakaroon 2. Matapos malaman ang iyong
ng tiwala sa sarili, Intelligence ay gumawa ng Acrostic na
paglampas sa mga tula ayon dito. (Visual/Spatial,
kahinaan, pagtupad ng Verbal/Linguistic, Mathematical/Logical,
mga tungkulin, at Bodily/Kinesthetic, Musical/Rythmic,
paglilingkod sa Intrapersonal, Interpersonal, Existential)
pamayanan
3. Ang lalamnin ng Akrostic na tula ay
ang kahalagahan ng pagtuklas at
pagpapaunlad ng angking talento at
kakayahan upang mahubog ang tiwala sa
sarili, paglampas sa mga kahinaan,
pagtupad ng mga tungkulin, at
paglilingkod sa pamayanan

3. Ang tula ay maaring tagalog o ingles

4. Ang rubriks para sa pagmamarka:

PAMANTAYAN PUNTOS

Kaugnayan sa Tema 60

Orihinalidad 20
23

Pagkamalikhain 15

Kabuuan ng Acrostic 5

KABUUAN 100

Halimbawa:

Espadang tinuring ang kamalayan

Xerox ng libro unang pinaghugutan ng


kaalaman

Inspirasyon ang mga manunulat sa


pagpapaunlad ng sariling talento at
kakayahan

Sushestyon nila’t ideolohiyay


minanghaan

Tengay laging nakaabang sa pangangaral


ng matatalinong nilalang

Estudyanteng nag-aaral, pinapahalagahan


ang sariling pag-unlad

Ngayoy ginagamit ang natutunan at


kakayahan upang makatulong sa
pamayanan

Tungkuliy tinutupad, kahinaay


nilalampasan

Inilugar ang talento’t kakayahan sa


kapakipakinabang na paraan

Ambag sa lipuna’y sanay magawa din ng

Lahat

Panghuling Gawain
(Closing Activity) Dulog: Value Inculcation Technology
Integration
DLC No. & Statement: Stratehiya: Panunumpa ng Pagpapahalaga
2.3. Napatutunayan na App/Tool:
ang pagtuklas at
24

Link:
Panuto:
pagpapaunlad ng mga Note:
angking talento at 1. Itaas hanggang balikat ang kanang
kakayahan ay kamay bilang tanda ng Picture:
mahalaga sapagkat ang panunumpa at sundan ang
mga ito ay mga kaloob nakasulat sa ibaba:
na kung pauunlarin ay 2. Ako si (Isaad ang Pangalan) na
makahuhubog ng sarili nangangakong tutuklasin at
tungo sa pagkakaroon
ng tiwala sa sarili,
pauunlarin ang aking mga
paglampas sa mga kakayahan at talento upang
kahinaan, pagtupad ng mahubog ang tiwala sa sarili at
mga tungkulin, at katatagan sa mga pagsubok. Mga
paglilingkod sa katangiang kakailnganin ko upang
pamayanan sa hinaharap ay matupad ko ang
aking mga tungkulin at
makapaglingkod sa pamayanan.

You might also like