Professional Documents
Culture Documents
Gawain: (Nakalimbag, long bond paper, tipo ng titik-12, istilo ng tipo- TNR, espasyo-1.15)
Bumuo o sumulat ng isang di-pormal na sanaysay. Malaya kayong makapapamili kung anong
paksa ang inyong bibigyang-pansin. Gawing batayan ang “Organisasyon ng Teksto” na
nakabatay sa apat na bahagi.
Ang pagbabalik ng klase sa paaralan ay isa sa matinding isyu na pinag uusapan dito sa
ating bansa. Marahil ikaw mismo na nakakabasa ng akdang ito ay maraming kritisimo pagdating
sa usapin na ito. Kung ating titingnan, halos lampas isa’t kalahating taon na ang nakakalipas
pamula noong nasuspindi ang klase dahil sa pagdating ng pandemya at ngayon ay isa ang ating
bansa sa mga natitirang lugar na hindi pa naibabalik ang dating pormat ng pag aaral. Para sa’yo,
karapat dapat na nga ba itong ibalik? O mas mainam na ipagpatuloy padin ang bagong set-up ng
pag aaral na kinakaharap ng karamihang estudyante ngayon?
Samut-saring mga komento at ideya ang paulit ulit na umiikot sa iba’t ibang social media
account ukol sa pagbabalik ng klase sa paaralan ng mga estudyante. Karamihan sa aking mga
nakikitang estudyante ay nais na ibalik ang dating proseso ng edukasyon sa kadihalanan na
marami na ang sobrang nahihirapan sa kasalukuyang pamamaraan ng pag aaral. Kasabay nito,
marami din akong nasisilayan na mga opinyon ng mga magulang kung saan ay hindi sila
pumapayag na ipahamak ang buhay ng kanilang mga anak dahil lamang sa pag aaral sa
eskwelahan. Dahil sa mga ito, hindi maiiwasan ang walang hangganan na pagtatalo sa pagitan ng
mga taong gusto at ayaw ng personal na interaksyon ng mga estudyante sa paaralan.