You are on page 1of 9

Ang Pinagmulan ng Daigdig

Layers of the Earth

Ang Planetang
Earth
Ikatlong planeta
mula sa araw
Ang pinaka
malayong distansya ng daigdig sa araw ay tinatayang 152 milyong kilometro
Ang pinaka malapit na distansya ay tinatayang 147 milyong kilometro
Umiikot ito sa araw gaya ng ibang planeta
Ikalima sa pinaka malaking planeta
Oblate spheriod ang hugis nito
Buwan ang natural satellite nito
Umiikot ito sa sarili nitong axis
Nakahilig ito ng 23.5 degree
71% nito ay tubig at 29% nito ay lupa
Ang ating Solar System
Binubuo ang solar system ng bituin na nasa gitna at pinalilibutan ng mga planeta
Inner planets ay ang Mercury, Venus, Earth at Mars tinatawag din itong Terrestrial
Planets dahil sa pagkakaroon nito ng solido at mabatong ibabaw
Outer planets ay ang Jupiter, Saturn, Uranus at Nuptune tinatawag din itong Jovian
planets o mga higanteng planeta. Malalaki ang mga ito at binubuo halos ng gas.
Bahagi din ng Solar System ang Milky Way Galaxy.

Milky Galaxy- Kumpol ng mga bituin at planeta kung saan kabilang din dito ang
ating solar system
Teorya tungkol sa pinagmulan ng Earth, Solar System at Universe
Batay sa Agham
Solar Nebula
Nagmula ang araw at iba pang planeta mula sa isang malaking ulap ng gas at
alikabok na tinatawag na solar nebula
Nagmula ang gas at alikabok ng solar nebula sa isang bituin na nagwakas ang buhay
sa pamamagitan ng malakas na pagsabog na tinatawag na supernova
Ang solar nebula ay binubuo ng mga kemikal na elemento tulad ng hydrogen ang
pinaka magaan na elemento
Bunga ng grabitasyon, unti unting nabuo ang masa mula sa gas at alikabok na nasa
solar nebula.
Ang mga masa na ito ay nagkumpol kumpol o nagsasama sama at lumaki hanggang
sa ito ay naging mainit.
Malaon ang atoms at hydrogen ay nagsama sama sa loob ng malaking ulap at ang
reaksyong nuclear na ito ang naging araw at ibang planetaa
Planetisimal
Ayon sa teoryang ito, bumababa ang temperatura kasabay ng paglayo ng distansya
mula sa gitna ng solar nebula.
Dahil sa puwersa ng grabitasyon ang maliliit na masa ng mabatong materyal (matter)
ay malaong nagsama sama gayundin ang alikabok na nagmula sa orihinal na solar
nebula nakabuo ng mga proto planets o planetisimals.
Ang mga planetisimal na ito ay nagbanggaan, naghiwahiwalay, at muling nagsama
sama hanggang sila ay naging mga planeta
Big Bang Theory
Ipinapaliwanag ng Big Bang na may naganap na napaka lakas na pagsabog nang
mabu ang Universe
Ang malakas na pagsabog ay nagbigay daan upang upang kumawala ang lahat ng
materya at enerhiya sa universe at ito ang lumikha sa mga galaxy

Steady State
Ito ang teoryang taliwas sa paliwanag ng Teoryang Big Bang.

Ayon dito walang naganap na malakas o malaking pagsabog dahil sa simula pa


lamang ng panahon ay hindi na nagbago ang solar system
Batay sa Relihiyon
Sa pananaw ng ibat ibang relihiyon sa mundo, ang ating daigdig ay nilikha ng
kinikilala nating Diyos.
Sa relihiyong Kristyanismo ang paglikha ng Diyos sa mundo ay nakasaad sa Bibliya
sa aklat ng Genesis
Ang kontinente ng Daigdig
Continental Drift Theory- teorya nagpinagmulan ng pitong kontinente kung saan
mula daw ito sa kumpol na lupaing tinatawag na Pangaea
Ang pitong kontinente
1. Asya
2. Africa
3. North America
4. South America
5. Antartica
6. Europe
7. Australia o Ocenia
Asya

ang pinaka malaking kontinente sa mundo.


saklaw nito ang halos 30 porsiyento ng kalupaan sa daigdig.
matatagpuan sa Asya ang pinakamababa at pinakamataas na bahagi ng mundo
pinaka mataas ay ang Mount Everest at ang pinaka mababa ay ang Dead Sea
Dahil sa lawak ng Asya, ito ay nahahati sa limang rehiyon ang Silangang Asya,
Timog Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya at Gitnang Asya

Karamihan sa mga bansa sa kanlurang Asyaay itinuturing na kabilang sa Middle


East o Gitnang Silangan- isang rehiyon na kinabibilangan ng Egypt
ang Russia ay Itinuturing na bicontinental na bansa dahil ang 30% ng kalupaan nito
ay nasa Asya ang ang natitirang bahagi ay nasa Europe

may 49 na bansa ang Asya

Ang taiwan ay hindi kinikilang bansa ng ibang bansa ng Asya dahil ito ay nasa ilalim
ng republika ng China

Africa
ang Africa ang pangalawang pinaka malaking kontinente sa mundo saklaw ang 23
porsiyento ng kabuuang kalupaan ng mundo
Nahahati ang Africa sa dalawang rehiyon- ang hilagang Africa na nasa hilaga ng
Sahara, ang pinaka malaking desyerto sa mundo at ang Sub-Saharan Africa na nasa
timog Sahara Desert.
ang Sub- Sahara Africa ay tinatawag din na "Black Africa".
ang Sahara ang pinakamalaking disyerto sa buong mundo na nakalatag sa hilagang
bahagi ng kontinente mula atlantic Ocean hangang Red Sea.
Ang Klima at Panahon
Panahon
Ang panahon (weather) ay maaring magbago sa bawat oras o araw.
Kabilang dito ang hangin,temperatura,halumigmig,atmospheric
pressure,cloudiness, sinag ng araw, at presipitasyon o ulan.
Klima
ang klima ang pangkaraniwan o pangmatagalang panahon sa isang lugar sa
loob ng mahabang panahon(taglamig,tag-init, tagsibol at taglagas) at iba pang
kaganapan sa panahon tulad ng buhawi,baha at bagyo.
Ang mga salik na nakaapekto sa klima ay latitud at ang impluwensya nito sa
Solar Radiation, masa ng hanging,lokasyon ng mataas at mababang pressure
zone,palitan ng init mula sa mga ocean current,distribusyon ng mga
kabundukan, hangin, distribusyon ng lupa at latitude
Tatlong Pangkat ng Klima
Maaring pangkatin ang klima batay sa pangingibabaw ng mga masa ng hangin
sa bawat panahon- ang Mababang Latitud, Gitnang Latitud at Mataas na
latitud
Mababangit sa paglalarawan ng klima ang mga uri ng biome.
Ang Biome ay isang heograpikal at malawak na lugar na may natatanging uri
ng hayop at halamang nabubuhay.
ang pangunahing biome ay kinabibilangan ng disyerto, kagubatan, damuhan,
tundra at iba pa.
Paglalarawan sa mga uri ng klima sa mundo

I. Klima sa mababang latitud-kontrolado ang klima ng masa ng hanging tropikal


1. Tropical Moist Climates(Rainforest)
Ang Rainforest ay kakahuyan na may malalagong puno at halaman. Sa mga
rehiyong ito ay may mataas na temperatura at madalas ang pagulan sa buong
taon.Dahil sa init at halumigmig ay nabubuo sa katanghalian ang ulap na cumulus.
2. Wet Dry Tropical Climates (Savanna)
Ang savanna ay malawak na damuhan na mayroong iilangmagkakahiwalay ng
puno.
ang trade winds ang nangingibabaw sa panahon ng tagtuyot.
ang trade winds ay hangin na umiihip pakanluran at patungo sa ekwador mula sa
hilaga at Timog hemisphere.
sa mga rehiyong savanna ay bahagyang malamig ang panahon ng tagtuyot subalit
ito ay nagiging mainit bago magsimula ang panahon ng tag-ulan
3. Dry Tropical Climate(Desert)
Ito ang klima sa mga disyerto na nasa mababang latitud na tinatayang nasa pagitan
ng 18 celsus to 28 celsus sa bawat hemisphere ng daigdig.
mainit at tuyo ang klima sa rehiyong ito na tinatayang 12 porsento ang saklaw sa
kalupaan ng daigig.
II.Klima sa Gitnang Latitud- ang klima sa sonang ito ay naapektuhan ng dalawang
magkakaibang masa ng hangin.Ang masa ng hanging tropikal na papunta sa
ekwador.Ang dalawang masa ng hangin na nabanggit ay nagiging makasalungat.
1. Dry Midlatitude Climates (steppe)
Ang Steppe ay malalawak na damuhan.
ang klima sa mga lugar na ito ay tuyot dahil kakaunting ulan na natatanggap ng
rehiyong ito.
maari ring tawagin ito disyerto kung magiging madalang ang pag-ulan
ang ganitong tuyong klima ay nasa loob ng rehiyon ng North america at
Eurasia.
2. Mediterranean Climate(chaprral)
Ang Chaparral ay hango sa salitang Espanyol na Chaparra na
nangangahulugang "Scrub Oak".
ito ay tumutukoy sa lugar kung saanmaraming makikitang damo na may maliit
na berdeng dahon.
ang klima sa lugr na ito ay may maulan na taglamig at mahaba ang tuyong taginit
3. Dry Midlatitude Climates (grasslands)
Ang mga tuyong klima na ito ay nasa kaloob-looban ng North America at
Urasia
Ang mga masa ng hangin mula a karagatan ay hinaharangan ng mga

kabundukan sa kanluran at silangan.


Mayroon lamang kakaunting ulan ang bumagsak sa rehiyong ito
ang temperatura dito ay pabago-bago sa buong taon
4. Moist Continental Climate
(Deciduos Forest)
Ang klimang ito ay nasa sona malapit sa mga polar kung saan nagtatagpo ang
masa ng hanging tropikal.
Malaki ang ang pagkakaiba ng panahon ng tag-init at taglamig
pababago rin ang temperatura araw araw
III. Klima sa Mataas na Latitud- Nangingibaw sa rehiyong ito ang masa ng hanging
polar at arctic .Ang Canada at Siberia ay kabilang sa pangkat na ito.
1. Boreal Forest Climate(Taiga)
Ang klimang ito ay mahaba at napakalamig, maikli, at malamig na panahon ng
tag-init
Matatangpuan ang klimang ito sa rehiyon kung saan umiiral ang masa ng
hangin
2. Tundra Climate
Ang tundra ay ang kapatagan ng Artic.
Ang klimang ito ay makikita sa mga baybaying lugar ng Artic
Ang mga masa ng hangin polar at Arctic ang mangingibabawa sa mga lugar na
ito.
ang panahon ng taglamig ay nahaba at matindi ang lamig
3. Highland Climate (Alpine)
ang klima na ito ay malamig na makikita sa mga kabundukan at matataas na
talampas
Climate Change
Tumutukoy ang climate change sa mga pagbabago sa mundo, kontinente,
rehiyon at sa mga lokal na payamanan.
Nakaaapekto ito sa pattern ng pag ulan, bagyo, tagtuyot,panahon,halumigmig,
at lebel ng tubig sa dagat
Ang Climate Change at ang magiging epekto nito ay maaring hindi na
mababago kapag nasimulan na.
Ang pamumuhay sa mundo ay maaring maging mahirap sa hinaharap kapag
ito ay hindi naagapan

Global Warming
Ang global warming ay ang pagtaas ng karaniwang temperatura ng mundo bunga
ng pag-ipon ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases sa atmospera na dulot
ng mga gawain ng tao
mayroon matibay na ebidensya na ang malaking sanhi ng Global Warming ay
bunga ng gawain ng mga tao
Ang mataas na antas ng carbon dioxide sa ating atmospera ay nagdudulot ng
pagtaas ng temperatura
HEOGRAPIYA NG TAO
Wika-Itinuturing na kaluluwa ng isang kultura
Language family-mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag ugatan
Austronesian- ang pamilya ng wikang pilipino
Indo- European- pamilyang wika na may pinaka maraming taong gumagamit
Relihiyon-Kalipunan ng paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa
isang kinikilalang makapangyarihang diyos
Religare-salitang ugat ng relihiyon na nangangahulugang buuin ang mga bahagi para
maging magkakaugnayang kabuuan nito
Ang salitang etniko ay nagmula sa salitang Greek na ETNOS na nangangahulugang
mamamayan
Hinduismo- Matandang relihiyong umunlad sa india
Kristiyanismo- Relihiyong may pinaka maraming tagasunod
Lahi/race- tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao gayundin ang
pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat
Etniko- Pangkat ng taong may iisang kultura
North America
Ang North America ang ikatlong pinaka malaking kontinente
kabilang dito ang United States ang Canada, ang ikalawang pinaka malaking
bansa at Mexica na ika-14 napainak malaking bansasa mundo
Kabilang din sa kontinente ang Greenland ang pinaka malaking isla sa mundo
Makikita rin sa kontinente ang "Five great Lakes"Superior,Michigan,Huron,Erie, at Ontorio).
10 mula sa 25 malalaking lawa sa mundo na tubig tabang.
Ang Lake Mead sa Colarado River sa United States ay isang malaking artipisyal
na lawa at ang Great Salt Lake sa Utah ay tanyag sa pagkakaroon nito ng
mataas na uri ng saline water
South America
Sakop ng South America ang halos 12 porsyento ng kalupaan sa mundo.
Idinudugtong ito sa North America o Central America sa hilaga ng Isthmus of

Panama.
Nasa South America ang 6 na porsyento ng populasyon ng mundo
May tatlong pangunahing ilog ang south America na dumadaloy sa Atlantic
Ocean- ang Amazon, orinoco, at Paraguay-Parans.
Antartica
ang Antartica ang kontinente sa South Pole.
ito ang pinakamalamig, pinakamayelo,pinakaliblib, at pinakahuling kontinente
na natuklasa.
ang mga naglalakihang yelo sa Antartica ay may malaking ginampanan sa
klima ng ating mundo subalit ito ay naapektuhan na ng global warming.
Europe
Ang Europe ay kontinente na nagdugtong ng Asya.
Ural Mountains ,Ilog Ural at Caucasus Mountains ang nagsisilbing hangganan
ng Europe at Asya.
Europe ay hango sa pangalan ni Europa, isang prinsesang Phoenician sa
mitolohiyang Greek
Australia at Oceania
ang Oceania ay minsang inilarawan na hiwalay sa Australia dahil sa lawak ng
Australia at ang pagkakaiba ng heograpiya, klima at kultura nito.
isang islang kontinente ang Australia.
ang Australia ang pinakamaliit na kontinente subalit ito naman ang ikaanim na
pinakamalaking bansa.
Mga Uri ng Yamang Likas
Renewable-Ang yamang likas na renewable oay maaring palitan tulad ng halaman
at hayop kasama rin ang enerhiyang mulas sa araw, hangin at geothermal
Non- Renewable-Itoy mga bagay na mahirap o hindi na maaring palitan tulad ng
fossil fuels.Karamihan sa mga yamang likas ay limitado o non renewable.
Godbless

You might also like