You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education- Region X


Division of Valencia City
CENTRAL BUKIDNON INSTITUTE, INC.
T.P. 2022-2023

ARALING PANLIPUNAN–Grade 8
Learning Module- 3
1st Quarter

_________________________
Learner’s Name

_________________________
Parent’s Name & Signature

Teacher:
Mrs. Melody T. Colinares
Cellphone Number: 09756707199
Email: melodytagra84@gmail.com
Facebook: colinaresmelody@yahoo.com

1
Aralin 3: Mga Klima sa Daigdig
Genesis 1:14
“ At sinabi ng Dios, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa g
abi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon. ”

Enabling Outcomes: (MELC)


Base sa curriculum guide (CG), ang mag-aaral ay nakasusuri ang katangiang pisikal ng
daigdig. AP8HSK-Id-4

Concepts (Generalization)
Ang klima ay ang pangkaraniwang kondisyon ng panahon (average weather conditions) sa isang bahagi
o rehiyon ng Daigdig sa loob ng mahabang panahon. Hinuhubog ang klima sa isang rehiyong heograpikal ng
pinaghalo-halong mga salik gaya ng patterns of temperature, bangin, araw, karagatan at ibang anyong tubig,
anyong-lupa gaya ng kabundukan, at presipitasyon (precipitation). Ang precipitation ay anumang bagsak ng
tubig na maaaring ulan, niyebe (snow), at iba pa na nagmula sa ulap na nakaaabot sa ibabaw ng lupa.
Nangunguna sa mga salik na pagtatakda ng klima sa isang lugar ay ang absolute location at ang distansiya nito
mula sa sinag ng araw (Sun). Ang iba't ibang lokasyon sa daigdig ay nakatatanggap ng magkakaibang dami ng
liwanag ng araw. Kung kaya, ang ibang lokasyon ay higit na mainit kaysa sa iba. Sanhi ng nagkakaibang ito ang
hugis (Shape), paggalaw, (movement) at pagkiling (tilt) ng mundo.
May malaking epekto ang hugis ng daigdig na oblate spheroid. Nagbubunga ito ng pagtanggap ng
magkakaibang dami ng liwanag ng Araw ng iba't ibang lokasyon sa daigdig. Ang sinag ng Araw (solar rays) ay
higit na direkta at nakatuon sa may bahagi ng ekwador samantalang pakaunti nang pakaunti at nakakalat habang
lumalayo ito sa ekwador at papalapit nang papalapit sa North Pole at South Pole. Bunga nito, ang mga rehiyon
na malapit sa ekwador ay mainit ang klima sa halos buong taon samantalang papalamig naman nang papalamig
habang lumalapit sa North at South Pole. Kung kaya, tubig-ulan ang bumabagsak na precipitation sa mga lugar
na malapit sa ekwador samantalang niyebe o snow sa mga lugar na papalapit sa North at South Pole.
Ang pagkiling ng planetang daigdig sa pag-ikot nito sa araw (revolution) ay nagbubunga ng pagbabago sa
tindi ng sikat ng araw na matatanggap ng ibat ibang bahagi ng mundo. Ang pangyayaring ito ay nagbubunga ng
pagbabago ng panahon (changing of seasons) sa ilang bahagi ng daigdig. Ang.seasons ay ang panahon (period)
sa loob ng isang taon kung saan ito ay kilala sa isang partikular na uri ng panahon (weather). Sa mga lugar na
nasa middle latitude, ang paglapit at paglayo ng pagkiling ng mundo babang umiikot sa araw ang nagiging sanhi
sa pagpapalit ng seasons nito. Karaniwang inuuri sa apat ang seasons sa bahaging ito ng mundo.
Ang mga ito ay summer, winter, autumn, at fall. Karaniwang nababatay ang seasons sa temperatura at sa haba
ng araw. Subalit sa rehiyong tropiko o mga rehiyon na malapit sa ekwador gaya ng Pipinas, ang pagpapalit ng
seasons ay batay sa dami ng ibinabagsak na ulan sa halip na temperatura. Kung kaya, ang klima sa rehiyon ay
karaniwang inuuri bilang panahong basa (wet season) at tuyo (dry season).

2
Maliban sa lokasyon at sikat ng araw, salik din ang hangin partikular ang paggalaw ng hangin (movements of air)
na tinatawag na winds sa klima ng isang lugar. Ang mas mainit na hangin na nagmumula sa tropiko ay gumagalaw nang
pahilaga o patimog sa ibabang bahagi ng mundo. Samantala, ang mas malamig na hangin sa North Pole at South Pole ay
gumagalaw naman patungo sa unang bahagi ng ekwador. Kasabay ng paggalaw ng malamig at mainit na hangin ang mabilis
na pag-ikot ng mundo, ang gumagalaw na hangin (winds) ay lumilihis (Curve) na nagbubunga ng komplikasyon sa klima at
panahon sa mga lugar sa mundo.
Ang paggalaw ng hangin (movements of air) partikular ang kakaibang wind pattern din ang sanhi ng seasonal winds
na tinatawag na monsoons na nagtatakdasa kakaibang klimang nararanasan sa malaking bahagi ng Timog, Silangan, at
Timog-Silangang Asia. Ang mga seasonal wind na tinatawag na monsoons ay nagdadala ng malalakas na ulan at bagyo
mula Hunyo hanggang Oktubre (southwest monsoon) at tuyo at malamig na hangin mula Nobyembre hanggang Pebrero
(northeast monsoon). Baha at minsan ay malalakas na bagyo ang madalas na kasama ng pagdating ng southwest
monsoons, subalit ito rin ang hudyat sa pagsisimula ng pagtatanim ng mga magsasaka sa kanilang bukirin dahil sa marami
at walang-tigil na pag-ulan na dala nito.
Ang temperaturang katamtaman ng winter para sa isang mataas na latitudes na nararanasan sa halos buong
Europe ay sanhi rin ng natatanging wind pattern rehiyon. Kung ihahambing sa ibang mga rehiyon sa daigdig na may katulad
na latitude gaya ng United States at Hilagang America, ang malaking bahagi ng Europe ay nakararanas ng katamtamang
klima (mild climates). Ang North Atlantic Drift ang sanhi sa penomenang ito. Ang North Atlantic Drift ay ang mainit na
ocean current na nagmumula sa baybayin ng Sentral at Hilagang America na nagdadala ng mainit na mamasa-masang
hangin sa pamamagitan ng prevailing westerly winds sa malaking bahagi ng hilagang-kanlurang Europe. Kasamang
dinadala ng hangin sa malaking bahagi ng Europe ang katamtamang temperature at ulan, na nagbibigay-daan upang ang
mga magsasaka ay makapagtanim ng iba't ibang halamang pananim hanggang sa napakalayong hilaga gaya ng Sweden at
Iceland. Dagdag pa rito, ang mainit na tubig ay siya ring nagpapanátili na walang nabubuong yelo (ice-free) sa mga daungan
ng Norway at Murmańsk, Russia.
Naiimpluwensiyahan din ng matataas na hanay ng kabundukan ang klima sa pamamagitan ng tinatawag na
orographic effect. Ito ay nangyayari kapag ang malamig na hangin ay itinutulak patungo sa bundok. Dahil sa pagbangga ng
hangin sa bundok, ito ay kumikilos papaitaas na kalaunan ay bumabagsak din bilang presipitasyon. Bunga nito, ang bahagi
o panig ng kabundukan na nakaharap sa hangin ay nakatatanggap ng higit na halumigmig o pagkabasâ (moisture). Ang
bahaging ito ng kabundukan ay tinatawag na windward side samantalang ang panig ng bundok na nakatalikod sa hangin
3
ay tinatawag na leeward side. Karaniwang tuyo at tigang ang mga lugar sa leeward side ng mga kabundukan. Rain shadow
ang tawag sa mga lugar na ito. Ang mga disyerto ay karaniwang matatagpuan sa leeward side. Ang orographic effect ang
makapagpapaliwanag sa magkasalungat na klima na nararanasan sa mga lugar sa magkabilang bahagi ng Himalayas at
Kabundukang Andean. Dahil magkakaiba ang kapaligirang pisikal ng iba't ibang panig ng Daigdig iba’t iba rin ang klima sa
iba't ibang bahagi ng Daigdig. Subalit maaaring magkaroon ng pare-parehong klima ang isang bahagi o erya ng Daigdig
dahil sa magkatulad nitong kapaligiran at katangiang pisikal. Ang isang erya o banagi ng Daigdig na may magkaparehong
klima ay bumubuo ng isang sonang pangklima (climate zone) o rehiyong pangklima (climate region). Ang bawat Climate
region ay may natatanging weather pattern na binubuo naman ng lebel ng temperatura, presipitasyon, at kakaibang
panahon (distinct season). Maliban dito, pagkakakilanlan din ng bawat sonang pangklima ang natatanging halaman at
hayop na nagawang mabuhay, magparami, at makiangkop sa natatanging pisikal na kapaligiran at klima ng lugar. Sa
pangkalahatan, nahahati ang Daigdig sa limang pangunahing sonang pangklima. Kabilang dito ang tropical (low latitude),
temperate (mid-latitude), polar (high latitude), dry, at highland. Sa ilalim ng mga pangunahing sonang pangklima ang iba't
ibang subkategorya (subcategories) o uri na nagpapakita sa pagkakaiba-iba (variations) pa rin ng mga klima sa bawat
sonang pangklima. Tingnan ang talahanayan para sa detalyadong impormasyon.

Talahanayan 1.1.1.3 ( Pagsusuri ng Tsart )

Climate Geographic Major Weather Patterns Vegetation


Distribution
Humid Along the equator Warm and rainy year-round, Tropical rain forest
Tropical/tropical with rain totaling anywhere
wet/ tropical from 65 to more than 450
TROPICAL

rainforest in. (165-1, 143 cm) a year


Tropical Between the humid Warm all year; distinct rainy Tropical grassland with
Savana/tropical tropics and the and dry season; at least 20 scattered trees
wet and dry deserts in. (51 cm) of rain during
the summer
Desert Centered along 30’ Arid; less than 10 in. (25 cm) A few drought-resistant
latitude ; some of rain a year; sunny and plants
middle –latitude hot in tropics and sunny
deserts are in the with wide temperature
interior of large ranges during the day in
continents and along middle latitudes
DRY

their western coast


Steppe Generally bordering Semiarid; about 10-20 in grassland; few trees
deserts and interiors (25-51 cm) of precipitation a
of large continents year; hot winters with wide
temperature ranges during
a day
Mediterranean West coasts in Dry, sunny, warm summers Scrub woodland and
middle latitudes and mild, wetter winters; grassland
TEMPERATE

rain averages 15-20 in. (38-


51 cm) a year
Humid East coast in the Hot, humid summers and Mixed forest
Subtropical middle latitudes mild, humid winters; rain
year-round; coastal areas

4
are in the paths of
hurricanes and typhoons
Marine West West coast in the Cloudy, mild summers and Temperate evergreen forest
Coast upper-middle cool, rainy winters; strong
latitudes ocean influence; rain
averages 20-60 in. (51-152
cm) a year
Humid East coast and Four distinct seasons; long, Mixed forest
Continental interiors of upper- cold winters and short,
middle latitude warm summers; amounts of
continents precipitation a year vary
Subarctic Higher latitudes of Extremes of temperature; Northern evergreen forest
the interior and east long, cold winters and short,
coasts of continents warm summers; little
precipitation all year
Tundra High latitude coast Cold all year; very long, cold Moss, lichens, low shrubs;
winters and very short, cool permafrost marshes
POLAR

summers; little precipitation


Ice Cap Polar regions Freezing cold; snow and ice No vegetations
year-round ; little
precipitation
High land High mountain Temperatures and amounts Forest to tundra vegetation
regions of precipitation vary greatly depending on elevation
as elevation changes

IFL (Integration of Faith & Learning)


“ At sinabi ng Dios, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw
sa g abi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon. ”
Genesis 1:14

References:

Dr. Ronaldo,B,Mactal,(2018) Padayon: Kasaysayan ng Daigdig para sa Mataas na Paaralan,


ikalawang Edisyon. 927 Quezon Ave.,Quezon City:Phoenix Publishing House, Inc

5
Be Active (Exercises/Activities)
Panuto: manood ng video sa youtube tungkol sa iba’t ibang klima sa daigdig
https://www.youtube.com/watch?v=F-DcRwHR_Ks

Ignite (Evaluation)
Panuto: Pag-aralan ang talahanayan sa itaas at sagutin ang mga tanong. (2pts)

1. Anong dalawang panahon (seasons) mayroon ang klimang tropikal? Gamit ang Venn Diagram
ibigay ang pagkakapareho at pagkakaiba ng dalawang uri ng klima.

pagkakapareho
o

2. Ano-anong panrehiyong klima at uri ng klima ang may apat na seasons na tagsibol (spring), taglamig(winter),
taglagas(autumn/fall), at tag-init (summer)?

3. Anong uri ng klima ang walang nabubuhay na anumang halaman?Bakit kaya walang nabubuhay?

4.Nakararanas ba ng winter at malamig na panahon ang mga nasa arid o desert na klima? Bakit oo at bakit
hindi?

6
5. Paano nagkakaiba ang vegetation sa klimang subarctic at tundra? Ano-ano kaya ang sanhi ng pagkakaibang
ito?

You might also like