You are on page 1of 3

Semi-detailed Lesson Plan in ESP - 7

Unang Markahan: Ikalawang Linggo - Ikalawang Sesyon


Modyul 2: TALENTO MO, TUKLASIN, KILALANIN AT PAUNLARIN!

I. MGA LAYUNIN
a. Natutukoy ang kanyang mga talento, kakayahan gamit ang Multiple Intelligences Survey
Form ni Walter Mckenzie
b. Natutukoy ang mga aspeto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala sa sarili at nakikilala
ang mga paraan kung paano lalampasan ang mga ito
c. Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at kakayahan ay
mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung pauunlarin ay makahuhubog ng
sarili tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng
mga tungkulin, at paglilingkod sa pamayanan
d. Naisasagawa ang mga kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga talento at kakayahan at
paglampas sa mga kahinaan

II. NILALAMAN
Modyul 2: TALENTO MO, TUKLASIN, KILALANIN AT PAUNLARIN!
Sanggunian: Gabay pangkurikulum sa ESP 7
Modyul ng Mag-aaral sa ESP 7 Pahina 58-60
Kagamitan: Kuwaderno, bolpen, PPT Presentation, Laptop, Projector

III. PAMAMARAAN
A. Panimula:
1. Pagbati
2. Pagsuri ng pagdalo sa klase
3. Balik-aral sa nakaraang aralin at /o pagsisimula ng bagong aralin
Balik-aral sa unang Gawain sa nakaraang sesyon

B. Pagtatalakay sa Aralin
(Ibabalik sa mga mag-aaral ang sinagutang Multiple Intelligence Survey noong nakaraang sesyon
upang tukuyin ang kanilang resulta)

PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO


Pagganap
Gawain 1
Hindi lamang ang iyong mga talento at kakayahan ang natuklasan mo gamit ang Multiple
Intelligence Survey, kilala mo rin ang iyong mga kahinaan. Paano mo nga ba malalampasan ang
iyong mga kahinaan?

Mababang Marka:
1. Logical-Mathematical
2. Naturalist
3. Existential
Itala ang mga ito sa iyong kuwaderno. Gumupit ng klipings tungkol sa mga taong matagumpay sa
mga larangang ginagamitan ng talino o talentong ito lalo na iyong mga nagtagumpay sa kabila ng
mga kahinaan nila sa larangang ito. Alamin kung paano nila pinaunlad ang mga talentong ito.
Magbasa ng mga pantulong o mga hakbangin kung paano malilinang ang mga talentong ito.
Marahil sa puntong ito ay malinaw na sa iyo kung bakit kailangan mong paunlarin ang iyong mga
kakayahan at talento, at malampasan ang iyong mga kahinaan.

Gawain 2
Nakahanda ka na ngayon na magplano upang paunlarin ang mga natuklasan mong talento at
malampasan ang iyong mga kahinaan. Tunghayan ang kasunod na tsart. Isulat at gawin ang
hinihinging mga impormasyon at gawain.

Tsart ng mga Kakayahan (Chart of Abilities)


Pangalan: ___________________________________ Petsa: _________________
Kasarian: ______Edad: ______Antas: _______
Panimula: Punan ang unang hanay ng mga asignaturang iyong pinag-aaralan ngayon.
Lagyan ng tsek / ang mga kakayahan na sa iyong palagay ay nakatutulong sa pag-aaral nang
mahusay. Iguhit ang:
X - kung sa iyong palagay ay taglay mo ang katangian
* - para sa asignaturang may pinakamataas na marka sa ikalawang hanay
Bilangin lamang ang mga tsek / na may katapat na X at *

PAGNINILAY
Magsulat ng isang pagninilay sa iyong dyornal.
1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili batay sa resulta ng “Tsart ng mga Kakayahan”?
2. May maitutulong ba ito sa kurso na gustong mong pag-aralan o trabaho na gusto mong
pasukan? Ipaliwanag.

IV. PAGSUSURI
PAGSASABUHAY
Gumawa ng Tsart ng Pagpapaunlad ng mga Talento at Kakayahan gamit ang iyong mga natuklasan
sa iyong sarili. Isualat sa kasunod na tsart ang iyong plano ng pagpapaunlad ng talento at
kakayahan. Ibatay ito sa naging resulta ng Multiple Intelligences Survey at Tsart ng Pagpapaunlad
ng Talento at Kakayahan.

V. GAWAING BAHAY
Maaaring ipagpatuloy sa bahay ang TSART NG PAGPAPAUNLAD NG MGA TALENTO AT
KAKAYAHAN.

Prepared by: District School


Taban, Raffy - Salay District Salay Central School
Nieves, Margie A. - Salay District IHGNHS
Mabao, Arlene - Salay District Looc NHS
Llausas, Christine M. - Lagonglong District Lagonglong CS
Valmoria, Sharra Joy O. - Sugbongcogon District Dampias A.O.R. NHS
Virtudazo, Wilma A. - Sugbongcogon District Binuangan CS
Paca, Elda A. - Sugbongcogon District Sugbongcogon CS

You might also like