You are on page 1of 19

Aralin 1 Katangiang

Pisikal ng Asya
Mga Klima sa Asya
Klima
Ang pangkalahatang lagay ng panahon sa isang lugar sa isang
mahabang panahon.
Ang klima sa Asya ay magkakaiba dulot ng…
1. Ekwador
ay ang imahinaryong linya na pumapalibot sa gitna ng daigdig
Ang Bahaging ito direktang nasisinagan ng araw kung kaya mas
iniit ang mga lugar nito.
2. Umiiral na hangin ( prevailing winds )-
Ito ay tumutukoy sa hanging madalas kumikilos sa isang particular
na rehiyon.
Ang pagkilos ng hangin sa bawat rehiyon ay tinatawag na
Moonsoon
ito ay hango sa salitang arabe na Mawsim ibig sabihin ay seasonal
winds
Ang Asya ng nakakaranas dalawang uri ng monsoon
Summer Moonsoon ( Habagat )
ay nanggaling sa timog- kanluran at nagdadala ng tag-ulan sa
Timog at Timog Silangang Asya
Winter Moonsoon ( Amihan )
ay nagdadala ng malamig na hangin sa Timog at Timog-Silangang
Asya. Ito ay nagmumula sa hilagang-silangan.
3. Topograpiya
Tumutukoy ito sa hugis at katangian ng kalupaan ng isang lugar.
Mahalagang malaman natin ng taas at baba ng isang lugar dahil
nakaapekto ito sa klima.
Maliban sa nabanggit na salik, maaring natin tingnan ang
temperature at ang kahalumigmigan ng isang lugar bilang
batayan upang matukoy ng klima.
Ang mundo ay nanahati sa lima pangkahalatang sonang pang
klima.
1. Humid Tropical
Ang lugar na ito ay nakakaranas dalawang uri ng panahon. tag-
ulan at tagtuyot. Ang ganitong klima ay nararanasan sa Timog-
Silangang Asya.
May Dalawang Uri
a.Tropical Wet - mainit at maulan ang panahon sa mga lugar sa
buong taon ( nakakaranas nito ang mga bansa Pilipinas,
Indonesia, Malaysia )
b.Tropical wet and dry – mainiit ang pangkahalatang klima sa
mga lugar na may panahunang pagbabago ng tagtuyot at tag-
ulan. ( nakakaranas nito ang mga bansa India, Myanmar,hilagang
Thailand.)
2. Tuyong Klima ( Arid )
Ang lugar na ito nakakaranas ng kakakulangan ng pag-ulan at tuyong klima
a. Desyerto – mainit ang pangkahalata at humigit- kumulang sampung
pulgada lamang ng ulan kada taon sa lugar na ito ( nakakaranas nito ang
mga bansa. Saudi Arabia, Yemen, Oman, United Arab Emirates, Kuwait,
Iraq, Uzbekistan. )
b. Semiarid- kumpara sa desyerto, umaabot sa pagitan ng sampu hanggang
dalawapung pulgada ang ulan sa lugar nito kada taon. (nakakaranas nito
ang mga bansa Hilangang Kazaktan, Mongolia)
3. Klimang Banayad ( Temperate )
katamtaman ang temperatura na nararanasan sa mga lugar na ito.
a. Humid Subtropical – ang mga lugar na ito ay may mainit at mahalumigmig
na tag-init ngunit maaring makaranas din ito ang matinding taglamig.
( nakakaranas nito ang mga bansa sa Taiwan,timog bahagi ng Japan.)
b. Mediterranean
Maalinsagan ang mga tag-init dito at umulan sa panahon ng tag-
lamig ( mga bansa nakakaranas nito ay ang Turkey, Syria,
Lebanon, at Israel.)
c. Marine West Coast
Mas malamig ang klima rito kumpara sa Mediterranean at
madalas din ang pag-ulan dito sa buong taon.
4. Klimang Kontinental
Ang mga lugar na ito sa pagitan ng klimang banayad at klimang
polar.
Sa lugar na nito may iba’t ibang weather phenomena gaya ng mga
tornado o buhawi.
a. Warm summer continental climate
Ang mga lugar nito ay nakararanas ng pag-ulan tuwing tag-init.
Ito ang dahilan kung bakit tinatawag din ang mga rehiyon na ito
bilang humid continental. ( bansa nakakaranas nito ay Korea,
Hilagang Hapon, Silangan Tsina at Hilagang Kazakhstan. )
b. Cool summer continental climate
Katulad ng warm summer continental climate ang mga lugar nito
ay nakakaranas pag-ulan tuwing tag-init pero mas mababa ang
dami ng tubig sa tag-ulan. At madalas may kasamang
pagniniyebe ang panahon ng tag-lamig.
c. Continental subarctic climate
Ang mga lugar nito ay nakakaranas ng maikling tag-init at
napakahabang taglamig.
Ang mag kagubatan na matatagpuan sa rehiyon na ito ay
tinatawag na Taiga. ( mga bansa nakakaranas ng ganito klima ay
Mongolia.)
5. Klimang Polar
Ang mga lugar na ito ay nakakaranas ng pangkalahatang lamig
na hindi tataas sa 10c sa buong taon.
a. Tundra climate
Malamig ng pangkahalatang klima sa lugar na ito kahit sa buwan
ng tag-araw. ( mga nakakaranas ng ganito klima ay ng Murghab,
Tajikistan.
b. Ice Cap Climate
Ang mga lugar na ito ay nagtataglay ng pinakamalamig klima sa
daigdig at nababalot ng niyebe ng lugar na ito
Mga Anyong-lupa
Ang pagkabuo ng anyong-lupa sa Asya ay bunga ng dalawang
proseo: natural at anthropogenic.
Ang natural na proseo ay maaring endogenic o exogenic.
1. Prosesong endogenic
Prosesong ito ay tumutukoy sa mga puwersang kumikilos sa
ilalim ng lupa na humuhubog sa mga anyong-lupa.
a. Bundok,kabundukan, at bulkan. ( Mountain,Volcano)
ay bunga ng banggaan ng mga tectonic plate na tinatawag na
plate convergence. Dahil dito naitutulak paitaas ang lupa at
nabubuo ang mga bundok.
Ang bulkan ay sisilbing lagusan ng mga natunaw na bato sa ilalim
ng lupa dala ng matinding init.
b. Talampas
Ito ay isang patag na lupain na may elebasyon kahit sa isang
gilid lamang nito at ito ay hahati sa dalawang uri: dissected
plateau at volcanic plateau.
c. Burol ( Hills)
Ito ay anyong-lupa na bahagyang mas mataas sa mga kalupaang
nakapalibot dito. Mas mababa ito sa mga bundok.
c. Kapatagan ( Plains)
Ito ay tumutukoy sa isang malawak ng patag na kalupaan.
d. Lambak
Ito ay isang kapatagang pahaba na napagigitnaan ng
kabundukan. Madalas na may ilog na makikita sa kahabaan ng
lambak.
f. Pulo at Kapuluan
Ay isang maliit na anyong-lupa na napapalilibutan ng katubigan.
Ang grupo ng mga pulo ay tinatawag na Kapuluan.
e. Tangway
Kumpara sa pulo ang tangway ay napalilibutan din ng tubig
maliban sa bahaging nag-uugnay rito sa mas malaking kalupaan.
h. Dalahikan ( Isthmus )
Ito ay makikitid na piraso ng lupa na nagdurugtong sa dalawang
mas malaking bahagi ng kalupaan.
2. Prosesong exogenic
Ang prosesong ito ay tumutukoy sa mga puwersa sa ibabaw ng
lupa na humuhulma sa mga anyong-lupa.
a. Karst
Ito ay nabubuo kapag ang ilalim ng lupa ay natutunaw dala ng
malakas na agos ng tubig sa ilalim nito.
b. Canyon
Ito ay makitid at malalim na lambak na pinagigitnaan ng matatarik
na pader ng lupa o bangin.
c. Dune
Ito ay isang burol ng buhangin na nabuo dahil sa pag-ihip ng
hangin. Kadalasang matatagpuan ang mga dune sa may tabing-
dagat o kya naman ay sa desyerto.
d. Sabangan ( Delta )
Ito ay anyong-lupa na hugis tatsulok na kadalasan ay
mahahanap sa bukana ng mga ilog.
e. Glacier
Ito ay malalaking tipak ng yelo na dahan-dahang gumagalaw sa
kalupaan.
2. Prosesong Anthropogenic
Ang prosesong ito ay tumutukoy sa impluwensiya ng mga tao sa
kapaligiran dulot ng kanilang mga gawain upang maiayon ang
kapaligiran sa kanilang pangangailangan.
May dalawang Uri
a. Direct anthropogenic process
Ito ay tumutukoy sa mga gawain ng tao na direktang
nakakabago sa mga anyong-lupa.
Halimbawa
Pagtatayo ng Gusali
Paghuhukay ng Lupa
Pagmanipula ng daloy ng tubig
b. Indirect anthropogenic process
Tumutukoy ito sa mga hindi ninanais na epekto ng mga
direktang pagbabago ng mga tao sa kapaligiran.
Halimbawa
Biglaang paglubog ng lupa ( SinkHole )
Mga Anyong-Tubig
Tinatayang 71 porsiyento ng ibabaw ng daigdig ay katubigan.
Ang anyong-tubig ay maipangkat batay sa uri ng tubig na
dumadaloy dito. Katubigang –alat at katubigang-tabang.
Katubigang-alat
1. Karagatan ( Ocean )
Ito ay ang pinakamalaking anyo ng katubigang-alat sa daigdig.
Sinakop nito ang tatlong-kapat na bahagi ng mundo.
2. Dagat ( Sea )
Ito ay karugtong ng karagatan at malapit sa mga kalupaan.
3. Golpo ( Gulf)
Ito ay malawak na katubigan na bahagyang napalilibutan ng lupa.
4. Look ( Bay )
Ito ay Kadalasang mas maliit kumpara sa golpo pareho silang
napalilibutan ng kalupaan.
5. Kipot ( Strait )
Ito ay makitid na anyong-tubig na nagdudugtong ng dalawa mas
malalaking katubigang-dagat.
Katubigang-alat
1. Ilog
Ito ay natural na lagusan ng tugig mula sa maliliit na bukal o
batis na dumadaloy patungo sa mga lawa, talon o kya sa
katubigang-alat.
2. Talon
Ito ay anyong-tubig kung saan dumadaloy at bumabagsak ang
tubig patungo sa mababang lugar.
3. Lawa
Ito ay malawak na anyong-tubig na mabagal ang pag-agos at
napalilibutan ng kalupaan.
Thank you po.

You might also like