You are on page 1of 3

Willard Eron R.

Pedernal
Grade 12 – STEM C
Pasulat na Gawain Blg. 5/ Pagganap Blg.5
Magsuri ng isang halimbawa ng akademikong papel batay sa nabanggit na ilang gabay sa
pagsusuri nito na nasa p.14 - 15. Subuking maghanap ng kahit anong akademikong papel
sa https://ejournals.ph/journals.php.
Akademikong Papel: “Kagat ng Langgam: Ang Malawakang pangamba Laban sa
Pagbabakuna at ang Banta nito sa Pampublikong kalusugan ng
Bansa”
I. Pagtiyak sa pinagmulan o kasaysayan ng gawang akademiko.
Sa unang bahagi pa lamang ng saliksik ay naisaad na ng mga may akda ang
kasaysayan ng paksa na kanilang napili. Sa bahagi na ito nagbigay ng impormasyon ang
mga mananaliksik tungkol sa kanilang panguhaing ideya at ang mga dahilan kung bakit
nila ito napili. Hindi man ito ganoon kahaba ngunit kumpleto ang datos nito at maayos na
naintindihan ng mambabasa ang nais iparating ng mga mananaliksik.
II. Pagtimbang sa kahalagahan ng paksa ng gawang akademiko.
Nagkaroon ng bahagi ang papel kung saan malumanay na ipinaliwanag ang
kahalagahan ng paksang kanilang tinatalakay. Sa parteng ito ay mainam na naipahayag
ang mga kahalagahan ng saliksik na kanilang isnagawa at ang mga magagandang epekto
nito. Naging maayos din ang paggamit ng mga salita ng mga may akda na mas
nakapagbigay-diin sa importansiya nito.
III. Pagtatasa sa linaw ng pagpapalitaw ng pangunahing ideya ng pag - aaral.
Malinaw na naisaad ng may akda ang paksa ng akademikong papel na
pumapatungkol sa paghahanap ng mga salik at impluwensiya na nagtutulak sa
malawakang pangamba laban sa pagpapabakuna at ang maaring implikasyon ng mga ito
sa konteksto ng pandemyang COVID-19. Idinagdag din ng mga mananaliksik sa kanilang
paksa ang pagimbestiga sa kasalukuyang lawak at paglaganap ng sentimyentong anti
bakunasyon o antibakser sa pamamagitan ng isang pag aaral ng kaso ng ilang mga piling
mamamayang edad 18 pataas mula sa Lungsod ng Lucena.
VI. Pag - uugnay ng pag - aaral sa iba pang pag - aaral.
Dahil sa ito ay isang uri ng pananaliksik, maingat na gumamit ang mga may akda
ng iba’t ibang pag aaral na makakatulong upang mas mapatibay ang kanilang saliksik.
Sinigurado rin ng mga mananaliksik na ang mga detalye na kinuha nila sa iba’t ibang
artikulo, journal, at mga pag aaral ay balido at mga napatunayan na, sa pamamagitan ng
paglalagay ng mga saggunian at ebidensiya na magpapatunay sa mga ito.
V. Pagsusuri ng disenyo ng pag - aaral.
Matagumpay na naipahayag ng may akda ang disenyo ng kanilang pag aaral kung
saan ito ay tutungo sa na disenyo. Ipinahayag rin nila ang dahilan sa pagpili nito kung
saan kanilang binigyang-diin ng mga mananaliksik na ang layunin ng kanilang
pananaliksik ay ang mapag aralan ang mga karanasan at pag uugali ng mga tao laban sa
pagbabakuna ng COVID-19.
VI. Pagsusuri ng paggamit ng datos.
Ang pangangalap ng datos sa nasabing pag aaral ay sa pamamagitan ng
dokyumentaryong pagsusuri kung saan magsasagawa ng mainam na pananaliksik ang mga
mananaliksik upang makahanap ng dokyumentrayong ebidensya at datos na sasagot sa una
at pangalawang kaugnay na suliranin. Maayos na napili ng mga may akda ang paraan ng
pangangalap ng datos sapagkat sa paraang ito ay mas makakakuha sila ng kongkreto na
impormasyon na mas makakatulong sa kanilang pag aaral.
VII. Pagsusuri ng paggamit ng teorya.
Maingat na pinili ng mga may akda ang teorya na mga ginamit sa saliksik at
sinigurado na ang mga impormasyon na ito ay napatunayan at base sa mga inilathala na
iba pang pananaliksik. Ang mga isinama na teorya ng mananaliksik ay nakatulong upang
makabuo ng sariling teorya ang mga may akda ng papel, kung saan nakapagbigay daan ito
sa kanila na magkaroon ng mas malinaw na direksyon sa pagsasagawa ng imbestigasyon.
VIII. Pagtatasa ng mapanuring katangian ng gawa.
Maayos ang naging daloy ng pangangalap ng impormasyon ng mga may akda at
naging organisado ang proseso nito. Mainam na sinuri ang mga nakalap na datos na
tumungo sa proseso ng coding at mga interpretasiyon. Bukod pa rito, gumamit padin ang
mga mananaliksik ng iba’t ibang litreratura na kaugnay sa pagsusuri ng mga datos na
kanilang nakuha.
IX. Pagtatasa sa linaw ng kongklusyon.
Malinaw na nasulat ang konklusyon ng kanilang pag aaral kung saan ito ay
naisaayos sa pagkakasunod-sunod ng kanilang mga layunin. Maayos na naipaliwanag ito
isa-isa at buo na nailahad ang mga resulta na kanilang nahinuha sa mga detalye na
nakalap sa mga respondante.
X. Pagtatasa sa kalidad ng komunikasyon.
Bilang pangkabuuan, naging pulido ang kalidad ng impormasyon na ginamit sa
buong pag aaral. Dahil din sa mga dokumento na kalakip sa akademikong papel, magiging
isa itong patunay na matagumpay na naisagawa ang pagiimbestiga at ang mga datos na
inilagay sa papel ay mga katotohanan at hindi dumaan sa mga pagmamanipula. Dahil dito,
naging maayos ang pagsasagawa ng pananaliksik at masisigurado ng mamababasa na
maganda ang kredibilidad ng naturang papel.

You might also like