You are on page 1of 2

Willard Eron R.

Pedernal Grade 12 – STEM C Cherrie Mae Dimaala

Pagganap Blg. 3
Gumawa ng sariling ulat o report batay sa alinman sa natalakay na uri nito investigative
report, annual report, weather report, police report o scientific report).

Weather Report
Magandang umaga mga Kababayan! Narito sa inyong harapan ang mag uulat ng
impormasyon tungkol sa ating panahon, Willard Eron Pedernal at Cherrie Mae Dimaala.
Kung titingnan natin ang ulat galing sa Weather Forecast ng PAGASA kaninang
alas-otso ng umaga, makikita natin ang tinatawag na shear line na patuloy na nagbibigay
epekto sa kanang bahagi ng Northern at Central Luzon. Mayroon din tayong tinatawag na
Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na patuloy na umaapekto sa mga lugar tulad ng
Palawan at Mindanao. Dahil dito, makakaranas ng maulap na kalangitan at konting pag
ulan kasabay ang mahihina hanggang katamtaman na hangin ang mga lugar tulad ng
Batanes, Cagayan, Apayao, Isabela, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur,
Catanduanes, Davao Region, Palawan, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi. Ang mga rehiyon
naman tulad ng Ilocos, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Central
Luzon ay makakaranas ng bahagyang maulap na kalangitan at hiwa-hiwalay na mahinang
pag-ulan, na may kasamang katamtaman hangang malalakas na ihip ng hangin. Inaasahan
naman ang bahagyang kaulapan na may pulu-pulong mga pag-ulan at pagkulog ang parte
ng Metro Manila at ang mga natitirang bahagi ng bansa.
Itinaas naman ang Gale Warning Signal sa parteng itaas at kanan na tabing dagat ng
Northern Luzon (kabilang ang Batanes, Cagayan kasmaa ang Babuyan Islands, Isabela at
northern coast ng Ilocos Norte) pati ang kaliwang bahagi ng nasabing lugar (kaliwang
baybayin ng Ilocos Norte). Asahan din ang mga katamtaman hanggang malalakas na alon
sa mga natitirang bahangi ng Northern at Central Luzon at mahihina hanggang
katamtaman na alon sa mga natitirang bahagi ng bansa. Dahil dito, mahigpit na
pinagbabawal ang pagpalaot ng mga mangingisda at iba pang maliliit na sasakyang
pandagat sa natuturang panahon.
Iyan lamang po ang lahat ng impormasyon patungkol sa ating panahon ngayong
araw na ito. Muli, kami ang inyong tagapag ulat, Willard Eron Pedernal at Cherrie Mae
Dimaala, na laging nagpapaalala na “Ang buhay ay Weather-weather lang, kung kaya’t
maging I am ready tayo sa bawat oras!”. Maraming salamat!
Sanggunian:
Juanillo, E. (2021, November 26). PAGASA. Retrieved November 26, 2021, from
https://www.pagasa.dost.gov.ph/agri-weather.

You might also like