You are on page 1of 2

KATANGIANG PISIKAL NG AKING LALAWIGAN AT REHIYON.

TOPOGRAPIYA – ay tumutukoy sa mga pisikal na katangian ng isang lugar, kabilang ang mga
anyong lupa at anyong –tubig.
MGA ANYONG LUPA :
1. bundok – isang mataas na anyong lupa na pinaninirahan ng iba’t –ibang uri ng hayop at
katatagpuan ng iba’t -ibang halaman.

Bundok Apo – pinakmataas na bundok sa Pilipinas.


Bundok Kanlaon – ang pinakamataas na bundok sa kanlurang Visayas.
Bundok Pulag – pinakamataas san a bundok sa Luzon na makikita sa Cordillera.

2. bulubundukin – ay binubuo ng mga bundok na magkakatabi at magkakahanay.

Sierra Madre – ang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas.


Caraballo at Cordillera - makikita sa Luzon
Diwata – sa Mindanao

3. burol – anyong lupa na mas maliit at mas mababa kaysa sa bundok.


Chocolate Hills – tumpok-tumpok na burol na iba’t –iba ang laki na makikita sa Bohol

4. kapatagan – isang malawak at patag na anyong lupa.


Gitnang Luzon – tinatawag na “ kamalig ng palay ng bansa”.
Negros Occidental – may malalawak na kapatagan na tinataniman ng tubo.

5. lambak – ay patag na anyong lupang napapagitnaan ng mga bundok o bulubundukin.

Lambak ng Cagayan – napapagitnaan ng mga bulubundukin ng Cordillera at Sierra Madre


- kilala ito sa pagkakaroon ng mga produkto ng mais, palay, prutas at gulay.

MGA ANYONG TUBIG


1. ilog – anyong tubig na karaniwang umaagos mula sa bundok patungo sa dagat.

2.dagat- isang malaking bahagi ng tubig.


- Hal: Philippine Sea, Sulu Sea, Celebes Sea, West Philippine Sea

3. karagatan – ay isang anyong tubig na higit na malaki kaysa sa dagat.

4. talon – anyong tubig na dumadaloy mula sa isang mataas na bahagi ng isang pook papunta
sa isang mas mababang bahagi nito.

Aliwagwag Falls – sa Davao Oriental ang pinakamataas na talon sa Pilipinas.


Maria Cristina Falls – sa Lanao
Pagsanjan Falls - sa Laguna
5. lawa – ay anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
Laguna Lake – pinakamalaking lawa sa Pilipinas.
6. look – bahagi ng dagat ng bahagyang napaliligiran ng lupa.
- ginagamit na daungan ng barko at pasyalan.

KLIMA - tumutukoy sa lagay ng panahon( weather ) sa isang lugar sa loob ng mahabang


panahon.

Pilipinas – ay matatagpuan sa pagitan ng equator at Tropic of Cancer.


- may klimang tropikal
- may apat na uri ng klima.

PAGASA – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration

Klima ng Pilipinas:
1. tropikal – nahahati sa tag-ulan at tag-init
2. maritimo – nakabatay sa lapit ng lugar sa dagat.

Batayang maritimo – ay tumutukoy sa kaugnayan ng pag-ulan sa isang lugar at ng lapit nito


sa malalaking anyong tubig tulad ng dagat at karagatan.
Mga Salik ng Klima:
1. temperatura –ang mga lugar na may mataas na elebasyon ay may mas mababang
temperatura. Hal: Baguio, Benguet, Tagaytay at Bukidnon.
Enero – ang pinakamalamig na buwan.
Mayo – ang pinakamaiinit.
Celsius – ay isang panukat ng temperatura.
2. Humidity – tumutukoy sa kahalumigmigan ng atmospera.
- mas maalinsangan o mainit sa panahon ng Marso hanggang Mayo .

3. Pag-ulan - ay paiba –iba sa bawat rehiyon batay sa direksiyon ng pag-ihip ng hangin.


Cotabato – pinakamadalang makaranas ng pag-ulan sa bansa.

4. Galaw ng hangin – nakakaapekto rin sa klima ng Pilipinas


trade winds – mula sa hilagang –silangan o silangan at dumaan sa Pacific Ocean
- nadarama ito mula Pebrero hanggang Marso

monsoon – isang sistema ng pag-ihip ng hangin na nagdadala ng pag-ulan sa


isang lugar.
2 Uri ng monsoon:
1. amihan – nagmula sa hilagang silangan
- tuyo at malamig , nararanasan mulaNobyembre hanggang Pebrero.
2. habagat – nagmumula sa timog-kanluran
- nagdadala ng pag-ulan at nararanasan mula Mayo hanggang Oktubre.

climate change – ay tumutukoy sa pagbabago ng pattern ng panahon sa loob ng


mahabang panahon.

Epekto ngClimate Change:


1. pagkakaroon ng malalakas na bagyo sa mga lugar na dati ay hindi nakararanas nito.
2. malawakang pagbaha
3. matinding lamig o init sa ibang bansa na hindi nakararanas nito noong mga
nakaraang taon.

========================================================

You might also like