You are on page 1of 3

Panahon at klima sa Pilipinas

SUMMARY
Mga layunin para sa aralin:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

*Mailalarawan ang klima ng Pilipinas bilang isang bansang tropikal ayun sa lokasyon
nito sa daigdig;

*matutukoy ang mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa tulad ng temperatura,
dami ng ulan, at humidity ;

*Maipaliliwanag ang pagkakaiba ng panahon at klima sa iba't ibang bahagi mundo;at

*maiuugnay ang uri ng klima at panahon ng bansa ayon sa lokasyon nito sa daigdig.

Klima at Panahon sa Pilipinas

Ang kalagayan ng panahon ay bunsod ng mga salik na

>Temperatura

>Pamumuo ng Ulap at Presipitasyon

>Dami ng ulan

>Bilis ng hangin

>Humidity

Ang klima ay naaapektuhan ng

>Latitude

>Topograpiya

>Altitude o taas ng lugar

>Galaw at uri ng hangin

>Distansya mula sa karagatan

FOCUS AREA 1
Panahon at Klima

PROBLEM
>Ang klima ay tumutukoy sa kainaman o average na kundisyon ng atmospera sa loob ng
mahabang panahon. Ito ang inaasang pangkalahatang kalagayan ng himpapawid na
naglalarawan ng karaniwang nararanasan sa bawat taon o kaya ay naranasan na sa
nakaraan.

>Halimbawa, kapag sinasabing nagsisimula ang tag-ulan sa Pilipinas sa buwan ng


Hunyo hanggang sa Oktubre, ito ay paglalarawan ng klima. Ang pagtukoy sa buwang
nabanggit ay nababatay sa karaniwang nangyayari sa kapuluan ng Pilipinas taon-taon
o kaya ay nagyayari sa nakalipas.

>Bahagi rin ng paglalarawan ng klima ang pagbanggit ng mga natatalang extreme


value, gaya ng pinakamataas na temperatura na naranasan o pinakamalakas na pag-
ulan.
KLIMA

>Ang Panahon ay tumutukoy sa kalagayan ng atmospera sa loob ng isang araw,


nilalarawan nito ang kundisyon ng himpapawid sa mas maikling oras gaya ng isang
araw na nakakaapekto sa mga gawain ng mga tao.

>Ito ay pabago-bago, sa loob ng oras o kahit minuto. Sa paglalarawan ng panahon o


weather, nababanggit din ang mga salik gaya ng temperatura, kahalumigmigan o
humidity, presipitasyon, kaulapan,hangin, at atmospheric pressure.

PANAHON

FOCUS AREA 2
Mga natural na salik na nakakaapekto sa Klima

LATITUD

Latitud mga pahalang na linya sa mapa o globo. Ang latitud ang nagbibigay ng
lokasyong hilaga o timog ng ekwador. Ito rin ang mga linyang ginagamit upang
tukuyin ang klima sa isang bahagi ng mundo. Mayroong 3 pangunahing latitud ang
globo:

ALTITUD

Ang altitud o ang distansiya ng kinaroroonan ng isang lugar ay nakakaapekto sa


klima. Sa mataas na latitud ay higit na malamig at nababalot ng yelo sapagkat hindi
ito tinatamaan ng init ng araw. Sa gitnang altitud naman ay katamtaman lang at
sobrang init naman sa sa mababang latitud.

DISTANSYA MULA SA KARAGATAN

Mahalagang salik ng klima ang mga karagatan o katubigang nakapaligid sa isang


lugar. Ang karagatan ang nagiging imbakan ng init ng araw na nakakapekto sa
temperatura ng himpapawid. Ang tubig ng karagatan ang pinagmumulan ng presipitasyon
na nagiging dahilan ng pag-ulan . Dahil ang karagatan ang humihigop sa temperatura,
at ang tubig nito ay madaling uminit, naaapektuhan nito ang klima ng mga nasa
baybaying lugar. ito ang dahilan kung bakit mas malamig ang temperatura sa mga
baybaying pook kapag tag-init, at mas mainit kapag taglamig

Latitud, Altitud at Distansya mula sa mga karagatan

TOPOGRAPIYA

Ang mga kabundukan o ang uri ng kalupaan ng isang lugar ay nakakaapekto sa klima ng
isang lugar.Ang mga bundok at bulubundukin ang nagsisilbing pananggalang sa
paggalaw ng mga hangin at sa kahalumigmigan. Ang bahagi ng natatamaan ng hangin ay
may naiibang uri ng klima sa kabilang bahagi ng bundok.Sa mga lugar na nahaharangan
ng mga bundok, bihira ang pag-ulan at ang ibang lugar ay nagiging disyerto pa.

GALAW AT URI NG HANGIN

Ang Hanging Habagat (Southwest Monsoon) ay isang maulap, mainit, at basang klima na
karaniwang nabubuo sa pagitan ng mga buwan ng Mayo at Hunyo at lumalakas sa mga
buwan ng Hulyo at Agosto.

. Ang Hanging Amihan (Northeast Monsoon) ay isang malamig at tuyong hangin na


nababasa sa pagsipsip nito ng tubig habang kumikilos. Kadalasan itong nakaaapekto
sa Pilipinas tuwing buwan ng Oktubre hanggang Marso.
TOPOGRAPIYA AT GALAW NG HANGIN

FOCUS AREA 3
MGA SALIK NA MAY KINALAMAN SA PANAHON

TEMPERATURA AT KAHALUMIGMIGAN O HUMIDITY


TEMPERATURA

Ang temperatura o kaintan ay ang sukat ng kasidhian ng kainitan o kalamigan ng


isang bagay, katulad ng mula sa katawan ng isang tao at sa lagay ng panahon. Sa
kahulugang makaagham, ang temperatura ay ang pisikal na dami o kantidad na
naglalarawan kung gaano kabilis gumagalaw ang mga molekula sa loob ng isang
materyal o bagay.

KAHALUMIMIGAN O HUMIDITY

Ang humidity o halumigmig ay ang dami ng singaw ng tubig (water vapor) sa hangin.
Ang kakaunting humidity o napakataas na halumigmig ay delikado sa buhay ng isang
tao. Ang halumigmig ay gumaganap ng mahalagang gampanin sa ating araw araw na
nararanasang panahon. Kung walang singaw ng tubig, ang ating panahon ay matutulad
sa panahon sa planetang Mars, walang ulap, ulan, snow, kidlat at mga kulog.

PRESIPITASYON, DAMI NG ULAN T BILIS NG HANGIN


PRESIPITASYON

Ang tubig ay sumasailalim sa singaw (evaporation), paglapot (condensation), at ulan


(precipitation), bumabalik muli ito sa mundo. Ito ay, ayon sa agham pandaigdig, ang
siklong biyoheokimikal o ang pagpalit ng substansya o ang siklo ng substansya na
isang daan kung saan ang sustansyang kemikal ay dumaraan sa parehong buhay
(biosphere) at hindi buhay (litospera, atmospera, at hidrospera) na bahagi ng
mundo. Ang ulan ay isang klase ng presipitasyon, na isang produkto ng kondensasyon
ng tubig na atmosperika na natitipon sa lupa.Ito ay nabubuo kapag ang mga patak ng
tubig ay nalalaglag sa lupa galing sa mga ulap. Hindi lahat ng ulan ay nakakaabot
sa lupa; ang iba ay sumisingaw habang dumaraan sa hangin. Kapag walang nakakaabot
sa lupa, ito ay tinatawag na virga, isang pangyayari na kadalasang nangyayari sa
mga maiinit at tuyong lupain, ang mga disyerto.

DAMI NG ULAN

Ang dami n ulan ay isa rin sa mga salik na may kinalaman sa klimang nararanasan sa
isang lugar. ang iba't ibng lugr sa ating bansa ay nakararanasan ng kakaibang dami
ng buhos ng ulan.

BILIS NG HANGIN O WIND SPEED

Ang bilis ng hangin ay dahil sa paggalaw nito mula sa mataas hanggang sa mababang
pressure dulot ng pagbabago ng temperatura.

You might also like