You are on page 1of 1

Ang aking tatalakayin para asignaturang Araling Panlipunan ay tungkol sa KLIMA at PANAHON dito sa Pilipinas.

Bakit napakainit ng
panahon sa Pilipinas lalo na sa mga buwan ng Marso at Abril. Malamig naman ang panahon sa buwan ng Disyembre hanggang
Pebrero. Katunayan umabot pa sa 9.4C sa Baguio noong Pebrero ng taong ito.

May epekto ang lokasyon ng isang bansa sa klima at panahon dahil sa latitude o lokasyon ng lugar, o dahil sa hangin, o sa
temperatura, o dahil sa altitude o taas ng lugar, o sa katubigan, o sa dami ng ulan.

Pag-usapan natin ang LATITUD o LOKASYON NG LUGAR bilang dahilan sa pagbabago ng klima dito sa Pilipinas. Ang mga lugar na
nasa mababang latitude at malapit sa ekwador ay direktang nasisikatan ng araw. Tropical ang klima dito tulad ng sa Pilipinas at may
dalawang uri ng panahon dito: ang tag-ulan na nagsisimula sa buwan ng Mayo hanggang Oktubre at ang tag-araw na nagsisimula ng
Nobyembre hanggang buwang ng Mayo.

Ano naman ang epekto ng HANGIN sa ating klima at panahon? Ang ating bansa ay nakakaranas ng trade winds na dumadaloy mula
hilagang-silangan patungong ekwador. Ang lugar na ito ay nakatatanggap ng direktang init ng araw kaya’t ang hangin ay mainit.

Ang mga uri ng hanging umiihip sa Pilipinas ay nakakaapekto rin sa klima ng bansa. Hindi sa isang direksyon lamang ito nanggagaling.
Ang panaka-nakang hanging ito ay tinawag na monsoon. Ang hanging habagat o southwest monsoon ay nanggagaling sa timog-
kanluran na may malamig na hangin dala nito. Nararamdaman ito sa buwan ng Mayo hanggang Setyembre at dala nito ang ulan at
bagyo sa bansa. Ang hanging amihan o northwest monsoon naman ay nagmumula sa hilagang-silangan (mula sa China at Siberia) na
may dalang malamig na hangin ito. Nararanasan ito sa buwan ng Nobyembre hanggang Pebrero.

Punta naman tayo sa TEMPERATURA. Ang tawag sa init o lamig ng isang bagay o lugar ay temperatura. Umiinit o lumalamig ang
temperature ng isang lugar ayon sa latitude, taas o baba ng altitude ng lokasyon, pagsikat ng araw, dami ng ulan, hanging
nararanasan sa lugar ar layo nito sa mga dagat at karagatan. Ang matataas na lugar ay nakakaranas nang mas mababa o malamig na
temperature kaysa sa mababang lugar o kapantay ng dagat.

Sa ibang dako naman, nag-iiba-iba rin ang klima ayon sa TAAS NG LUGAR o ALTITUDE. Palamig nang palamig ang klima sa pagtaas
ng lugar tulad ng lungsod ng Baguio. Maulan sa mga lugar na ito dahil kaunti lang ang hangin.

Ang mga malalaking KATUBIGAN ay may epekto rin sa ating klima. Mas mainit dito kung gabi kaysa sa araw. Kapag maghapong
sumikat ang araw sa isang katubigan, tumataas ang temperature rito. Pagdating ng gabi, mainit na ito. Bumababa ang temperature
dito kapag palubog na o hindi na nasisikatan ng araw. Pagdating ng umaga, malamig na ito.

Ang mga anyong tubig kagaya ng El Niño at La Niña na nakapaligid dito sa Pilipinas ay may epekto rin sa ating bansa. Ang El Niño ay
ang pag-init ng tubig sa bahagi ng Pacific Ocean at ang La Niña naman ay ang paglamig ng tubig nito. May malaking epekto ang mga
penomenang ito sa pabago-bago ng klima ng iba’t-ibang bansa sa mundo.

Nagkakaiba-iba rin ang panahon sa Pilipinas dahil sa DAMI NG ULAN na nararanasan ng iba’t-ibang lugar dito. Mas maulan sa
silangang bahagi ng Pilipinas kaysa sa ibang lugar dahil sa Pacific Ocean kung saan karaniwang nagmumula ang mga bagyong
nagdudulot na malalakas na hangin at ulan.

Hayan! Naiintindihan natin kung bakit mainit ang panahon dito sa ating bansa at kung bakit minsan maulan din dito. Palapit na rin ang
buwan Disyembre o simula ng panahon ng taglamig. Ihanda na natin ang ating mga panglamig na kasuotan! Paalam at manatili tayong
ligtas sa covid!

smile 

You might also like