You are on page 1of 4

❖ DEVELOPMENTALLY APPROPRIATE STRATEGIES

I. YUGTO NG PAG-UNLAD (Stage of Development)


● (Late Childhood) 9 - 12 taong gulang
● Junior High School (Baitang 7)

TUNTUNIN 2: MGA TALENTO AT KAKAYAHAN

II. MGA LAYUNIN (Objectives)


Sa loob ng 60 minuto 90% mula sa 40 na mag-aaral sa Baitang 7- Mapagmahal ay inaasahang:

PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standard)

 Maipamamalas ng mag-aaral ang angkop na pagsasagawa ng talento at kakayahan.

 Maisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng kanyang


mga talento at kakayahan.

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO (Learning Competencies)

 Matutukoy ang kanyang mga talento at kakayahan.

 Matutukoy ang mga aspeto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala sa sarili at
nakikilala ang mga paraan kung paano lalampasan ang mga ito.

 Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at


kakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung pauunlarin ay
makahuhubog ng sarili tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa mga
kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin at paglilingkod sa pamayanan

III. PAMAGAT NG GAWAIN (Activity Title)


Gawain 1: “Talento ko, pipiliin ko”
Gawain 2: “Talent Showcasing”
Gawain 3: “Mga Katanungan at Repleksyon”
IV. PANGKALAHATANG PAGLALARAWAN (General Description)
Ang bawat tao ay may likas na talento at kakayahan. Maaring ito ay sa pagkanta, pagsayaw,
pag-acting, pagpinta at marami pang ba. Sa pamamagitan ng “Talento ko, pipiliin ko” na gawain
ay magkakaroon ang mga mag-aaral ng pagkakataon upang maisaisip, matuklasan,
mapagtanto at malaman kung ano nga ba ang talento at kakayahan na mayroon sila. Ang
susunod naman na aktibidad ay tinawag naming “Talent Showcasing”, sa gawaing ito ay
mahuhubog at mapapaunlad ng mag-aaral ang kanyang talento at kakayahan sapagkat sila ay
magkakaroon ng pagkakataon na maipamalas at maipakita ang kanilang angking mga talento at
kakayahan. Sa gawain ding ito ay magkakaroon rin sila ng pagkakataon na maibahagi ang
kanilang mga talento at kakayahan sapagkat maaaring sa pamamagitan nito, maging
interesado ang ibang mga mag-aaral na pag-aralan, subukan at gawin ang uri ng talento at
kakayahan na kanilang naipamalas.
Ang huling gawain naman na “Mga Katanungan at Repleksyon” ay isang gawain kung saan
masusubok at masusukat ang kalaaman ng mag-aaral hinggil sa aralin na talento at kakayahan.
Dito malalaman kung ang dalawang gawain ba na kanilang isinagawa ay nakatulong sa kanila
sa pagtuklas ng kanilang angking mga talento at kakayahan at kung ito ba ay nakatulong na
mas makilala nila ang kanilang sarili.

V. MGA HAKBANG (Steps)


Gawain 1: “Talento ko, pipiliin ko”
Panuto: Sa loob ng limang minuto (5 minutes) ang bawat mag-aaral ay pipili sa limang
pagpipilian na ilalatag ng guro kung anong talento at kakayahan na mayroon sila at kung saan
sa tingin nila ay nababagay sila.
a. Pagkanta
b. Pagsayaw
c. Pagsulat (kwento o tula)
d. Pagguhit/Pagpinta
e. Pag-acting
Hakbang 1: Sila ay kukuha ng pangsulat at sususihin ang saril kung saan sa ibinigay na mga
pagpipilian ang talento at kakayahan na mayroon sila.

Gawain 2: “Talent Showcasing”


Panuto: Sa loob ng limang minuto (5 minutes) ang bawat mag-aaral ay bubuo ng pangkat base
sa pinili nilang kakayahan at talento na inilatag ng guro.

Hakbang 1: Matapos nilang maisulat sa isang papel ang kanilang pinili, hahanapin nila ang
kanilang mga kaklase na mayroong katulad nila na kakayahan at talento.
Hakbang 2: Sila ay bubuo ng pangkat base sa talento at kakayahan na pinili nila.

Hakbang 3: Sila ay mag-uusap at magpaplano kung ano ang nararapat nilang isasagawa upang
maipakita at maipamalas nila ang talento at kakayahan na mayroon sila. Sila ay bibigyan ng
karagdagang limang minuto (5 minutes) upang gawin ito.

Hakbang 4: Matapos ang mainam na pagpapalano ay bibigyan na naman sila ng karagdagang


labing-limang minuto (15 minutes) upang makapag-praktis.

Hakbang 5: Ang bawat pangkat ay bibigyan ng limang minuto (5 minutes) upang maipakita at
maipamalas ang talento at kakayahan na mayroon sila sa harap ng klase.

Gawain 3: “Mga Katanungan at Repleksyon (Takdang Aralin)”


Panuto: Ang bawat mag-aaral ay inaasahang sasagutan ang ibibigay na takdang-aralin ng guro
na mga pamprosesong tanong base sa dalawang Gawain na kanilang isinagawa.

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Sa iyong palagay mayroon bang posibilidad na mawala ang talento at kakayahan na
mayroon ka?

2. Nararapat bang tuklasin ang talento at kakayahan na mayroon ka? Sa anong paraan mo
naman ito mapapaunlad?

3. Naniniwala ka bang ang talento at kakayahan na mayroon tayo ay nararapat na ibahagi


sa iba?

4. Habang iyong ipinamalas ang talento at kakayahan na mayroon ka, nagtiwala ka ba sa


iyong sarili na maisasagawa mo ito ng maayos o ikaw ay nakaramdam ng hiya?

5. Base sa ikalawang gawain na inyong ginawa, anu-ano ang mga bagay na iyong
natuklasan at napagtanto? Masasabi mo bang ang talento at kakayahan na iyong pinili
sa unang gawain ay para sa iyo? Habang ikaw ba ay nagtatanghal sa harap ng klase ay
masaya ka o nakaramdam ka ng kakulangan?

Hakbang 1: Isusulat ng bawat mag-aaral ang mga katanungan sa kanilang ESP notebook.
Hakbang 2: Sapagkat ang gawaing ito ay takdang aralin, ito ay kanilang ipapasa sa susunod na
eskedyul ng klase.
VI. KATUWIRAN (Justification)
Ang talento at kakayahan ay nararapat lamang na matuklasan, mapaunlad, maipamalas,
magamit at maibahagi sapagkat magsisilbi itong isang pagkakakilanlan nang isang indibidwal.
Sa pamamagitan ng mga aktibidad na aming ibinigay, ay matutulungan ang mga mag-aaral na
mas makilala pa nila ang kanilang sarili, matuklasan kung saang talento at kakayahan sila
nababagay ukol sa isinisigaw ng kanilang puso at dito rin malalaman, mararamdaman at
mapagtatanto kung saang bahagi pa ng kanilang talento at kakayahan ang mas dapat pa nilang
ihubog. Kung saan rin ay mayroon pa silang pagkukulang na kailangan pa nila ng mainam na
pagpapaunlad at pagpapraktis nito. Sa pamamagitan ng mga gawain na ibinigay namin ay
maaari rin itong maging isang daan upang magkaroon pa sila ng dagdag kaalaman kung anu-
ano pa nga ba ang kanilang maaring matuklasan na mga talento o di kaya’y mga kakayahan na
maari nilang maangkin at magawa. Ang mga gawain at aktibidad na aming ibinigay sa mga
mag-aaral ay pare-pareho lamang ng layunin at ito ay ang angkop at matagumpay na pagkilala
at pagpapaunlad ng aming mga mag-aaral sa iba’t-ibang talento at kakayahan na mayroon sila.

SUBMITTED BY:
MARIJOE C. CASTROVERDE
ANGEL MAE ABUTON
PATRICIA DAWN GALILA
(BSEd Val.Ed.Cat.)

SUBMITTED TO:
MR. VENCE LLYOD QUINIT

You might also like