You are on page 1of 24

KORBEL FOUNDATION COLLEGE, INC. .

Purok Spring Uno, Brgy. Morales, Koronadal City


Contact No. 887-2051

Subject: Araling Panlipunan Grade Level: Four

Quarter: First Week: Five-Nine

I. OBJECTIVE:

1. Nailalarawan ang pagkakakilanlang heograpikal ng Pilipinas:

(a) Heograpiyang Pisikal (klima, panahon, at anyong lupa at anyong tubig)

(b) Heograpiyang Pantao (populasyon, agrikultura, at industriya)

II. PRE-ASSESSMENTS

ACTIVITY 1: Hulaan ang nakatagong salita na pinapakita ng mga bawat larawan.

B G

A N

O Y

H M

A I

E U

___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___

___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
ACTIVITY 2: Ilarawan ang mga sumusunod.

Notes:

ACTIVITY 2:
III. CONTENT/ DISCUSSIONS/INFORMATION

Week 5-9

Heograpiyang Pisikal
Mga Salik na may Kinalaman sa Klima ng Bansa
• Temperatura

Ang temperatura ay tumutukoy sa nararanasang init o lamig sa isang lugar.


May katamtamang klima ang Pilipinas sapagkat nararanasan sa bansa ang hindi gaanong
init at lamig. Karaniwang umaabot sa 31°C ang pinakamataas na temperatura at hindi
bumababa sa 23°C ang pinakamababang temperatura. Ngunit, dahil sa tinatawag na
climate change, nalalagpasan ang pinakamataas na temperatura mula 37°C hanggang 40°C
kung panahon ng tag-araw sa bansa. Naitala ito sa Lungsod ng Tuguegarao. Gayon din ang
pagkakaroon ng pinakamababang temperatura na umaabot mula 6.8°C hanggang 7.5°C na
naranasan ng mga taga-Atok, Benguet sa buwan ng taglamig sa bansa.

Ang climate change ay ang hindi pangkaraniwang pangyayari sa kalikasan. Ang


pagbabago sa klima ay pinaniniwalaang sanhi ng mga gawain ng tao na maaaring
makapagpabago sa komposisyon ng atmospera. Maaari itong magtagal o maranasan sa loob
ng ilang panahon.

Ang tindi ng init at lamig na nararanasan sa Pilipinas ay hindi magkakatulad. May mga
lugar sa bansa na nakararanas ng matinding init. May mga lugar naman na mas malamig kaysa
ibang lugar. Halimbawa, higit na malamig sa Lungsod ng Baguio kaysa sa Maynila.

Walang kinalaman ang kinaroroonang latitud ng mga lugar sa temperatura. Ang altitud o
kataasan ng isang lugar ang dahilan kung bakit malamig sa Lungsod ng Baguio. Maaasahang
malamig ang klima sa mga lugar na mataas ang kinaroroonan. Patunay nito ay ang pagdagsa
ng tao sa Lungsod ng Baguio kapag panahon ng tag-init sa bansa.

Maraming lugar sa Pilipinas ang pinakamainit sa buwan ng Mayo. Sa ibang mga lugar
naman ay pinakamainit sa mga buwan ng Abril, Hunyo, o Hulyo. Sa buwan ng Enero
nakararanas ng malamig na panahon. Bakit kaya malamig sa Pilipinas sa buwan ng Enero? Ito
ay dulot ng hanging nanggagaling sa hilagang- silangan ng Siberia. Sa nasabing buwan,
tagtunaw na ng niyebe sa Siberia.

Sa kabuuan, maituturing na kainaman ang temperatura sa bansang Pilipinas. Dahil sa


hanging nagmumula sa dagat at lupa ay maginhawa pa rin sa pakiramdam kahit mainit ang
panahon. Nakapagpapaganda sa klima ng bansa ang hanging nagmumula sa Karagatang
Pasipiko patungong Dagat Kanlurang Pilipinas. Kung minsan ay mas mainit sa lupa kaysa
sa tubig. May mga pagkakataon naman na mas mainit sa tubig kaysa sa lupa. Paiba-iba ito
dahil ang direksiyon ng ihip ng hangin ay nakabatay kung saan ang mas mainit o malamig
na lugar. Ito ang tinatawag na hanging monsoon. Ang mga hanging monsoon na dumarating
sa Pilipinas ay ang hanging amihan at hanging habagat. Ang hanging amihan ay malamig na
hangin buhat sa hilagang-silangan. Ang hanging habagat naman ay mainit na hangin na
buhat sa timog-kanluran.
Bakit kaya malamig ang
hanging amihan? Sa mga
buwan ng Nobyembre hanggang
Marso ay taglamig sa Mongolia at
Siberia. Higit na malamig ang
lupa sa mga nasabing bansa dahil
sa niyebe. Bunga nito, tumataas
ang presyon ng hangin dito. Sa
pagtaas ng presyon ng hangin
nagmumula ang bulto ng
malamig na hanging dumarating
sa Pilipinas. Kung magkaminsan,
ang malamig na hanging ito ay
may dalang ulan.
Hanging Amihan

Bakit naman kaya mainit


ang hanging habagat?

Mula buwan ng
Mayo hanggang Setyembre ay
panahon ng tag-init sa mga
bansang nasa gawing hilaga ng
Pilipinas. Ang mga lupa sa mga
bansang ito ay umiinit. Maging
ang hangin dito ay umiinit din.
Kapag ang hangin ay mainit,
magaan ito at tumataas na
nagiging sanhi ng pagbigat
ng mga ulap. Buhat sa timog-
kanluran ang hanging
dumarating sa bansa.
Nagdadala ito ng ulan sa
Hanging Habagat Pilipinas mula Mayo hanggang
Setyembre.

• Dami ng Ulan
Ang dami ng ulan ay isa rin sa mga salik na may kinalaman sa klima ng
bansa. Nakabatay sa dami ng ulang tinatanggap ng isang lugar ang uri ng
klimang nararanasan sa bansa. May apat na uri ang klima sa bansa.
Unang Uri. Mula Hunyo hanggang Nobyembre ay tag-ulan at mula
Disyembre hanggang Mayo ay tag-araw. Nakararanas ng kalahating taon ng
tag-ulan at tag-araw ang mga lugar sa bansa na kabilang sa unang uri. Ang
kanlurang bahagi ng Mindoro at Palawan sa Luzon at ang mga lalawigan ng
Negros, Aklan, Antique, Iloilo at Capiz sa Kabisayaan ay may ganitong uri ng
klima.
Ikalawang Uri. Mula Disyembre hanggang Pebrero nakara- ranas ng
pinakamalakas na pag-ulan ang mga lugar na kabilang sa ikalawang uri. Nakararanas ng
ganitong uri ng klima ang mga lalawigang nasa silangang bahagi ng Luzon—silangang
bahagi ng Albay, Camarines Norte at Camarines Sur, Catanduanes at Quezon;
malaking bahagi ng Silangang Leyte at Samar sa Kabisayaan; at mga lalawigan sa
gawing silangan ng Mindanao. Nakararanas ang mga lalawigang kabilang sa
ikalawang uri ng pag-ulan sa buong taon dahil sa kalapitan ng mga nabanggit na lugar
sa baybayin. Idagdag pa rito ang kawalan ng mga bundok na hahadlang sa dalang
ulan ng mga hanging amihan at habagat.

Ikatlong Uri. Nakararanas ng maulan at maikling panahon ng tag-araw ang


mga lalawigang kabilang sa ikatlong uri ng klima. Halos tumatagal lamang ng isa
hanggang tatlong buwan ang nararanasang tag-araw ng mga lalawigang kabilang sa
ganitong uri. Nararanasan ang ganitong uri ng klima sa Romblon, Masbate,
silangang bahagi ng mga Lalawigang Bulubundukin (Mountain Province), Katimugang
Quezon, Kanlurang bahagi ng Cagayan, at Silangang Palawan. Sa gawing Kabisayaan
naman ay nararanasan ang klimang ito sa mga lalawigan sa hilagang- silangan ng
Panay, sa bandang sentro at bahaging timog ng Cebu at Negros Oriental, at sa mga
lalawigang matatagpuan sa gawing hilaga ng Mindanao.

Ikaapat na Uri. Nakararanas ang mga lalawigang nabibilang sa ikaapat na uri


ng pantay-pantay na dami at pagkakabahagi ng ulan sa buong taon. Sa Luzon,
nararanasan ang ganitong uri ng klima sa mga lalawigang nasa hilagang-silangang
Luzon, timog- kanlurang bahagi ng Camarines Norte at kanlurang bahagi ng
Camarines Sur, silangang bahagi ng Mindoro, Tangway ng Bondoc, Albay,
Marinduque, at Batanes; sa Bohol, kanlurang Leyte, at hilagang Cebu sa Kabisayaan;
at mga lalawigang nasa Silangan at Katimugang Mindanao.

Sa tulong ng mapang pangklima, makikita ang kabuuang pagkakaiba-iba


ng klima ng mga lalawigan sa bansa. Pag-aralan ang mapang pangklima ng
Pilipinas sa ibaba.

Unang Uri kalahating taon ngtag-araw at tag-ulan.

Ikalawang Uri umuulan


sa buong taon

Ikatlong Uri maulan at


may maikling panahon
ng tag-araw

Ikaapat na Uri pantay-


pantay ang dami at
pagkakabahagi ng ulan
sa buong taon

Mapang Pangklima ng Pilipinas

Kung minsan, ang dami ng ulan bilang isa sa mga salik na may kinalaman sa klima
ng bansa ay may kasama ring kakaibang lakas ng hangin. May mga pagkakataon din na
ang pag- ihip ng malakas na hangin ay n a g p a p a t u l o y hanggang sa ito ay maging
isang bagyo. Kadalasang ang mga bagyong nararanasan sa bansa ay nagsisimula sa
Karagatang Pasipiko. Kumikilos nang pakanan papuntang gitna ang hangin ng bagyo.
Tingnang mabuti ang nakalarawan sa itaas. Sundan ang galaw ng hangin mula sa kanan
papuntang gitna.

Hilaga
H

Kanluran K S Silangan

T
Timog

• Mga Babala ng Bagyo


Gumagamit ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services
Administration (PAGASA) ng mga babala ng bagyo upang ipaabot sa mga mamamayan
kung gaano kalakas o kahina ang dating ng hanging dulot nito. Ang mga babalang ito ay
may bilang 1 hanggang 4.

Babala Bilang 1. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 30 hanggang 60


kilometro bawat oras sa loob ng 36 na oras
Babala Bilang 2. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 60 hanggang 100
kilometro bawat oras sa loob ng 24 oras
Babala Bilang 3. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 100 hanggang 185
kilometro bawat oras sa loob ng 18 oras
Babala Bilang 4. Kapag ang bilis ng hangin ay hindi bababa sa 185
kilometro bawat oras sa loob ng 12 oras

Mga Anyong Lupa sa Pilipinas

❖ Bundok
• Bundok Apo (Davao,Mindanao)
-Pinakamataas nab undok sa bansa
• Bundok Pulag
-Pinakamataas na bundok sa Luzon

❖ Kabundukan o Bulubundukin
- Ito ang mga bundok na nakahanay nang magkakarugtong

• Sierra Madre (Luzon)


- Ang pinakamahabang bulubundukin sa bansa

• Diwata (Mindanao)
• Cordillera (gitnang bahagi ng Luzon)
• Caraballo (gitnang bahagi ng Luzon)

❖ Bulkan
- Tulad ng bundok, ang bulkan ay mataasdin ngunit ito ay may butas sa tuktok.
- Naglalabas ito ng lava, isang mainit na material na mula sa pinakailalim na bahagi
ng mundo.
2 Uri ng Bulkan
1. Aktibong Bulkan
- Bulkan na kamakailan lamang sumabog o may panganib na sumabog madalas na
pangyayari sa ilalim nito.

2. Hindi Aktibong Bulkan


- Ito ay hindi na sumasabog sa loob ng maraming taon at may maliit na tiyansang
muling sumabog.

• Bulkang Mayon (Albay)


- Pinakakilalang bulkan sa dahil sa halos perpekto nitong hugis.
• Bulkang Taal (Batangas)
- Pinakamaliit na aktibo na bulkan sa mundo

• Bulkang Pinatubo (Zambales)


- Pinakamalakas na pagputok ng bulkan noong ika-20 siglo

❖ Burol
- Mas mababa kung ihahambing sa bundok sa bulkan.

• Chocolate Hills (Bohol)


- Kulay tsokolate tuwing tag-init gawa ng pagkatuyo ng mga damo. Kapag tag-ulan
naman, napakaganda ng pagkaberde ng mga damo sa mga burol na ito.
❖ Kapatagan
- Anyong-lupa na patag o pantay at malawak.
• Kapatagan ng Gitnang Luzon
- Pinakamalawak na kapatagan sa Pilipinas
Ito ang pangunahing pinagkukunan ng bigas ng bansa.

❖ Lambak
- Patag na anyong-lupa sa pagitan ng dalawang mataas na anyong lupa tulad ng
bundok.

Lambak ng Cagayan

❖ Talampas
- Isa naming anyong-lupa na patag ang ibabaw.

Lungsod ng Baguio

• El Nido, Palawan
- Dito matatagpuan ang mga talampas na gawa sa apog o limestone na nabuo 250
milyong taon na ang nakakaraan.
❖ Pulo
- Anyong-lupa na pinaliligiran ng tubig

Mga Anyong Tubig sa Pilipinas

❖ Karagatan
- Pinakamalaking anyong-tubig sa mundo.

• Karagatang Pasipiko
- Pinakamalaking karagatan sa buong mundo
- Matatagpunan sa silangang bahagi ng Pliipinas

❖ Dagat
- Mga dagat na nakapaligid sa Pilipinas
• Kanluran: West Philippine Sea
• Timog: Dagat Celebes
• Silangan: Dagat Pilipinas
• Timog-Kanluran: Dagat Sulu

❖ Ilog
- Anyong-tubig na karaniwang dumadaloy tungo sa karagatan, dagat, lawa o isa pang
ilog.
• Ilog Cagayan (Lambak ng Cagayan sa Luzon)
• Rio Grande de Cagayan
✓ Tinatayang may haba na 350 kilometro
✓ Pinakamahaba at pinakamalawak na ilog sa Pilipinas
• Rio Grande de Mindanao
✓ Pinakamahaba at pinakamalawak na ilog sa Mindanao.
❖ Lawa
- Anyong-yubig na napaliligiran ng kalupaan kaya naman ang tubig nito ay
nababakuran hindi umaagos palabas.
• Lawa ng Laguna
- Pinakamalakinh lawa sa Luzon

Lawa ng Laguna

❖ Talon
- Ang tubig nito ay bumabagsak galing sa isang mataas na lupa.
• Talon ng Aliwagwag (Davao Oriental)
Pinakamataas na talon sa Pilipinas

• Talon ng Maria Cristina (Lanao del Norte)


- Pangalawang pinakamataas na talon sa bansa

❖ Look
- Anyong-tubig na nasa baybayin ng isang kalupaan.
• Look ng Maynila
- Kilala at makasaysayan
- Nagsilbi itong daungan ng mga sasakyang pandagat noong unang panahon maging
hanggang ngayon.
Look ng Maynila

❖ Golpo
Bahagi ng dagat na karaniwag nasa bukana ng dagat.
• Golpo ng Lingayen
• Golpo ng Leyte

Kahalagahan ng Katangiang Pisikal sa Pag-unlad ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay isang arkipelago. Ang arkipelago ay isang anyong lupa na binubuo na
malalaki at maliliit na mga pulo.

May malalawak na kapatagan kung saan matatagpuan ang malalaking taniman ng


palay at iba pang produkto katulad ng tubo at mais; mahahabang bulubundukin na nagsisilbing
pangga sa mga bagyong dumarating; nakabibighaning mga bulubundukin, at bulkan na
bagaman may panganib ay nagsisilbing pasyalan; napakagandang dalampisan na nagbibigay
saya lalo na sa panahon ng tag-init; nakahihikayat na mga ilog, lawa, at talon; at malalaki at
maliliit na mga pulo.

• Turismo

Ayon sa datos ng Kagawaran ng Turismo, tumaas ng 15 bahagdan ang kinita ng bansa


sa taong 2013 kung ihahambing sa taong 2012. Ipinakikita sa tsart n amula sa taong 2010
hanggang 2014 ay patuloy na dumarami ang pumapasok na mga turista mula sa iba’t ibang
bansa kasabay rin ng pagdami ng mga lokal na turista.

International Arrivas (January-May)


2014 2,061,135
2013 2,011,520
2012 1,819,781
2011 1,609,651
2010 1,436,735

Sa pamamagitan ng mga sasakyang pandagat, napaunlad ang turismo at kalakalan.


Ang RORO (Roll on, Roll off) ay higit na nakatulong sa pagbibiyahe ng mga produkto mula sa
iba-ibang lalawigan.

Ang iba’t ibang anyong lupa ay nagkaroon ng iba’t ibang pakinabang na naging
kaagapay sa pagsulong na kaunlaran. Ilan sa mga ito ay pagsasaka at transportasyon sa
kapatagan.
Heograpiyang Pantao
Populasyon ng Bansa

Ang populasyon ay bilang ng mga taong naninirahan sa isang tiyak na luagr. Naisip mo
ba ung paano binibilang ang mga taong naninirahan sa isang bayan, lalawigan, rehiyon o
bansa? Bakit kaya kinakailangan bilangin ang tao sa isang particular na lugar?

Nabibilang ang populasyon ng isang bansa sa pamamagitan ng census. Mahalaga ang


census upang malaman ang bilang ng mga mamamayan na maituturing ding yaman ng isang
bansa. Malaki ang naitutulong ng mga tao sa gawaing pangkabuhayan. Tingnan natin ang
impormasyon mula sa iba’t ibang census na isinagawa sa bans amula sa mga tala na maaari
pa nating sangguniin sa kasalukuyan.

Taon Populasyon (milyon) Taunang Pagtaas ng Bilang (%)


1799 1,502,574 -
1800 1,561,251 3.91
1812 1,933,331 1.80
1819 2,106,230 1.23
1829 2,593,287 2.10
1840 3,096,031 1.62
1850 3,857,424 2.22
1858 4,290,381 1.34
1870 4,712,006 0.78
1877 5,567,685 2.41
1887 5,984,727 0.50
1896 6,261,339 0.50
1903 7,635,426 2.87
1918 10,314, 310 2.03
1939 16,000,303 2.11
1948 19,234,182 2.07
1960 27,087,685 2.89
1970 36,684,486 3.08
1975 42,070,660 2.78
1980 48,098,460 2.71
1990 60,703,206 2.35
1995 68,616,536 2.32
2000 76,506,928 2.34
2007 88,566,732 2.04
2010 92,337,852 1.90
2010 100,981,437 1.72
Mula sa: National Statistics Office (NSO)

Nakita natin ang mga pagbabago sa bilang ng mga mamamayan ng bansa sa iba’t
ibang taon. Hindi kasama sa binilang na populasyon mula 1799 hanggang 1896 ang mga hindi
Kristiyano. Sa isang bahagi ng hanayan, Nakita natin ang porsiyento (%) ng taunang pagtaas.
Ang pinakamalaking pagtaas ng bilang ng populasyon ay nangyari noong 1800 (3.91%) at
noong 1970 (3.08%). Ang dalawang pinakamababa naman ay noong 1887 (.72%) at 1896
(.50%). Batay sa pagsusuri ng mga eksperto sa datos hinggil sa populasyon ng bansa
hanggang 2010 ay 1.95%.

Ang paglaki o pagliit ng bilang ng populasyon ay naaapektuhan ng mga salik gaya ng


bilang ng ipinanganak, bilang ng namamatay at pandarayuhan ng mga tao. May mga
pagkakataon na ang paniniwala o relihiyong kinabibilangan ng mga magulang ay nakaaapekto
sa bilang ng ibig nilang dami ng anak. Sa ibang pagkakataon naman, ang pamahalaan ang
nagtatakda ng bilang ng maaaring maging anak ng mag-asawa. Ang mga nararanasang pag-
unlad sa larangan ng agham at medisina ay may apekto sa bilang ng mga isinisilang na
sanggol. Kaugnay naman ng bilang ng mga namamatay, maaaring ito ay naaapektuhan sa
kalagayan ng serbisyong pangkalusugan ng isang bansa. Ang sakit, epidemya at malnutrisyon
na nagiging sanhi ng kamatayan ay maaaring masugpo o mahadlangan sa pamamagitan ng
mahusay na programang pangkalusugan. Sa mga lugar na may epektibong pagtugon sa
pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan, nababawasan ang bilang ng mga
maagang namamatay. May mga pangyayari namang wala sa control ng tao na nagiging
dahilan ng kamatayan. Halimbawa nito ang mga hindi inaasahan at hindi napaghahandaang
kalamidad na nakapipinsala sa buhay ng tao. Nakaaapekto rin sa bilang ng populasyon ng
bansa ang pandarayuhan. Nababawasan ang bilang ng populasyon sa lugar na inalisan,
samantalang nadaragdagan naman ang nilipatan.

Ngayon, ang opisyal na pagbilang ng populasyon sa bansa ay pinangangasiwaan ng


Philippine Statistics Authority (na dating kilala bilang National Statistics Office o NSO). Simula
taong 1960, binibilang ang populasyon ng bansa kada ikalimang taon. Ang huling malawakang
pagbibilang ng populasyon ng bansa ay isinagawa noong 2015.

Sa pinakahuling malawakang pagbilng na ginawa ng ahensiyang ito ng pamahalaan,


natukoy nila ang sumusunod na populasyon sa bawat rehiyon ng bansa:

Rehiyon 2015 (Agosto)


Pilipinas 100,981,437
National Capital Region (NCR) 12,877,253
Cordillera Administrative Region (CAR) 1,722,006
Rehiyon ng Ilocos 5,026,128
Lambak ng Cagayan 3,451, 410
Gitnang Luzon 11,218,177
IVA-CALABARZON 14,414,774
IVB-MIMAROPA 2,963,360
Rehiyon ng Bicol 5,796,989
Kanlurang Visayas 7,536,383
Gitnang Visayas 7,396,898
Silangang Visayas 4,440,150
Zamboanga Peninsula 3,629,783
Hilagang Mindanao 4,689,302
Rehiyon ng Davao 4,893,318
SOCCSKSARGEN 4,545,276
Caraga 2,596,709
Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) 3,781,387
Mga Pilipino sa mga Embahada, Konsulado at mga Misyon sa Ibayong 2,134
Dagat

Agrikultura

Mula sa paggamit sa kapaligirang likas ng mga Pilipino, natugunan nila ang kanilang
pangangailangan. Ang malawak na kapatagan na sa matagal na panahon ay pinataba ng pag-
apaw ng mga ilog o dili kaya'y ng pagputok ng mga bulkan ay naging angkop para sa
pagtatanim ng iba't ibang uri ng halaman. Ang pinakamahalaga sa buhay ng mga Pilipino,
mula noon hanggang sa kasalukuyan, ay ang palay. Maliban sa palay, nariyan din ang iba
pang produktong pananim na pinagkukunan ng mga Pilipino ng kanilang kita. Ang niyog, tubo,
kape, tabako at abaka ay malaking tulong sa ekonomiya ng bansa sa mahabang panahon
dahil nagsilbi ang mga itong kalakal na panluwas.
Mula sa mga kagubatan ng Pilipinas, matatagpuan ang pinakamahahalagang kahoy na
kinikilala sa buong daigdig tulad ng narra, mulawin, yakal, kamagong, guijo, lauan, tangile,
apitong at iba pa. May pakinabang din mula sa mga kawayan, sasá (nipa), pandan at yantok.
Ginagamit ang mga ito sa iba't ibang industriya tulad ng paggawa ng mga mesa at upuan,
banig, at mga pandekorasyon sa tahanan. Isa pang biyaya ng kalikasan na pinakikinabangan
natin mula noon hanggang ngayon ay ang mga mina na matatagpuan sa iba't ibang bahagi ng
kapuluan tulad ng copper, ginto, pilak, chromium, lead at nickel.
Ang yamang tubig ng Pilipinas ay naghatid din sa mga Pilipino ng malaking pakinabang.
Nabuhay ang pakikipagkalakalan ng mga Pilipino sa iba pang bahagi ng Timog Silangang
Asya dahil sa mga karagatang nagdudugtong sa iba't ibang pulo. Maliban sa pagiging
tagapag-ugnay bilang daanan ng mga naglalakbay, ang mga dagat at ilog ay pinagkukunan
din ng mga pagkain tulad ng isda at iba pang lamang-dagat.
Sa pagdaan ng panahon, isa pa rin sa pinagkakakitaan ng mga Pilipino ang turismo.
Maraming turista, dayuhan man o lokal, ang naaakit na maglakbay sa bansa dahil sa pang-akit
ng magagandang likas na yaman at pamanang pook ng bansa. Patunay lamang ito na
mahigpit na nakaugnay ang ating buhay at kabuhayan sa kalikasang biyaya sa atin na ating
pinangangalagaan at iniingatan.
Ang tatag ng buhay ng mga Pilipino ay bunga ng kanilang pakikiangkop sa kanilang
likas na kapaligiran. Sa pagbabago nito pagdaan ng panahon, umaayon ang pamumuhay ng
tao.
• Tradisyonal na Kabuhayan ng mga Pilipino
Mayaman ang kapaligiran natin. At dahil mahusay umangkop ang mga Pilipino sa
kanilang kapaligiran, ang yaman ng kalikasan ay ginagawa nilang kapaki-pakinabang. Katulad
ng nabanggit na, napagyaman ng mga ninuno natin ang kaalaman sa pagtatanim ng palay
gayundin ng mga lamang ugat. Ang mga kapatagan ay pinatutubigan, hinahati-hati at
nilalagyan ng pilapil. Ito ang tinatawag na tubigan. Sa mga matataas na lugar, may mga uri ng
palay naman na itinatanim sa tinatawag na kaingin. Nililinis ang isang bahagi ng kagubatan
laluna iyong madamo at maliliit lamang ang tumutubong puno. Umaasa ang kaingin sa patak
ng ulan na nagsisilbing patubig sa mga itinatanim na palay. Sa ilang pagkakataon, ang mga
naninirahan naman sa mga mabundok na lugar na mayroong mahusay na pagmumulan ng
patubig ay lumikha ng mga hagdanhagdang palayan. Matutunghayan natin hanggang sa
kasalukuyan ang husay ng mga Ifugao sa paglikha ng mga hagdan-hagdang palayang tulad
nito na tinatawag nilang payo. Isang kahanga-hangang likha ang mga payo sapagkat
natutunan ng mga Ifugao kung paano gamitin ang kalikasan para makapagtanim ng palay.
Bukod sa palay, ang mga lamang-ugat tulad ng gabi, ubi, taro palinghoy o kamoteng
kahoy ay itinatanim din sa ilang lugar. Pinakinabangan ito ng ating mga ninuno bilang
pandagdag sa kanilang makakain.
Mangingisda rin ang mga ninuno natin. Ang kanilang mga komunidad o pamayanan na
matatagpuan sa mga tabing-ilog at tabing-dagat ay sagana sa iba't ibang uri ng isda. Dahil
may iba’t ibang paraan ng panghuhuli ng isda, gumagamit din ng iba’t ibang kasangkapan ang
ating mga ninuno. May tinatawag na salakab, bubo, at pukot bukod sa iba pa. Iba't ibang estilo
rin ng bangka ang kanilang ginagamit para sa pangingisda, gayundin sa paglalayag at
pagpunta sa iba't ibang lugar.
Sa tradisyonal na komunidad ng mga Pilipino, may matutukoy na mga "propesyunal” na
may kani-kanilang paraan upang paghusayin ang kanilang mga gawain.
Isa sa mga kinikilalang gawain o propesyon ng ating mga ninuno ang pagpapanday.
Kinikilala sa bawat lipunan ang panday sapagkat siya ang lumilikha ng mga kasangkapang
ginagamit sa pakikidigma tulad ng mga maliliit na kanyon na kilala sa tawag na lantaka. Ang
mga sibat at pana ay ginagamit din sa pakikidigma. Panday rin ang gumagawa ng mga
pinatulis na bakal na ginagamit sa pagtatanim ng mga butil gaya ng palay. Maging ang mga
alahas na yari sa ginto at pilak na ginagamit na pandekorasyon sa katawan ay likha ng mga
panday. Hanggang sa kasalukuyan, matutunghayan pa natin ang mga panday na gumagawa
ng mga itak at iba pang kagamitan sa pagsasaka.
Maliban sa pagpapanday, isa pa ring itinuturing na mahalagang gawain sa dating
lipunan ng ating mga ninuno ang paghahabi. Sa maraming lipunan mula hilaga hanggang
timog ng Pilipinas, patuloy nating masasaksihan ang gawaing ito. Karaniwang mga babae ang
kinikilalang mahuhusay na manghahabi ng kani-kanilang lipunan. Ipinapasa ng mga
nakatatanda ang kaalaman sa paghahabi sa mga nakababata. Sa ganitong paraan hindi
namamatay ang tradisyon. Makukulay ang habi ng mga sinaunang Pilipino. Ang iba naman ay
gumagamit ng sinulid mula sa bulak. Para sa tina, ginagamit ng mga sinaunang manghahabi
ang ugat, katawan at dahon ng iba't ibang halaman bilang pangkulay sa mga sinulid.
Isa ring mahalagang gawain sa sinaunang lipunang Pilipino ang pagpapalayok. Sa iba’t
ibang pook sa Pilipinas, makakuha pa rin ganggang ngayon ng iba’t ibang uri ng luwad na
maaaring hulmahin upang gawing palayok, banga o tapayan. Hahangaan natin ang husay
talino ng mga kababaihan at kalalakihang magpapalayok. Matapos dumaan sa kanilang mga
kamay at matapos paikutin sa kanilang gulong ang mga ordinaryong luwad, nahuhulma ang
mga palayok at tapayan na maaaring paglutuan, pag-imbakan ng tubig at alak at maging ng
mga pagkain tulad ng bagoong. Ginagamit din sa ilang pagkakataon ang mga palayok at
tapayan para sa mga ritwal na panrelihiyon gaya ng pag-aalay ng pagkain at inumin sa mga
ninuno. Magpahanggang ngayon, kilala ang iba't ibang bayan sa bansa na may mahusay na
produksiyon ng banga at tapayan. Maaari nating banggitin ang Vigan, Ilocos Sur na kilala sa
mga tapayang tinatawag nilang burnay.
Mayroon ding mga mang-uukit sa sinaunang lipunan natin. Sila ang lumilikha ng mga
produkto mula sa kahoy tulad halimbawa ng mga bangka. Pati ang paggawa ng bahay at mga
kagamitan sa loob nito ay produkto ng malikhaing kamay ng mga mang-uukit.
Lahat ng likha ng mga panday, manghahabi, magpapalayok at manguukit ay may iba't
ibang gamit sa sinaunang lipunan mula pagsasaka hanggang pakikidigma, mula sa kasuotan
hanggang sa mapaglilibingan, at mula sa paggawa ng mga bahay na matatahanan hanggang
sa mga bangkang magagamit sa paglalakbay at pandarayuhan. Bukod sa pagkakaroon ng
gamit, maituturing ding mga likhang sining ang mga ito. Makikita sa lahat ng kanilang ginawa
ang husay ng kanilang pag-iisip kung paano magiging kaakit-akit sa mga mata ang kanilang
mga ginawa. Sa pagdaan ng panahon, higit pang darami ang mga hanapbuhay at industriya
ng mga Pilipino.

• Pakinabang na Pang-ekonomiya mula sa Ating Likas na Yaman


Matapos nating balikan ang mga tradisyonal na kabuhayan ng mga Pilipino, makikita na
nagpapatuloy pa ang marami sa mga ito hanggang sa kasalukuyan. Isa sa mga pakinabang
na pangkabuhayan ng mga Pilipino na nakaugnay sa mayamang kalikasan ang pagsasaka.
Matataba ang mga lupain sa Pilipinas na angkop para sa produksiyong agrikultural. Itinatanim
pa rin ng mga magsasaka natin ang palay na siyang nangunguna sa ating mga produkto.
Tingnan ang kasunod na hanayan na nagpapakita ng dami ng mga produkto mula sa
pagsasaka:

Produksiyong Agrikultural ng Pilipinas Para sa Taong 2016


Uri ng Pananim Dami
(sa libong metriko tonelada)
Palay 18,032.4
Mais 7,406.8
Niyog 15,862.4
Tubo/Asukal 26,395.9
Saging 9,226.0
Pinya 2,397.6
Mangga 768.2
Goma 443.0
Kamoteng-kahoy/Cassava 2,223.1
Kamote 516.4
Mula sa: Bureau of Agricultural Statistics
Makikita sa talahanayan ang nangungunang sampung produktong agrikultural ng
Pilipinas. Mapapansin na ang tatlong nangunguna sa produksiyon ay tubo/asukal, palay, at
niyog. Malinaw na masasabi natin na ang mga produktong agrikultural na nabanggit ang
bumubuhay sa maraming mga magsasaka sa bansa. Ang inaani nila sa kanilang mga lupang
sakahan ay dinadala sa iba't ibang mga lugar sa bansa o kung hindi man ay iniluluwas sa iba
pang mga bansa sa daigdig. Tunay na napakayaman ng ating mga lupain. Pagpapatunay ito
na lupa, sa pamamagitan ng agrikultura, ang isa sa mga pinagkukunan natin ng ating
ikinabubuhay.
Nagpapatuloy rin ang industriya ng pangingisda sa Pilipinas Hanggang ngayon. May
mga pangisdaan tayo sa mga dagat at karagatang nakapaligid sa ating kapuluan. Ang
pamamaraan ng pangingisda na ginagamitan ng malalaking bangka at isinasagawa sa mas
malalalim na bahagi ng karagatan ay tinatawag na “commercial fishing." Maramihan ang
ginagawang panghuhuli ng isda sa ganitong pamamaraan. Ang mga maliliit na bangka na
ginagamit naman sa mas malalapit na bahagi ng dagat ng bawat bayan ay tinatawag na
"municipal fishing." Ang mga isda at lamang-dagat na nakukuha sa pamamagitan nito ay
ipinagbibili lamang sa mga lokalidad na pinanggalingan ng mga mangingisda. May isa pang uri
ng pangingisda at pag-aalaga ng isda sa mga palaisdaan na tinatawag na "aquaculture.” Iba't
iba ang inaalagaang isda rito gaya ng bangus, tilapia at karpa. May mga palaisdaan din na
ginagamit para sapag-aalaga ng sugpo at alimango. Malaki rin ang naitutulong nito sa
kabuhayan ng mga tao.
May mga pakinabang din tayong nakukuha mula sa ating mga kagubatan. Noong hindi
pa ganap na nasisira ang mga gubat sa Pilipinas, iba't ibang uri ng troso ang kinukuha mula
rito. Ginagamit ang mga kahoy sa paggawa ng mga bahay, mga muwebles at iba pang
produkto gaya ng papel at plywood. Ngunit dahil sa pangangailar pangalagaan ang ating mga
kagubatan sa napipintong ganap na pagkasira, mahigpit na kinukontrol at hindi na hinihikayat
no pamahalaan sa pamamagitan ng mga ahensiya ng gobyerno ang pagputol ng mga puno sa
kagubatan
Dagdag sa ikinabubuhay ng mga mamamayan ang turismo. Dahil sa angking yaman ng
ating kapaligiran na makikita sa ating mapanghalinang mga tanawin, dumarayo sa Pilipinas
ang mga turista. Sa kasalukuyan, turismo ang isa sa mga mahalagang kabuhayan ng mga
mamamayan sa bansa. Narito ang tinipong estadistika ng pagdating ng turista sa Pilipinas
mula 2010 hanggang 2013:

Bilang ng Turista sa Pilipinas sa Nakalipas na Ilang Taon


Pinanggalingang Lugar 2013 2012 2011 2010
ASEAN 422,061 375,190 335,222 298,176
Silangang Asya 2,298,597 2,038,987 1,842,133 1,563,013
Timog Asya 69,333 63,860 62,961 50,914
Kanlurang Asya 68,916 57,275 55,829 48,716
Hilagang America 808,531 778,162 743,448 707,705
Timog America 6,058 5,133 4,208 3,650
Kanlurang Europa 186,479 177,831 158,393 149,193
Hilagang Europa 196,441 181,978 164,205 150,178
Tinog Europa 38,239 35,935 33,531 32,388
Silangang Europa 46,907 37,916 27,171 21,821
Mediterrean Europe 11.406 9,026 7,651 7,411
Oceania/Pasipiko 276,722 252,711 228,144 203,211
Africa 5,515 5,163 4,193 3,584
Iba Pa 42,290 37,701 52.392 52,066
Mga Pilipinong Naninirahan sa 203,612 215,943 207,152 228,445
Ibayong Dagat
Kabuuang Bilang 4,681,307 4,272,811 3,926,633 3,520,471

• Pambansang Ekonomiya
Kung pagbabatayan ang Artikulo XII ng ating Saligang Batas, makikita natin ang
pagbibigay-diin para sa pambansang ekonomiya. Nilinaw sa nasabing artikulo na ang
pambansang ekonomiya ay higit pang pantay-pantay na pamamahagi ng mga pagkakataon,
kita at kayamanan para sa kapakinabangan ng buong sambayanan. Ang pamahalaan ang
tagapagtaguyod ng kabuhayan tungo sa pagiging produktibo para maiangat ang uri ng
pamumuhay ng lahat ng mamamayan lalo't higit ang mga mahihirap na Pilipino. Dapat ding
bigyan ng pagkakataon na lumago ang iba't ibang industriya at ang pagkakaroon ng disenteng
hanapbuhay para sa lahat.
Dahil ang malaking bahagi ng kabuhayan ng mga Pilipino ay nakasalalay sa
pagsasaka, tungkulin ng pamahalaan na mapaunlad ang hanapbuhay na ito. Isa sa mga
programa ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng pagsasaka ang pagbibigay
ng maayos na patubig sa mga lupang sakahin sa bansa. Dapat ding pangalagaan ng
gobyerno ang yamang-dagat nito na matatagpuan sa mga karagatang pangkapuluan, dagat
teritoryal at eksklusibong sonang pangkabuhayan ng Pilipinas. Pinangangalagaan ng
pamahalaan ang karapatan ng mga mangingisda sa bansa sa pamamagitan ng pagpapatupad
ng mga patakarang nagbabawal sa mga mapang-abusong gawain tulad ng iligal na
pangingisda.
Sang-ayon din sa Saligang Batas ng Pilipinas, "Ang lahat ng mga lupaing ari ng bayan,
mga tubig, mga mineral, karbon, petrolyo at iba pang mga langis mineral, lahat ng mga lakas
ng mga potensiyal na enerhiya, mga pangisdaan, mga kagubatan o mga kakahuyan, buhay-
ilang, halaman at hayop, at iba pang mga likas na kayamanan ay pag-aari ng Estado. Hindi
maaaring ilipat kanino man ang lahat ng iba pang mga likas na kayamanan maliban sa mga
lupaing pansakahan. Dapat sumailalim sa ganap na kontrol at superbisyon ng Estado ang
paggalugad, pagpapaunlad, at pagsasagamit ng mga likas na kayamanan."
Kung pagbabatayan ang Artikulo XII ng ating Saligang Batas, makikita natin na ang
mga lupaing pag-aari ng Pilipinas ay inuuri bilang pansakahan, kagubatan o kakahuyan,
lupaing mineral, at mga pambansang parke. May tiyak na saklaw ang mga lupaing kagubatan
at mga pambansang parke. Dapat itong pangalagaan upang hindi masira at
mapagsamantalahan. Mahalaga ang ganitong uri ng lupa dahil dito matatagpuan ang
pinagmumulan ng tubig. Pinangangalagaan din ng gobyerno ang mga karapatan ng mga
katutubong pamayanang kultural sa kanilang mga minanang lupain upang matiyak ang
kanilang kagalingang ekonomiko, panlipunan at pangkultura.
Kaugnay naman ng mga lokal na industriya ng bansa, tinitiyak na dapat suportahan ng
pamahalaan ang mga hanapbuhay na nagtataguyod ng paggawang Pilipino at gumagamit ng
mga materyales na mula sa Pilipinas. Para lalo pang paunlarin ang ating kabuhayan, may
suportang inilalaan para sa mga Pilipinong siyentipiko na nag-aaral kung paano mapapaunlad
ang ating kabuhayan. Ang mga nagpapakadalubhasa sa iba't ibang larangan para magkaroon
ng teknikal na kahusayan at maging mga propesyunal sa kanilang piniling larangan ay
sinusuportahan din ng pamahalaan. Dagdag dito, ang pagpapasok ng mga angkop na
teknolohiya na hindi nakakasira sa kalikasan at mapapakinabangan ng nakararaming Pilipino
ay hinihikayat din.
Industriya
• Pagmimina
- Pagkuha at pagproseso ng mga yamang mineral (metal, di-metal, o enerhiya)
upang gawing tapos na produkto o kabahagi ng isang yaring kalakal.
- Ang mismong produkto, hilaw man o naproseso ang nagbibigay ng kita para sa
bansa

• Pagmamanupaktura
- Ito ay tumutukoy sa paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual labor
o ng mga makina.

- Nagkakaroon ng pisikal o kemikal na transpormasyon ang mga materyal


o bahagi nito sa pagbuo ng mga bagong produkto.

• Konstruksiyon
- Kabilang dito ang mga gawaing tulad ng pagtatayo ng mga gusali, estruktura at
iba pang land improvements.

• Utilities
- Ito ay binubuo ng mga kompanyang ang pangunahing layunin ay matugunan ang
pangangailangan ng mga mamamayan tulad ng tubig, kuryente at gas.
- Kasama dito ang paglalatag ng mga imprastruktura at angkop na
teknolohiya upang maihatid ang nararapat na serbisyo sa lahat ng tao.
Notes:
IV. ASSESSMENT

Part 1: Piliin sa hanay B ang inilalarawan sa hanay A

A B
1. Pagbabago sa klima na A. Babala
sanhi ng mga gawain ng tao bilang 3
na maaaring makapagpabago sa
komposisyon ng atmospera
2. Hanging mainit buhat B. Climate
sa timog-kanluran Change
3. Malamig na hangin buhat C. Hanging
sa hilagang-silangan amihan
4. Paiba-ibang direksiyon ng D. Hanging
ihip ng hangin na nakabatay habagat
kung saan ang mas mainit
o malamig na lugar
5. May pantay-pantay E. Hanging
na dami at pagkakabahagi monsoon
ng ulan sa buong taon
6. Maulan at may maikling F. Ikaapat na uri
panahon ng tag-araw
7. Maulan sa buong taon G. Ikalawang uri
8. May kalahating taon ng H. Ikatlong uri
tag-ulan at tag-araw
9. Nararanasang init o lamig I. Temperatura
sa isang lugar
10. Ang bilis ng hangin ay J. Unang uri
umaabot ng 185 kilometro
bawat oras sa loob ng 18 oras

Part 2: Tukuyin ang isinasaad ng mga sumusunod sa bawat bilang.

_________________1. Ito ay pinakamahaba at pinamalawak na ilog sa Pilipinas.

_________________2. Anyong lupa na pumuputok at bumubuga ng lava.

_________________3. Ang talon na ito ay ang pinakamataas sa buong Pilipinas.

_________________4. Ito ang pinakamalaking anyong tubig sa mundo.

_________________5. Ito ay burol na kulay tsokolate at matatagpuan sa Bohol.

_________________6. Ito ay pinakamataas na anyong lupa.

_________________7. Ito ay anyong lupa na pinakamaliit na aktibong bulkan.

_________________8. Ito ay anyong lupa na patag ang ibabaw.

_________________9. Ito ay anyong tubig na karaniwang dumadaloy tungo sa karagatan,


dagat, lawa o isa pang ilog.

_________________10. Ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas.


Part 3: Pumili ng tig-iisang anyong lupa at anyong tubig. Maghanap ng larawan ng mga
ito at idikit sa ibaba. Ilarawan ang mga napili.
Part 4: Isulat ang tamang sagot sa patlang:

1. Paano nakatutulong sa pag-unlad ng Pilipinas ang mga magagandang tanawin?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

2. Paano maiingatan ang ating mga magagandang tanawin?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.
3. Ano-ano ang halimbawa ng mga tradisyonal na hanapbuhay ng mga Pilipino?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
.

Part 5: Uriin ang mga sumusunod na produkto. lagyan ng letra A kung ito ay nabibilang sa
pagmimina, B kung ito ay pagmamanupaktura, C kung konstruksiyon at D kung ito ay
nabibilang sa utilities.

___________1. serbisyo ng tubig

___________2. pagkuha ng langis

___________3. pagproproseso ng asbestos

___________4. paggawa ng shampoo at sabon

___________5. pagbibigay ng kuryente

___________6. canned foods

___________7. pagtatayo ng mga tirahan

___________8. paggawa ng kalsada

___________9. pagbebenta ng mga bakal

___________10. serbisyong telepono


V. FEEDBACK

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Parent’s Signature: ______________________________________________________

Teacher’s Name and Signature: ____________________________________________

Coordinator’s Name & Signature: ___________________________________________

You might also like