You are on page 1of 2

Survey Questionnaire

Project Initiative
Values-Based Leadership Program

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong na naayon sa iyong pagkakaunawa. Isulat
ang iyong sagot.

1.Ano sa palagay mo ang layunin ng Project Genesis, na isang Values-Based Leadership


Program na isinagawa sa iyong paaralan?
Sa aking palagay, ang layunin ng Project Genesis na isinagawa sa aming paaralan a ay
mas mailapit pa kaming mga guro sa ating panginoon. Kung naliligaw man kami ng landas
ito ang nagsisilbing instrumento upang kami ay magabayan pabalik sa kanya.

2. Masasabi mo bang naging matagumpay ang implementasyon ng Project Genesis sa iyong


paaralan? Kung OO ang sagot mo, sa paanong paraan?
Masasabi kong matagumpay ang isinagawang Project Genesis sapagkat isang patunay
rito ang pagbabagong naganap sa aking sarili kung saan mas natutunan kong lumapit at
kumapit sa ating panginoon.

3. Ano ang isang pinakaimportanteng leksyon ang iyong natutunan matapos mong sumailalim
sa programang ito?
Ang pinakaimportanteng leksyon na aking natutunan matapos sumailalim sa
programang ito ay ang palaging piliin maging mabuti sa lahat ng oras at pagkakataon
sapagkat kapag ikaw ay mabuti tiyak na taglay mo ang fruits of the holy spirit.

4. Magbigay ng tatlong naging positibong epekto sa iyo ng Project Genesis?


Naging bukas ang isipan sa mga pagbabago, nagkaroon ng pagkontrol sa mga bagay
na nagdudulot ng galit at sama ng loob at pagiging Mabuti sa kapwa sa lahat ng oras.

5. Matapos mong sumailalim sa programang ito, anu-ano ang narealize o napagtanto mo?
Matapos sumailalim sa programang ito, narealize ko na ang panginoon ay hindi tayo
kailanman iiwan kaya palagi lamang tayong manalig at magtiwala sa kanya.
6. Naghahangad ka ba na magkaroon ng Part II o ekstensyon ang programang ito?
Opo.

7. May ibang bagay ka pa bang natutunan bukod sa sagot mo sa tanong Bilang 3?


Opo. Ito ay ang huwag pansinin ang sasabihin ng ibang tao lalo na kung ikaw ay
gumagawa ng mabuti sapagkat wala itong bigat lalo na pagharap natin sa ating panginoon.
Sapagkat siya pa rin ang huhusga sa atin bandang huli.

8. Kani-kanino mo ibinahagi ang lahat ng natutunan mo sa programang ito?


Sa aking pamilya, kaibigan, at mga mag aaral.

9. Sa’yong palagay, mayroon bang pangangailangan o mahalaga ba na maibahagi ang mga


natutunan mo mula sa programang ito? Kung OO ang sagot mo, bakit?
Oo mahalagang maibahagi ang aking mga natutunan upang pati ang aking kapwa ay
ma enlighten sa kahalagahan ng panginoon sa ating buhay.

10. Kung mayroong isang importanteng suhestyon upang ma-improve pa ang programang ito,
ano ang iyong maimumungkahi?
Ito ay ang pagsasagawa pa ng ibat ibang klaseng activities na may kinalaman sa
panginoon.

You might also like