You are on page 1of 2

POINTERS in AP (1st Quarter)

Klima – tumutukoy sa pangkalahatang kalagayan ng kapaligiran sa mahabang panahon na may


kinalaman sa atmospera.

Limang uri ng Klima sa Mundo

1. Tropikal na klima – may mainit at maalinsangang klima. Nararansan sa mga rainforest at


tropical savanna.
2. Tuyot na klima – ito ang may klima na napakatuyot dahil mabilis na pagsingaw ng
halumigmig sa hangin, nararansan sa mga disyerto.
3. Katamtamang klima – kadalasang mainit at maalinsangan na may paulan-ulan at bahagyang
tag-lamig.
4. Kontinental na klima - may mainit hanggang malamig na tag-araw at matinding tag-lamig.
Sa panahon ng tag-lamig nakakaranas ito ng bagyo ng niyebe, malakas ang hangin at
malamig ang temperature.
5. Klimang Polar – may nagyeyelo at mababang temperature.

Tropiko ng Kanser at Kaprikorn – tinatawag na mababang latitude o Rehiyong Tropikal.

Rehiyong temperate – nasa pagitan ng Arktiko at Tropiko ng Kanser at nasa pagitan ng Antartiko
at Tropiko ng Kaprikorn na nakakaranas ng katamtamang klima at may may panahon ng tag-lamig,
tag-init, tagsibol at taglagas dahil sa pahilis na sikat ng araw sa bahaging ito ng mundo.

Tagtuyot at Tag-ulan – dalawang panahon mayroon ang Pilipinas.

Mga Salik na Nakakaapekto sa Klima ng Bansa

1. Lokasyon – ang mga lugar na napapalibutan ng kagubatan at kabundukan ay malamig. Ang


mga malapit naman sa dagat at natatabingan ng mga bundok ay mainit.
2. Temperatura – ang mga bahagi ng bansa na nasa matatas na lugar ay malamig at mainit sa
mababang lugar.
3. Hangin
Hanging Monsoon – maaring maging hanging amihan o hanging habagat.
Hanging Amihan – galing sa Hilagang-Silangan sa bansang Siberia at Mongolia mula
Nobyembre hanggang Marso.
Hanging Habagat – nagmumula sa Timog Kanluranna nararanasan sa buwan ng Mayo
hanggang Setyembre. Ito ang hanging nagdadala ng malakas na hangin at bagyo sa bansa.
4. Dami ng ulan – Ang kinalulugaran ng Pilipinas sa pasipiko ay ang sona ng bagyo kaya
madalas ang pagdaan ng bagyo sa bansa. Nangyayari ito mula Hulyo hanggang Nobyembre.

Batanes – Bahagi sa Pilipinas na maulan na daanan ng bagyo kung kayat ang mga bahay dito ay
gawa sa bato upang maiwasan ang pagkasira ng mga ito.

Mga Anyong Lupa sa Bansa

1. Bulubundukin – binubuo ng mga hanay na bundok.


Sierra Madre – bulubundukin na tinuturing na may pinakamahabang sukat sag awing
Silangan na nagsisimula sa Timog ng Cagayan hanggang Isabela at Nuva Vizcaya ng Rehiyon
II at sa lalawigan ng Quezon sa Rehiyon III.
Bulubundukin ng Caraballo – itinuturing na pinakamataas na bulubundukin na nasa dakong
Abra-Ilocos Norte
Bulubundukin ng Cordillera - itinuturing na pinakamataas na bulubundukin sa gawing Hilga
ng Luzon.
Bulubundukin ng Zambales,Bulubundukin ng Diwata at Rio Grande - itinuturing na
pinakamataas na bulubundukin sa Mindanao.
2. Bundok – mataas na kalupaan at may matulis na tuktok. Mabato ang paligid nito.
3. Bulkan – uri ng kalupaan na maaring pumutok anumang oras.
200 – tinatayang bilang ng bulkan sa bansa. Nasa 50 sa mga ito ang aktibo.
4. Burol – uri ito ng anyong lupana mataas subalit mas mababa sa bundok. May anyo itong
paalon-alon.
5. Talampas – mataas na anyong lupa na Patag ang ibabaw sa gulod o bundok. Tinatawag din
na plateau sa ingles.
6. Tangway – uri ng kalupaan na napaliligiran ng tubig sa tatlong sulok.
7. Kapatagan – uri ng kalupaan na Patag ang istruktura. Maaring taniman o tirahan.
8. Pulo – maaaring Malaki o maliit ang sukat at napapaligiran ng tubig sa lahat ng bahagi.
9. Lambak – uri ng kalupaan na patag sa pagitan ng dalawang bundok.

Mga Anyong Tubig

1. Ilog – Anyong tubig ito na umaabot ng ilang kilometro ang haba. Matabang ang lasa ng
tubig na ito.
2. Look – Anyong tubig na pinagdadaungan ng mga barko at bangka.
3. Lawa – Isang anyong tubig na pinalilibutan ng lupain. Tinatawag na mga panloob na dagat
ang malaking lawa.
4. Batis – may natural na tubig na umaagos.
5. Karagatan – anyong-tubig na pumapalibot sa lahat ng bansa. Maalat ang tubig at maraming
uri ng isda at hayop ang makikita rito.
6. Sapa – maliit na anyong tubig at mababaw lamang. Kadalasang natutuyo kapag tag-init.
7. Talon – nagmumula ang tubig sa taas ng bundok at pagbagsak ang daloy ng tubig.

Mga Likas na Yaman ng Pilipinas

Yamang Lupa – Ang Pilipinas bilang isang agricultural na bansa ay kilala sa mga produktong
agricultural nito. Dahil ito sa mataba at sagananag kalupaan na mayroon ang ating bansa kaya’t
maraming produkto ang nakukuha mula sa pagtatanim.

Yamang mineral – ito ay madaling maubos at di napapalitan. May tatlong uri ng mineral, metaliko,
hindi-metaliko at panggatong.

Yamang Gubat – mga natatanging hayop, halalaman puno at bulaklak. Pilandok, tamaraw, Philippine
monkey-eating eagle.

Yamang tao – kung walang tao ay walang maituturing na bansa.

Yamang tubig – makukuha mula sa mga anyong tubig tulad ng look, lawa, dagat at iba pa.

Pacific Ring of Fire po Circum-Pacific Belt – dito matatagpuan ang Pilipinas. Sa rehiyong ito
matatagpuan ang maraming aktibong bulkan at ang madalas na paglindol.

Mga Maagap at Wastong Pagtugon sa Panganib

Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) – namamahala sa mga earthquake drill
na isinasagawa bilang paghahanda sa pangyayaring maranasan ang paglindol.

You might also like