You are on page 1of 20

Programang MATATAG ni VP Sarah

Bilang isang estudyante, nararanasan ko dati pa, ang mga hindi ka


nais-nais na gawa ng DepEd, na kung sabihin pa ng iba ay; kapalpakan.
Mas lumala ito noong umusbong ang Online Classes na resulta ng
pandemya. Naging kwestyonable ang kalidad ng edukasyon ng
kabataan, dahil sa mga modyul na hindi naman maayos ang
pagkakagawa. Ako mismo ay naging witness nito nang makita ko ang
mga pinadala sa akin na mga modyul na may napakaraming
pagkakamali sa gramatika, impormasyon, at iba pa. Kaya, napukaw ang
aking interes nang malaman ko ang tungkol sa “Programang
MATATAG” ng ating bise-presidente.
Para sa akin na isang estudyante ng Senior High School, talagang
nakakaakit-akit ang mga plano ni VP Sarah, dahil sa mga rason na
sumusunod.
Una, ang layunin ng programang ito ang mabigyan ng kalidad na
edukasyon ang mga kabataan. Batay sa kanilang agenda, hinahangad ng
programang ito ang maihanda ang mga kabataan para sa pagtatrabaho, at
maging mapakinabang sila sa lipunan.
Pangalawa, Hinagangad ng programang ito ang masuportahan ang
bawat estudyante at mabigyan sila ng masaya at magandang karanasan
sa pag-aaral. Ninanais ng programang ito na mabigyan ng positibong
pananaw ang mga kabataan sa pag-aaral sa paraan ng pag-aalok ng
inklusibo na pag-aaral at pagpapahalaga sa mental health ng mga mag-
aaral, upang maiwasan ang diskriminasyon, mismatch, maitaguyod ang
mabuting kapakanan ng mga mag-aaral, at iba pa.
Pangatlo, isa sa mga layunin ng programang ito, ay ang pag-
upgrade ng mga guro. Hindi lahat ng guro ay mabuti at may sapat na
kaalaman sa kanilang propesyon. Base sa aking sariling karanasan,
marami akong nadaanan na mga guro na hindi naman marunong
magturo. Hindi lang ‘yan ang problema, maraming guro na mali ang
tinuturo, nakakabigay ng trauma sa kanilang mga estudyante, at
mayroon ring mga abusado. Kaya kinakailangan talagang suriin ng
mabuti ang bawat guro, upang masiguro na mabigyan ng kalidad na
edukasyon, at mabuting karanasan ang mga kabataan sa kanilang pag-
aaral.
Pang-apat, nakatutok rin ang programang ito sa imprastrakturang
pang paaralan. “Focus on school Infrastructure and facilities targeting
to build around 6,000 classrooms in 2023 and establishing fully
functional library hubs.” Ayon kay Marinell Rosit, Information Officer
III ng Creative Production Services Division ng Philippine Information
Angency, o PIA, ito ang isa sa mga nais ipatupad ng programang
MATATAG. Maraming paaralan ang namomroblema dahil sa
kakulangan ng mga silid-aralan, kaya talagang makabubuti ito, hindi
lamang sa mga mag-aaral, kundi pati sa mga guro rin.
At pang-lima, Ninanais ng programang ito ang maitaguyod ang
modernization ng mga paaralan para sa mabisa na pag-aaral. Sa
pamamagitan ng “E-classrooms,” mas mapapabisa ang pagtuturo sa
mga kabataan dahil mas madaling makakuha ng impormasyon ang guro
at estudyante, at mas mapapadali ang pagbigay, at paggawa ng mga
gawain.
Dahil sa mga adhikain at layuning ito, nakumbinsi ako na mabuti
ang Programang MATATAG ni VP Sarah para sa kapakanan ng bawat
kabataan. Hindi lamang napapadali ng programang ito ang paghahatid
ng kaalaman sa kabataan, kundi sinisiguro rin nito ang mabuting
karanasan para sa mga mag-aaral.
Kaya sa madaling salita, sang-ayon ako sa ipapatupad na program
ani VP Sarah na “MATATAG.”
Attention Deficit and
Hyperactivity
Disorder, Ano ba
talaga ito?

Ano ba ang Attention Deficit and Hyperactivity Disorder?


Ang ADHD, o Attention Deficit Hyperactivity Disorder, ay isa sa
pinaka karaniwang mental disorder sa kabataan. Ang mga sintomas nito
ay; kawalan ng atensyon, pagkamalikutin, at impulsido na mga gawain.
Ang ADHD ay kinokonsiderang isang chronic at debilitating disorder,
at naapektuhan nito ang isang indibidwal sa maraming aspeto sa
kanilang buhay, gaya nang; sa pag-aaral, mga relasyon sa ibang tao, at
higit sa lahat, sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Sintomas ng Attention Deficit and Hyperactivity Disorder


Ang pinaka karaniwang sintomas ng ADHD ay ang kawalan ng
atensyon. Ito ang pinaka nakakaagaw-pansin, at ang pinaka mahirap na
kontrolin sa lahat ng sintomas. Maliban sa kawalan ng atensyon,
mayroon pang ibang sintomas gaya ng; madaling mainip,
pagkamalikutin, mabilis mag salita, pagiging malimutin, at iba pa. Itong
mga sintomas na ito ay nakakaapekto sa trabaho, paaralan, sa nahay, o sa
relasyon sa ibang tao.
Mayroong tatlong pangunahing uri ng ADHD:
 Predominantly inattentive presentation
 Predominantly hyperactive/impulsive presentation
 Combined presentation
Ito ang pangunahing kategorya sap ag da-diagnose ng ADHD sa
kabataan, at pati na rin sa katandaan.
Maling Desisyon o Hindi?

“Madali lang naman.”


‘Hindi nga.’
“Ito, tuturuan kita.”
‘Wala akong naiintindihan.’
“Ba’t ba nahihirapan ka?”
‘Ewan ko rin.”
Maraming bagay ang pumapasok sa isip ni Ria habang siya ay
tinuturuan ng kaniyang kaibigan sa paksang Basic Calculus. Ngunit,
hindi niya maibubukang-bibig ang mga ito. Tahimik lamang siyang
nakangiti habang naiinip na ang kaniyang kaibigan sa kakaturo sa isang
taong wala naming naiintindihan.
“Ria, simple naman talaga ito kung pagsikapan mo talagang
matuto…” Para bang pinapagalitan na ng kaibigan si Ria. May punto
naman siya, madali lang naman talaga ang paksa na kanilang pinag-
aaralan, ngunit ang kawawang Ria ay hindi nakakahabol sa lebel ng
kaniyang mga kamag-aral.
‘Nagsisikap naman ako, eh. Kaya nga ako nagpapaturo sa iyo
dahil gusto kong matuto. Kasalanan ko bang bobo ako?’ Gaya ng lahat
ng sagot na naisip ni Ria kanina pa, hindi niya ito makayang sabihin sa
kaibigan. Tumawa na lamang siya at tumango.
“Pasensya na, ha? Nasayang ata ang oras mo kakaturo sa akin.
Hanggang ngayon, wala parin akong naiintindihan.” Napabuntong
hininga ang dalaga habang nakatingala sa silid-aklatan na tinatambayan
nila.
Napatingin siya sa mga estudyanteng nasa paligid nila. Ang iba ay
gumagawa ng takdang aralin, ang iba ay nagpapaturo rin sa kanilang
mga kaibigan, ang iba ay nagsasanay para sa kanilang mga report at
defense. Iba-iba ang ginagawa ng bawat tao sa loob ng aklatan, ngunit,
may isang pagkakatulad silang lahat. Napansin ni Ria na ang lahat ng
estudyanteng nakikita niya ay STEM students. Halata sa suot-suot nilang
mga lanyard na may nakasulat na “STEM.”
‘Sila rin, abalang-abala sa kanilang mga gawain, pero wala
akong nakikitang kahit isa sa kanila na namomroblema sa Calculus.
Ako lang ba? Ibang klase talaga ‘tong kabobohan ko.’ Ayun nanaman,
tumatakbo nanaman ang isip ni Ria. Kung ano-ano nanaman ang
pumapasok sa utak niya. Patuloy pa sana siyang mag-imagine ng
problemang hindi naman niya dapat problemahin nang mabara ang
kaniyang pag-iisip sa pagsasalita ng kaniyang kaibigan.
“Walang problema, Ria. Ang pagtuturo sa iyo ay nagsisilbing
review ko na rin. Pero, girl, sigurado ka bang wala ka talagang
naintindihan sa tinuro ko?” Habang nagsasalita, nililigpit na ng kaibigan
ang kaniyang mga gamit. Pinasok niya ang kaniyang mga kwaderno at
pluma sa kaniyang bag, at inayos na rina ng mga papel na nakakalat sa
kanilang lamesa.
Tumawa si Ria. “Wag kang mag-alala, girl, may naiintindihan
ako… Konti… Pero kaya ko nang pag-aralan ‘tong mag-isa.”
Isang kasinungalingan ang lumabas sa bibig ni Ria. Sa
katotohanan, ni isang bagay sa tinuro ng kaniynag kaibigan ay kaniyang
naintindihan, at mas lalong hindi niya kayang pag-aralan ang paksa nang
mag-isa.
“Sigurado ka jan, ha? O ano, mauuna na ako sa iyo, may meeting
pa kami sa math club. Kita na lang tayo mamaya sa klase.” Inayos ng
kaibigan ang kaniyang upuan bago ito kumaway at umalis.
“Ingat.” Sagot ni Ria habang kumakaway rin.
Nang makaalis ang kaniyang kaibigan, Nawala ang ngiti ng dalaga
at napalitan ito ng simangot. Napabuntong-hininga si Ria. Onti-onti na
siyang nawawalan nang pag-asa, at napapatanong sa sarili kung bakit ba
ang tanga-tanga niya. Bakit ba ang bobo niya, saan ba siya nagkulang?
Pakiramdam niyang isang napakalaking pagkakamali ang
pagpasok niya sa STEM. Noong una, kampante pa siya sa kaniyang
desisyon, at talagang naniniwala siya na kayang-kaya niya mag-aral sa
STEM, ngunit, habang tumatagal, mas lumalala ang pagsisisi ng dalaga.
Pwede naman siyang lumipat sa ibang strand, ngunit hindi makaya ng
kaniyang pride ang umamin na hindi niya kaya ang STEM, at lumipat sa
ibang strand na mas bagay sa kaniyang kakayahan.
Kahit nahihirapan na, kaya pa rin niyang maging mayabang. Ibang
klase talaga tong si Ria.
Pagbasa
Portfolio
Pagmamay-ari ni: Lindsay P. de Castro
STEM-E
Talaan ng Nilalaman

2.0 Tekstong Impormatibo


Unang
burador………………………………. 4
Pinal na
burador…………………………….. 5
3.0 Tekstong Naratibo
Unang burador…………………………..
…... 7
Pinal na
burador…………………………….. 9
4.0
Brochure……………………………………
…. 13
5.0
Poster………………………………………
…… 15
6.0 Tekstong Argumentatibo……………….
17
7.0 Tekstong
Prosidyural……………………. 20
8.0 Mga iba pang
gawain…………………….. 21

Tekstong
\

Impormati
bo
Tekstong
Naratibo
Brochure
Poster
Tekstong
Argumentat
ibo
Tekstong
Prosidyural
Mga iba
pang
gawain
Paano Gumawa ng Poster
1. Una, pag-isipan muna kung ano ang magiging
laman ng iyong poster. Tungkol saan ba ito?
Ano ba ang nais ipahiwatig nito?
2. Pangalawa, Isipin kung paano gawing kaakit-
akit ang iyong poster.
3. Kumuha ng mga larawan na gagamitin para sa
poster.
4. Kung gagamit ka ng template, ilagay lamang
ang mga larawan sa app na gagamitin at i-edit
ang nilalaman.
4.1 Kung mano-mano mo namang gawin ang
poster i-ayos ang mga larawan sa ninanais na
disenyo, at lagyan ng teksto at i-edit ito batay sa
ninanais na disenyo.
5. I-save ang poster at i-print

Tada!
Ito ang pinakapoging ginoong Remar

Pros: Cons:
Pogi Wala
Napakapogi
Sobrang pogi
Tunay na pogi
igop

You might also like